Chapter Seventeen

1452 Words
Chapter Seventeen:             My Bucket List 1. Travel Alone. (CHECK!) 2. Eat and drink whatever I want. 3. Learn tango. 4. Date with Park Seo Joon. 5. Wear a wedding dress. 6. Go cycling along a coastline.  7. Go to the beach. 8. Have a tattoo. 9. Be a meaningful person. 10. Reconcile with my family. 11. Confess to Adam. 12. Die alone and peacefully.   Okay, so tapos ko ng gawin ang bucket list number 1! Even though hindi talaga ako nakapagtravel mag-isa sa Tagaytay pero nakapunta ako doon ng mag-isa lang so counted pa rin iyon. Bucket List number 2 na ako. Eat and drink whatever I want. Kailangan ko na itong gawin bago ang chemo ko next week. Dahil malamang ay hindi na ako papayagan pa kapag nagstart na ako sa chemo ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bed side table ko at tinawagan si Angel. Alam kong borlog pa siya ng ganitong oras pero wapakels ako dahil gusto ko ng gawin ito. Baka mamamaya hindi ko na magawa pa ito. Nakailang ring pa bago niya nasagot ang tawag ko. “Hello?” sagot niya sa tawag ko. Damang-dama ko ang antok sa boses niya. “Bhessy! Get your a*s up! Magdedate tayo!” sabi ko. “Ha? Anong araw ba ngayon?” “It’s Friday! Girls’ day off!” sagot ko habang kinukuha ang bag ko sa cabinet. “May work hindi ba? May mga orders na dapat asikasuhin,” she said at medyo nadinig ko pa ang paghilik niya. Bumalik na naman sa pagtulog. “Angel!” sigaw ko. “O bakit? Anong mayroon?” tanong niya na ikinatawa ko. “Don’t worry about the shop. Nag-inform na ako sa mga customers natin na next week na natin maaasikaso ang mga orders nila. Besides, when was the last time we had girls’ day off? Hmmm?” sabi ko at narinig ko naman siyang napabuntong hininga. “Fine. Sunduin moa ko dito ah!” “Oo naman. Nga pala, commute lang tayo!” “What?!” Hindi na ako sumagot pa at tinapos ko na ang tawag. Napatingin ako sa orasan at nakitang 7 am palang naman kaya nagsesearch muna ako ng mga puwede naming puntahan at kainan. Quarter to eight ng umalis na ako ng unit ko at nagtaxi papunta sa unit ni Angel. Pagdating ko doon sa unit ni Angel ay naabutan ko siyang nagsasapatos na. Nakasuot siya ng simpleng pink na blouse at maong jeans at itim na rubber shoes. Samantalang ako blue na puff shoulder blouse at khaki shorts na hanggang gitna lang ng mga hita ko at putting rubber shoes na may mukha pa ni Mickey Mouse. “Tayo lang? Hindi natin kasama si Adam?” tanong niya habang isinasara ang pinto ng unit niya. “Oo. Girls nga ‘di ba? Besides, busy ‘yun sa Arianna Granada niya kaya keber muna tayo sa kaniya. Mamaya pagselosan na tayo ng jowa niya at mag-away pa sila ng bongga!” I said. “Saan tayo ngayon?” “Intramuros?” “Sa Intra?! Sure! Hindi pa ako nakapunta doon!” sabi niya at tumango naman kami. Sumakay kami ng bus patungong Monumento. Napapangiti ako tuwing nadadaan ako dito. Dami naming ala-ala nila Adam dito. Hays, kahit saan yata ako magpunta naiisip ko si Adam. Pumasok kami ng LRT Minumento at huminto muna para magload ng Beep card namin. Nilabas ko ang beep card at loloadan na ng makita ni Angel ang card. “Oy, hindi ba ‘yan ang bigay ni Adam?” tanong niya at tumango ako. “Yup!” sagot ko. Sumakay na kami ng LRT at dahil medyo puno ay tumayo na lang muna kami. “Saan ba tayo bababa? Sa UN ave?” tanong niya at umiling naman ako. “Luneta ‘yun kapag sa UN. Sa Central Station tayo bababa,” sagot ko at tumango naman siya. Marahil ay 20 minutes ang lumipas at nakarating na din kami sa Central station. Pagbaba naming doon ay sinalubong kami ng mga tricycle drivers na nandoon. Siguro nga mukha kaming turista kaya inaalok na kami ng mga ito na ihatid sa Intramuros. “Ma’am sa Intramuros ba ang punta niyo?” tanong ng isa. Tumango naman itong si Angel. “Opo. Magkano po ba?” tanong ni Angel. “100 po hanggang Fort Santiago,” sagot ng driver kaya tumango na ako at sumakay na kami sa taxicle. Naku, taxicle? Naalala ko ‘yung sa Tagaytay! Ilang minuto ang tinakbo mula sa Central Station patungo sa Fort Santiago. Tuwang tuwa pa ako dahil dumaan kami sa Jones Bridge, ang laki na ng pinagbago ng Maynila hindi tulad noon. Pagdating naming sa Fort Santiago ay sarado pa ito. Ang sabi ng guard ay alas dose pa ng tanghali ang bukas kaya nagpasya na muna kaming kumain sa KFC ni Angel. Doon sa tapat ng Manila Cathedral. “Bakit ng apala nag-aya ka? May problema ka ba?” tanong niya sa akin habang ngumunguya ng order niyang sisig bowl. Uminom muna ako ng Sprite bago siya sinagot. “Wala namang dahilan para lumabas tayo. Feeling ko masyado na tayong occupied ng mga bagay-bagay. Hindi ka ba nai-stress sa shop? Saka bihira na lang tayong magkasamang dalawa, ‘yung walang kasamang Adam,” I said. Medyo white lie doon sa dahilan. Alam naman natin kung bakit ko ito ginagawa. “Oo na! sige na ubusin na natin ito,” she said at mabilis kong inubos ang order kong chicken bowl. After naming kumain ay agad kaming tumawid sa Manila Cathedral. Gandang ganda kami sa paligid. Kaagad kaming nagpapicture ni Angel sa statue ni King Charles IV. “O si King Charles IV pala ang nagdala ng vaccine for small pox eh,” sabi ni Angel at napataas naman ang kilay ko. “Paano mo nalaman?” “Ayun oh!” sabay turo sa isang trade bulletin na nasa tabi lang din ng fountain. “Akala ko alam mo talaga eh.” “Hindi binasa ko lang.” Sa left side ng monument ni King Charles IV ay may isang book stop na nandoon. Ang alam ko ay puwede kang kumuha ng libro doon basta may ipapalit kang libro doon. Kinuha ko ang isang libro sa bag ko. Isang crime novel iyon at inilagay ko sa pinakataas ng shelf. Medyo magdadamot ako sa librong iyon kaya sa taas ko inilagay. May mensahe kasi akong inipit doon, nagbabakasakaling pumunta si Adam dito at makita niya iyon. Pero kung may makakuha na iba bago siya makapunta okay lang din. Ang g**o ko hindi ba? Namili na lang ako ng libro doon at umalis na din kami. Pumasok din pala kami sa Manila Cathedral. Maaga pa kaya walang misa kaya tamang silip lang kami sa loob. Ito ang unang beses na nakapasok ako sa nasabing simbahan. Nakita ko si Angel na tahimik na nakayuko at umuusal ng munting panalangin. Tiningnan ko ang imahe sa altar. Kung ano man ang plano mo, wala na akong magagawa pa. Kung hanggang dito na lang ako tatanggapin ko ng lubusan.             “So, saan na tayo?” tanong niya habang naglalakad sa gilid ng Manila Cathedral. “May hinahanap akong monument eh. Naalala ko noong bata ako may picture ako doon eh,” I said habang naglalakad kami. “Anong monument bai yon?” “Yung monument para sa liberation of Manila,” sagot ko. Sige pa rin kami sa paglalakad hanggang sa may nadaanan kaming monument. “Hala Angel! Ito na iyon!” sigaw ko sabay turo sa monument. “Memorare- Manila 1945,” basa ni Angel sa nakaukit sa monument. “Yup! Ito iyon! OMG! After 28 years nabalikan ko ang monument na ito.” Umikot ako sa likod ng monument at namangha sa nakita. “Angel! May time capsule oh!” sabi ko sabay turo sa isang time capsule na nakalagay mismo sa likod ng monument. “Time capsule to be opened on February 18, 2045. So, 1945 was the battle for the liberation of Manila. Tapos bubuksan ito sa 2045, it means it will be the 100 years anniversary ng liberation of Manila,” sabi ni Angel at tumango naman ako. “Hindi ko na ata maabutan ang pagbukas ng time capsule na iyan,” I said at lumingon naman sa akin si Angel. “Anong hindi? 2045 ay nasa 40’s na tayo niyan. So clearly buhay pa tayo ng panahong iyan.” Hindi na lamang ako sumagot. Yeah, maabutan nila pero hindi ako. Medyo na depressed ako dahil sa time capsule na ‘to ah. Parang pinapaalala talaga sa akin na hanggang dito na lang talaga ang buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD