Chapter One

1190 Words
Pearl Aphrodite Magnaye's Point of View "Pearl." Naramdaman kong may tumatapik sa binti ko pero di ko lang pinansin. Ayoko munang magising. "Pearl, gising na!" Naramdaman ko siyang umalis sa paanan ko. Napakunot ako at agad nagtakip ng unan dahil sa biglang liwanag na pumasok sa kuwarto ko. "Come on Pearl wake up!" sabi niya pa.  "The f**k Adam?!" sigaw ko ng agawin niya ang unan ko. Sa inis ko ay padabog akong bumangon. Matalim ang tingin ko sa kanya habang nakasandal sa headboard ng kama ko. "Why so grumpy Pearl? Aga-aga nakasimangot ka," sabi niya. Napakurap-kurap ako. Pinagmasdan ko siya. Nakasuot siya ng suit and tie at nakabrush up ang buhok. Bumaba ang tingin ko sa right hand niya at tiningnan ang mga daliri niya. Wala siyang wedding ring. Napasinghap ako at agad kinuha ang kamay niya na siyang kinabigla niya. "Hey! What are you doing?" tanong niya. There's no wedding band in his finger! Anong nangyari at 'di niya ito suot?! "Where's your ring?" tanong ko at nakita kong kumunot ang noo niya. "What ring?" tanong din niya. "The wedding ring! Where is it?!" nagtaka ako ng bigla siyang humalakhak. As in tumawa talaga siya ng malakas. Halos maluha-luha pa siya. "Hahaha! Seriously Pearl? Wedding ring? Pft.. hahahaha!" pinanuod ko na lang siya hanggang sa mamatay siya sa kakatawa. Note the sarcasm. "Tapos ka na?" tanong ko habang nagpupunas siya ng luha dahil sa kakatawa niya. Wala namang nakakatawa sa tanong ko di ba? I am just asking about his wedding ring. "Seriously Pearl? Wedding ring? As far as I remember I'm not yet married. Single and ready to mingle ako," sabi niya. "Ha? Eh nag-attend pa ko ng wedding mo." "Its just a dream Pearl. Wala pa kong plano magpakasal. Kaya siguro grumpy ka ay dahil doon. Wake up!" sabi niya at inayog-ayog pa ang balikat ko. Is it just a dream? Thousand years pa nga ang wedding song nila eh! Tapos may  pogi na isinakay ako sa motor! Grabeng panaginip naman iyon, napaka vivid! Nakapavivid din ng sakit ng puso ko. Letcheng panaginip yan, mapanakit! "Tumayo ka na diyan I prepared your breakfast. Tawag ng tawag sa akin si Angel kaninang 7 am. She was trying to contact you but you're not answering. Thats why she nags me and asked to check on you. Turns out tulo laway ka lang pala." Agad akong napahawak sa magkabilang gilid ng labi ko to check kung tulo-laway ba talaga ako. "Hindi naman eh! Sige na lumayas ka na!" sigaw ko. Nakangiti lang ang loko bago lumabas ng kuwarto. Nahiga na lang ulit ako at napatulala sa ceiling. Hayp na panaginip 'yan. Parang totoo eh. Ariana pa nga yung name ng girl na pinakasalan niya. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa ilalim ng unan ko. Kaya pala di ako macontact ni Angel ay dahil shutdown ang cellphone ko. Chinarge ko muna ito at naligo na muna. After I did my morning routine at chineck ko na ang cellphone ko. Ayun, bombarded ang messenger ko sa tawag ni Angel tapos dalawang messages from Adam. Angel Castro Bhess? bhess asan ka na? Madami na customer dito! Ano itong order ni Mary Angeline? Ilan ba ito? Hoy! Ang dami ng inquiry dito! Ikaw lang nakakaalam ng mga ito! You missed a call from Angel Concepcion. You missed a call from Angel Concepcion. Napailing na lang ako. Masyadong nerbyosa itong si Angel eh. Nakalagay naman na sa log book lahat ng mga order at deliveries ngayong araw. Nagreply muna ako kay Angel bago ko binuksan ang kay Adam. Adam Santos Hey good morning! Have a great day! Ang kulit ni Angel. Puntahan kita diyan sa condo mo bago ako dumeretso ng office. Napangiti na lang ako sa message ni Adam. Paglabas ko ay may nakita akong take out na lasagna from Greenwich. Kung makasabing nagprepare ng breakfast kala ko nagluto. Iyon pala eh nagtake out lang naman pala. Pero infairness nag-effort itong si Adam. Umupo na ako at nagsimulang kumain. Agad kong chinat si Adam to thank him. Thanks for the lasagna. Alam mo talaga ang favorite ko.  Napangiti ako habang kumakain. This is why I have fallen to Adam. Masyadong caring and loving. He's my highschool crush. Second year highschool ako ng maging close kami and the friendship started until now. Kaming tatlo nila Angel ang powerpuff girls hahaha! Turing ni Angel kay Adam ay bakla but believe me straight guy talaga si Adam. I wonder kung forever friendship pa rin kami if malalaman ni Adam ang nararamdaman ko for him. It's almost 10 am na ng makarating ako sa shop. Nakita ko si Angel na halos haggard na ang hitsura kakabalot ng mga order na items. May mga bags, damit, shoes at iba pa ang tinda namin. I own this shop at recently naging tauhan ko si Angel after niya magresign bilang BOA sa China Bank. Kaya ito siya ngayon hilong-hilo na hahaha! "Pagod na pagod ah!" sabi ko at agad na tumingin sa akin si Angel. Natatawa ako dahil ang haggard na niya talaga. "Bakit ngayon ka lang?! Ang daming inquiries at orders! Hindi ko alam ang uunahin ko!" sabi niya at halos dumapa na siya sa working table niya. "Relax ka lang. Andiyan ang log book oh. Nakalista na lahat ng orders at deliveries sa araw na ito. Wag ka ngang mahaggard diyan. Mukha ka ng mandirigma," sabi ko at ang loka kumuha ng salamin sa drawer at inayos ang buhok niya. "Pinuntahan ka ni Adam?" tanong niya habang nagbabasa ng mga inquiries sa sss page ko. "Yup. Dinalhan pa ko ng lasagna." "Buti naman. Akala ko napano ka na. Kasi naman active 14 hours ago ka. Eh samantalang di ka naman nag-ooff ng sss mo." "Sorry naman. Nakatulog agad ako kagabi at nalowbat ng husto ang phone ko." Ramdam mo ba abs ko? Napailing agad ako ng maalala ko ang panaginip na iyon. Damn, sino ba yung lalaking iyon sa panaginip ko? Ang weird talaga eh parang totoo. "Bhess?" tawag ko kay Angel. "Hm?" "Is it possible na managinip ka na parang totoo?" "Ha? Parang totoo?" "Ang weird kasi ng panaginip ko kagabi. Kakaiba siya sa lahat ng dreams ko. Para kasi talagang totoo eh. Yung emotions na naramdaman ko ay tumatak sa akin," paliwanag ko. Tumigil naman siya sa pagbabalot ng items at tumingin sa akin. "Anong nangyari ba diyan sa panaginip mo?" tanong niya. "Kinasal si Adam. Tapos ang saya daw natin. Ariana pa nga name ng papakasalan niya eh. Tapos may nameet akong lalaki sa labas ng simbahan tapos sinakay niya ko sa motor tapos ayun nagising na ako." syempre 'di totoo yung part na masaya kami. Hanggang ngayon ramdam ko yung sakit sa puso ko dahil sa panaginip na iyon. "Alam mo ibig sabihin niyan?" tanong niya. "Ano?" "Magjowa ka na. Maghanap ka na ng jowa. Lumandi ka na in short!" Napasimangot naman ako. Ayoko nga. Si Adam lang gusto ko. "I-set nga kita sa blind date! Mukhang need mo na ng jowa eh!" "Angel!" Wala naman akong ibang gusto ko. Iisa lang naman ang gusto ko. Si Adam lang at wala ng iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD