Chapter Ten

1082 Words
Chapter Ten Pearl Aphrodite Magnaye’s Point of View             After naming sa People’s Park ay sunod naming pinuntahan Picnic Groove since madadaanan naming iyon pabalik ng Oliveros. Habang nasa biyahe ay halatang madaldal itong kasama ko. “Alam mo ba  iyang daan na iyan?” tanong niya sabay turo sa isang daan na papasok. Kasalukuyang nakatigil kami dahil medyo traffic. “Siyempre hindi,” sagot ko. As if alam ko kung ano ang mayroon sa daang iyon. “Kay Willie Revillame ang daang iyan. Siya lang ang puwedeng dumaan diyan,” sabi niya at napatango naman ako sa kanya. “Ah, private property.” “Diyan sa gilid ng bundok ang bahay niya eh. Nabalitaan mo bai yon? ‘yung na-TV.” Tumango naman ako bilang sagot. Nang makarating kami sa Picnic Groove ay namangha ako sa lugar. As usual, tanaw na tanaw ang Bulkang Taal. Nagulat ako ng bigla niya akong hinawakan sa kamay. Babawiin ko sana ang kamay ko ng higpitan niya ang hawak sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan dahil sa ginagawa niya. Hello? Kakakilala ko lang sa kanya, hindi pa nga lubusan eh. All I know is his name at isa siyang driver. “A-ano ba?” I said at muling tinangkang bawiin ang kamay ko pero hindi niya pa rin binibitawan. “Relax lang,” he said at ngumiti sa akin. Dahil nga singkit siya ay kulang na lang pumikit siya.  “I know you’re in pain. So, kahit sa ganitong paraan maiaparamdam ko sa’yo na hindi ka nag-iisa.” Napatigil ako sa sinabi niya. How can he know that I am hurt? Wala pang limang oras na magkasama kami. Am I too obvious? “Yes, you are.” Holy cow! “H-how?” “It’s written all over your face.”             Sumakay kami sa isang cable car, dito napagmamasdan ang majestic Taal Volcano. Mabuti na lang nakakabawi na ang lugar dahil sa pagsabog nito noong nakaraang taon. Habang nakasakay kami sa cable car ay biglang nagsalita na naman si Rodel. “I wonder why you are hurt.” Napatingin ako sa kanya at napataas ang kilay ko. “Ay tsismoso ka?” biro ko sa kanya at tumawa naman siya. “Hindi ‘no! Curious lang. Hulaan ko,” he said at tinitigan ako ng matagal. Singkit na angv mga mata niya pero mas lalo itong sumingkit. “Heartbroken ka ‘no?” May sa pusa ata ang lalaking ito. Nakakatakot na. Baka pati password ng mga bank accounts ko malaman din niya. “Kamag-anak mob a si Madam Auring?” tanong ko at umiling naman siya. “Hindi ‘no. Anyway, tama ba hula ko?” napabuntong hininga ako at tumango na lang. “Kuwento ka naman diyan, ang tahimik mo eh.” Magsasalita na sana ako ng biglang tumigil ang cable car, nakarating na pala kami sa kabilang side. “O mamaya na ka magkuwento. Tara na sa next destination.”             Muli kaming lumabas ng Picnic groove at sumakay sa kanyang taxicle at nagtungo kami sa Museo Orlina. Hindi ako ganoon ka-fond ng art kaya saglit lang din kami doon. Pagpatak ng alas dose ng tanghali ay nagyaya akong kumain. “Saan ba masarap dito? Hindi ba famous ang Tagaytay sa bulalo?” tanong ko habang bumabyahe kami. “Yup! Sa Bulalo Point na lang tayo, masarap ang pagkain doon.”             Pagdating naming doon ay medyo marami ang kumakain. Pumila pa kami at naghintay para mabigyan ng table. Pagpasok naming ay umorder siya ng isang palayok na bulalo at isang sisig, may onion rings pa siyang inorder. Ako naman ay umorder ng vanilla shake. “Hindi halatang gutom ‘no?” tanong ko. “Ano ka ba, you should try this! Masarap foods dito! Try mo din ang dream cake nila.” Ilang sandali lang ay dumating na ang mga inorder naming at nagsimula na kaming kumain. Totoo ngang msarap ang bulalo dito. Lasang-lasa ko ang baka, at talaga namang makakalimutan ang pangalan mo. Kinuha niya ang isang beef shank at sinipsip ang bone marrow na nadoon. “Naks, sanay na sanay sa sipsipan ah,” biro sa kanya at natawa naman siya.  “Praktisado ‘to!” sagot naman niya sa akin. “Anyway, so make kuwento na,” dugtong pa niya. Akala ko pa naman nakalimutan na niya. “So, ayun nga heartbroken ako,” pagsisimula ko. Kinuha ko ang vanilla shake at sipsip. “Heartbroken ka because?” Muntik ko ng maibuga ang shake ko dahil sa sinabi niya. Bigla kasing pumasok sa isip ko ang meme ni Kris Aquino. “O relax, pinagagaan ko lang ang atmosphere eh. Wala naman akong intensyong patayin ka.” “Bakit kasi bigla kang naging Kris Aquino?” “Sumusunod lang sa uso. Sige na, tuloy mo na,” he said at muling sumubo ng sisig. “I have a friend and I’m in love with him for freaking 15 years!” Sabi ko at bigla naman siyang nabulunan sa kanyang kinakain. Agad niyang kinuha ang tubig sa tabi niya at inisang lagok ito. Nang mahimasmasan na siya ay tiningnan niya ako na para bang may dalawang ulo ako. “Seryoso? 15 years? Alam niya na gusto mo siya?” tanong niya at umiling naman ako. “Hindi saka wala rin naman akong balak ipaalam,” sagot ko. “Ha? Bakit?”  napabuntong hininga ako. “Nakuntento na lang ako na maging kaibigan niya. Natatakot kasi ako nab aka kapag nalaman niya ang nararamdaman ko para sa kanya ay lumayo siya at masira ang pagkakaibigan naming,” sagot ko at muling sumipsip ng vanilla shake. Nakita ko naman siyang umayos ng upo at sumandal sa upuan niya. “Loving is taking a risk. Iyan ang sabi ng nanay ko noon. You will never know if you don’t give it a try.” “You will never know if you don’t give it a try.” Parang narinig ko na ito kung saan. Hindi ko maalala eh. Saan ko ng aba narinig ang kasabihang iyon? “Wala na rin namang saysay kung sasabihin ko pa ngayon. May girlfriend na siya. No need to make an eksena sa kanilang dalawa.” “That’s why you’re brokenhearted. Kasi may girlfriend na siya.” Tumango naman ako sa kanya. “Well, kung gusto mo I can be your boyfriend. Para quits!” “Ha??” Teka, boyfriend? Siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD