KABANATA DALAWA

2318 Words
KABANATA 02: EARTH FUJIWARA *** Ito ang unang hakbang ko sa loob ng Heartveil City. Tama nga ang aking ama, mapanganib ngang talagang umapak sa lungsod, kasi, literal na bawat hakbang ko ay may mahinang boltahe ng kuryente ang gumagapang sa mga paa ko, idagdag pa ang iron heels ng sapatos ko, mas gumagapang ang kuryente. Tinatahak namin ngayon ang kahabaan ng mga tindahan, sa dulo raw nito ang aming pakay — ang Casa Balborne. Ayon kay Balaam, isa ring bahay-panuluyan ang kanilang tahanan, na ngayon ay kilala na rin bilang Frozen Mansion. “Intention grounds ang tawag diyan,” bulong ni Balaam, “Pinatatakbo 'yan ng ilang alumni ng academy bilang security system dito sa city,” pagbibigay-alam niya at tinuro ang pinakamatayog at pinakamalaking gusali sa lungsod na matatagpuan sa silangan mula sa kinatatayuan namin. Nagliliwanag ang paligid ng gusaling iyon na para bang tinatawag ang mga gamugamo na lumapit dito. Hindi tulad ng mga gusali ritong moderno na ang disenyo, ang gusaling iyon ay tila niluma na ng panahon. Madalas kong naririnig noon sa paaralan na bago pa man ang Veil Event ay isa na talagang kastilyo ang gusaling 'yon, nang magkaroon ng bagong may-ari ay hindi binago ang disenyo ngunit sinigurong magiging matibay ito sa kahit anong daluyong. “Iyon ba ang Veil Academy? Paano kaya ako makakapasok diyan nang hindi nalalaman ng aking ama?” sarkastikong tanong ko at nilingon ang kaibigan kong si Balaam. Saglit napaawang kanyang bibig ngunit agad ding pinatungan nang malawak na ngiti. “Earth, kahit pigilan ka ni Sir Takao, alam kong ipagpipilitan mo pa ring makapasok diyan sa academy. Hindi na rin ako magugulat kung isang araw malaman kong enrolled ka na pala,” seryosong sagot niya, saglit siyang natigilan, matagal akong tinitigan bago tuluyang ngumisi, “Wait, enrolled ka na 'no?! Graduate na nga pala tayo ng tenth year, at bawat taon, mayroong nabibigyan ng slot para makapasok sa veil academy! s**t, Earth, bakit hindi ko agad naisip 'yon?!” Para siyang bulateng inasinan, butiking naputulan ng buntot, habang tumatawa. Napasapo na lamang ako sa noo dahil masyado na kaming pinagtitinginan. Patay malisyang naglakad na ako palayo kaysa madamay sa kanyang kahihiyan. Malayo pa ba ang Casa Balbourne? Bakit ba kasi itong si Balaam ang sumundo sa 'kin, pwede namang si Jenna na may teleportation veil na lang. “Seriously, Earth? Ako nga pinoproblema ko kung makakapasa ba ako sa veil academy, tapos ikaw, pinoproblema mo pa si Sir Takao?!” “Ha? Teka nga, hindi ang pag-enroll ang problema ko, ang problema ko ay ang tatay ko, at hindi lang 'to basta problema. Remember, officially enrolled na ako after our school's recommendation, pero, sa bahay may batas, at kapag sinabi ni tatay na bawal, bawal!” depensa ko ngunit mas lalo lang lumawak ang ngiti sa labi niya, may luha pa ang mga mata niyang agad ding nagiging yelo dahil sa kanyang veil. “Earth, may magagawa pa ba si Sir Takao kung ang Head Mistress na ng academy ang sumundo sa 'yo?” “Malamang!” “Huh?!” “Ha?” Pareho kaming natigilan, minata ang isa't isa bago magkapanabay na nilingon ang nagsalita, nanggaling iyon sa ibaba. Bumulagta sa harapan namin ang isang lalaking duguan at pira-piraso ang katawan—may tomato paste sa katawan, nakakalat ang pinagputol-putol na parte ng katawan sa may pintuan ng mga Balbourne, at nakangiti sa amin ang kanyang ulo. “Kaya naman pala ang tagal niyo, may LQ ba kayo? As in, Liars Quarrel?” tanong niya habang unti-unting bumabalik sa dati ang kanyang katawan. Tulad nang unang beses kong masaksihan ang kanyang veil, hindi ko pa rin napigilan ang maduwal. “Liars Quarrel talaga, Kuya Klayde? Kailan pa ako naging sinungaling ha? Kung si Balaam, pwede pa, pero ako? Hindi ba't sinabi mong kasing bait ako ng isang anghel?” apela ko at agad na hinila ang tainga ni Kuya Klayde, ngunit, ang masamang nilalang, hinayaang mahila ko nang tuluyan ang kanyang tainga! “Yuck!” Hinagis ko kay Balaam ang tainga ngunit hindi na ito humihinga. “Ew! Oy! Earth! Mabuti at pinayagan ka ng tatay mo?” singit ng isa sa kaklase namin mula sa pintuan, may pizza pa sa bunganga! “Tumakas lang ako para sa inyo, kaya kailangan worth it ang pagtakas ko, okay?” nakangising usal ko. “Oh, tara na at mag-party! Kumpleto na ang lahat!” sigaw ni Kuya Klayde kahit hindi naman siya kasama sa klase namin at hinila kami ni Balaam na kanina pa namumutla. He unexpectedly has trauma because of Kuya Klayde. The first time they met, Kuya Klayde pulled a prank on him, it's so realistic that Balaam called the police and cried when Kuya Klayde started talking to him, with just his mouth, and eyes crawling at the poor young Balaam. We were both in seventh grade while Kuya Klayde's in tenth grade, and our club president. “Klayde, you know, I really hate you,” bulong ni Balaam ngunit tinawanan lamang iyon ni Kuya Klayde. He is an Objecteil. Researchers theorized that they are an enhanced Humaeil version. Kung ang Humaeil ay may superior senses and strength or whatever superhuman in their bodies, Objecteil is the same with the special feature of acquiring the desired object of their parents. Katulad niya, mahilig sa clay ang kanyang nanay, kaya nang lumabas, ay isang batang kayang pira-pirasuhin ang katawan, at muling ayusin na parang isang clay. May instances ding mula naman sa mga pinaghalong veil ng kanilang parents. I heard his parents are both eartheil; mudman and water type. Sinalubong kami ng aming mga kamag-aral. Makalat na ang mesa kung saan sila nakahilera, nangangalahati na nga ang mga pagkain, at ilang bote na ng alak ang nakataob. Umupo ako sa bakanteng silya, “Para saan ba ang pagtitipon na ito at kailangan pa akong dumalo? Post-Graduation celebration ba ito? Bakit nandito pati si Kuya Klayde?” “I invited myself! Alam mo namang mahal na mahal ko kayong dalawa ni Bamy! You're my precious juniors, you know!” “Bamy?!” Ngumisi si Kuya Klayde at tinuro si Balaam dito sa gilid kong nagngingitngit na sa inis. He called him Bamy and referred me as Plany to tease us, but it doesn't really bother me, I kinda like it. “Shut up! I told you to stop calling me that!” “Wey! Chill, Bamy. Araw ni Plany 'to, so, chill na okay?” Nagtawanan sila, nagsimulang pumalakpak, habang si Balaam ay tumayo at nang bumalik sa mesa ay may hawak ng sash, sinabit niya iyon sa akin at niyakap pa ako. “Akala mo ba makakalimutan namin ang araw na 'to?” “Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you! Happy birthday Earth!” “Ha?” “Shot! Shot!” paghahamon ni Kuya Klayde at pilit na inaabot sa akin ang isang bote ng alak. Para silang nasa karera ng kabayong panay ang hiyawan, kaya maging ang ibang bisita ng Casa Balbourne ay nakikipalakpak na rin at nakisigaw pa. “Bukod sa birthday ng mahal nating kaibigan, gusto ko ring sabihin sa inyo na siya ang napiling makapasok sa Veil Academy mula sa batch natin! That elite school!” tuya pa ni Balaam. “Wow! Welcome aboard, Plany!” bati ni Kuya Klayde at muling inabot sa akin ang isang bote ng alak. Nangungunot ang noo kong tinanggap ang bote at lumagok ng kaunti. Mapait. “Salamat, ngunit hindi na dapat kayo nag-abala pa,” wika ko. Hindi ako sanay na may ganitong selebrasyon ng aking kaarawan lalo't hindi naman ito ginugunita sa aming tahanan. Minsan kong natanang noon si tatay kung bakit, ang sabi niya lamang ay kasabay ng aking kapanganakan ay ang kamatayan ng aking ina dulot ng digmaan sa pagitan ng palasyo at ng mga rebelde. “Ikaw pa! Malakas ka sa 'min! Takot lang namin diyan sa ex mong si Bal!” hirit ni Terry at humalakhak. Nanginginig ang mga kamay na pinahid ko ang luhang lumandas sa aking pisngi. Muli akong uminom ng alak at sinimulan ng lantakan ang nakahaing pagkain. “Pero, ang galing 'no? Mahirap makapasok sa academy, sa entrance exam pa lang e, lalo na kung hindi ka kabilang sa mataas na pamilya, pero ikaw Earth! Sinalo mo lahat ng biyaya!” Peke akong ngumiti, “Hindi naman, Jenna.” “As expected of a Fujiwara! Kung tutuusin nga hindi mo na kailangan ang academy, dahil wow, Earth, may sarili kayong school at business na sigurado naman akong ikaw rin ang magmamana dahil ikaw lang naman ang anak ni Ginoong Takao Fujiwara. Ampunin niyo na lang ako Earth, kahit alipin lang!” Natigilan ako. Hindi ko kailangan ng alipin. “So, you think it was all because she is a Fujiwara? How rude,” komento ni Kuya Klayde at tumawa. “Hoy! Walang kinalaman ang pagiging Fujiwara ni Earth sa lahat ng achievements niya! Because she's Earth, Earth Fujiwara!” depensa ni Balaam, nilingon niya ako at pilit na ngumiti, “Pasensya na, mukhang lasing na.” “Ayos lang, totoo namang isa akong Fujiwara, walang masama ro'n,” sagot ko, “Teka, anong oras na ba, Bal?” “Quarter to five na, bakit?” “Oh, kailangan ko ng umuwi,” sambit ko at tumayo, “Hey guys, maraming salamat sa inyo ngunit kailangan ko ng umuwi.” “Wah! Why?! Plany?! Maaga pa! Kakasimula pa nga lang e!” “Sorry, tumakas lang kasi ako.” “Hatid na kita,” suhesyon ni Balaam ngunit nauna ko na itong tanggihan. Kumakaway-kaway pa ang aking kamay habang palabas ng tahanan. Palubog na ang araw nang mapagpasyahan kong tuluyan ng umuwi. Bitbit ang ilang supot ng pasalubong para kina tatay at sa kambal. Masyadong maliwanag at kaaya-ayang maglibot sa palengke ng lungsod. Maraming mabibili, at marami ring mga palarong mapaglilibangan. Kung hindi pa nga naubos ang mga barya ko roon sa claw machine ay hindi ko mapapansin ang oras. Mabagal ang naging paglalakad ko, sinusulit ang konting oras na malayo ako sa aming tahanan, at isa lamang akong normal na mamamayan. Walang pangalang kailangang ingatan, tanging ngalan ay Earth, isang normal na tao. Ngunit, hindi na yata mawawala sa bokabularyo ng mga Fujiwara ang salitang tumulong 'no? Kasi kahit sinabi kong normal na mamamayan ako ngayong araw ay hindi ko napigilang lingunin ang nadaanan kong madilim na eskinita. “Hoy! Anong ginagawa niyo sa kanya ha?!” sigaw ko at agad na hinagis sa kanila ang mga bitbit ko. Pinagmasdan kong mabuti ang eksena; mayroong limang lalaking lango sa alak, walang saplot pang-itaas, nakalislis na ang pantalon, habang walang malay na nakahandusay sa sahig ang isang babaeng blonde. “Kung tama ang nakikita ko, r**e 'to 'no? Alam niyo bang isang krimen ang gagawin niyo?” Nakangising tanong ko habang nililislis pataas ang manggas ng suot ko. “Huh?! At ano namang pakialam mo? Kusang sumama ang babaeng ito, bakit, naiinggit ka ba? Gusto mo bang sumali? Ikinalulugod kong matikman ang isang Haponesa.” Nakakaloko ang ngisi niya, may hawak na boteng lumakad palapit sa akin. Akmang ihahampas niya sa akin ang bote subalit nauna ko iyong nasipa at lumusot sa pagitan ng kanyang mga hita. Tinulak ko siya at naging hudyat upang tumakbo ako sa kanyang mga kasama, mabilis na hinila ko ang walang malay na babae at tumakbo sa kabilang dulo ng eskinita. Muntikan pa akong matamaan ng isang bola ng apoy, mabuti na lang at isang makapal na kahoy ang humarang sa likuran ko. Nilingon ko pa sila, nag-aaway na! “Hoy! Walanghiya kang babae ka! Bumalik ka rito!?” “Hey, tumigil ka na, Ralph. Hayaan niyo na.” “Hayaan?! Eh kinuha niya ang midnight snack ko!” “Hindi mo ba nakita ang mukha ng batang iyon? Anak 'yon ni Ginoong Takao!” “Takao?! Wala akong pakialam kung kaninong anak pa ang walanghiyang 'yan! Tumabi ka!” “Isa siyang Fujiwara, Ralph.” “Hurgh?!” Ilang minuto kong buhat-buhat ang babae hanggang sa makarating kami sa boundary ng lungsod at ng aming distrito. Ibinaba ko siya at bumewelo upang sampalin ang babae. Sinamaan lamang ako ng tingin ng guwardiya kaya patuloy ko siyang simampal hanggang sa mugto ang mga matang tiningnan niya ako. Sinapo niya ang pisngi at masamang tiningnan ako ngunit nang magawi ang tingin niya sa buhok ko ay malawak siyang ngumiti. “Hindi ko alam kung anong nangyari, but, wow! Your hair is so elegant! Is this your natural hair color? It's grey, like an ash! Can I take a picture of your hair?!” Tila isang bituing nagningning kanyang kulay bughaw na mga mata at parang batang manghang hinahaplos ang buhok ko. “Natural din ba na kulot 'to? E ang mga mata mo? Wow, you are truly elegant!” Kung may kopya lang ako ng veil ni Kuya Klayde, kanina pa nahulog ang panga ko. She is crazy. “I'm Emerude Anderson, nice to meet you,” pakilala niya at inilahad ang kanyang kamay. Tinitigan ko lamang iyon at naglakad na palabas ng boundary. “Wait! Hey! Miss! Thank you!” pahabol niya ngunit hindi na ako lumingon pa at simpleng kaway na lamang ang tinugon ko. “Anong klaseng pamumuhay ba ang mayroon dito sa syudad?” “Habulin niyo siya at kunin ang kanyang ninakaw!” Ha? “Pumasok siya sa Arsano District! Kailangan niyo siyang mahuli bago pa tayo mapansin ni Prinsipe Argo!” Mabilis ang mga pangyayari, namalayan ko na lamang ang sariling habol ng tingin ang hukbong militar ng haring hinahabol ang isang babaeng mahigpit ang hawak sa isang kuwintas. Unti-unting sumalubong ang kilay ko nang tuluyang rumehistro sa isipan kung sino ang babaeng iyon. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang tiya ni Prince Argo! Ngunit bakit?! Nagnakaw?! “Sanda—” ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD