Chapter Sixteen

1062 Words
Chapter Sixteen: Pearl Aphrodite Magnaye’s Point of View   “Constipated?” hindi makapaniwalang tanong ni Adam kay Doc Rodney at tumango naman ang doctor sa kanya. “Yes, constipated lang siya. Mukhang hindi napansin ng patient natin na hindi na regular ang bowel movement niya. so, I told her that we conduct enema para sa kanya,” sabi ni Doc Rodney. Sabay-sabay kaming naglakad pabalik ng ward at doon ay pinahiga muna ako ni Doc Rodney. Ngumiti ako sa kanya, lihim na nagpapasalamat at hindi niya sinabi ang tunay kong kalagayan kay Adam. “Adam---” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magring ang phone niya. kinuha niya ito mula sa bulsa ng kanyang slacks at tiningnan ang caller i.d. “Arianna? Bakit?” tanong niya kaagad pagkasagot niya ng tawag. Napabuntong hininga ako, oh yeah muntik ko ng makalimutang may Arianna pala sa buhay niya ngayon. “I’m here at the hospital. Sumakit kasi ang tiyan ni Pearl kaya sinamahan ko siya. Maybe hindi na ako makabalik ng work, walang kasama si Pearl eh… okay… thank you so much Love! I love you!” Wala kang narinig Pearl. Wala kang narinig. After ng tawag na iyon ay lumingon siya sa akin at ngumiti ng alanganin. “Si Arianna, hinahanap na ko. Don’t worry nag-explain naman ako sa kanya,” he said at naupo sa tabi ko. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kanyang braso. “Sige na, puwede mo naman na akong iwanan dito. Hinahanap ka n ani Arianna,” I said. “Pero Pearl, wala kang kasama dito,” sagot niya sa akin at umiling naman ako. “Ano ka ba okay lang ako. Hindi rin naman ako magtatafgal ng isang buong araw dito. After ng enema ay puwede na kong umuwi. Pasensya ka na sa akin, naabala ko pa ang trabaho mo. Sige na, namimiss ka n ani Arianna.” Ngumiti siya sa akin saka siya tumayo at tumalikod na paalis. Kasabay ng pagtalikod niya ay ang pagkadurog muli ng puso kong walang ibang hiniling kung hindi ang mahalin din niya. Kung ako ba si Arianna, ganyan din kaya siya sa akin? Napabuntong hininga ako, pilit na pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang umalpas mula sa aking mga mata. Masanay ka na Pearl.   “Nasaan na ang kasama mo?” Napalingon ako kay Doc Rodney na nakatayo sa paanan ng hospital bed ko. Pasimple kong pinunasan ang mata ko saka ako tumingin sa kanya. “Bumalik na sa trabaho. Pinabalik ko na, naabala pa ang trabaho nila dahil sa akin,” sagot ko at naupo naman si Doc Rodney sa tabi ko. “About your chemo,” sabi niya at tiningnan ang clipboard na hawak niya. “Your schedule will be next week, Tuesday. Sa totoo lang kailangan mo talaga ng guardian regarding this pero aakuin ko na ang pagiging guardian mo. Ako ng bahala s aiyo,” he said at ngumiti ako sa kanya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. “Naku doc! Thank you!” I said at mas lalong hinigpitan ang yakap sa kanya. Naramdaman ko din na niyakap niya ako pabalik. “Huwag mong kakalimutan ha? Baka hindi ka naman sumipot ng chemo mo katulad last week.” “Opo sisipot na ako.” “Anyway, ito nga pala ang mga pain meds na iinumin mo kapag sinumpong ng sakit ang tiyan mo. Sundin mo lang ang nakalagay sa reseta okay?” tumango ako sa kanya. “Okay!”                 “Saan ka galing?” tanong ni Angel pagpasok ko ng shop. Bandang tanghali ay pinalabas na din ako ng hospital. Umupo na ako sa puwesto ko at pinagpatuloy ang naudlot na trabaho kanina. Napatingin ako sa kapeng ibinigay ni Adam kanina at ngayon nga ay kasing lamig na ng ilong ng pusa ang kape. “Walang nabanggit si Adam sa’yo?” tanong ko. Tiningnan niya ako ng maiigi at umiling. “Hindi, nagkasalubong nga kami kanina pero mukhang nagmamadali,” sagot niya sa akin. Lihim akong nasaktan dahil sa sinabi niya. it only means na nawala na ako sa isipan niya. ang focus na nga niya kasi ngayon ay si aArianna. “Nagpunta siya kanina dito sa shop. Kinamusta ako then sumakit ang tiyan ko kaya dinala niya ako sa hospital,” sabi ko at napatulala naman sa akin si Angel. “What?! Naospital ka?! Tapos wala man lang ni isa sa inyo ang nag-inform sa akin?! Well, given na ikaw ang patient pero si Adam?! Hindi man lang ako ininform!” sunod-sunod niyang sabi. Kulang na lang talaga ay bumuga siya ng apoy dahil sa inis niya. “Wala namang malalang nangyari sa akin. Constipated lang ako, besides ‘wag mo ng asahan si Adam sa mga ganyang bagay. Mayroon na siyang bagong priority ngayon and focus.” “Ah oo ng apala, si Arianna the b***h!” Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. “Arianna the b***h? Anong mayroon? Something happened ba?” tanong ko at napabuntong hininga naman siya. Hinila niya ang kanyang swivel chair palapit sa akin at ako naman ay naghihintay na magsalita siya. “Ganito kasi ang nangyari bhessy,” sabi niya. “Noong naglayas ka, hinanap ka namin ni Adam. Hinanap naming nga college friends mo at nagtanong sa kanila but ni luck. Then, nasalubong naming si Arianna sa isang mall at pinagselosan ako!” “You mean akala niya nagdedate kayo ni Adam?” tanong ko at sunod-sunod naman ang pagtango niya. “Yeah! Exactly! Akala niya nagdedate kami! Muntik na niya akong sabunutan pero humarang na kaagad si Adam. Nag-expalined si Adam sa kanya na hinahanap ka naming. And you know what she said about you?” “Ano ‘yun?” “Sino ka ba daw para hanapin naming, like you’re not child anymore na daw. Naku bhessy! Kung gaano siya kaganda, ganoon naman kabasura ng ugali niya!” “Kaya pala parang alangan kanina si adam. Hinanap din siya ng jowa niya eh kaya sinabi ko puwede na niya akong iwanan.” “Pero alam mo bhessy, kung magjowa man lang si Adam sana ikaw na lang,” sabi niya at napangiti ako sa kanya ng alanganin. “Ha? Bakit ako?” “Wala lang. you look cute together. Kayo kaya favorite OTP ko!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD