bc

Loving Pearl

book_age12+
419
FOLLOW
1.7K
READ
others
drama
tragedy
comedy
bxg
office/work place
childhood crush
friendship
self discover
chubby
like
intro-logo
Blurb

Life is indeed too short. Hindi natin alam kung kailan tayo mawawala sa mundong ibabaw kaya dapat sulitin natin ang mga oras na mayroon tayo. Iyan ang mga narealized ni Pearl Amphrodite Magnaye, a twenty nine year old entrepreneur. Sa kabila ng pagiging successfull businesswoman niya ay tila minalas naman siya sa pag-ibig at pamilya. Hindi niya din alam kung pinarurusahan ba siya ng Panginoon. She doesn't have a family that cares for her and her long time crush doesn't noticed her and this time she was diagnosed with a stomach cancer.

Dito niya napagtantong maikli lang talaga ang buhay. Life is too short to have regrets. She don't want to die with regrets in her heart.

chap-preview
Free preview
Prologue
Pearl Aphrodite Magnaye's Point of View Heart beats fast Colors and promises How to be brave? How can I love when I'm afraid to fall... Sa pintuan palang ay nakangiti na akong pagmasdan ang lalaking pinakamamahal ko. Nandoon siya sa unahan ng altar, hinihintay ang pagdating ng pinakamagandang babae sa araw na ito. Inayos ko ang suot kong gown at hinigpitan ang hawak ko sa bungkos ng bulaklak. Hinga ako ng malalim para kahit papaano ay mapawi ang kabang nararamdaman ko. Nagcue na ang wedding organizer at isa-isa ng nagmartsa papasok ang mga abay. Nang ako na ang papasok ay ngumiti pa sa akin ang organizer bago ako ginuide. Inayos pa niya ang suot kong gown. Mabagal ang paglakad na ginawa ko. Mabagal at maliliit na hakbang lang dahil baka mamaya ay madapa pa ako. Mabagal ngunit sa kanya lamang nakatingin. Nakatingin din siya sa akin. Kahit pakiramdam ko nauupos ako sa kanyang mga titig  ay pinagpatuloy ko ang pagmartsa. Malapit na. Ilang hakbang na lang. "Pearl? Saan ka pupunta? Dito tayo." napatingin ako kay Angel na kinakawayan ako papunta sa kabilang row. Napatingin ako sa lalaking mahal ko at mangiyak-ngiyak siyang pinapanuod ang pagpasok ng bride na siyang nasa likuran ko lang. Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Masyado akong nalunod sa panaginip ko. Nakayuko akong tumabi kay Angel. "Anyare sayo bhess? Dito tayo no. Hindi doon haha!" Lalo akong napayuko. Mabuti na lang si Angel lang nakapansin dahil lahat sila nakatutok sa bride. Pinagmasdan ko ang first love ko. Nakangiting umiiyak habang iniabot ang kamay ng bride sa kanya. I have died everyday waiting for you Darling don't be afraid I have love you for a thousand years I love you for a thousand more... "You, Adam Santos Jr. Do you take Ariana De Guzman to be your lawfully wedded wife?" tanong ni father at pikit mata akong humihiling na sana ay magbago ang isip niya. Please wag kang sasagot. Magdalawang isip ka please. "I do." Napapikit na lang ako sa narinig kong sagot niya. Para akong unti-unting sinasaksak dahil sa naging sagot niya. Wala na ngang tuluyan, wala na. Napatingin ulit ako sa altar at parang paulit ulit akong sinasakal. Hindi ko kayang panuoring ikinakasal ang lalaking minahal ko sa loob ng fifteen years. Hindi ko kayang makitang masaya siya sa piling ng iba. "Bhess, wait lang mag-cr lang ako." Sabi ko at akmang tatayo na sana pero pinigilan niya ako. "Ha? Wait lang, hindi ba makapaghintay iyang pantog mo?" "Hindi na. Ihing ihi na ko kanina pa. Masama magpigil ng ihi." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at umalis na ako. Hindi ko na kaya pang magtagal sa loob. Pakiramdam ko napapaso ako, pakiramdam ko pinapatay na ako doon. Paglabas ko ng simbahan ay napabuga ako ng hangin. I feek suffocated. Pakiramdam ko any minute sasabog ang puso ko. Naupo ako sa bench na nasa ilalim ng puno ng nara, napapaligiran din ito ng mga naggagandahang bulaklak. Inilapag ko ang boquet na dala ko sa tabi  saka ako napasandal at napabuntong hininga. Lord naman, bakit kailangan ko pang makita iyon? Bakit ko pa kailangang mawitness ang kasal ng first love ko? May nagawa ba akong mali at pinarurusahan mo ako ng ganito? alam kong makasalanan ako Lord, dati akong nangupit ng burger noon kay Ate Mel pero isang beses lang iyon. Grabe naman itong parusa mo sa akin Lord! Sana patayin mo na lang ako Lord! Para akong dinudurog sa napapanuod ko. Ewan ko ba kung bakit pa ako umattend sa kasalang ito eh samantalang alam ko naman na ang magiging kahinatnan ko. Alam ko namang masasaktan ako.  "Are you okay?" napatingin ako bigla sa nagsalita. Isang lalaki na nakasuot ng itim na leather jacket, skinny jeans at rayban shades. Mukhang pacool kid ang isang 'to. "Who you? I don't talk to strangers no." I said. Ngumiti lang ang lalaki sa akin at ang loko ay  umupo pa sa tabi ko. Narinig ko din ang malalim niyang buntong hininga at I feel that he's also hurting, like me. "I know how you feel. Masakit mapanuod sila. Masakit sila sa mata at sa puso." Napatingin agad ako sa sinabi niya.  "Bakit? Gusto mo si Ariana?" tanong ko at napatawa naman siya ng konti. "Straight punch ang tanong mo sa akin ah. Yup, I'm in love with her." Simpleng sagot niya. Sumimangot naman ako sa kanya at hinampas ang bqouet ko sa kanya. "Eh gusto mo pala siya eh! Sana sinulot mo siya kay Adam para sa akin na si Adam at hindi na natuloy iyang kasal nila. Sakit sa puso yang kasalan na yan." Sabi ko at siya naman ay panay ang iwas sa ginagawa kong paghampas sa kanya. Kups din itong lalaki eh, sana pinursue niya si Ariana grandede para hindi nagkatuluyan sila at ni Adam. Eh di sana hindi ako nasasaktan ng ganito. "Stupid. Hindi ako masamang tao na sasaktan ang mahal ko para lang mapasaakin. Mahal ko si Ariana but I know she will never be happy with me. Hindi niya ako mahal, simple as that. Kung mahal mo ang isang tao ibigay mo yung ikaliligaya niya kahit pa hindi tayo iyon. If you really love that guy, learn to set him free. Hindi tamang ipilit sa kanila ang gusto natin beacuse at the end we will only hurt each other." Napabuntong hininga ako sa naisip ko. Ang selfish ko naman kung ganoon ang nangyari. Tama naman siya, I need to let him go pero kasi hindi madaling pakawalan ang lalaking minahal mo ng napakahabang taon. Kalahati ng buhay ko ay siya lang ang minahal ko. I only let my world spins around him but in the end, hindi ako ang makakasama niya habang buhay. "Alam ni Ariana na mahal ko siya. Alam niya ang tungkol sa nararamdaman ko kaya kahit papaano hindi ganoon kabigat ang dibdib ko. Nagkausap kami at masaya akong masaya siya sa pinili niya. Para sa akin, sapat nang alam niya ang nararamdaman ko. At least if I die, I don't have regrets.  " "Wow! Ako hindi eh. Wala siyang idea na mahal ko siya. Siya kaya first love ko. " Sagot ko at napasimangot. Yup, wala siyang kaalam alam na mahal ko siya. "That's bad. Gaano mo na siya katagal na mahal?" "Fifteen years, Since third year highschool siya na ang mahal ko."  "What?! You love him for fifteen freaking years and yet you didn't tell him? what a coward!" "What can I do? I can not just tell him na in love ako sa kanya. Ayokong mawala ang friendship namin. Iyon na nga lang ang dahilan kaya magkalapit kami eh tapos sisirain ko pa. Ano na lang mangyayari right?" "Exactly, ano na lang mangyayari kung umamin ka sa kanya? sabi nga ni Takeshi Yamamoto from Hitman Reborn, you will never know if you don't give it a try.  Alam mo kung ako sayo, sasabihin ko na may gusto ako sa kanya." Napaismid naman ako sa sinabi niya.  "Sus para saan pa? Eh wala na rin namang saysay kahit pa umamin ako sa kanya eh kasal na siya o!" Sabi ko at tinuro ang bagong kasal na binabato ng bigas habang papalabas ng simbahan. Gusto ko sanang batuhin ng graba. Okay, bitter aketch! "Siguro sa kanya wala ng saysay  pero para sayong ikakatahimik malaking bagay yun. Mahirap kayang magkimkim ng damdamin. It's better to tell him about your feelings. It's better to be late than never ika nga. At least wala kang regrets na maiiwan sa mundo 'di ba?" Napaisip naman ako sa sinabi niya. Kung umamin ako noon pa ano kaya ang nangyari? Mababago ba lahat ng mga ito kung umpisa palang inamin ko na mga nararamdaman ko kay Adam? Ako kaya ang kinakasal sa kanya ngayon? Kami kaya ang magkakatuluyan? Ang daming what if's. Parang ngayon ko lang narerealize na sana noon pa ako umamin. Sana nagkaroon ako ng lakas ng loob na umamin, na masabi sa kanya kung ano ang tunay kong nararamdaman. Pakiramdam ko unti unting gumagapang sa dibdib ko ang nga regrets ko. Napabuntong hininga ako. Naramdaman kong tumayo na ang lalaki kaya napatingin ako sa kanya. "Maiwan na kita." Sabi niya at akmang tatalikod na pero agad kong hinawakan ang braso niya. Napatigil siya at lumingon sa akin. "Umm ano puwede ba akong sumama sa iyo? I mean pwede mo ba akong ilayo dito?" ramdam ko ang titig ng lalaki kahit pa nakashades siya, nakita ko pa ang pagtaas ng kilay niya at umismid sa akin. "Akala ko ba you don't talk to strangers? Ngayon ay gusto mong ilayo kita dito." "Sige na. First time kong may makausap na kagaya mo. Feeling ko naman mabait ka." I said. Nagulat ako ng bigla niyang kunin ang kanang kamay ko at pinagsaklob ang mga kamay namin. "Tara na. I will show you the world! Shining shimmering splendid!" Naglakad kami sa likod ng simabahan at huminto sa isang motor. Ibinigay siya sa akin ang isang helmet na agad ko namang sinuot. Nang makasakay kami ay pinahawak niya ko sa bewang niya. "Ramdam mo ba abs ko?" tanong niya. "Abs? wala ka namang abs. Tabs tong nakakapa ko eh." Sagot ko at tumawa. "Ready?" tanong niya at tumango ako bilang sagot. "Here we go!" at pinaharurot na niya palayo sa simbahan. Palayo sa sakit. Palayo sa reyalidad.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Godfather My husband

read
271.3K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
321.7K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
248.5K
bc

The ex-girlfriend

read
141.1K
bc

CLOSER

read
144.6K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
326.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook