KABANATA SAMPU : SAMA NG LOOB
Unti-unting bumukas ang pinto, naglikha ito ng nakabibinging ingay bago niluwa ang isang pimilyar na pigura ng isang lalaki.
Nakangiti siyang sinalubong ang mga tingin ko at halos hilahin ang sarili upang lumakad nang tuwid patungo sa aking direksiyon.
Bumuntonghininga siya at tumayo sa harapan ko.
“Oh? Mukhang hindi ka nagulat? How did you know it was me?” manghang tanong niya at tinuro pa ang sarili.
Tinuruan ako ni Uncle Sakurai ng special technique na madalas daw niyang ginagawa kapag pinapagalitan siya ni Tatay e at ginaya ko na rin.
Secret Technique #49: Sandwich (Smile and Switch)
Ngunit inaamin kong nagulat din ako. Tinuring kong kapatid si Kuya Klayde kahit labag sa kalooban ko noong una, dahil siya nga ang club president namin ni Balaam, pinilit niyang maging kuya sa amin at hinahangaan ko rin siya bilang veiler. Kung hindi niya nga binanggit ang tungkol sa Veil Academy, ay hindi naman ako magsisikap makapasok e. Pero, kung ang lahat ng pakikitungo niya sa akin, ay peke? Wow, he played well.
At para saan? May ginawa ba akong hindi niya nagustuhan? Anong kasalanan ko sa kanya gayong sobrang bait ng pakikitungo ko sa kanya, at least.
I sighed, and looked at him.
Nanlalaki ang kanyang mga matang bugbog ng pasa, at natuyong dugo.
Sarkastikong tumawa ako at nginuso ang lalaking nasa gilid ko. “This guy called you Captain Caven...na pinapatawag ka raw ni President Lionne, tama, Hydro?” sambit ko't sinipa si Hydro na agad niyang sinagot ng daing.
“You s**t! Kapag ako hindi nakapagpigil ay sasaktan talaga ki—”
“Shut it, Hydro. Kinakausap ko pa si Plany, manahimik ka!” asik nito sa lalaking nasa gilid ko kaya ngingisi-ngising tiningnan ko ito.
Plany.
“Plany?”
“Yeup! 'Cause you're Earth, a place where human lives, our dear planet. Plany!”
I smiled.
“Paano kung President siya ng Student Council at ako ay Captain ng basketball team?”
Matagal ko siyang tinitigan matapos ay bumuntonghininga.
“Kuya Klayde, hindi ka mahilig sa sports,” seryosong sagot ko dahilan upang umugong ang tawanan sa limang sulok ng bahay-aklatan.
Nanatiling nakatingin si Kuya Klayde sa akin, ni hindi ito tumawa o ngumiti man lang tulad ng kanyang mga kasama.
President Lionne cleared his throat, queueing his people to stop their obscene laughter. He signaled Kuya Klayde to proceed, but he went ahead and grabbed me by my hair.
Nakagat ko na lang ang dila ko dahil sa paghila niya sa buhok ko — naramdaman ko ang pagkaputol ng ilang hibla at halos madala na rin ang anit ko.
Napangiwi ako at laglag ang balikat na isinuko ang tangkang pagkalas ng tali sa kamay ko — chains, protected by veil essence.
And for an unfortunate reason, hindi ko magamit ang aking veil. Sayang naman kung hindi ko magagamit laban kay Kuya Klayde ang sarili niyang veil ano?
Ha.
Then, someone from this people must have a veil that can temporarily cancel a veil, pero sino? At paano?
I sighed.
Sinamaan ko siya ng tingin at akmang i-uumpog na ang ulo ko sa mukha niya nang pumagitna si Kuya Klayde at kunin ang kamay ni Lionne na hawak ang buhok ko.
I mentally thanked him. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag naubos ang buhok ko.
Ha.
“Lionne, do not lay a finger on her, or else...” banta ni Kuya Klayde, at matalim na tiningnan si Lionne, “Kidding. She's my prey, man. Wait for your turn, all righty?” he added and let out a really infuriating laugh. Parang lalong sumakit ang anit ko sa tawang 'yon.
So, ito ang tunay na Kuya Klayde?
“Anong kasalanan ko sa 'yo, Klayde?”
Tinakpan niya ang bibig gamit ang dalawang kamay at nanlalaki ang mga matang bumaling sa mga kasama bago bumaling muli sa akin.
“Wow, Earth, you finally dropped the honorifics? I'm actually hurt you know? Why?”
I smirked.
“You betrayed me, Klayde. Tinuring kitang kuya ko, ngunit bakit? Anong kasalanan ko sa 'yo, Kuya Klayde?”
Nawala ang ngiti niya.
“Do you know that, the only person that ever called me kuya was my cute little sister, but she died...no, she was murdered! Along with our whole clan!”
Umugong ang malakas niyang pagtawa subalit ang kanyang mga mata ay walang humpay ang paglandas ng luha.
“Oh, siguro naman ay narinig mo na ang nangyari sa pamilya ko?” mariing tanong niya.
Ha.
Tama, ulila na si Kuya Klayde matapos mamatay ang kanyang buong angkan at tanging siya lamang ang nakaligtas. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at kung sino ang pumatay sa kanyang pamilya.
Ha.
I was thirteen when the Caven m******e happened, I was with Uncle Tanaka designing our new weapons.
Mapakla akong tumawa, “At anong kinalaman ko roon?”
Mas lumapit siya sa akin at halos mabali ang leeg ko nang pilit niya akong paharapin sa kanya. Malamig kanyang palad, nanginginig.
“Your father killed my family.”
Matagal ko siyang tinitigan. Ilang beses kong inulit sa isipan ang kanyang sinabi. Unti-unti ay sumalubong ang kilay ko't tuluyang lumiyab ang poot sa akin.
“Ha?! Pinatay ng tatay ko ang pamilya mo?! Anong sinasabi mo, Kuya Klayde?! Alam mo bang halos makuba na si tatay sa pagpapanday ng mga sandata?! He spent all his days crafting weapons—?!”
Hinablot niya ang katana na nakasabit sa baywang ko at tinutok sa akin. Hindi ko napigilan ang sariling mapalunok nang sunod-sunod at pilit inilalayo ang sarili sa talim ng aking katanang ngayon ay nasa kamay ni Kuya Klayde.
“That's the point, Earth! Your father made weapons that let people kill each other!” sigaw niya at winasiwas ang katana, dahilan upang mapaatras ang mga taong nakapalibot sa amin, maliban na lang kay President Lionne na tila nasisiyahan pa sa nakikita.
“Captain, ingat naman!” natatawang sigaw ni Hydro habang nagkukubli sa likuran ng kinauupuan ko.
“Chill,” dagdag ng isa pang nasa likuran ko, “Kung binibilisan mo na 'no? Unlike any of you, ayokong mahuli sa first day of class!”
“Shut up, Yukino! You only have one job, you better do it right!” asik ni Kuya Klayde rito bago muling bumaling sa akin at mapaklang ngumiti, “Do you really want to know, Earth? My father cannot walk on his own, both of his hands were amputated, it was an accident though, and always sitting on his wheelchair, he was pretty helpless, he can't evem use his veil at that point, but when he came back from his usual strolling, he has a pipe attached to his hands, but it wasn't a pipe, 'no? I realized it was a weapon, heck it even have the logo of your damn weaponry,” he narrated as flashbacks of that night enveloped me.
“Bininibi, maaari ko bang makausap si Ginoong Takao?” ani ng matandang naka-wheelchair. Wala siyang paa? Putol din ang kanyang dalawang kamay, ano kaya ang nangyari sa kanya?
“Binibini?”
Napakislot ako at pilit na ngumiti sa matanda, “Ah, tatawagin ko lang po si Ta—Oh, nariyan pala kayo, 'tay.”
Hindi ako pinansin ni Tatay, bagkus ay lumapit ito sa matanda at umupo sa harapan nito upang sila ay maging pantay.
Hindi ko naririnig ang kanilang usapan mula sa kinaupuan ko ngunit alam kong isang kliyente ang matanda na nais magpagawa ng sandata sa aking ama o isang estudyanteng nais magpaturo ng pakikipaglaban sa aking ama, and I doubt the latter.
Ilang saglit lamang ay umalis na ang matanda kaya agad akong tumakbo palapit kay Tatay.
“Ano pong klase ang ipapagawa niya? Pwede po ba akong tumulong?”
Nangungunot ang noong nilingon ako ni Tatay, “Hindi.”
“Pero 'tay! Gusto ko pong tum—”
“Hindi ko kayang tulungan ang matandang iyon sa kanyang hiling.”
“Pero bakit po? Hindi niyo ba nakita ang kalagayan niya? Paano kung may siraulong gawan siya ng masama?!”
“Makinig ka na lang sa sinasabi ko, Earth Fujiwara!”
It was the first time my father refused a client. At sa unang pagkakataong nakaramdam ako ng takot.
My father will always illuminate me, that I can't even see my own shadow.
Oh.
I stared at Kuya Klayde, he resemble that old man in a wheelchair that my father refused to entertain.
He squatted in front of me and sighed.
“Takao Fujiwara, considered to be the master artisan. Kaya niyang gumawa ng kahit anong klase ng sandata, no matter what the f**k the client requests, he will make it,” panimula niya at hinimas-himas ang talim ng aking katana, “Well, this katana. Sinabi mong walang special dito, ano? Why? Cause you think you can win with just your veil? Oh, yeah. Guys, don't let her touch you or else—”
“Kaya nga artisan hindi ba? Alangan namang gumawa si tatay ng tinapay,” putol ko sa sinasabi niya at ngumiti, “Mukhang nakuha ko na ang punto ng lahat ng ito, kaya...” Tiningnan ko siya sa mga mata, “Kuya Klayde, did you ever consider me as your friend or all that was part of your plan against my father?”
I saw it.
“I actually liked you, Earth, like my younger sister, but, well, nang malaman kong isa kang Fujiwara nang sumali ka sa club ko, I intended to use you against your father, I wanted to kill you. Gusto kong makita ang itsura ng iyong ama kapag nalaman niyang pinatay ang nag-iisang anak niya gamit ang sandatang siya mismo ang gumawa, at least that's the plan.”
“Pero hindi naging madali, you were far stronger than I expected. You're always on guard, you've got Balaam always next to you, and the biggest hurdle? Oh don't think about it being your father, ha? It was Prince Argo, how lucky can you be? With the Prince ruling our district, and with his veil there's no way I can attack you, right?”
“Oh, kaya pala minungkahi mong pumasok din ako sa Veil Academy, tulad mo ano? Dahil itong akademya ang tanging lugar na hindi maaaring pasukin ni Prince Argo lalo't kahit ang Hari ay hindi ito mapapasok. Hm, I get it, you're actually a coward, Kuya Klayde.”
And I am too.
“Hey, naalala niyo po ba ako?”
Matagal niya akong tinitigan bago sumilay ang isang ngiti sa kanyang nangingitim na labi.
“Anak ni Takao!? Isang Fujiwara!” bulalas niya.
Tama naman siya, anak ako ni Takao Fujiwara, at isang Fujiwara. Peke akong ngumiti.
“Ako po si Earth, Earth Fujiwara po,” pakilala ko, “Kayo po?”
“Carlos Caven,” pakilala niya at inabot ang kanyang kamay na agad niya ring binawi at tumawa, “Ha, wala nga pala akong kamay!”
“Oh, Earth? Anong kailangan mo sa matandang ito? Hindi mo ba alam ang pabalik sa inyo? Gusto mo bang ihatid kita? Delikadong gumala nang mag-isa ang batang tulad mo.”
“Tingnan niyo po ito,” usal ko at pinakita sa kanyang ang isang papel, “Sa tingin niyo po ba makakatulong ito sa inyo?” dagdag ko, “Hindi pa po ako marunong gumuhit ngunit pero naiintidihan niyo naman po 'di ba? Tatawagin ko pong pippers popper ang sandatang ito na dinisenyo ko para lamang sa kondisyon niyo!”
Ah.
The reason why my father refused him...naintindihan ko na.
Napalunok ako, “Hindi si Tatay ang gumawa ng sandatang ginamit ng iyong ama, Kuya Klayde.”
“Huh?!”
Huminga ako nang malalim at tiningnan siya nang deretso sa kanyang mga mata, “I was the one who made the weapon, Kuya Klayde. Tinanggihan ni Tatay ang kahilingan ng tatay mo dahil nakita ni Tatay ang maitim na plano ng tatay mo, pero, ako? I saw nothing but a helpless father in him, naawa ako sa tatay mo, so, I made him a weapon designed only for him, and you know what happened 'no?”
“Wha..what...”
“Kill me.”
“Shit.”
“Kill me! Gusto mong maghiganti hindi ba?! Klayde, nasa harapan mo na ang dahilan kung bakit namatay ang pamilya mo! Kill me!” sigaw ko rito kaya agad akong natigilan nang tumayo siya at ibaon sa may puso ko ang katanang hawak niya.
Ha.
Huminga siya nang malalim at mas ibinaon pa ang katana sa aking dibdib.
Kasabay ng pagdanak ng dugo mula sa aking dibdib maging sa aking bibig ay umagos ang luhang pilit nag-uunahan.
“I don't hate you, Kuya Klayde.”