Pearl Aphrodite Magnaye's Point of View
Maingay. Ang ingay ng paligid. Pinilit kong imulat ang mga mata ko at napapikit agad dahil sa napasilaw. Oh dear Lord langit na ba ito? ang alam ko pauwi na ako kanina eh.
Muli kong minulat ang mga mata ko at una kong nakita ang puting kisame. Nilibot ko ang paningin ko at may nakita akong mga nurse at doktor. Wait, nasa ospital ako?
Dahan-dahan akong umupo at napahawak ako sa ulo ko. Nakapa kong may benda ito.
"Kumusta po? May masakit ba sa inyo?" Napalingon ako sa isang nurse na babae. Maikli ang buhok nito at may suot na facemask.
"Ano medyo nahihilo lang," sagot ko at tumangi naman siya bilang response.
"Tawagin ko lang si Dr. Filoteo. Siya ang attending doctor mo," sabi niya at umalis na at nagtungo sa nurse station.
Langya, ano ba nangyari? bakit ako nasa ospital? ang alam ko galing kami sa bar nina Kim at Clarisa. Tapos nagbook ako ng grab. Then nasa intersection kami, tumutugtog ang kanta ni Christina Perry tapos ayun wala na ko matandaan. Blangko na. Finish na.
"Miss Magnaye? tama ba?" napatingin ako sa nagsalita. Ang guwapong doctor naman nito. Black beauty! Medyo bilog ang mata, bagsak ang buhok, matangkad, halatang may muscles kahit pa nakasuot siya ng lab gown. Lab gown ba tawag sa suot niya? a basta guwapo siya. Pero siyempre mas guwapo ang Adam ko. Teka hindi nga pala sa akin si Adam.
"Ms. Magnaye?" napabalik ako sa lupa at agad na sumagot.
"Oo," sagot ko. May hawak siyang clipboard at tinitingnan ang nakasulat doon.
"I tried contacting your family na nasa phonebook mo but none of them answered my call," sabi niya kaya nguniti na lang ako ng alanganin sa kanya. I know na wala naman talagang sasagot sa kanila, mga busy sila and wala naman talaga silang pakialam sa akin.
"Ano po ba nangyari? okay lang ako di ba? wala ako maalala eh." I said at napakamot ng ulo.
"You had an accident Ms. Magnaye, but fortunately wala namang fractured sayo but I suggest na magconduct tayo ng CT-scan. I saw something weird in your blood. That's why I need your family to give us a consent."
"Ah Doc, I'm full grown adult naman na. No need na ng consent sa family ko. I'm twenty nine years old na. Mukha lang akong teenager but adult na talaga ako."
"But Miss, you need a guardian---" hindi ko na siya pinatapos nang hawakan ko ang mga kamay niya na ikinatigil niya.
"Please Doc, wala kang mapapala sa family ko. Kung need iyang CT-Scan then go, you have my consent." Sabi ko at napabuntong hininga naman siya.
"Fine." sagot niya. Hindi nagtagal ay inasikaso na ako at nagconduct na ng CT-scan. Ano kayang abnormalities ang nakita ng doktor? I'm healthy naman eh, kumakain ako ng gulay at prutas. Medyo madalas nga lang uminom at paminsa -minsan ay nagso-smoke. Occasionaly naman ang pagyoyosi ko.
Habang wala pa ang result ay nagtungo ako sa cafeteria at bumili ng makakain. Nagutom ako bigla. Naalala ko ang sinabi ng doktor, wala daw sumasagot sa ni isa sa pamilya ko. Hinding hindi naman talaga sila sasagot. Wala naman din sila pakialam sa akin. Noong bata kasi ako ay naghiwalay ang mga magulang ko. Tapos ay nag-asawa ulit si Mama, si Papa naman wala na kong balita sa kaniya. Hindi ko alam kung buhay pa ba siya o sumalangit na. Sa bagong pamilya ni Mama ramdam kong hindi ako welcome. Iba ang pakikitungo sa akin ni Mama at ng bagong pamilya niya. Turing kasi sa akin ni Mama ay malas, nagkandaleche-leche daw kasi ang buhay niya nang makilala ang tatay ko at noong pinanganak niya ako. Tumayo ako sa sarili kong paa, nagtatrabaho ako noon habang nag-aaral. Pumasok ako noon bilang janitress sa isang supermarket na katabi lang ng university. Wala naman akong pake kung makilala ako ng mga classmates ko noon. Nagsikap ako kaya nakaluwag na. Kahit papaano nakaraos na. Hindi man ako suportado ng kinikilala kong pamilya, thankful naman ako dahil may mga kaibigan akong katulad nila Angel at Adam.
Pabalik na ako sa ER nang makasalubo ko ang isang nurse at sinabing hinahanap na ako ng doktor kaya sinamahan na niya akong pumasok sa opisina ng doktor. Pagpasok ko ay agad akong umupo sa harapan niya. Seryosong nakatingin si doc sa monitor niya, ewan ko ba pero bigla na lang akong nakaramdam ng kaba.
Binasa ko ang name ni doc na nakalagay sa table niya.
Dr. Rodney S. Filoteo M.D-oncologist
"Ms. Magnaye," tawag niya at napatingin na ako sa kanya. Seryoso ang mukha niya kaya lalo akong kinabahan. "You have a tumor in your stomach."
Teka, ano daw? tama ba ang dinig ko tumor?
"Po? tumor? sa stomach ko?"
"Yes. You have a tumore sa lining ng stomach mo thats why may abnormalities kaming nakita sa dugo mo. Nakakaranas ka ba ng p*******t ng tiyan? pagsusuka?" umiling naman ako bilang sagot.
"Anong klaseng tumor 'yan Doc? benign po ba or malignant? is it stomach cancer?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"We need to conduct endoscopy and biopsy to know if it is cancerous or not. But I hope na sana negative ang result. Ischedule kita for endoscopy and biopsy. Please, you need a guardian. Hindi puwedeng ikaw lang mag-isa."
"Doc, papaano kung cancer ito? what will I do?"
"Its too early para sabihing cancer iyan kaya we need to conduct this procedures. Let's pray na hindi cancerous ang tumor."
Nakatulala akong naghihintay ng taxi dito sa labas ng ospital. Ano bang nangyayari sa akin? first, na-accident ako then ito may nakitang tumor sa tiyan ko. Ano ba dapat kong gawin? I know I need to pray, kailangan ko na bang maglakad ng nakaluhod sa Quiapo Church? ilang tray ng itlog ba ang kailangan kong ioffer kay St. Clare?
Kailangan hindi ako matress, baka makasama sa akin ang stress at lumala ang tumor na nasa tiyan ko.
What if cancer ito? what will I do?
Papaano kung bilang na pala ang nga oras ko?