KABANATA LIMA

2340 Words
KABANATA 05: ANG KATAPUSAN AT ANG SIMULA *** Malamig na simoy ng hangin ang agad na dumampi sa aking mukha matapos akong muling i-summon ng aking ama. Ilang beses na ba akong na-summon sa isang araw? Hindi talaga uso ang konsiderasyon dito sa aming pamilya, kahit natutulog ka, o dumudumi, kung kailangan ka deretso summon na agad e. Isang buntonghininga ang pinakawalan ko at nakangiwing nilibot ang tingin sa paligid. Narito kami ngayon sa palengke ng Arsano. Ilang oras matapos ang takipsilim ay mas dumagsa ang taong namimili, maging ang nagtitinda rito. Mas maingay at maliwanag na rin kumpara nang unang nagawi ako rito na tila isang sementeryo sa katahimikan. Bumaling ako kay Tatay, “Isusuko niyo na po ba ako?” nagsusumamo kong tanong. Simpleng tango ang ginawad niya 'saka hinila ang kamay ko papasok sa palengke. Tinahak namin ang kahabaan ng palengke at nang dumating kami sa dulo na may dalawang daanan, lumiko kami sa kanan kung saan isang matayog at marikit na bundok ang lumalagi. Isang malagong kakahuyan na may iilang mga kabahayan sa paanan ng bundok na kung tawagin ay Mt. Canela na ipinangalan sa Reyna ng Heartfillia. “Kung nanaisin mong sumuko, tiyak kong matutulungan ka niya,” wika ni Tatay, habang panay ang yuko sa mga taong bumabati sa kanya. Ako naman ay simpleng ngiti lamang ang ginagawad kahit tila isa akong estranghera sa kanila. Pasado alas diyes na nang marating namin ang mismong paanan ng bundok. Agad na sinalubong kami ng isang matandang lalaki. Mahaba at kulay abo na ang kanyang buhok, maging ang kanyang balbas at bigote. “Ano't naparito po kayo, Ginoo?” nakangiting tanong niya, “Kasama mo pa ang iyong anak na dalaga?” dagdag niya at pamilyar ang tinging bumaling sa akin. Pilit akong ngumiti, “Magandang gabi po, Lolo Antoun.” Siya ang katiwala ni Prince Argo. Siya ang tumatanggap ng mga bisita, at nagliligpit ng mga magtatangkang umakyat sa bundok nang walang permiso. Kung pagmamasdan ang kanyang postura ay tiyak kong iisipin ng lahat na isa lamang siyang uugod-ugod na matanda, at kahit gumamit pa siya ng veil ay masyado na siyang matanda para lumaban, na tama naman sila. Subalit, hindi naman niya kailangang lumaban, lalo pa't isa siyang manipulator, tried and tested na. “Nariyan ba ang Prinsipe Argo? Maaaari ko ba siyang makausap kahit sandali lamang?” Isang tango ang sinagot niya, “Ngunit kasalukuyang naroroon ang Heneral Elfron at biniling huwag tatanggap ng bisita.” Napangiwi ako, “Heneral Elfron?!” Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa narinig. Maging ang pintig ng puso ko ay hindi ko na marinig. “Hmm, ganoon ba. Kung gayon, maaari ba kaming manatili muna rito at hintaying lumabas ang Heneral Elfron?” magalang na tanong ni Tatay. “Kung iyan ang inyong nais, Ginoo. Sumunod kayo sa akin at doon na maghintay sa aking tirahan,” nakayukod na wika ng matanda. Hinarap ko si Tatay at pinigilang sumunod kay Lolo Antoun, “Hindi niya pwedeng makausap ang Heneral!” asik ko at pinanlakihan siya ng mga mata. Kung malalaman ni Prince Argo ang nangyari mula kay Heneral Elfron, sigurado akong hindi na kami pakikinggan ng prinsipe dahil paniguradong lilinisin ng lapastangang heneral na iyon ang kanyang pangalan at itatapon sa akin ang sisi sa pagkamatay ng Prinsesa! Sige, may kasalanan nga ako, pero, hindi ako ang pumatay sa prinsesa 'no! “Subalit mahigpit na habilin ng heneral na hindi maaaring gambalain ang kanilang pag-uusap ng Prinsipe Argo,” sabat ni Lolo Antoun. Nilingon ko si Lolo Antoun, nangungunot ang noong tinitigan niya ako kaya nangingiti kong hinawakan ang kanyang balikat. “Lolo Antoun,” magalang na wika ko, “Salamat.” Unti-unting nanlaki ang bilugang mga mata niya, tila muling namutawi sa kanyang gunita ang aming unang pagtatagpo, sampung-taon na ang nakalilipas. “Wow, deja vu?” malawak ang ngiting sambit ko. Umarko ang nanlalamig niyang labi at sinubukan akong hilahin ngunit dagli siyang pinigilan ni Tatay. “Susunod ako, anak,” bilin niya, “Lolo Antoun, palagpasin niyo na ito, ngayon lang.” Tiim-bagang na nilingon ni Lolo Antoun si Tatay, “Ha? Ngayon lang? Hindi mo ba alam ang gulong dinulo—!?” Hindi ko siya hinayaang tapusin ang sasabihin at agad na sumipol. Sa loob ng ilang sugundo ay pumailanlang ang bangis ng isang paparating na malaking buwitre. Pumapagaspas at naglilikha ng malakas na hangin ang kanyang malapad at mahahabang pakpak. Nanlilisik ang kanyang pulang mga mata, malayo pa lang ay matatanaw mo na, gayundin ang mahahaba nitong kukong kahit yata hawakan mo lang ay masusugat ka sa kanyang talim. Nang tuluyan itong makababa sa lupa ay agad niyang niligid ang paningin at nang magtama ang aming paningin, bigla niyang binuka ang kanyang malaking bibig, nakatanglaw ang kanyang matatalas na pangil at akmang sasakmalin ako ngunit, labag sa kaloobang pinigil ang sarili at dinilaan na lamang ako. Binabaan nito ang katawan upang makasakay ako sa kanyang likuran, nang masigurong maayos na ang pagkakaupo ko ay unti-unti siyang tumayo, pumagapagaspas ang mga pakpak. “Zeep! Zeep!” hudyat ko upang tuluyan kaming umangat sa lupa at tahakin ang kabundukan ng Canella. Sumasabay sa amin ang ilang maliliit na buwitre't maging mga ibon. Sila ang mga hayop na naninirahan dito sa bundok — mga naging kaibigan ni Lolo Antoun, maging ni Prince Argo, kaya't hinahayaan nilang maging parte ng misyon ni Lolo Antoun; ang protektahan ang bundok, at ang prinsipe sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa isa't isa. “Zeep! Zeep!” Ang pinakamalaki, at pinakamatandang buwitre ay si Zeepharo na ngayon ay unti-unting umaapoy ang kanyang mga matang pinanonood akong lumambitin sa mga sanga ng puno ilang segundo nang ako ay tila isdang lumanggoy pabulusok sa kalupaan. Naningkit ang mga mata ko nang mamataan ang tirahan ng prinsipe. Nagliliwanag ang isang silid sa unang palapag— ang kwarto ng prinsipe. Tahimik, gumagapang na lumapit ako sa may bintana, umupo at pilit pinakinggan ang kanilang pinag-uusapan sa maliit na siwang mula sa bintana. Mahina, ngunit gumapang sa buong katawan ko ang mga salitang lumabas sa bibig ni Heneral Elfron. “M-Maaari ni'yo bang ulitin ang inyong tinuran, Heneral?” “Natagpuan ng kanyang tagapagsilbi ang Prinsesa Sapphire na wala ng buhay sa kanyang silid sa palasyo. Nang suriin ang kanyang katawan at ang buong silid sa tulong ng tandang Tasyo ay nalamang ang prinsesa ay nalason sa ininom niyang tsaa,” pag-uulit ng Heneral. “Tsaa...nilason ang aking tiya?!” Napakislot ako nang dumagundong ang kalangitan, manging ang kalupaan at magliwanag dulot ng nagngangalit na mga kidlat. Nakayap ko na lamang ang sarili nang tamaan ng kidlat ang isang puno at mabuwal ito't humambalang sa harapan ko. “Hala ka, Prince Argo, kumalma ka,” tanging bulong ko't muling binaling ang atensyon sa usapan ng dalawang ginoo. Tumikhim ang heneral, “Hindi po. Inyong pakatandaang si Tandang Tasyo ay isang tanyag na veiler dahil sa kanyang reputasyon at abilidad na makita ang alaala ng sino mang hawakan nito. At ayon sa kanya, ang prinsesa mismo ang lumason sa kanyang sarili buhat ng matinding pagkalungkot,” pagpapaliwanag ng Heneral, “Kayo pa lamang po ng Hari ang nakaaalam nang tunay na nangyari sa prinsesa kung kaya't inaasahan ng Hari ang inyong pag-uwi sa palasyo upang kayo po ay mag-usap.” “Kung wala na kayong katanungan ay kailangan ko ng bumalik sa palasyo, Prinsipe Argo.” “Eh. Maraming salamat, Heneral,” usal ng prinsipe't hinayaan ng bumagsak ang malakas na ulan kasabay ng kanyang mga panaghoy sa ilalim ng gabi. Halos bumaon ang mga kuko ko sa aking palad nang masilayan ang ngisi ni Heneral Elfron pagkalabas niya sa tahanan ng prinsipe. Para siyang demonyong sumakay sa kanyang kabayo't sinuong ang poot at kalungkutan ng prinsipe. Hindi ko alam kung marapat ba akong magtuwa't hindi nadawit ang aking pangalan o mapoot dulot ng isang kasinungalingang kanyang binitawan sa mahal sa prinsipe. “Ha! Sana'y mabagsakan ka ng mga puno at tamaan ng kidlat!” inis na wika ko't dali-daling kumatok sa pintuan. “Prinsipe Argo, si Earth ito! Maaari ba akong pumasok?” “Ah?! Earth?!” Tumango ako, “Maaari ba akong puma—” “Hindi ito ang tamang oras para mag-usap. Hindi kita nais makita ngayon, Earth.” Napabuntonghininga ako. “Ngunit importante ang kailangan kong sabihin! Tungkol ito sa prinsesa... hindi siya nagpakamatay!” deklara ko at muling kumatok nang sunod-sunod. Ilang segundo lamang ay malakas na hangin ang tumulak sa akin papasok sa loob ng bahay. Muntikan pang tumama ang mukha ko sa sahig mabuti na lamang at agad akong nahila patayo ni Prinsipe Argo. Pilit siyang ngumiti ngunit hindi kayang itago ng matamis na ngiti ang tumatangis niyang mga mata. Mabibigat ang pinikakawalan niyang hininga. Ang kanyang mga hikbi ay pilit itinatago sa lakas ng hangin at ulang bumabalot sa buong isla. Ha. “Hindi nagpakamatay ang prinse—” “Alam ko! Hindi niya iyon magagawa sa kanyang sarili! Kahit gaano pa kabigat ang kanyang problema, hindi niya nanaising tumakas na lamang!” singhal niya at bigla na lamang sinuntok ang isang mamamahaling muebles dahilan upang mabasag at kumalat ang piraso nito sa sahig. Hindi pa ito nakuntento at isa-isang hinagis ang mga gamit na nasa mesa, maging ang buong silya ay hinagis pa niya. Ha! Anong balak nito? Sirain ang buong bahay?! Oo galit ka, namatayan ka, ngunit, sir, wala ka kayang kasambahay, sino sa tingin mo mahihirapang maglinis ng mga 'yan? Ha. “I met her.” Nabaling ang tingin niya sa akin. “You...met her?” Dahan-dahan niyang binaba ang ihahagis niya sanang bote ng wine at lumapit sa akin. Tumango-tango ako at agad siyang binatukan. “Eh? Eh!?” “Nevermind. I told you, I met her,” panimula ko at sinalaysay sa prinsipe ang lahat ng nangyari, mula nang makita ko ang prinsesa hanggang sa kanyang mga huling hininga. “Heneral Elfron killed her under the king's order,” sambit ko't pinagmasdan ang unti-unting pagbabago ng ekspresyon ng prinsipe. “Kailangang may gawin tay—?!” Tinakpan niya bigla ang bibig ko. Malamig at nanginginig. Balisang nilingon ang kaliwa't kanan bago tinanggal ang pagkakatakip sa aking bibig. I coughed. “W-What?” “You won't do anything. Alam mo naman ang mangyayari kapag kinalaban natin ang mahal na hari, tama?” “Ha? Pero pinatay nila ang prinsesa! Ang iyong tiya, tapos ngayon sasabihin mo sa aking huwag ng mangialam? Gano'n na lang ba iyon? Kapag ang hari ang may kasalanan, ayos lang dahil hari siya subalit kung nasa mababang estado ang nagkasala, ay ano? Kamatayan ang parusa?” paliwanag ko. Mariing pinikit niya ang kanyang mga mata at hinimas-himas ito, pagkatapos ay nagpakawala siya nang malalim na buntonghininga at mariin akong tiningnan. “Earth, ayoko lamang na ikaw ay mapahamak, at gumulo pa ang lahat—” Peke akong tumawa. “Ha? Hindi kita magulang para isipin mo pa ako, ang sabihin mo, nag-aalala ka sa iyong posisyon! Bago pa ako pumunta rito, tiyak ko na ang kapalaran ko, hindi ko mawari kung bakit nagsinungaling ang Heneral at hindi binanggit ang tungkol sa akin, ngunit, natitiyak kong sa ilang sandali ay maaari akong dakpin, at bago pa iyon mangyari nais kong kumilos na! Lumapit ako sa 'yo dahil kaibigan kita, ang akala ko ay kakampi kita ngunit isa ka rin pala sa tuta ng hari! Duwag ka!” sumbat ko rito habang pilit pinapahid ang nag-uunahang mga luha. Tinalikuran ko siya at akmang lilisanin na ang silid nang matigilan ako sa kanyang winika. “Tama ka. Natatakot akong mawala sa posisyon. Natatakot akong mawala sa akin ang pangangalaga sa Arsano. Alam mo kung bakit? Earth, ito lang ang mayroon ako, ang posisyon ko lang ang mayroon ako. Ano sa tingin mo ang mangyayari kung pati itong Arsano ay mapunta sa pamamahala ng Hari?” Sarkastikong tumawa ako at nilingon siya. “Earth, mahal ko ang aking tiyahin, dahil bukod kay Queen Canela ay siya lamang ang tumanggap sa akin bilang tunay na pamilya, at tulad mo, nais ko ring mapanagot ang may sala, ngunit, mahal ko ang Arsano. If I loose my position, how will I protect these people? Right now, I am powerless if not a prince, and there's no way I'd be a king. So long as the King holds the joker, I'll took hold of this solitude ace.” Hindi agad ako nakakilos. Nanatiling tikom ang bibig ko habang pilit pinapasok sa kokote ang tinuran ng prinsipe. He's just like me. Minsang nabanggit niya sa aking hindi siya tunay na anak ng Hari kaya malabong siya ang maging susunod na hari kahit siya ang panganay sa dalawang prinsipe. Kinupkop siya ng katiwala ng Reyna, at nang pumanaw ito ay kinupkop naman siya ng Reyna at pinakilala bilang anak nito at isang prinsipe. Nang pumanaw si Reyna Canela ay umalis si Prinsipe Argo sa palasyo at napunta sa pangangalaga ng kapatid ng Reyna na si Princess Sapphire. Ilang taon ang lumipas, itinalaga siya bilang Ruler ng Arsano District — after all, he is legally a prince, and a Mortelli. Ang kapal naman ng mukha ni King Servero kung hindi niya kikilalanin si Prince Argo, 'no? Ngumiti ako at lumapit sa kanya. Niyakap ko siya at marahang hinagod ang kanyang likod. “You're a prince, a kind prince who cared for his people so, hurry up and stop this rage, you're ruining the island, idiot,” natatawang bulong ko rito at ngumiti sa kanya. Saglit siyang natigilan ngunit agad ding tumawa at pinahupa ang daluyong... ang kanyang galit. Nang tuluyang kumalma ang prinsipe ay nagpaalam na ako ngunit bago ko pa man mapihit ang seradura ay nagliwanag na ang paligid ko; I was summoned back home...again. Ha. Nagmulat ang aking matang unang nakita ang aking lolo. Malawak ang ngiti niya nang makita ko. “Kayo po ba ang nag-sum—?!” “Iris.” Matapos niyang banggitin ang pangalang ngayon ko lamang narinig ay tuluyang natapos ang kanyang hininga. “Iris.” ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD