Chapter Two

1046 Words
Pearl Aphrodite Magnaye's Point of View "Bhess?" napatingin ako kay Angel na sarap na sarap sa kinakain niyang ice cream. Break time ngayon kaya andito kami ngayon sa canteen. "O bakit?" tanong ko. Tumabi siya sa akin. "Tingnan mo yung grupo nila Adam." Tapos nginuso niya ang grupo ng mga boys na nakaupo sa tapat ng room ng pre-school.  Maliit lang naman kasi ang school namin. May tatlong lamesa lang ang canteen namin kaya 'yung iba ay nakaupo sa benches na nakalagay sa ibang part ng campus. Napasimangot ako nang makita mga pinaggagagawa nilang mga lalake. Mukhang naglalaro ng charade ang mga kumag. Alam ko may name grupo nila eh. Fairytail ata yun. Mga weebs din kasi sila. "Parang mga tanga lang. Tingnan mo si Arjay at Joseph kulang na lang gumulong sa katatawa. Sila lang maingay dito o. Buti na lang wala ng klase ang kinder ng ganitong oras," sabi ko. "Parang ang saya nila. Masaya siguro kung maayroon tayong circle of friends," sabi ni Angel. "Bakit? Naboboring ka na ba dahil ako lang kasama mo?" tanong ko. Umiling naman siya. "Hindi naman. Kaya lang sabi nga nila the more the merrier!" After breaktime ay bumalik na kami sa klase. Biology ngayon ang subject namin at may groupings kami na by 4. Nagulat kami ng lumapit si Adam at Nathan sa aming dalawa ni Angel. "Tara tayo na lang magkagrupo," sabi ni Adam at napasimangot naman ako. "Parang napilitan ka ah!" sigaw ko. "Hindi naman. Nakakasawa din kasing sila Arjay ang kasama ko." Simula noon, lagi na kaming magkasamang apat. Kami nila Angel, Adam at Nathan. Naging inseperable kaming apat. Everytime na may groupings at project tatambay kami sa bahay ko or sa kanila ni Angel tapos favorite naming meryenda ay pancit canton sweet and spicy tapos pineapple juice. Tama nga si Angel, the more the merrier. Mas masaya kung marami. Madalas mag-away si Nathan at Adam. Ewan ko ba kung ano talaga ang nagiging dahilan. Kapag nag-aaway sila laging nahahati sa dalawa ang grupo namin. Ako at si Nathan, si Angel at Adam naman. Then after ilang weeks mag-aayos at magbabati na sila. Tuwing may ballroom dancing sa MAPEH, lagi kaming magkapartner ni Adam. Dito nga siguro nagstart 'yung feelings ko para sa kanya. I can not help it pero kinikilig ako everytime we hold our hands. Kaya gustong gusto ko kapag ballroom. Sway, cha-cha or tango man yan kaya ko basta si Adam ang partner ko. Noong nagcollege kami naging bihira na ang pagkikita namin. Si Nathan sa PUP nag-aral, si Angel sa TIP Manila, si Adam sa TUP at ako naman ay sa St. Clare. Noong panahon na iyon di pa uso ang messenger more on texts kami noon, paGM-gm lang. There were times na magkatext kami ni Adam. Sobra ang saya at kilig ang nararamdaman ko everytime na nagkausap kami. I really want to confess, kaso natatakot ako. Baka once na nagconfess ako our friendship will be over. Our friendship will be over. Napabuntong-hininga na lang ako. Nope. That will never happen. Gusto ko si Adam but I don't want to end our friendship. Masaya na ko sa ganitong set-up. Ayokong sirain ang isang dekadang pagkakaibigan namin. Wala na nga si Nathan, pati siya mawala pa. Kuntento na ako sa ganito, basta malapit lang ako kay Adam. Okay na ako ng ganito.  "Bhess, sige na ako ng bahala dito. Magpahinga ka na," sabi ko kay Angel at loka halos tumalon sa tuwa. "Yes! Thank you! Maglalaro pa kami ni Adam ng Mobile Legends eh! Mauna na ko bhess! Muah!" at kumaripas na siya ng takbo palabas ng shop. Nailing na lang ako kay Angel. Silang dalawa ni Adam ang mahilig maglaro ng games. Ako hindi gaano. Hindi ako ganoon kagaling magmobile legends. Warrior III nga lang rank ko eh. Pagsara ko ng shop ay nagchat ang dalawang college besties ko at nagyayang magbar. Dahil bet nila sa BGC, nagbook na lang ako sa Grab. Pagdating ko doon ay andoon na sila Kim at Clarisa. Mukhang bangag na nga si Clarisa eh. "Anong mayroon at nagpapakalunod ka Clarisa?" tanong ko at nagshot na din. "Ang toxic na ng relationship ko with Tom! Gusto ko na siyang hiwalayan!" sabi niya at napangiwi ako ng ibagsak niya ang basong gamit niya. "Ay nako Clarisa, ilang beses ko na yang naririnig sayo pero hanggang ngayon di mo magawa. Limang taon na nakalipas hanggang ngayon kayo pa rin." sabi ni Kim at sumandal na siya sa akin. "This time gagawin ko na! Ang creepy na niya eh! Biruin mo hanggang office susundan niya ko just to make sure na wala akong iba! Wala na kong freedom!" "Paano mo hihiwalayan?" tanong ko. "Thru phone?" tanong niya. "Naku Clarisa mas maganda sa personal." sabi naman ni Kim. "Ayoko! Nagiging bayolente iyong taong iyon eh!" "Bakit kasi pinaabot mo pa ng limang taon. Dapat noon palang ginawa mo na iyan," sabi ko. Nakakailang bote na din kami at pakiramdam ko ay umiikot na ang mundo. Bakit nga ba ako umiinom? Para damayan itong si Clarisa sa pagiging miserable niya sa lovelife? Stress? o dahil gusto kong kalimutan ang nararamdaman ko kay Adam? Hayp na yan! Lasing na nga yata ako. Kung anu-ano na pinagsasasabi ko. Mga bandang 1 am ay nasa labas na kami ng bar at hinihintay ang binook na Grab. Naunang dumating ang kay Kim, sumunod kay Clarisa. Five minutes nang makaalis si Clarisa ay dumating naman yung sa akin. Matiwasay naming binabagtas ang highway. Kahit medyo hilo ay pinipilit kong 'wag makatulog. Napansin kong nakahinto kami sa isang intersection. Nakita ko pang binuksan ng driver ang radio at napapikit ako dahil sa kanta. Kaasar, bakit ba nangungurot ang kantang iyan sa akin? Heart beats fast Colors and promises How to be brave? How can I love when I'm afraid to fall? Watching you stand alone All of my doubts Certainly goes away somehow... Sa totoo lang simula ng mapanaginipan ko yung kinasal si Adam gusto ko ng isumpa yang kanta ni Christina Peri. Hindi ako kinikilig sa kanta eh, pakiramdam ko dinudurog ako. Nang mag-go na ang traffic ay umusad na ang kotse at nagulat na lamang ako ng biglang may bumangga sa amin. Naramdaman ko pang nagpaikot-ikot ang kotse namin bago ako nilamon ng dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD