Chapter Six

1174 Words
Pearl Aphrodite Magnaye's Point of View "What? Stage 3 stomach cancer?" Gulat na gulat ako sa narinig kong resulta. Ako? I have stage 3 stomach cancer? I cannot believe this! "Yes, it's already on stage 3 Miss Magnaye." Dr. Rodney Filoteo said. Umiiling-iling ako sa kanya. No, I cannot accept this. kakadiscover lang nila ng tumor last week then ngayon stage 3 agad. Ano 'to iiscam ako? "How come Doc? Stage 3 agad? Kakakitra niyo pa lang sa tumor then ngayon stage 3 na agad? Doc, I'm perfectly healthy. Wala akong nararamdamang sakit or any symptoms about diyan sa stomach cancer na iyan." Hindi ko matatanggap 'to. Tanggapin ko pa kung stage 1 lang eh pero my God! Stage 3 agad! "Miss, the tumor has already spreading in your stomach lining and lymph nodes. There are cases na asymptomatic ang patient. Nadedetect nila ang cancer when it's already too late." Paliwanag niya sa akin. "Gagaling pa ba ako? Ano bang kailangan kong gawin? Do I need surgery?" "Surgery will not help. Kung nasa early stage pa we can conduct surgery, we will remove the tumor but on your case it's already spreading. Kahit tanggalin pa ang mga tumors, babalik pa din ito. The best solution is to undergo chemotheraphy." Napapikit ako sa narinig ko, only chemotheraphy na lang ang natitirang solution. I know that most of the cancer patients na nag-undergo ng chemotherapy still ended up being dead. I'm only 29 jusme! Why do I have this? "Please answer me Doc, how long? Hanggang kailan na lang ba ang itatagal ko?" Tanong ko at nabigla si Dr. Rodney. Napabuntong hininga siya bago ako sinagot. "One year. You only have one year left. Miss Magnaye, you need to tell your family about this. You need their moral support. Every cancer patients needs their family's support. Kailangan mo sila Miss Magnaye." Tulala ako habang nakaupo sa park ng hospital. Marami akong nakikitang mga cancer patients, they all lose their hairs. Ganyan na din ang kahihinatnan ko. Bakit ako? Why did God gave this to me? Hindi ako masamang tao, hindi ako nananapak ng ibang tao, hindi ako magnanakaw, hindi ako killer but why is this happening to me? Pinarurusahan ba ako ng Panginoon? I only have one year to live! I was carefree back then pero ngayon, bilang na ang oras ko sa mundong ito. Hinanda ko na ang sarili ko kung ano man ang magiging result but I can't help it. Why? Bakit kailangang mangyari sa akin ito? Tumayo na ako at nagpasyang umuwi na lang muna. Nasa taxi na ako nang magring ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at nakitang tumatawag si Angel at agad itong sinagot. "O bakit?" Tanong ko ng sagutin ko siya. "Where are you?" Tanong niya din sa akin. "Galing akong Quezon City, may client akong kinatagpo. Bakit ba?" "If you have time come over here sa shop. Mukhang may pasabog si Adam." I don't know but masama ang kutob ko sa sinabi niya. "Ano na namang pakulo niyang iyan?" Narinig kong may kausap siyang customer bago siya bumalik sa akin. "Sorry, may kumuha ng orders. Anyway, hindi ko alam kung anong echos ang ginagawa ni Adam. Pero nang tawagan niya ako para siyang nanalo sa lotto. Hinatid ka daw niya kanina?" "Oo. Nagpahatid ako sa Terraces. Hindi nga kami nag-usap habang nasa biyahe kanina." I said, saglit kong binaba ang phone ko para sabihan ang taxi driver na change direction kami. Mukhang nainis pa siya pero wala akong pake sa kanya, magbabayad naman nako eh. "Look, nagtext siya sa akin. He said he want us to have lunch again but this time may kasama daw siya. Naku Pearl! Baka boylalu ang bitbit ni Pareng Adam! Irereto ka niya! Tatandang dalaga ka na daw kasi." Kahit hindi niya nakikita ay napairap ang mga mata ko. Ang dami talagang alam ng babaeng ito. "Kung lalaki man ang dala niya I'm not interested." I said at nailayo ang phone sa tainga ko ng tumawa siya ng pagkalakas lakas. "Agad agad? Malay mo member ng the hunk ang bitbit niya. Nag-alay na siya ng lalaki para sayo." "Eww yuck." There is only one man na gusto kong makasama habang buhay. "Judgemental agad? Anyway, magkita na lang tayo dito. Sabay na tayong pumunta sa resto." She said sabay baba ng phone. Bastos din itong si Angel eh, hindi pa man ako nakakasagot ay pinatayan na ako ng tawag. Mahigit isang oras pa ang binyahe ko bago ako nakarating sa shop. Doon ay naghihintay na si Angel sa akin. Napataas pa ang kilay niya nang bumaba ako ng taxi. "Where's your car?" Tanong niya at hinampas ko siya ng bag ko. "Aww! bakit ka ba nanakit?" "Tatanungin mo ako kung nasaan ang auto ko, eh alam mong hinatid lang ako kanina ni Adam." Narealized naman niya ang mali niya at napakamot sa batok niya. "Oo nga pala. Sorry naman. Makahampas eh." Sinara na niya muna ang shop namin bago sumakay sa kotse niya. Sa isang resto sa Taguig ang napiling setting ni Adam. Ano kayang pakulo ng lalaking iyon at talagang sa Taguig pa, ang layo layo! May trabaho ba 'yun? Late na nga siya kanina eh tapos ngayon gusto niya mag-lunch pa kaming lahat. Kung ako boss niya patatalsikin ko talaga siya. Nang makarating kami sa isang floating restaurant pala ang trip ng loko. Maganda ang ambiance ng resto. Hinanap namin siya ni Angel, pumasok kami sa loob at kaunti lang ang tao. Nang makita namin siya ay para akong sinaksak sa nakita ko. Adam is with a girl. Mukhang sopistikada ito, pareho pa silang nakacorporate attire. They are laughing and I can see how happy is his eyes with that woman. "OMG! Hindi pala boylet dala ni Adam, girlalu pala! Mukhang foreigner ah." Sabi ni Angel habang ako ay nasasaktan sa mga nakikita. I'm not dumb para hindi malaman kung anong mayroon sa kanilang dalawa. "Oy Adam!" Sigaw ni Angel kaya napalingon ang dalawa sa amin. Ngumiti si Adam at kumaway sa amin kaya hinila na ako ni Angel sa tabi nila. Lalo kong napagmasdan ng mukha ng babae, somehow parang nakita ko na siya kung saan hindi ko lang matandaan kung saan. "Buti nakarating na kayo. I already ordered foods. Hope you don't mind." Sabi ni Adam. "Wala na rin naman kaming magagawa kasi nga nag-order ka na." Sabay irap ni Angel at natawa naman sa kanya si Adam. "Anyway guys, meet Arianna De Guszman. She's my boss in the company and also my girlfriend." Huwag kang iiyak Pearl. Don't show them dahil kapag nakita nila talo ka. Pretend everything is okay. "Ah wait, mag-cr ako." I said at agad tumayo. Iniwan ko na sila at agad hinanap ang cr. Pagpasok ko doon ay agad akong nagkulong sa isang cubicle. Doon isa-isang nag-uunahan ang mga luhang pilit kong pinipigilan. Wala na bang igaganda ang araw ko? I have cancer and now my first love has a girlfriend now. Lord, pinarurusahan mo ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD