bc

Earth's Augury

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
adventure
HE
kickass heroine
serious
mystery
rejected
superpower
war
like
intro-logo
Blurb

"Veil is power, and so myself."

A phenomena that covered humanity in frightening blood light occurred in the year 1900. When the moment came for them to be released from that curtain after spending decades there, they found that something had awoken inside of them. A power that, following test runs, scientists gave the name "veil."

With their newfound ability, known as the veil, humanity quickly rose once more, making the Earth a potent planet. Humanity was unstoppable, and a number of war sprouted to claim dominance.

However, a nation reign supreme above all, an island that drifted away from the Philippines - located at the center of the Pacific Ocean - it became Isla Heartfillia - they were once an ordinary human, until the veil bestowed them the protection... a power, a gift... and a curse.

Year 2045, an ordinary girl from the island, Earth just so happened to walk by a scene with the crawling woman, the royal guards, and the necklace in her grasp. When their eyes met, Earth was being pursued, her necklace hanging around her neck, and just as she was going to be apprehended, she vanished.

At that moment, Earth's augury became certain.

chap-preview
Free preview
KABANATA ISA
KABANATA 01: ANG MAG-AARAL NI GINOONG TAKAO FUJIWARA *** Napakislot ako at napayuko. Heartveil City. Entrada. Alas singko. Ha!? “Earth! Sa harapan mo!” yamot na palahaw ni Ravi nang muntikan na akong tumilapon palabas ng marka. Mabuti at agad kong nasalag ang pag-atake ng aking kalaban. “Lumilipad yata ang iyong isip, Earth. Pagod ka na ba?” nakangiting tanong ng lalaking may hawak ng espadang gawa sa kahoy — tila isa siyang mananayaw na bawat galaw ay konektado, at maingat. Kahit ilang beses mong obserbahan ay lubhang mahihirapan kang hanapan ng butas ang kanyang mga galaw. Ano pa bang maaasahan ko sa pinakamagaling na lalaking estudyante ng paaralang ito? “Ha! Mukhang uulan, ah? Parang kanina lang ay maaraw pa, ano kayang nangyari, Mahal na Prinsipe?” sabat ko naman at muling inundayan ng sunod-sunod at mabibilis na hampas ang prinsipe subalit parang wala lang niya itong nasasalag. “Oh? Hindi ko alam ang iyong sinasabi, binibini,” matamis ang ngiti niyang wika. Nagawa niya pang hawiin ang mahabang buhok na humaharang sa kanyang mukha na animo'y hindi man lang nahihirapang ako ang kaniyang kalaban. Ha! Pinagmasdan ko siya. Malalim ang kanyang paghinga, naliligo na sa sariling pawis, at higit sa lahat, sobrang dilim na ng kalangitan. Ang kaninang pabugso-bugsong hangin, ay nagngangalit na ngayon. Dagli siyang umatake, bawat wasiwas ng kanyang espada ay naglilikha ng mumunting hugong, at sinusundan nang marahas na hangin. Matalim ang hangi't isang maling galaw ko ay siguradong masusugat ako. Ngunit, estudyante rin ako ng paaralang ito, at ni minsan ay hindi pa ako natalo...sa normal na pamamaraan... “Hmm, magaling. Ngunit pakatatandaan mo, hindi lamang sandata ang dapat mong salagin,” pangaral niya matapos kong muling masalag ang kanyang tangkang pag-atake sa ulo ko. Ngumisi ako at pilit na itinutulak siya palayo, ngunit masyadong malakas ang hanging tumutulak sa akin palabas sa guhit. Nangitngit ko ang mga ngipin nang bigla niyang sinipa ang sikmura ko. Sinundan niya pa iyon ng isa pa sa kaliwang binti ko. Ha! Halos maduwal ko ang mga kinain ko sa sipang iyon. Hindi ko napigilang umatras. Alam kong nagiginig ngayon ang buong katawan ko ngunit sinubukan ko pa ring kalmahin ang sarili. Nang saglit akong mapatingin sa kalangitan ay alam kong hindi na ito magtatagal pa. Ha. “Tapusin na natin 'to!” deklara ko at nang tiyak na ang kanyang pagkapanalo ay natigilan siya. Ngumiti ako at pinong pinadyak ang kaliwang paa. Mula sa paa, ay nabalot ng yelo ang kanyang buong katawan. “Eh? Eh? Eh?” Nangiti ako at maingat na ibinaba ang kanyang espada. Muli kong nilislis ang aking suot na puting kasode at hinila siya palabas ng bilog 'saka abot tengang nilingon ang pinsan kong si Ravi habang pinapagpag ang damit. “Ayos ba, Ravi? Galing ko 'n— ah.” Masakit ngang talagang makagat ang sariling dila. Nanlaki ang mga mata ko nang mamataan sa likuran ni Ravi ang may-ari ng Fujiwara's School for Combat na si Ginoong Takao Fujiwara. “Hindi ba't sinabi kong bawal gumamit ng veil?! Tanggalin mo ang epekto ng veil kay Prinsipe Argo, ngayon din!” bulalas ng kadarating lang na ginoo habang wari'y torong humahangos patungo sa akin. Tinaas ko ang aking mga kamay at pilit na ngumiti. “Pero, 'tay. Nauna siyang gumamit ng veil. Nakita niyo naman po siguro ang biglang pagbabago ng panahon 'di ba? Kaya nga po kayo bumalik agad 'di ba? Ilang beses niya akong tinulak gamit ang malakas na hangin, 'tay. At kung hindi ko iyon ginawa, malamang, isa na namang daluyong ang haharapin ng Arsano. Masyado po siyang mainit ngayon, siguro stress sa palasyo?” paliwanag ko. Matapos niyang marinig iyon ay tuluyang nawala ang hawak niyang sinturon at nang lingunin ko si Ravi ay halos maging kamatis ang kanyang mukha. Nangangatal pa ito habang inaayos ang kanyang sinturon. Alanganing ngumiti ako at nilapitan ang patakas na si Ravi. Hindi ko pa nga siya nahahawakan ay umuusok na ang kanyang ilong. “Ah! Isusumbong ko kayo kay tatay! Kasalanan mo 'to Earth! Bitiwan mo ako!” Pilit siyang nagpumiglas ngunit isang ngiti lang pala ang magpapatiklop sa kanya. “Gamitin mo ang iyong veil, bilis, tunawin mo ang yelo, huwag mong tutustahin, okay?” bulong ko rito kaya maktol na tinungo nito kung saan naroon ang mahal na prinsipe. Isang malakas na buntonghininga ang pinakawalan ko bago nakayukong sumunod sa aking ama patungo sa lumang bahay na nasa likuran lamang ng aming paaralan. Isa itong traditional Japanese house, at nagsisilbing workshop ng aming pamilya, habang sa ilalim nito, literal na sa ilalim ng lupang kinatatayuan ng workshop naman ang aming tinutuluyan. Hindi ko alam kung bakit nasa ilalim ang bahay namin kahit na may malaki pa namang espasyo sa tabi nitong workshop, ngunit wala naman din akong balak na alamin pa, kaya hayaan na. “Kumusta?” Isang salita lamang ang lumabas sa bibig ng aking ama. Hinarap niya ako, pinagmasdan mula ulo hanggang paa 'saka bumuntonghininga. Ginaya ko ang ginawa niya at sinipat ang matipunong lalaking nasa harapan ko. Magkasing-taas lang kami, hindi rin malaki ang kanyang katawan kahit na halos gugulin niya ang oras sa trabaho. Magulo, at may ilang dahon pa sa kanyang hanggang balikat na itim at kulot na buhok. Matalim ang kulay putik niyang mga mata, habang ang kanyang labi...mas matalim s'yempre, lalo na kapag oras ng kanyang sermon. Napalunok ako. “Maayos naman po ang naging resulta ng unang araw ko bilang training partner at instructor sa mga estudyante niyo. Nasa silid niyo na po ang mga tala ng kanilang marka,” pagbibigay-alam ko, “Ah! Dumating din pala si Uncle Tanaka, nasa workshop po siya ngayon,” dagdag ko pa. Tumango-tango siya 'saka ngumiti. Isang mabuting mamamayan ang aking ama. Marami siyang ginagawa, kaya't nang tuluyan akong makapagtapos ng highschool ay agad niya akong tinalaga upang maging kahalili niya sa paaralan habang bakasyon pa. “Hmm, hindi ko inaasahan ang pagbisita ni Prinsipe Argo lalo pa't nalalapit na ang paghahayag ng crown prince, hmm, sabihin mo nga, anak, pinilit mo ba siya?” Ha? Nanlaki ang mga mata ko at hindi napigilang bumunghalit nang tawa. “Ako? Hindi po! Balak ko na nga pong isara ang paaralan para mag-deliver ng mga orders ngunit dumating po siya at pinilit po ako na maglaban kami! Ah!” Napatakip ako sa bibig at iiling-iling na tiningnan si tatay. “Hmm? Deliver? Orders? Hmm, sinasabi mo bang mas pinili mong makasama ang prinsipe kaysa gawin ang trabaho mo? Hmm, Earth, anak?” Dahan-dahang humakbang papalapit sa akin si tatay at sarkastikong ngumiti. “Alam kong importante ang utos ng mahal na prinsipe, ngunit, Earth, anak, pakatatandaan mong sa tahanang ito, may batas, at ang utos ng iyong ama ang nasa itaas! Kaya ano pang hinihintay mo?!” Pumalakpak siya at sa isang iglap ay nasa harapan ko na ang malaking kahon na naglalaman ng mga sandatang gawa ng aming pamilya. Bukod sa pagiging paaralan para sa pakikipaglaban ay kilala rin ang aming pamilya sa paggawa ng mga sandata at baluti. “Kumilos ka na at kanina pa 'yan hinihintay ng mga customer.” Tumalikod na siya at akmang bubuhatin ko na ang kahon ngunit dagli akong natigilan at napasapo sa aking sintido. Heartveil City. Entrada. Nasaan ka na? Mauna na kami, hihintayin ka na lang ni Bal. “Ha?! Pasensya na 'tay pero kailangan ko na pong umalis! Pagalitan niyo na lang po ako pag-uwi ko pero hindi niyo po ako mapipigilan!” anunsyo ko sa aking ama. Kasalukuyan siyang humihigop ng mainit na kape kasama ang mahal na prinsipe na malamang ay ginamitan ni tatay ng kanyang summon. Halos mawala sa postura ang mahal na prinsipe nang maibuga ng aking ama ang kape sa kadarating lang na si Ravi. “Ano?! Earth!? Bumalik ka rito! Hindi ba't sinabi kong hindi ka pwedeng pumunta sa lungsod!” “Ginoong Fujiwara, hindi na bata si Earth, bakit hindi niyo payagan? Kung nag-aalala kayo, maaari ko siyang bantay—” “Magtigil ka Prinsipe Argo! Hanggang kailan mo balak kunsintihin 'tong batang 'to?” “Suhesyon lang naman po, Sir.” “Ah! Babalik din po ako bago dumilim, at kung lumubog na ang araw at wala pa rin ako, tawagin niyo na lang po ak ---” “Paano itong mga order! Earth! Humanda ka pagbalik m - ha?!” Kung isang takure lang siguro si tatay ay malamang sumabog na siya sa sobrang kulo. Hindi na niya ako nagawang mahabol sa kadahilanang isang himalang sabay-sabay na dumating sa kanilang harapan ang labingwalong customers! Maging sila ay hindi alam kung ano ang nangyari, ako lang, at ang aking ama ang nakaaalam... “Salamat po sa veil niyo, ama, hindi ko ito makalilimutan!” pabirong sabi ko pa at tuluyang kumaripas nang takbo. Hinayaan kong itulak ako ng malakas na hangin at tuluyang nagpati-anod sa ragasa ng malamig na hangin. Bakit pa ako magsasayang ng oras na pumila ng masasakyan kung pwede naman akong lumipad? “Mabuti na lang talaga at may espesyal na kakayahan ang mga tao, teka, paano nga ba nagsimula ang lahat?” “Ganito kasi 'yan, binibini.” Napaawang ang bibig ko at manghang nilingon ang matandang babaeng kasabay kong lumilipad sa himpapawid. Pumapagaspas ang kanyang malaking pakpak na tulad ng mga dragon. Isang Animaeil. Matagal niya akong tinitigan sa mga mata bago umarko ang ngiti sa kanyang mapupulang labi. “Maganda ang 'yong mga mata...berde.... kasuotan ng mga Hapon...oh, ang anak ni Takao Fujiwara, tama?!” Pilit akong ngumiti at tumango. “Paano nga po, lola?” magalang na tanong ko ngunit laking panunuyo ng lalalamunan ko nang muntikan pa akong matusta matapos siyang bumuga ng apoy at samaan ako ng tingin. “Sinasabi mo bang matanda na ako?! Binibini, dalaga pa ako, at ni hindi ko pa nga natitikman ang halik ng isang prinsipe!” Ha? Pilit akong ngumiti, “Pasensya na po, binibini, ah, paano nga po nagsimula ang lahat?” “Ah, oh, paumanhin, ngunit kailangan ko ng bumaba, hanggang sa muli!” paalam niya 'saka dali-daling bumaba sa lupa at mahinhing pumasok sa isang coffee shop. Hindi naman sa hindi ko alam ang kasaysayan natin, sadyang mahaba at sobrang haba lang talaga na kahit marinig mo lang ay manghihina ka. Makalipas ang sampung minuto ay humupa na ang hangin. Nawalan na ng epekto ang aking veil, mimicry, at nabibilang ako sa hanay ng Mentaeil — isang uri ng veil na nagmumula sa isipan ng tao; mental abilities. Hindi man ako biniyayaan ng magarbo, o iyong mga agaw pansing abilidad tulad na lang ng matanda kanina, o ng pinsan kong si Ravi na isang fire veiler, o ng Prinsipe Argo, isang weather man na kayang kontrolin ang panahon. Pareho man silang Eartheil, ang pinakamarami sa populasyon at sinasabing pinakamalalakas na uri ng veil, ngunit masasabi kong mas malakas ako at malaya sa sarili kong paraan. “Anong pangalan mo, at anong dahilan ng pagpasok mo sa lungsod ng Heartveil?” bungad na tanong sa akin ng guwardiyang nakabantay sa entrada ng lungsod. Pamilyar sa akin ang hawak niyang baril, maging ang suot niyang baluti. Lihim akong napangiti. Ah, ibang klase talaga ang gawang Fujiwara. “Wow.” Dito pa lang sa bukana ay matatanaw na ang nagniningning na syudad. Maraming ilaw at maingay sa rami ng tao. Sa lupon ng mga veiler ay namataan ko ang pamilyar na pigura. Malayo pa lang ay nakangiti na ito, at parang asong kakawag-kawag ang mga kamay. “Hey! Earth! Mabuti at nakatakas ka?” bungad niya at tila isang maamong tupang hinihintay ako sa barikada ng mapanganib na barrier ng Heartveil City; ang impeccable wall of lightning. Ito pala ang Heartveil City, ang sentro ng Isla Heartfillia. Ayon sa mga aklat, ito lamang ang tanging parte ng isla na hindi kontrolado ng hari, dahil nasa pamumuno ito ng akademya. I sighed. At siya pala si Balaam Balborne, isang Eartheil, at ang ice prince ng aming paaralan...self proclaimed. “Ako si Earth Fujiwara, narito po ako para pumarty.” ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.1K
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.8K
bc

The Real About My Husband

read
24.3K
bc

Abducted By My Twin Alien Mates

read
38.7K
bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

Lady Boss

read
1.9K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
9.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook