KABANATA PITO: KAAWAY AT KAIBIGAN
***
"Woah! Did you see?"
"Look, kilala mo ba ang babaeng 'yon?"
"Hindi pa nga nagsisimula ang school year may malalagas na agad sa batch natin?"
"Oh my, ang cute talaga ni Yurio!"
Kabilin-bilinan ng aking amang huwag gagawa ng eksena, at hindi naman ako gumawa ng eksena. Ang mga taong naririto ang siyang pilit naglilikha ng eksena; kung hindi nila kami pinuna ay wala naman talagang problema.
Ha-ah.
"Kasalanan niya ang lahat," bulong ko kay Kirell at nginuso ang blandinong lalaking 'yon. Yurio, tama? Kung hindi siya tumawa nang akala mo ay nasa komedya ay hindi naman na lilingon pa sa amin ang lahat, hindi ba? 'Saka, kanina pa talaga ako nasisilaw sa buhok niya, para siyang araw, masakit sa mata.
Napabuntonghininga ako.
"Pauman — oh." Nakagat ko ang aking dila nang biglang sumulpot sa harapan namin ang isa pang blonde!
Ito ba ang trend dito sa lungsod?
Agad niyang inangkla ang kamay sa braso ni Yurio at mas diniin ang sarili sa binata, 'saka nakapikit na hinalikan ang pisngi nito.
Napangiwi ako at agad hinablot ang kamay ni Kirell upang bumalik na sa dormitoryo kaysa tuluyan pang gumulo ang lahat.
"Don't you think it's too early for you boys to be having fun? We should leave this place, you promised to help me unpack my things, Darlin'," maarteng wika nito at biglang nilingon kami ni Kirell.
Namilog ang bibig niya nang makita ako, parang bituing nagningning ang mga mata niya at tangkang ituturo pa ako ngunit nauna na akong mahila ng isa pang kamay — si Kuya Klayde!
"Hey, wait! The green eyes and that oh so lovely hair! I cannot be mistaken, you're from that day, right! Hey! Hey!" pagpupumilit ng babaeng blonde, sinubukan pa niya kaming harangin ngunit isang ngiti lang ni Kuya Klayde ay natigilan siya.
"We're sorry, she need to meet her father," palusot ni Kuya Klayde at muling ngumiti, "Excuse us, please."
Parang karagatan na nahati sa dalawa ang mga estudyante para lamang makadaan kami. Hanggang sa tuluyan kaming makalabas ng garden ay walang naglikha ng anumang ingay sa kanila at parang daloy ng tubig na nilisan na rin nila ang hall.
Tikom ang bibig na pinagmasdan ko ang likuran ni Kuya Klayde. Kahit na matagal din kaming nasa iisang club noong highschool ay wala akong ibang alam tungkol sa kanya bukod sa pangalan, veil, at gender niya kaya ang Kuya Klayde na nakikita ko ngayon, hindi ko kilala.
Hindi naman siguro siya parte ng maharlikang angkan 'no? Ha, imposible, kung tama ang naaalala ko ay ulilang lubos na siya, wait, hindi naman siguro siya kinupkop ng mayamang pamilya 'no?
"Member ka ba ng student council dito, Kuya Klayde? Hindi ka naman siguro gangster 'no?"
Tumawa siya at nilingon ako. Huminto kami sa tapat ng VAM o ang Veil Academy's Mall. Ayon sa binigay sa akin ni Miss Twirllyn na handbook, ang VAM ay Mall, obviously.
Hm.
"Hey, Kimy, mukha ba akong gangster?" lagpas ang tingin sa aking tanong niya kaya takhang pinilig ko ang ulo sa likuran ko at makita ang isang babaeng pilit na nakangiti sa amin.
"Oh, Kirell." Dagli kong tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya, nang titigan ko ito ay namumula na ito, marka ng pagkakahawak ko. Bahagya akong yumuko upang humingi ng tawad na sinagot niya lamang ng matamis na ngiti.
"Ah-eh, hindi mo ba alam, Earth?" alangang tanong niya, nilingon pa niya si Kuya Klayde, "He won the annual tournament, twice," pagbibigay-alam niya.
Ha.
Tumango-tango ako, "So, hindi ka talaga gang leader?"
"Itong mukhang 'to talaga, Plany? Baka ang tatay ko puwede pa, pero ako? Ew ha," natatawang sagot niya at akmang hahakbang na papasok sa VAM ngunit natigilan siya matapos bigla na lang dumating ang isang lalaki.
Mas matangkad siya kay Kuya Klayde, ngunit mas lamang naman ang itsura ni Kuya Klayde. Sa gupit pa lang ng kanyang buhok, ano ba ang tawag do'n? Mohawk ba? Mukhang spongha, kulay dilaw pa. Nakasuot ito ng simpleng asul na shirt at pantalon, nakapatong ang kanyang kapa na may burdang numero III.
"President Leonne tasked me to pick you up, what are you? A maiden?" natatawang sambit niya at tinapunan kami ng tingin ni Kirell, "Who are these ladies? Your new prey? Can I have a tas-"
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang kusang kumilos ang kamay ko at hugutin mula sa gilid ng hita ko ang isang kunai, ngunit hindi ko iyon naitarak sa kanyang bibig, bagkus isang kamao ang dumapo sa kanyang mukha.
Natikom ko ang bibig at dahan-dahang ibinalik sa may binti ang patalim na parang walang kahit anong nangyari.
Narinig ko ang malakas na buntonghininga ng binibini sa gilid, Kirell clutched her chest, as she looked at us, bewildered.
Bumaling ako sa estrangherong nasa harapan namin, dumurugo ang kanyang ilong, habang matalim ang tingin kay Kuya Klayde na abala sa pagpupunas ng kanyang kamao.
"What are yuh, Hydro? Hindi ka ba nahihiyang pinakikita mo sa mga freshmen ang ugali mo? You're a third year, act like one, will yuh?" ma-otoridad na sambit ni Kuya Klayde dahilan upang hindi na kumibo pa ang tinawag niyang Hydro.
"Bumalik ka na, Hydro, susuno-"
"That woman," huminto si Hydro at matiim akong tinitigan, "She dared lay a finger on Prince Seikei, and you are backing her up, Captain Caven?" pagtutuloy niya at binigyan ng diin ang salitang, Captain Caven.
I sighed.
"I did not laid my finger on him, it was my foot, you know, my foot," komento ko at binigyang diin ang my foot 'saka ngumiti.
"Y-You!"
"Yes-!?"
Napalundag ako nang biglang hawakan ni Kuya Klayde ang balikat ko, ngumiti siya sa akin, "Sasabihin ko kay Balaam na narito ka."
Matagal ko siyang tinitigan hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin namin. Naramdaman ko na lang ang mainit na palad ni Kirell na dumampi sa likod ko at marahang hinimas iyon.
"Tell me, Earth, am I safe to befriend you?" prankang tanong niya dahilan upang unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi ko na agad sinundan ng malakas na pagtawa.
"We could be best friends!" deklara ko at muli siyang hinila upang libutin ang aming magiging bagong paaralan.
Naghiwalay lang kami ng landas ni Kirell nang makabalik kami sa dormitory. Nasa ika-limang palapag ang kanyang kuwarto, habang naiwan naman ako sa ikatlong palapag at pinipilit ang sariling tanggapin ang taong ngayon ay malawak ang ngiti sa akin bilang roommate.
"So, are you perhaps, Sir Caven's girlfriend?" bungad na tanong niya habang pinaiikot-ikot sa hintuturo ang ilang hibla ng kanyang blonde na buhok.
"Ha? Hindi man lang ba sumagi sa isip niyo na maaaring kapatid ko lang siya?" natatawang tugon ko rito.
Pinaikot niya ang kanyang mga bughaw na mata, "Nothing alike, 'no! Well, whatever. Glad you made a scene, I wouldn't stress my hair to search every district to find you."
Umupo siya sa kaninang bakanteng kama na ngayon ay puno na ng kanyang mga makukulay na damit, animo'y mga bandiritas.
Agad nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "You're a creep, Yurio's darlin'," komento ko at muling lumabas ng silid subalit natigilan ako at naniningkit ang mga matang bumaling sa likuran ko.
"Hey, anong problema mo? Emerude Anderson, tama? Inutusan ka ba ng mga kaibigan mo para i-bully ako? O baka naman espiya ka ng Hari?! Ha?" inis na tanong ko at agad na pinutol ang hibla ng kanyang buhok na pumulupot sa braso ko.
"I like your hair," simpleng wika niya, "Don't dare cut it, okay?"
Natigilan ako. Napatakip ako sa bibig habang tatango-tangong tinitigan siya. Pinagbabantaan ba ako ng babaeng 'to? Matapos ko siyang iligtas sa mga lasing na lalaking 'yon? Anong karapatan niya?!
Huminga ako nang malalim at ngumiti.
"Hindi kita tatay para utusan ako, okay?"
Hindi na siya kumibo pa kaya mabilis na nilisan ko ang aming silid at dumiretso sa ika-limang na palapag upang sunduin si Kirell. Nagkasundo kaming sabay na mananghalian upang pagtibayin ang aming pagkakaibigan—she will treat me for lunch.
Malawak ang ngiti ko habang bumababa kami ni Kirell, panay rin ang ngiti ko sa mga nadaraanan naming estudyante sa mga pasilyo kahit na kulang na lang ay ipagsigawan nila kung gaano sila naiinis sa presensya ko.
Pasensya na, masyado akong masaya para isipin pa kayo — I shouldn't have said that as I wiped the mustard off Kirell's face thrown by some random students.
Hindi ko na dapat pang papansinin ang nangyari dahil hindi naman ito tumama sa akin bunga ng suot kong kuwintas na tila barrier ngunit nang makita ko ang malinis na mukha ni Kirell na may bahid ng mustard, ha.
Sinong ang masaya ngayon?!
"Sinong bumato?"
"N-No, no. It's okay, Earth," wika ni Kirell at pilit na pinipigilan ako, "Hindi naman natamaan ang mata ko, maghihilamos na lang ako, Earth. Please."
I sighed.
Hinugot ko ang kaliwang kamay mula sa pagkakabulsa nito at itinaas. Dahan-dahan kaming humakbang palabas ni Kirell sa cafeteria bago ko malakas na hinagis sa loob ang isang bomba na kung titingnan ay hindi naman ito mukhang pangpasabog kun' 'di isang normal na bato lamang.
"What? Malabo ba ang mata mo? Eto kami oh, dito dapat ang bato mo!" biro ng isang kalbong freshman ngunit dagling nawala ang ngiti sa kanilang labi nang biglang umusok ang bato dahilan upang umabot sa tainga ang ngiti ko.
"Kung ano man ang ipinaglalaban niyo, heto lang ang masasabi ko," panimula ko at hinitay sumabog ang ginawa kong bomba, "Amuyin niyo ang utot ko!!" sigaw ko at bumunghalit nang tawa.
"What the hell!? Eww, ang baho!"
"Pwe! Pwe! Kadiri!"
"Nananahimik akong kumakain dito hoy, sino bang bumato ng mustard sa mga 'yon?!"
Nakangiting bumaling ako sa aking bagong kaibigan. Hindi maipinta ang kanyang mukha, tila nagtatalo ang kanyang konsensya kung marapat ba siyang tumawa o maawa sa kinahantungan ng mga bully na 'yon.
"Tara na, Kirell! Ikaw ang aking saksi, kailangang mong maging ligtas!"
"Habulin niyo sila! May gantimpalang ginto ang makahuhuli sa kanila lalo na sa babaeng berde ang mga mata!"
"Oh god, what have you done, Earth?! You started a war right before the school year starts!" nanlalaki ang mga matang sambit ni Kirell, "Ito ang unang beses na tumakbo ako para sa buhay ko!"
Ngumisi ako, "Well, hindi ka naman siguro nagsisising maging kaibigan ko 'n---?!"
"Huli ka!"
Mula sa kung saan ay sumulpot ang isang lalaki. Hinila ako at pilit ginapos sa kanyang malamig na bisig. Naririnig ko ang kanyang mabagal na paghinga, at higit sa lahat, sobrang lamig niya.
"Sandali lang! Bitiwan mo siya!" apela ni Kirell ngunit tanging ngiti ang ginawad ko sa kanya.
"Kirell, ang taong ito ay si Balaam, kaibigan ko," pakilala ko sa lalaking ngayon ay pinakawalan na ako mula sa mahigpit niyang yakap, "At Balaam, siya naman si Kirell, Kirell Kirstell, ang bago kong kaibigan."
Ngumiti si Balaam, "Nice to meet you, Miss Kirell. I hope you're not regretting meeting her," wika niya at natatawang tinuro ako.
Agad ko siyang siniko, "Sinundan mo ba ako hanggang dito?"
Ngumisi ako sa pag-aakalang tulad ng dati ay mamumula ito, subalit wala siyang naging reaksyon. Ha, hindi niya ako pinansin! Bagkus ay sa paligid ang kanyang tingin!
"You really messed things up, Earth huh?" komento niya, "Sinabi sa akin ni Klayde ang sitwasyon. You might be targeted again so, stay with...uh, we'll stay together."
"Even if it cost your life?" pabirong tanong ko sa kanya.
Matagal niya akong tinitigan. Marahil ay tinitimbang niya ang importansya ng buhay ko sa buhay niya. Nangiti ako nang magpakawala siya nang malalim na buntonghininga.
"Even if it cost my life."
***