Peral Aphrodite Magnaye's Point of View
Ilang oras na ba akong nakatulala? Isa? dalawa? Hindi ko na alam. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko at nakita ang kalat na ginawa ko. Nagkalat sa kama ang mga sulat at litrato ni Adam na inipon ko sa loob ng mahabang panahon.
Ano bang ginagawa ko? Bakit ba ako nagseself pity dito? Dapat tanggap ko naman 'di ba na hinding-hindi mapapasa akin si Adam. Dapat alam ko na iyon noon pa man.
I only have one year to live so, dapat hindi ko sinasayang ang mga oras ko. Dapat gawin ko na kung ano ang makakapagpasaya sa akin.
Pero si Adam talaga ang lubos na makakapagpasaya sa akin.
Pumunta ako sa study table ko at inilabas ang isang bagong journal. Actually, matagal ko na itong binili pero ni hindi ko pa ito nasusulatan. Siguro nga, ito ang dahilan para masulatan ko na ngayon.
Hindi ba ang mga taong mamamatay katulad ko ay gumagawa ng bucket list? Well, gagawa din ako.
Kinuha ko ang pinakamagandang ballpen ko at nagsimula na akong gumawa ng akong bucket list.
MY BUCKET LIST
1. Travel Alone.
2. Eat and drink whatever I want.
3. Learn tango.
4. Date with Park Seo Joon.
5. Wear a wedding dress.
6. Go cycling along a coastline.
7. Go to the beach.
8. Have a tattoo.
9. Be a meaningful person.
10. Reconcile with my family.
11. Confess to Adam.
12. Die alone and peacefully.
I hope na magawa ko ito lalo na ang numbers 10 and 11. Alam kong malabo pero sisikapin kong matupad ito bago ako mamatay.
"Travel alone!" Sigaw ko at nagpasya akong ngayon ko na ito sisimulan.
Iniligpit ko ang kalat, iniayos ang mga pictures at letters ko para kay Adam at maingat na inilagay pabalik ng kahon saka ko itinago sa pinakasulok sa ilalim ng kama ko.
Nagtungo ako sa closet at kinuha ang isang itim na bagpack at nag-impake na. Kinuha ko ang ilang cards at bank passbook ko at mailangat na inilagay sa isang ziplock pouch.
Naligo muna ako para marefresh ang katawan ko as well as ang isip ko. Gusto ko munang lumayo dito para pakalmahin din ang damdamin ko.
Nagsuot lang ako ng black leggings at puting t-shirt saka ko pinatungan ng jacket. Pinaresan ko lang ng puting rubber shoes tapos at itinali ko ang buhok ko. Ngumiti pa ako sa harap ng salamin para tingnan ang sarili ko. Nang makuntento ako ay umalis na ako ng unit. Sinugurado kong wala akong naiiwang bukas na ilaw.
Imbes sa front entrance at naisipan kong sa likod ako dumaan. Baka kasi pumunta sila Angel at maharang ako. Nang makalabas ako ng building ay agad akong tumawid. Hindi ko dala ang kotse ko. Mas gusto kong magcommute ngayon.
Mula dito ay nilakad ko lang hanggang makarating ako ng LRT station. Naalala ko pa dati, hindi ako marunong sumakay ng LRT. Inilabas ko na ang beep card ko para maloadan na kaso bigla kong naalala na beep card iyon ni Adam. Ito 'yung bigay ni Adam sa akin noong nag-LRT kami. Nakakaasar, para bang lahat ng bagay at ginagawa ko may bahid ng ala-ala ni Adam.
Niloadan ko na ang Beep card at pumunta na sa platform. Nang dumating na ang tren ay sumakay na ako at naupo sa upuan.
Masaya kong pinagmamasdan ang paligid mula sa bintana ng bagon. Nadaanan ko ang Luneta Park na nasa UN station lang. Hindi naman nagtagal ay nakarating na ako sa Edsa-Taft. Pagkababa ko doon ay umakyat ako sa isang footbridge para tumawid sa kabila. Ilang minuto din ako naghintay ng bus hanggang sa nakakita ako ng Carousel at sumakay doon papuntang PTIX.
Hindi naman nagtagal ang byahe. Saglit lang naman ang byahe papuntang PTIX. Pagdating doon ay agad akong nagtingin-tingin kung saan maganda pumunta. Nakaramdam ako ng gutom kaya bumili muna ako ng sandwich sa Subway.
Habang kumakain ay nakita ko ang bus sa Gate 7, papunta itong Tagaytay kaya nagpasya akong doon na lang pumunta. After ko kumain ay kumuha na ako ng gate pass para sa Gate 7. Naghintay pa ako ng mahigit thirty minutes dahil may oras ang departure dito. Nang oras na ay itinapat ko na ang QR code sa gate pero ayaw basahin. Nakailang try pa ko bago ako nilapitan ng isang attendant.
"Ma'am, atras po muna kayo," sabi nito sa akin kaya umatras naman ako.
"Sige po ma'am, try niyo po ulit ipa-scan ang QR code." Ginawa ko naman ito at sa wakas ay nakapasok na din ako. Pagsampa ko ng gate ay agad akong pumwesto sa gitnang bahagi at sa tabi mismo ng bintana.
Nang umandar na ang bus ay pinagmamasdan ko pa ang paligid. Nadaanan namin ang Las Piñas, then Bacoor. Hindi ko namalayang nakatulog ako.
Pagdilat ko ay madilim na at iilan na lang kaming pasahero. Pagdating sa Oliveros, o sa bungad ng Tagaytay ay bumaba na ako at nagpara ng tricycle.
"Manong, sa pinakamalapit mo na hotel," I said pagkasakay.
"Sige po Ma'am."
Siguro nasa fifteen minutes ang byahe namin bago kami nakarating sa hotel. Kumuha na ako ng kuwarto at pagkapasok ko ay napahiga ako sa malambot na kama.
Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ito. Halos sumabog ang cellphone ko sa dami ng missed calls, text messages at chats ng dalawa. Inuna kong basahin ang message ni Angel.
Hoy! Nasaan ka na?
Wala ka sa shop?
Bakit naka-off cp mo?
Pearl!
You missed a call from Angel... Call back
Sunod kong binuksan ang mga messages ni Adam.
Where are you?
Nameet mo na ang client mo?
Bakit naka-off ka?
Ang dami pa niyang messages pero hindi ko na lahat binasa.
Nagdeactivate ako ngayon ng aking mga social media accounts. f*******:, i********:, and twitter. Gusto ko lang mapag-isa ngayon.
Tumayo ako at sinilip ang veranda. Kitang kita kung gaano kaganda ng Tagaytay. Malamig ang hangin dito. Bukas, pupuntahan ko ang lahat ng mga tourist spots dito.
Bucket List number 1 will be unlock!