Chapter Five

1264 Words
Chapter Five Pearl Aphrodite Magnaye's Point of View Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Kinapa-kapa ko sa ilalim ng unan ang cellphone ko para patayin ang alarm. Napabangon ako at napahilamos para matanggal ang antok sa sistema ko. Tumayo na ako at hinawi na ang kurtina ng bintana ko. Sinalubong ako ng maliwanag na tanawin ng Metro. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon eh, today is my endoscopy. Ngayon ko malalaman if cancerous ang tumor na nakita sa stomach ko. Last night, kulang na lang dasalan ko ang mga santo at luhuran sila para lang maging maganda ang resulta ng endoscopy. I know hindi ako madalasing tao but I am hoping that God will hear me out. Inayos ko na muna ang kama ko then after that ay naligo na ako. Kahit naliligo ako ay nagdadasal ako, siguro dapat dumaan ako kay St. Clare bago pumunta ng hospital. Mag-alay dapat ako ng isang tray ng itlog. Paglabas ko ng bathroom ay agad akong nagbihis. Simpleng jeans at t-shirt lang ang suot ko saka ko pinaresan ng white rubber shoes. Tiningnan ko pa ang sarili ko sa salamin bago lumabas ng kuwarto. Kahit na uhaw na uhaw na ako sa kape ay tiniis ko lang muna. Bawal kasi ang kumain o uminom for at least eight hours before endoscopy. Palabas na ako ng condo nang biglang sumulpot si Adam, wearing his usual business suit. Nagtaka naman ako sa kanya, anong ginagawa ng crush kong ito sa tapat ng condo ko. Ten o' clock na ng umaga and obviously late na siya sa work. "O bakit? Kakagulat mukha mo ah." I said at tuluyan ng lumabas ng condo. Tumalikod muna ako sa kanya para isara ang pinto ng unit ko. Humarap ako sa kanya at nagtataka talaga ako dahil nakatitig lang siya a akin. "Ano? titigan na lang ba tayong dalawa?" Tanong ko at napairap sa kanya. Kahit ba crush ko at first love ko itong si Adam ay hindi dapat ipahalata sa kanyang may feelings ako. "Ngayon na lang kasi ulit kita nakitang nakasimpleng damit. Nag-chat sa akin si Angel. Nag-aalala na naman siya sayo dahil late ka na naman daw." He said at sinukbit ko na ang sling bag ko sa balikat ko. "Itong si Angel hindi lang ako nagparamdam ng ilang oras akala niya nawawala na ako. Late ako nagising and besides may pupuntahan ako today." I said habang naglalakad na papuntang elevator. "Dapat kasi nagsasabi ka sa kanya na may pupuntahan ka, buti na lang hindi ganoon kabusy sa office kaya napupuntahan kita. Saan ka ba pupunta? Are you sure na may appointment ka? himala at simpleng shirt and jeans lang suot mo." Napairap naman ako sa sinabi niya. "I don't feel wearing dress and heels today." Sagot ko na lang at tumunog na ang elevator, indicating na nasa basement parking lot na kami. "Saan ka ba pupunta? I will give you a ride." Hindi naman na ako tumanggi pa at sumakay na sa kotse niya. Nang makasakay ako ay suddenly feel the change in the atmosphere. Ilang beses na akong sumasakay sa kotse ni Adam but today, it's different. i can clearly smell a woman's perfume. Tahimik lang naming binabagtas nag highway, palihim kong pinagmamasdan ang dashboard niya at nagtataka ako why there is a f*****g tissue. Wala namang tissue diyan eh. Yumuko ako para sana buksan ang radio but something caught my eye. Sa ilalim, I saw a red lipstick. Imposibleng sa kanya iyan. I have a hunch na he's seeing a woman. Pero sino ba naman ako para magselos, I'm just his friend nothing more, nothing less. Wala akong karapatang magselos kaya mas mabuting itikom ko na lang ang bibig ko. "Saan kita ibababa?" Tanong niya kaya napalingon ako sa kanya. There, I saw a faint stain of lipstick sa may pisngi niya at talaga namang kumulo ang dugo ko. "Ibaba mo na lang ako sa may Terreces, may client akong katatagpuin diyan." Sagot ko. Pakiramdam ko kinakapos ako ng hininga dahil sa mga nakikita ko. Ano, Pearl? Masakit ba? HIndi nagtagal ay nakarating na kami sa Terreces at agad akong bumaba. Para kasi akong nasusufocate sa loob. I can feel na tinitignan niya ako ng mabuti, maybe thinking about how I talk to him. "Thanks for the ride. Pakisabi na lang kay Angel na huwag mag-alala sa akin. I am freaking twenty-nine years old! Not a five years old!" This time natawa na siya sa sinabi ko. "Yes boss! Ingat!" Hindi na ako sumagot pa at pinanuod ang papalayo niyang sasakyan. Nang hindi ko na matanaw siya ay nagpara ako ng taxi at agad namang may huminto. "Sa St. Anthony Hospital po." I said at tumango naman ang driver. Nang makarating ako sa ospital ay agad naman akong inasikaso. Pinagsuot nila ako ng hospital gown at hintayin na lang na tatawagin ako. Naipunas ko ang namamasa kong kamay sa damit ko, hindi ko kasing maiwasang kabahan. Nagresearch pa ako about sa endoscopy na iyan, iyon pala yung may ipapasok sa bibig ko na camera and tong hanggang makaabot sa stomach ko. "Miss Magnaye, tawag po muna kayo ni Doc." Napatayo ako ng tawagin ako ng isang nurse at pinapasok sa opisina ni Dr. Rodney. Pagpasok ko ay busing-busy siya sa mga hawak niyang papel. "Good morning Doc," I said at napaangat naman siya ng tingin. Umupo na ako sa harapan niya at sa tingin ko ay may hinahanap pa siyang iba. "Where's your guardian?" Tanong niya at napataas ang kilay ko. Ang tanda ko na guardian pa? "Po?" "Guardian. I need their consent and they need to know what will be your result." Napakamot naman ako ng ulo sa sinabi ni Dr. Rodney. Sinabi ko na sa kanya ito noon eh, wala naman willing na maging guardian ko. "Doc, guardian angel lang mayroon ako. Okay na ba iyon?" Biro ko at napatahimik ako ng sumeryoso lalo ang mukha ni Doc. Ito naman, hindi mabiro. "I don't have all day for your nonsense jokes." He said. "Doc naman, I'm not a minor anymore. I don't have family okay? kaya please, huwag mo na akong hanapan ng guardian kasi guardian angel lang talaga ang dala ko." Napabuntong hininga naman si Doc mukhang wala na siyang magagawa pa. Pinaliwanag niya ang procedure ng endoscopy. He said na papatulugin naman ako at nakahinga naman ako ng maluwag doon. Akala kon concious akong papasukan ng camera eh. Bandang eleven-thirty a.m ay sinailalim na ako sa endoscopy. Magulo ang paligid pero dahil sa anesthesia ay unti-unti akong dinuyan ng antok. Nagising na lang ako ng may nurse na tumatapik sa binti ko. Tiningnan ko ang paligid at narealized kong nasa isang ward ako. Nanghingi ako ng tubig at agad naman akong binigyan. After eight hours na fasting ay nadaanan din ng tubig ang lalamunan ko. Uhaw na uhaw ako ah. Sabi sa akin ng mga nurse two hours pa malalaman ang result ng endoscopy at biopsy. Since matagal pa naman ay pumunta ako sa canteen ng ospital para bumili ng makakain. Gutom na gutom na kaya ako. Bandang three o' clock ng hapon ay pinatawag na ako sa office ni Dr. Rodney. Dinagundong naman ako ng kaba ko at lalo akong kinabahan ng makita ang malungkot na mukha ni Dr. Rodney. "Ano Doc, ano po ba ang result? Hindi naman po cancer di ba?" Tanong ko at napabuntong hininga siya. "You have stage 3 stomach cancer."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD