Chapter Nine
Pearl Aphrodite Magnaye's Point of View
Kinabukasan ay six o’ clock na ako nagising. Bumungad sa akin ang napakagandang tanawin ng Taal. Hindi gaano makita ang Taal Volcano dahil sa makapal na hamog. Binukasan ko ang sliding door ng balcony at nanuot agad sa kalamnan ko ang lamig ng Tagaytay. Humugot ako ng malalim na hininga at sinalubong ako ng malamig na hangin. Ibang iba sa Manila na puro polusyon ang malalanghap. Feeling ko ang healthy tumira dito. What if dito na ako mag-stay? What do you think?
Mabuti at may heater dito sa hotel kaya nakaligo ako ng maayos. Hindi nakakangatog sa lamig. Nang makapagbihis ako ay lumabas na ako ng hotel room at nag-abang ng masasakyan. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang magagandang lugar na puwedeng pasyalan dito sa Tagaytay.
“Ma’am good morning!” napatingin ako sa isang tricycle driver na nakaparada sa labas ng hotel. Hindi ko ito pinansin at tumayo lang sa gilid, nilabas ko ang isa kong phone at nag-google ng mga tourist spots dito sa Tagaytay.
“Ma’am, saan niyo gustong pumunta? Puwede niyo akong i-hire as tour guide at driver na din po.” Dito na ako napatingin sa driver ng tricycle. Napakurap pa ako dahil sa hitsura niya.
Para akong nakakita ng model, isang hunk na model!
Maputi ang balat niya at makinis. Napalunok pa ako sa biceps niya na kitang kita ko. Nakasuot lang kasi siya ng isang t-shirt na putol ang manggas. May panyong nakatali sa kanyang ulo at mayroon siyang singkit na mga mata. Siguro may lahi siya. Maybe Chinese or Japanese? Puwede ding Korean.
“Ano bang puwedeng puntahan dito sa Tagaytay?” tanong ko at ngumiti naman siya sa akin. Aba! Pantay at putting puti ang mga ngipin. Kung wala lang siyang dalang tricycle, hindi mo siya mapagkakamalang driver.
“Marami puwedeng puntahan dito. Sky Ranch, Picnic Groove, People’s Park in the Sky, Museo Orlina. Kung gusto mo puntahan natin ang Fantasy World sa Lemery, Batangas,” sabi niya.
“Magkano?” tanong ko.
“One thousand three hundred lang. Buong araw na iyon. Ano deal ba?” at nagtaas-baba pa siya ng kilay niya.
Nag-isip ako, tinitimbang ang pros and cons.
Pros: hindi na ako mahihirapan pa, may ride at guide pa, tapos gwapings pa.
Cons: stranger siya. Hot and sexy stranger.
“Deal,” I said.
“Good! Madali ka palang kausap eh. Tara na, sumakay ka na sa limousine ko,” he said at napailing na lang ako. Sumakay na ako sa tricycle niya. Hindi ito ang ordinary tricycle. Para bang taxicle ang tawag sa Thailand, sa Antipolo badja ang tawag.
Malinis ang tricycle niya, hindi makalat at medyo mabango. Pinaandar na niya ang tricycle at nagsumula na kaming bumiyahe.
“Alin po ba ang gusto niyong puntahan?” tanong niya.
“Ikaw na po ang bahala. Kung ano po ang magandang way na unahin,” sagot ko at nasandal na.
“Sige po, Palace in the sky po muna tayo.” Tumango naman ako bilang sagot.
Pinagmamasdan ko lang ang magandang tanawing inihahandog sa akin ng Tagaytay. Naisip ko na sana pala ay noon ko pa naisipang pumunta dito hindi kung kalian na mamatay ako ay saka ako pumunta.
Pero siguro nga ganoon ang takbo ng buhay natin. Kung hindi naman nataningan ang buhay ko ay malamang ay hindi ko maiisipang pumunta dito.
Mula sa hotel ay ilang minuto naming binaybay ang highway patungong People’s Park in the Sky.
Pagdating doon ay medyo marami na ang tao. Nagpark sa gilid ang tricycle at bumaba na ako.
“Ma’am, dito lang kita hihintayin. 1698 ang body number ko. Tandaan mo ah. Puwede ding mukha ko na lang ang tandan mo,” sabi niya at kumindat pa sa akin. Natawa ako sa kanya. Okay, to be honest ang cute niya ng ginawa niya iyon.
“You know what, since I’m all alone naman. Bakit hindi mo ako samahan?” I said at napataas ang kilay niya sa akin.
“Sure, and dahil maganda ka naman no additional fee basta ba ay sagot mo ang food and entrance fee?”
“Of course!”
Bumaba na siya ng kanyang tricycle at sabay kaming pumasok sa People’s Park in the Sky. Nagbayad kami ng entrance fee na 35 pesos at sa bungad palang ay parang gusto ko ng umatras. Grabe! Pataas pala ito!
“Tara na! Doon tayo sa tuktok!” he said at nagjog pa siya. Huminga ako ng malalim bago nagsimulang maglakad.
Wala pang fifteen minutes na naglalakad ako ay pakiramdam ko ay gusto ko ng umupo at magpagulong na lang pababa.
“Ano? Pagod na? Wala pa tayo doon o!” sabay turo sa kaliwang bahagi kaya napatingin ako doon. Kita ang karatula ng park na ito at ang parang simabahan sa tuktok.
“Hindi ba puwedeng ipasok ang tricycle mo dito?” tanong ko at naupo muna sa isang waiting shed na nandoon. Umiling naman siya bilang sagot.
“Nope!” popping the letter Pp. “Besides, anong thrill kung sasakay ka paakyat? Mas magandang maglakad. Good for your lungs and body. Tingnan mo, hindi pa tayo nakakalahati pagod ka na,” he said.
“Oo na!”
“Oo nga pala,” tumingin siya sa akin at naupo sa tabi ko. Ngayon na mas malapit siya sa akin ay mas lalo kong napagmasdan ang kanyang hitsura. Parang glass skin ang mukha niya, poreless! Tapos ang bango niya pa.
“Ano pala name mo? Buong araw tayong magsasama so, siguro naman okay na kilala natin ang isa’t isa,” sabi niya at tumango naman ako.
“I’m Rodel. Ikaw?”
“Pearl,” sagot ko at nakipagkamay sa kanya.
“Pearl. Bagay sa iyo ang name mo. Kasing ganda mo ang isang perlas. Anyway, I’m single and ready to mingle!” Natawa ako sa sinabi niya.
“Well, good for you.”
“May boyfriend ka ba?” tanong niya at umiling naman ako.
“Wala, single din like you.”
Tumayo na siya at pinagmagan ang jogging pants na suot niya.
“Tara na, para makarami tayo ng pupuntahan,” he said at sabay na kaming naglakad paakyat.
Pagkaakyat doon ay bumungad sa akin ang tila isang simbahan. Dinala ako ni Rodel sa gilid kung saan may mga nagtitinda ng pagkain, damit at souviniers.
Sa tingin ko nga ay parang abandonadong grotto ito dahil may nakita akong pond na tinaniman na lang. Umakyat kami sa taas at kitang kita ang ganda ng Tagaytay.
Ang highway na malapelikula, ang bundok, ang Taal. Makikita ang ilang gusali dito na sa tingin ko ay condominiums. Malakas ang hangin dito kaya itinali ko ng maiigi ang mahaba kong buhok at pinagmasdan ang paligid.
“Mas maganda ka kapag nakangiti.” Napatingin ako kay Rodel na seryosong nakatingin sa akin.
“I know I’m pretty,” sagot ko.
“I hope this trip will take your worries away. Huwag mo munang isipin kung ano ang problemang tinatakasan mo. Just enjoy this day.”
Hindi ko alam pero, malaking impact sa akin ang sinabi niyang ito.