Chapter Eighteen:
Pearl Aphrodite Magnaye’s Point of View
“Tara na, doon naman tayo sa Casa Manila,” I said at hinatak na palayo ng Memorare Monument itong si Angel. Medyo masakit kapag nakakakita ako ng petsa eh. Talagang pinapaalala sa akin na hindi na ako magtatagal sa mundo.
Hindi naman na magtigas pa si Angel at sumunod na lang siya sa akin. Ilang minutong lakaran ulit at nakarating kami sa Casa Manila. Picture dito at picture doon ang ginawa namin.
Habang umiikot doon ay may nadaanan kaming ice cream parlor. Ang cute nga eh, Spanish style ice cream store. Mukhang foreigner pa ang may-ari.
Hinatak ko si Angel papasok ng store at naupo sa isang table.
“¡Buen día señorita! ¿Puedo tomar su orden?” (Good day Miss! May I take your order?”) sabi ng waiter sa akin.
“Sólo un momento,” I said at ngumiti sa kanya. (Just a moment). Naramdaman ko ang kurot ni Angel sa tagiliran ko. Lumingon ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
“Ano ba? Anong order mo?” tanong ko.
“Double dutch na lang,” sagot niya sa akin. Muli akong tumingin sa waiter na matiyagang naghihintay ng order namin.
“Nosotras tomaríamos aguacate y doble holandés,” I said at tumango-tango naman ang waiter sa akin. (We would take avocado and double dutch.)
“Ah, y una cosa más, ¿puedo darme tu número de móvil?” (Oh one more thing, can I have your mobile number?) tanong ko at napatigil naman waiter ko pero kalaunan ay mukhang nagets naman niya ang ibig kong sabihin.
“Por supuesto,” (Sure) sagot niya sa akin at umalis na din siya para asikasuhin ang aming mga orders.
Napatingin ako kay Angel na halatang hindi naintindihan ang mga sinabi ko sa waiter.
“Hinanapan na kita ng potencial love life o,” sabi ko at nanlaki naman ang mga mata niya.
“What? Love life?”
“Ayun si Mr. Waiter, alam kong bet mo. Lagkit ng mga mata mo sa kanya eh. Hiningi ko ang number niya for you.”
“Why naman bhessy?” tanong niya. Bago ako makasagot ay dumating ulit si Mr. Waiter dala na ang mga orders namin. Inilagay niya sa harapan naming ang mga order naming at iniabot sa akin ang isang tissue paper na may nakasulat na cellphone number.
“¿Cuál es su nombre?” tanong ko sa kanya. (What is your name?)
“William. William Santiago.”
Ngumiti ako sa kanya at iniabot ko ang tissue na may number niya kay Angel na titig na titig sa waiter na ito.
“My friend will contact you, I hope you don’t mind,” I said at lumingon naman siya kay Angel. Tinitigan niya ng mabuti si Angel saka ngumiti.
“I don’t mind,” sabi niya at umalis na. Bago tuluyang pumasok sa kitchen nila ay lumingon pa ulit siya kay Angel at sumenyas ng call me.
“OMG! What was that bhessy!” tanong ni Angel sa akin.
“What? Hinahanapan kita ng lovelife para may iba kang pagkaabalahan. Para hindi ka na din mastock sa akin,” I said at sumubo na ng avocado ice cream ko. Napapikit pa ako dahil sa sarap ng ice cream. Bakit ngayon ko lang ito natikman?!
“Angel?”
“Hmm?”
“Anong gagawin mo if umalis na ako?” tanong ko.
“Anong umalis? Aalis ka na naman ba?” tanong niya at tumingin sa akin.
“Aalis ako for good. Halimbawa lang siyempre!” Binitawan niya ang hawak niyang kutsara at tinitigan ako ng seryoso.
“Seriously Pearl, anong nangyayari sa’yo? Why you suddenly saying this? Mag-aabroad ka ba or something?” tanong niya at ngumiti lang ako sa kanya.
After namin sa Casa Manila ay umikot kami sa likod ng Manila Cathedral. May isang café ako na gusto kong puntahan. Pinuntahan namin ang La Café Cathedral. Napakaganda ng lugar na ito at very instagrammable pa.
Nag-order ako ng isang bote ng white wine at isang platter ng sisig. Oh how I love sisig!
“Bhessy, hinay hinay sa wine. Baka malasing ka niyan,” sabi ni Angel habang kumakain. Sa totoo lang ako na ang kumalahati sa wine na binili ko.
“Okay lang yan bhess, nandiyan ka naman!” I said at muling nagsalin ng wine sa wine glass at inisang lagok ko ito.
All I want is to eat and drink whatever I want.