Chapter Seven

1113 Words
Pearl Aphrodite Magnaye's Point of View  Masaya silang nag-uusap habang kumakain samantalang ako ay tahimik lang. Ni hindi ko magalaw ang pagkaing nasa harapan ko. Nahihirapan akong huminga dahil sa nangyayari sa akin. Bakit ba kasi nangyayari ito sa akin? "So, papaano kayo nagkakilala? I mean you're his boss Arianna given na iyon but how come na naging kayo?" tanong ni Angel habang nakatingin sa kanila. Ngumiti naman si Arianna sa kanya bago tumingin kay Adam. "Babe, papaano nga ba tayong naging mag-on?" tanong nito at tumawa naman si Adam.  "We were college friends back then. Magkagroup pa nga kami noon sa thesis eh. Actually talaga the first time na nakita ko siya, I fell for her. During college days wala rin akong gaanong gana magkaroon ng girlfriend kaya hindi ko rin siya niligawan noon. Then last five months ago, nalaman ko na siya ang bagong boss hindi na ako nagdalawang isip na ligawan siya. Ayoko ng palagpasin ang pagkakataong ito," kuwento ni Adam at kilig na kilig naman ang babaeng katabi niya na akala mo koala dahil nakakapit sa braso ni Adam.  Haliparot na 'to! "I think Adam is really the man for me. Madalas kaya niya kayong naikukwento sa akin. Hindi ko akalaing puro girls ang best buddies ng boyfriend ko." "Bakla kasi ;yan," I suddenly said at lahat sila napatingin sa akin. "W-what?" tanong ni Arianna mukhang granada. "Joke," I said at uminom na lang ng iced tea.  "Huwag kang masyadong maniwala diyan kay Pearl, babe. Joker madalas 'yan," sabi ni Adam.  "Oy beshiee, bakit ang tahimik mo pala? Hindi mo pa nagagalaw iyang pesto," sabi ni Angel at napatingin ako sa pasta. Napabuntong hininga ako. "Hindi naman ako kumakain ng pesto. I only eat spaghetti, carbonara and lasagna. Iyon lang when it comes to pasta," I said. "Oh my gosh! I am so sorry. Ako kasi nag-order niyan. I thought na magugustuhan mo since I love that food," sabi ni Arianna at napataas na lang ang kilay ko. Eh kung ihagis ko sa mukha niya itong pesto? "Sorry Pearl, akala ko kasi pare-pareho lang ang pasta. If you want mag-order ka na lang ng food mo," sabi ni Adam at umiling na lang ako. I just can't take this. Hindi ko kayang nasa paligid ang mahal niya habang ako tahimik na nasasaktan.  "No, thanks. Busog naman ako. Anyway, I have to go," I said at tumayo na. kinuha ko na din ang shoulder bag ko na nasa vacant seat at nakita kong nagtataka sila sa mga ikinikilos ko. Mamaya na ako makikipag-usap sa kanila. Ang gusto ko lang ngayon ay makaalis dito at mapag-isa. Makapag-isip. Damhin ang sakit ng puso ko. "What? Pearl aalis ka na kaagad?" tanong ni Angel. Lumingon ako sa kanya. "I have a client meeting." "Pero ang sabi mo---"  "It's urgent. May problem ata sa mga items na nadeliver sa kanya," sagot ko. "Wala kang sasakyan beshiee!" "Oks lang. Don't worry. Magtataxi na lang ako or mag book ako ng Grab." "Ihahatid na kita Pearl. Saan ba ang meeting place niyo?" tanong ni Adam at akmang tatayo na siya pero umiling na ako. "Don't worry, malapit lang naman. At saka iiwan mo girlfriend mo? Have fun guys," I said at tuluyan ng umalis. Habang naglalakad ako ay pinipigilan kong hindi maluha. Pilit akong tumitingin sa taas para hindi tuluyang mahulog ang mga luha sa mata ko. Hindi naman ako dapat umiiyak. Hindi naman ako dapat nagseselos. Hindi naman ako dapat nasasaktan dahil magkaibigan lang kami.  Paglabas ko sa resto ay agad akong nakahanap ng taxi kaya dali-dali akong sumakay. Baka kasi habulin pa nila ako at makita nila ang maluha-luha kong mata. Ayokong malaman nila ang nararamdaman ko dahil kapag nalaman nila friendship over na. Wala na akong dahilan para makita at makasama si Adam.  Sinabi ko sa driver ang address ng condo ko. Gusto ko na lamang ngayon magkulong buong araw. Gusto ko na lang maghibernate. Ilang oras din ang itinatagal ng byahe bago ako makarating sa condo unit ko. Pagpasok ko ay sinalubong ako ng nakakabinging katahimikan. Inihagis ko na lang shoulder bag ko sa sofa at pumasok na sa aking kuwarto. Pabagsak akong nahiga sa malambot kong kama. Napatulala sa kisame. Hindi ko alam kung bakit ba nangyayari sa akin ito? Pakiramdam ko napakamalas ko. Wala akong pamilyang matatakbuhan, hindi ako mahal ng lalaking gusto ko tapos ngayon may cancer ako at bilang na ang bawat oras ko.  One year to live? I only have one year to live? Lord, bakit naman ganito ang nangyayari sa akin? Napatingin ako sa cellphone ko dahil nagriring ito. Nakita kong pangalan ni Adam ang naka-flash sa screen kaya pinabayaan ko lang ito. Nang tumigil ang pagring ay kinuha ko na ito at pinatay ang cellphone ko. Gusto ko lang ngayon mapag-isa.  Tumayo ako saka ako yumuko para kunin ang isang kahon mula sa ilalim ng kama ko. Nang maabot ko ay balot na ito ng alikabok kaya pinagpagan ko pa ito. Napaubo pa ako dahil sa makapal na alikabok.  Pagbukas ko ng kahon ay bumungad sa akin ang iba't ibang kulay ng mga papel. May kulay puti, sky blue, pink, light green at yellow. Lahat iyon ay nakatupi. Ito ang mga sulat ko kay Adam sa loob ng 15 years. Ganito katagal ko na siyang minamahal ng lihim.  Kinuha ko ang isang sulat at binasa ito. August 15, 2010 Dear Adam,   Sobrang bilis ng pagkabog ng dibdib ko kanina. Hindi dahil kinakabahan ako sa presentation natin kung hindi ay dahil hawak mo ang mga kamay ko. Pasensya na kung namamawis ang kamay ko ah, sibrang kinakabahan lang talaga ako dahil napakalapit mo sa akin. Damang dama ko ang titig mo sa akin sa bawat steps na ginagawa natin. Ang mga itim mong mata na tila hinahatak ako sa ibang dimensyon. Pakiramdam ko ng mga oras na iyon, tayong dalawa lang ang nasa stage. Walang ibang tao na nanunuod sa atin. Tayong dalawa lang at malaya kong nakikita ang napakaguwapo mong mukha.  Kahit ilang beses na tayong nagiging magkapartner sa mga ballroom dances, pakiramdam ko ay unang beses palang natin nagsasayaw. Kung puwede lang na hindi matapos ang sayaw para habangbuhay ko ng hawak ang mga kamay mo. Para habangbuhay kong natitigan ang mga mata mo pero alam ko namang napakaimposibleng mangyari iyon. Alam kong ang lahat ng bagay ay may hangganan, lahat ay may katapusan. Hindi ko mapigilang maiyak dahil dito. Napakasakto naman sa araw ko ngayon. Tama, lahat ay may hangganan, may katapusan. Dapat ko na bang itigil ang kahibangang ito? Papaano ko ba ito ititigil kung sa loob ng fifteen years ay sa kanya lang umikot ang mundo ko?  Napakamalas mo talaga Pearl. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD