KABANATA 03: PAGDANAK NG DUGO AT LUHA
***
Tulungan mo ako, binibini.
Hindi ko alam kung ito ba ang veil ng tiyahin ni Prince Argo, ngunit sigurado akong narinig ko ang boses niya sa isipan ko. Kusang humakbang ang mga paa ko patungo sa direksyon nila, ni hindi ko nga alam kung paano, ang alam ko lamang ay kailangan kong tulungan ang pobreng babaeng iyon — the ruler of Howling District; Princess Sapphire Mortelli.
"Sandali..." Dagling lumiwanag ang paligid, napansin kong humawak ang mga guwardiya sa isa't isa maging sa nakahandusay na babae kaya wala sa sariling humawak ako sa balikat ng isa.
Pinikit ko ang aking mga mata, pigil ang hininga. Parang umikot ang kaluluwa ko nang ilang segundo bago naramdaman ng mga paa ko ang lupa.
Binuksan ko ang aking mga mata, saglit nagtama ang aming paningin ng prinsesa, bago tuluyang bumaling sa akin ang mga guwardiya.
Umusok yata ang mga ilong nila, kulang na lang ay tunawin ako sa kanilang mga tingin. Ngumiti ako at napaatras. Nakagat ko ang aking dila nang hindi maramdaman ang lupa, patay ako nito. Mukhang nasa bangin pa kami!
Madilim at malawak na kakahuyan ang nasa harapan, kung umatras ako ng isa pa, siguradong tubig ang nag-aabang sa akin! Umulan ba kanina? Maputik ang lupa, isang maling hakbang, tapos ang kwento ng buhay ko.
Huminga ako nang malalim.
Hindi ko pa man din dala ang aking katana, what's under my sleeves?
I need a minute.
"S-Sino ka?! Paano ka napunta rito?! Pinuno, may sibilyan! Anong gagawin natin?!"
"Ano pa e 'di patahimik — agh!"
In one swift moved, I slid through the mud, and slit the throat of their captain using the oldest and my father's favorite weapon — dragon sword made of diamonds — from the workshop that I summoned.
"H-Huwag kayong m-mangamba, men. Mas importante ang utos ng H-Hari kaysa sa akin, t-tapusin niyo siya---agh!"
Sinipa ko patungo sa lupong ng mga militar ang kanilang pinakamamahal na kapitan. Sapat na ang ilang segundong iyon upang mahablot ko ang nakahandusay na ginang at suungin ang kagubatan.
Maingat na hindi masabit ang mga paa sa mga ugat ng puno, ngunit matulin, at pinapanatili ang distansya sa mga humahabol. Habang tumatakbo ay isa-isa kong hinuhulog ang mga mini-bomb na nakatago sa ilalim ng sleeves ko.
Mabuti at masinop ako kaya nang sumobra ang ginawa kong mga bomba ay tinago ko ang iba. Hindi naman siya delikado, pero illegal, kaya, walang pwedeng makaalam.
Sunod-sunod ang pagsabog dulot ng mga bomba at ilang putok ng baril ang bumulusok sa direksyon namin na tanging mga inosenteng puno ang tinamaan. Halos mabuwal ang mga puno sa lakas ng impact ng bala, mabuti na lamang at maaaring gawing kalasag ang espada kung paiikutin ito nang mabilis at tuloy-tuloy, forming a full moon image.
This weapon is actually useless in our situation, but I summoned this for a purpose. Paborito ito ng aking ama, madaling mapapansin kung mawawala ito sa lagayan sa workshop, siguradong maghihinala si tatay.
"Kailangang maibalik sa hari ang kuwintas!"
"Totoo po bang kinuha niyo ang kuwintas mula sa hari?!" paniniyasat ko ngunit bago pa man ito makasagot ay isang palasong gawa sa apoy ang tumama sa kanyang balikat.
"Ha! Mahal na prinsesa!"
Pilit ko siyang hinila ngunit maging ang mga binti niya ay may umaagos ng dugo. Masyadong natuon ang atensyon ko sa prinsesa kaya't maging ako ay ilang beses nadaplisan.
"Ibalik mo ang kuwintas aming prinsesa o mapipilitan kaming ikaw ay kitilin!" Sinubukan niyang hablutin ang prinsesa ngunit nauna ko ng naputol ang kanyang braso.
Sumirit ang dugo, nahulog sa lupa ang kanyang kamay, yumuko ako upang magbigay-galang.
Ha! Talagang matalim ang espadang ito kahit ilang daang taon ang tanda!
"Pinuno!" Sinubukan ng isang pigilin ang pagdurugo ng naputol na braso sa pamamagitan ng p*******i ng kapirasong tela mula sa kanyang uniporme.
"Magbabayad ka! Parating na ang Heneral!"
"Kung hindi kayo titigil ay mapipilitan akong paslangin kayo kung ang kapalit nito ay ang kalayaan ng prinsesa. Tinuruan ako ng aking amang huwag papatay ngunit, tinuruan niya rin ako kung paano ipagtanggol ang sarili. Hindi ako naniniwalang ninakaw niya ang kuwintas na ito! Mabait ang pinuno ng Howling District, at mabait ang tiya ng kaibigan kong Prinsipe Argo!" asik ko.
"Ngunit nakita mismo ng dalawang mata ko ang ginawa ng prinsesa. Kinuha niya ang kuwintas doon sa museyo ng Haring Servero!" depensa ng isa sa kanila at muling humakbang palapit sa amin.
Tulungan mo ako, binibini.
"Patawarin niyo ako sa aking gagawin," bulong ko at hinarap ang hukbong militar.
Muli kong pinadyak ang isang paa at gumapang sa katawan nila ang yelo. Bago pa sila makawala rito ay isa-isa kong pinutol ang kanilang ulo, nang tumapat ako sa kanilang kapitan ay ngumiti ako,
"Pasensya na po, mas importante ang utos ng prinsesa. At ang utos niya sa akin ay tulungan siya," sambit ko't tinapyas ang kanyang tumatangis na mukha.
Saglit akong natahimik bago nakangiting hinarap ang ngayo'y nakalupasay na prinsesa.
"Patawad kung kailangan niyong masaksihan ang bagay na iyon."
"Y-You..."
"Kailangan nating makalayo rito, madame! Bago pa dumating ang sinasabi nilang Heneral!" Pilit kong hinila patayo ang prinsesa ngunit hindi ito kumilos. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko, nanginginig at nanlalamig ang kanyang mga palad. Walang humpay ang kanyang pagluha, naghalo na nga ang dugo, putik at luha sa kanyang maamong mukha.
"R-Run," nangangatal ang boses na usal niya. Gamit ang natitirang lakas ay tumayo siya at pilit na isinuot sa akin ang hawak niyang kuwintas. Pinagmasdan ko iyon at hinawakan.
Simple at luma ang kuwintas, hindi mo aakalaing pagmamay-ari ito ng mga Mortelli. Kulay berde at hugis puso ang pendant habang yari naman sa pinulupot na mga ugat ng halaman ang mismong kuwintas.
Napasinghap ako nang marahang hinagod niya ang aking likod at mahigpit na niyakap. Parang ilog na payapang umaagos ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"R-Run," muling sambit niya.
"Ngunit..."
"I-Ikinagagalak kong makilala ka, Earth. Hanggang dito na lang ako. Tanging hiling ko lamang ay ang kaligtasan mo, at bilang pinuno ng Howling, pinag-uutos kong ngayon din ay tumakas ka na."
Natigilan ako. "Ngunit nakatira po ako sa Arsano District," pabulong na sagot ko.
Tumawa siya, "Run!"
Nanindig ang mga balahibo ko, pati yata ang pintig ng puso ko ay biglang huminto. Parang may sariling buhay ang mga paa kong kusang tumakbo palayo.
"That's right, Earth. Live," pahabol pa niya at hinarap ang panibagong hugbong militar na mula kung saan ay lumitaw. Hawak ang isang baril na pinulot sa lupa ay hinarang niya ang mga ito.
"Labis mo akong pinahahanga, Prinsesa Sapphire, subalit ako'y naaawa sa 'yo, mamamatay kang nag-iisa. Nais ko pa naman sanang hilingin sa haring pakasalan ka, ngunit, matapos ang iyong ginawa? Ikinagagalak kong kunin ang iyong huling hininga, pagkatapos ay ang magandang dalagang iyon," usal ng tinatawag nilang Heneral.
Ang inaasahan ko ay isang matandang lalaki ngunit tila ilang taon lamang ang tanda niya sa akin. Maganda ang kanyang mukha kahit na may malaking pilat mula sa kaliwang kilay pababa sa kanyang mata.
"Manahimik ka, Heneral Elfron!"
Ngumisi lamang ang Heneral, binalaan ang mga kasama na huwag makikialam. Tama, gwapo ngunit mahilig bumuhat ng kabayo.
"Run!" muling sigaw ng prinsesa 'saka pinaulanan ng bala ang Heneral ngunit ni daplisan ay hindi nito magawa.
Naisin ko mang bumalik at tulungan ang prinsesa subalit may sariling isip yata itong mga paa kong ayaw huminto sa pagtakbo. Ha! Isa bang manipulator ang prinsesa at kasalukuyan akong kino-control?!
"'Tay! Nasaan ka na! Kinuha ko ang paborito mong sandata 'tay, take a hin-"
Parang gulay na nalanta ang binti ko, nilingon ko ang prinsesa, hindi ko na siya makita. Tanging nasa harapan ko ay ang humahangos na Heneral at ang umaapoy niyang pagnanais na makuha ang suot kong kuwintas.
"Nasaan ang prinsesa?! Anong ginawa niyo! Gaano ba kahalaga ang cheap na kuwintas na ito para umabot pa tayo sa ganito?! Kahit ako ay kayang gayahin 'to!"
"Patay na ang prinsesa, binibini. Bakit? Gusto mo na bang sumunod sa kanya?" nakangising tanong ng Heneral at pinakita sa akin ang duguang ulo ng prinsesa.
Nanlambot ang mga tuhod ko, parang pinipiga ang puso ko sa nakikita.
Tumayo ako at kinopya ang tindig ng sundalong gumagamit ng palaso kanina, gamit ang imahinasyon ay gumawa ako ng palasong gawa sa yelo at sunod-sunod na pinatamaan siya ngunit ni hindi man lang ito nahirapang salagin lahat ng palaso gamit ang kanyang dalawang espada. Habol ko ang aking hininga, malamig na ang simoy ng hangin, ngunit ang panganib na humahabol sa akin ay umaapoy! Nag-iinit!
"'Tay!" palahaw ko.
"Oh? Nasaan na ang tapang mo? Gusto mo bang ipasundo ko pa ang iyong ama para ilibing ka?"
"Ha? Masyado ka naman yatang mabait Heneral, teka, ano po bang pangalan mo nang maisama kita sa panalangin ko upang kunin ka na ng diyos, masyado kang mabait e," sagot ko.
"Heneral Elfron, binibini. Tandaan mo, okay?"
Pinikit ko ang mga mata ko, tinawag ang lahat ng mga demonyong nabasa ko sa libro upang kunin na ang taong nasa harapan ko.
Muli akong tumindig, hinawakan nang mahigpit ang espada, at hinintay ang Heneral na unang umatake.
Hinanda ko na ang sariling magtamo ng mga sugat ngunit laking pagtataka ko nang ni isa ay walang dumampi sa balat ko. Lumiliwanag ang suot kong kuwintas, at ang kanyang pag-atake na dapat ay babaon sa katawan ko ay ni hindi lumalapat sa balat ko. Sinubukan niyang gumamit ng veil ngunit wala rin itong epekto.
Kapwa kami napako ang atensyon sa suot kong kuwintas. Patuloy itong lumiliwanag, tila isang barrier na pinipigil nito ang kahit anong pag-atake sa akin. Kahit anong gawin niya ay hindi niya ako masugatan. Bumabalik lang sa kanya ang impact ng mga atake.
"A-Anong...ang kuwintas ng hari..."
Napapikit ako matapos muling lumiwanag ang paligid ko at tuluyang maglaho sa aking paningin ang Heneral Elfron. Sinubukan pa niyang humabol ngunit ni hindi niya nagawang makalapit sa akin dahil sa barrier mula sa kuwintas.
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko nang isang mainit na mga bisig ang sumalubong sa akin. Binitawan ko agad ang hawak kong espada at mahigpit na niyakap ang taong kanina ko pa tinatawag.
"'T-Tay..."
"Earth, anak?!"
"Hala ka, Earth! Nakipag-away ka 'no? Mukha ka pa namang laging naghahamon ng away, buti hindi ka napuruhan? 'Yan, takas pa raw kasi."
"Mukha bang hindi napuruhan 'yan? Sabihin mo, Earth, sino ang kumanti sa pinakamamahal kong anak at tuturuan natin ng leksyon 'yan?"
"Oy, tatay, kami po ang anak niyo at hindi ang babaeng 'yan! Savi oh, si tatay tinatakwil tayo!"
"Happy birthday, Ate Earth."
"Wah! Savi, bakit ganyan ka?!"
Nanlalaki ang mga mata ko matapos bumulaga sa harapan ko ang pinsang si Ravi at ang kakambal niyang si Savi, gayundin ang tatay nilang si Uncle Tanaka maging ang bunsong kapatid na si Uncle Sakurai.
"Earth, magpalit ka muna ng damit upang malinis natin ang iyong mga sugat," utos ni Uncle Sakurai at inabot sa akin ang damit na pamalit.
Nang magawi ang tingin ko sa likuran ay nakaratay sa kama si Lolo Takahashi, nakangiti sa akin.
"Mukhang hindi naging maganda ang unang beses mong pagtapak sa lungsod, apo?"
"A-Anong meron? Ba't nandito kayong lahat sa kwarto ni Lolo?"
"'Saka na ang tanong Earth, magbihis ka muna. Masyado kang malansa, kadiri!" maarteng sabi ni Ravi at tinulak-tulak pa ako palabas ng kwarto ni Lolo, "Oy, isama mo na rin 'tong sword of the dragon ni Tito Frank, na kinuha mo nang walang paalam at binahiran mo pa ng dugo, na kahit minsan hindi pinagbili o pinahawak man lang ni Tito sa kahit sino," pahabol pa ng sutil kong pinsan habang ngingisingising tinaboy ako.
"Lagot ka sa 'kin pagbalik ko, Ravi!"
"Blah-blah-blah-hahaha!"
Mabilis ang naging pagkilos ko, dahan-dahang hinugasan ang katawang panay sugat na sa bawat haplos ko ay kumikirot. Wala pa ring humpay ang pintig ng puso ko. Pinagmasdan ko mula sa salamin ang kuwintas. Kahit ilang beses ko itong subukang hubarin ay hindi ko nagawa, wari ko ay mayroong mahika o nasa ilalim ito ng veil ng isang tao at tanging siya lamang ang makapag-aalis nito.
Napalingon ako sa pintuan matapos may kumatok dito ng ilang beses.
"Sino 'yan?"
"Earth, anak, maaari ba akong pumasok?" Tumango ako kahit hindi naman niya iyon nakikita at agad na binuksan ang pinto.
"'Tay, patawad po kung sinuway ko ka-" Napahawak ako sa kaliwang pisngi matapos lumagitik ang kanyang palad dito. Naisin ko mang umiyak ay pinigilan ko at kinagat na lamang ang dila.
Sinalubong ko ang tingin ni tatay. Huminga ako nang malalim at ninamnam ang sandaling katahimikan. Hindi siya galit at hindi rin masaya, tama lang para sa isang oras na sermon.
"'Tay, handa na po ako," desididong usal ko.
***