KABANATA ANIM

2962 Words
KABANATA ANIM: ANG IMBITASYON SA AKADEMYA *** Iris. Ngalang ni minsan ay hindi ko narinig. Ang unang pumasok sa isip ko ay baka pangalan ito ng asawa ni Lolo, sa dami ng hindi ko nalalaman tungkol sa pamilya ay inakala kong si Iris ang ina ni tatay. “Hm, Iris ang pangalan ng iyong ina,” simpleng tugon ni Tatay, “Magkawangis kayo ng iyong ina, at ang tatay ko, hm, hanggang ngayon ay puno pa rin ng pagsisisi sa hindi niya pagtanggap kay Iris.” Inayos niya ang pagkakahiga ni Lolo at 'saka pinagtulungan ng magkakapatid na bihisan ng kanyang paboritong yukata na mismong ang pumanaw niyang asawa ang gumawa. Nang mabihisan siya ay 'saka lamang ako lumapit dito at pinunasan ang kanyang mukha, kahit man lang sa huling pagkakataon ay magmukhang fresh si Lolo. “Kailangan kong ayusin ang mga gamit ni Tatay, maiwan ko muna kayo,” paalam ni tatay at dagling lumabas. Tahimik lamang ang lahat, umiiyak ang kambal, kunwari pang napuwing daw si Ravi kahit nasa loob kami ng kwarto at walang kahangin-hangin. Si Uncle Tanaka lamang ang umiiyak sa kanilang tatlong magkakapatid, ni hindi nga nito matingnan nang matagal si Lolo. Nakayakap ito kay Uncle Sakurai at umiiyak na parang bata. Habang ako, hindi ko mawari kung bakit hindi ko magawang umiyak. Malungkot ako't nagluluksa sa pagkawala ni Lolo, ngunit, tila hindi iyon sapat upang tumangis ako. Siguro dahil hindi ko naman nakikita at nakakausap palagi si Lolo? Hindi ba sapat ang koneksyon namin? Ha, siguro ay dahil buong buhay ko ay inakala kong kinasusuklaman ako ni Lolo. Ha, dahil kamukha ko ang aking ina, na tinatakwil ni Lolo. Bumuntonghininga ako. “Ah, gusto niyo po ng kape?” biglang tanong ko at pinatong sa bakanteng upuan ang isang tray ng kape. “Ate Earth, wala bang gatas diyan?” bulong ni Savi, “Pati na rin tinapay, Ate, I want peanut butter po,” hirit niya pa kaya iiling-iling na ginamit ko ang veil ni Tatay upang kumuha ng gatas at tinapay sa kusina. “Thank yo—ah.” Pareho kaming bumaling sa pintuan nang niluwa nito si Tatay, mugto ang mga mata at namumula pa ang ilong. Tumutulo pa ang dulo ng buhok niya, basa rin ang pisngi niya. Umiiyak si Tatay. Ha. Ha?! Agad akong napatayo upang lumabas nang namalayan ko na lamang ang sariling lumuluha. Sinubukan kong tumingala ngunit masyado itong nag-uumapaw, nang lingunin ko si Tatay ay takhang pinagmamasdan niya ako. Ha. “Ah, tatae lang po ak—?!” Nakarinig ako ng tila nabasag na bato. Bumulusok sa sahig ang ilang tipak ng semento, maging mga durog-durog na yero kaya't lahat kami ay napatingala. Mula rito sa underground, nangunot ang mga mata ko nang makita ang isang kuwago sa tuktok ng aming bahay. Matalim ang tingin nito sa amin, pagkatapos ay para itong demonyong tumawa 'saka lumipad na palayo. “Kaninong kuwago 'yon? Winasak ang bubong natin?” natatawang tanong ni Ravi kaya nagawi ang tingin ko sa mga nahulog na debris. Napataas ang kaliwang kilay ko matapos mapansin ang isang kulay kahel na sobre sa ilalim ng debris. Akmang dadamputin ko na iyon ngunit naunahan ako ng isang kamay; kinuha ni tatay. Mula sa kuryosidad ay dahan-dahang kumunot ang noo niya at matalim ang tinging pinukol sa akin. “Hm, to our dearest Earth Fujiwara...from the Academy of Veil...hm, hm?!” “'Tay, hayaan niyo po akong magpaliwanag,” taas kamay na sambit ko. Halos matuyuan ako ng laway sa ilang oras kong pagpapaliwanag kay Tatay ukol sa pagpasok ko sa akademya. Kung hindi pa nga dumating ang ilang mga kaibigan ng mga Fujiwara ay hindi pa nga ako titigilan ni Tatay sa panggigisa. Sa unang araw ng burol ni Lolo, inanunsyo ang pagpanaw ni Princess Sapphire, at ang paghahayag ng bagong lider sa naiwan nitong Howling District. Bunsong kapatid ng Hari ang bagong lider... Prince Ywan Demore. Tulad ng inaasahan ni Prince Argo, ang plano ng hari, thorough access to the whole Isla Heartfillia. Ha, ano namang plano niyang gawin sa susunod, ipangalan sa kanya ang buong isla? Hm, stay strong tayo, Prince Argo, huwag mong isusuko ang Arsano. Napatawa ako sa sariling isipin at muling pinagmasdan ang matayog na tarangkahan ng Veil Academy. Hindi pa man nagsisimula ang bagong semestre ay kailangan ko ng pumasok dito at manatili sa kanilang dormitoryo. Isa iyon sa patakaran ng akademya; lahat ng mag-aaral ay kailangang manirahan sa loob ng dormitoryo. Humarap ako kay Tatay na nasa gilid ko, hawak niya ang dalawang malaking maletang naglalaman ng mga gamit ko. Kinuha ko sa kanya ang mga iyon at malawak na ngumiti. Iyong ngiting wagi, labas lahat ng ngipin maging ang mga mata ay nagniningning, kaya't agad napahimas ako sa tuhod matapos niya akong sipain. “Hm! Umayos ka, Earth. Tandaan mo kung ano ang sitwasyon ng buhay mo ngayon,” wika niya at hinawakan ang mga kamay ko. Napaawang ang bibig ko nang ilagay niya rito ang isang yari sa platinum na singsing. May maliit itong butas sa gitna na may likido sa loob...dugo... na tanging maliit na glass ang pumipigil upang tumapon ito. Nanlalaki ang mga matang nag-angat ako ng tingin kay Tatay. “Hindi po ba—” “Version 3 ng hell ring na ideya niyo ng Uncle Tanaka mo, test it out, Uncle Sakurai helped too,” putol niya sa sasabihin ko at sinuot sa akin ang singsing. Napangiwi ako nang maglikha ito ng munting kirot, para bang tinusok ako ngunit agad din akong ngumiti dahil ibig sabihin lang niyon ay successful ang hell ring v3. Mahigpit niya akong niyakap pagkatapos ay pinagmasdan na lamang akong pumasok sa malaking tarangkahan ng akademya. Umihip nang malakas ang hangin, sa unang hakbang ko patungo sa main entrance lumitaw ang magandang binibini. “Ah.” Matamis ang kanyang ngiti, humahambalang sa kanyang mukha ang kanyang mahabang buhok, at sa bawat ihip ng hangin ay nasisilayan ko ang kulay asul niyang mga mata. Yumuko siya at ibinaba ang hood ng suot niyang kahel na kapa. May nakatahi sa bandang ibaba ng kwelyo nitong kulay gintong roman number, III . “Magandang umaga, Miss Earth Fujiwara. I am Twirllyn Whirl, a third year. I'll accompany you to our dormitory,” nakangiting wika niya, “Shall we?” Muling umihip ang hangin dahilan upang magpalutang-lutang ang dalawang maleta ko. Ngumiti lamang siya at hinila na ako patungo sa kaliwa kung saan isang maliit na tila kubo ang matatanaw. Hindi naman siguro ito ang dormitory 'no? “Welcome to our old Dormy! ” magiliw niyang sambit, nakataas pa ang kanyang mga kamay, “Hm-ah, Earth Fujiwara, tama? Nasa third floor po ang inyong silid, room 13. After an hour, magsisimula ang opening ceremony sa Blue Garden.” May mangilan-ngilan kaming nadaanan na mga estudyante, tulad ko ay marahil mga freshmen din sila. Naningkit ang mga mata ko nang mahagip ng paningin ang ilang pamilyar na mga mukha. “Hey, Plany!” Agad kumaripas nang takbo patungo sa amin ang isang hindi inaasahang ginoo. Sinubukan kong magkubli sa likod ni Miss Twirllyn ngunit hindi ko na siya makita. Tanging kapirasong papel na naglalaman ng blueprint ng akademya sa ibabaw ng maleta ko ang aking nakita. “Oh man.” Nang makalapit ay bigla niya akong dinamba, mahigpit niya akong niyakap. “Wey, ang bilis naman tumakas no'n ni Twirny! Hindi ko naman siya kakainin,” sambit niya at tumawa. “Welcome aboard, Plany! Oh, nakita mo na ba si Bamy? He was with a blonde girl, must be his sister?” Nakangising tiningnan niya ako. Binatukan ko siya, “Sister?! Walang kapatid si Balaam, 'no! And waiting for me? Yuck ha, hindi kita type.” Tumawa siya, “Ang sakit naman no'n! Excuse you, hindi rin kita type. Siguro kung hindi ka isang Fujiwara na may nakakatakot na tatay baka pwede pa, pero isipin mo nga, you and me? Ew, hindi ko nga malaman kung ano nagustuhan sa 'yo ni Bamy,” nanunuyang paliwanag nito at pinasadahan pa ako nang tingin bago tumawa. Pinigilan ko ang sariling patulan ang lalaking ito at ngumiti, “Wow, thanks for not liking me, Kuya Klayde.” He giggled, “So, kumusta?” Agad kong sinalag ang kamay niya sa pag-aakalang hahawakan niya ako ngunit ngingiti-ngiting kinuha niya ang maleta ko. “I told you. Hoy, hindi kita hahawakan, never mind your father, you're scary as hell,” wika niya at tinulak ako papasok sa uugod-ugod na kubo — ang Old Dormy ayon kay Miss Twirllyn. Muntikan pa akong mapatalon nang bigla ay may kung anong tumama sa noo ko, “Identification Checkpoint,” usal ni Kuya Klayde. Hinila ako ni Kuya Klayde patungo sa malaking salamin sa loob ng kubo, pinilit niya akong ngumiti kaya sobrang labag sa kalooban na ngumiti ako dahilan upang tawanan niya ako habang nakaharap sa salamin. “Miss Earth Fujiwara, a first year from Class Y and Mr. Klayde Caven, a third year from Class Z,” walang buhay na sambit ng babaeng nasa loob ng salamin, “I am Miri, welcome to our dormitory,” dagdag niya at ngumiti. “Thank you, Miri!” bulalas ni Kuya Klayde at tuluyang pumasok sa loob ng salamin kaya wala sa sariling lumapit din ako dito at hinayaang lamunin ng portal. Pakiramdam ko ay binanat ang buong katawan ko pagkatapos ay binuhusan ng tubig na may yelo. Nanginginig ang mga tuhod na napahawak ako kay Kuya Klayde. Nakangisi lamang siyang nilingon ang harapan. Isang isla, sa gitna ng malawak na karagatan, nakatindig ang isang kastilo. Hinila ni Kuya Klayde ang tainga ko at bumulong dahilan upang manlaki ang mga mata ko. “Did you know that the Veil Academy is actually at the Foresea District and not at the Heartveil City?” “Paano mo nalaman?” “Secret,” nakangising sagot niya. Ha. “Old Dormy,” pagbasa ko sa signage sa kanilang gate. Itinapat ni Kuya Klayde ang kanyang school ID at kinuha naman ang kamay ko para sa aking thumb print. Kusang bumukas ang malaking pinto, sumalubong sa amin ang ilang mga estudyanteng nasa receiving area; nagbabasa ng libro roon sa mini library, kumakain, at mga nagdaldaldalan lang at karamihan sa kanila ang mga nakasuot ng kahel na kapa — iba't ibang year level. Saglit silang nag-angat ng tingin sa amin, may ilang ngumiti ngunit mas lamang ang mga tinapunan lang ako ng tingin at binalik ang atensyon sa ginagawa matapos makitang bago lang ako. Hanggang sa makarating kami sa ikatlong palapag, at tumigil sa room 13 ay naging tahimik lamang ako't animo'y tutang nakasunod lamang kay Kuya Klayde. “Paano? Magkita na lang tayo sa Blue Garden ha? Nasa silid mo na rin siguro ang uniporme mo at mga gamit mo,” nakangiting wika ni Kuya Klayde, “Siya nga pala, if my precious junior needs a hand, nasa room 15 lang ako, okay?” dagdag niya at tinuro ang pangalawang kwarto sa kaliwa ko. “I have two hands, you know,” seryosong usal ko kaya matagal siyang napatitig sa akin bago humagalpak ng tawa. “Oh, got it.” Malaki ang aking silid, hindi tulad ng inaasahan kong para sa isang tao dahil may sariling bathroom, kusina at dalawang kama, kaya't natitiyak kong may makakasama ako rito. Ayos lang naman sa akin, huwag lang malakas humilik. Inayos ko ang mga damit ko at pilit pinagkasya sa maliit na cabinet habang ang mga gamit ko... mga super useful na equipment naman ang inilagay ko sa mas malaking cabinet. Nang matapos ay naligo na rin ako, at sinuot ang bagong uniporme; isang kahel na kapa na may tatak ng pagiging freshman ko. Mukhang kahit paano ay malaya ang mga estudyanteng suotin ang kanilang gusto basta't nakasuot sila ng kapa. “Ha, mukha na ba akong estudyante?” natatawang tanong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Sinuot ko at paborito kong pulang hakama at puting kosode sa pang-itaas. Nagawi ang tingin ko sa suot kong kuwintas, ilang araw na rin, hanggang ngayon buhay pa ako. Ano kayang plano? Maingay at magulo. Iyan ang unang sumalubong sa akin sa unang hakbang ko papasok sa Blue Garden kung saan, siguro ay hindi pa lalagpas sa singkwenta ang tao. Hindi na iyon kataka-taka, lalo't ang makapasa nga sa entrance exam ay wala pa sa kalahati ng mga kumuha ng pagsusulit. Malawak ang blue garden. Maraming mga halaman at bulaklak, maliwanag sa nagkalat na alitaptap at paru-paro na nilikha gamit ang veil. Kaaya-aya sa pandinig ang musika, subalit masyadong sumasapaw ang mga bunganga ng estudyante! Mukhang mga nakawala sa hawla at ngayon lang nakakita ng mga kauri nila. “Matagal pa ba magsisimula?” agad na tanong ko nang umupo sa bandang unahan. Nilingon ko ang nag-iisang taong nakaupo sa hanay na ito, takhang tinuro niya ang sarili kaya nakangiting tumango ako. “Sino pa ba ang tao rito?” “Uh, I guess after an hour?” nahihiyang tanong niya pabalik, “Are you a freshman?” Tumango ako, “Earth Fujiwara from Class Y,” pakilala ko at inabot ang kanyang kamay. Nakangiting tinitigan ko siya, “You look great.” Yumuko siya at hinawi ang kulay nyebeng buhok, nang mag-angat ng tingin ay sumilay ang matamis niyang ngiti 'saka inabot ang kamay ko. “Uh, thanks? I am Kirell Kirstell, nice to meet you, Earth.” Hindi na kami muling nakapag-usap pa ni Kirell nang lumabas mula sa kung saan ang speaker at principal ng academy na si Madame Dahlyan Demore. Mukha pa itong dalaga, matangkad at balingkinitan ang katawan kaya nang marinig ko ang dalawang lalaki sa unahan namin na tinawag siyang lola ay halos lumuwa ang mga mata ko. Tinawanan naman agad ako ni Kirell at nilinaw ang totoo. “Siya po ang lola ng lola ng lola ni King Servero Demore. Her veil is immortality, that is why. I heard she is from the first generation of veiler, must be 165 years old?” Woah. Tinuro naman niya ang dalawang lalaking nasa harapan namin na kanina pa bulong nang bulong, parang mga bubuyog. “Seikei Demore and Yurio Demore, are cousins, and uh, part of the royal family, so, beware,” bulong ni Kirell. Napangiwi ako, “Ha, nangangagat ba sila?” “Hm? Hindi ah! Kayo ha, judgemental!” Agad napatakip sa bibig si Kirell habang ako ay pekeng ngumiti lamang sa taong biglang sumabat. Nilingon kami ng blond na nasa unahan namin. Salubong ang kilay habang nakanguso. “Tingnan mo, Sei, oh! Kanina pa tayo pinag-uusapan ng mga 'to!” sumbong niya sa katabi na ni hindi man lang kumilos at nanatili ang atensyon sa harapan. Tumawa ako, “Masyado ka namang defensive, at isa pa, hindi kayo kasali sa usapan namin.” Sarkastiko siyang ngumiti. “Hala, sorry in her behalf, hindi na po mauulit,” nakayukong paumanhin ni Kirell at halos ingudngod na ako para lang yumuko. Ha. Hanggang sa natapos ang pagpapaliwanag ng Principal ay hindi ko nagawang magsalita pa sa takot na butasin ni Kirell ang bumbunan ko. Nagawa ko lang mag-angat ng tingin matapos tawagin ang lalaking nasa unahan namin upang maghatid ng kanyang talumpati bilang representative ng mga first year — Seikei Demore. “Go Sei!” “Wow, he must be the top student in our batch,” komento ni Kirell, “What about you, Earth? Did you take the exam?” Umiling ako, “Ah, hindi. Recommendation lang from our school,” sagot ko at bumaling sa mahal na prinsipe — Seikei must be Prince Argo's younger brother 'no? At least, legally. Tindig pa lamang niya ay nagsusumigaw na — elite. Hindi siya ngumingiti, subalit bawat galaw ng kanyang mga mata ay talaga namang mala-prince charming ang dating. Huminga siya nang malalim at iginala ang paningin, bahagya niyang nilingon ang Principal bago sumilay ang ngiti sa kanyang labi. “Go Sei! Go Sei! Go! Go! Go Sei!” “Shut up, Yu,” Seikei mouthed before delivering a really alluring speech. “Ha, tapos na rin,” usal ko, “By the way, ano nga palang section m—?!” Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko at agad na itinaas ang kaliwang paa upang pigilan na matumba kay Kirell ang lalaking nasa harapan namin habang palabas ng garden. Daglit ko ring nahawakan ang bitbit nitong mga libro maging ang kanyang bag bago ito tuluyang mahulog sa sahig. Nagpakawala ako nang malalim na buntonghininga at agad nilingon ang kasama ko. “Ayos ka lang?” tanong ko kay Kirell. Tumango lamang siya, hawak ang kanyang dibdib, malalim ang paghinga. Nangunot ang noo ko nang ngumuso ito. “Ano? Ah, oh.” Bumaling ako sa lalaking nasa harapan ko. Muli ko siyang sinipa upang makatayo ito nang ayos, pinagpagan ko pa ang likuran niya, baka sabihin madumi ang sapatos ko. “Ah, patawad. Kung hindi ko iyon ginawa ay baka nadaganan mo ang kasama ko, o mapasama naman ang bagsak mo,” paumanhin ko at dahan-dahang inabot sa kanya ang mga gamit. Tinitigan kong mabuti ang unti-unting pangungunot ng noo niya, at ang tuluyang paghinto ng oras. Lahat ng estudyanteng kanina ay nagpupuyos na makalabas agad ay natutop sa kinatatayuang nakatingin sa amin. Hanggang sa isang boses ang bumasag sa katahimikan. Hawak nito ang tiyan at halos mawalan na ng balanse sa sobrang pagtawa. “That was nuts, my dearest cousin! Oy! Sino tumulak sa kaibigan ko ha? Ikaw ba? Ikaw? Oy, hindi ako, ha!” Muli siyang tumawa bago pinilit ang sariling huminto sa pamamagitan ng paghila sa kanyang blond na buhok. Pigil pa rin ang tawang nilingon niya ako, “Um, ah, pft... thank you raw, sabi ni Sei.” “Uh, welcome?” ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD