Chapter Fourteen:
Pearl Aphrodite Magnaye’s Point of View:
“What the hell is wrong with you?!”
Iyan ang bungad sa akin ni Angel pagpasok ko sa shop. Inirapan ko lang siya at dumeretso na ako sa table ko para i-check ang mga orders ng customers ko. Naramdaman kong nairita sa akin si Angel at lumapit sa table ko.
“Pearl! Kinakausap kita!” sigaw niya sa akin.
“Ano bang ipiputok ng butse mo?” tanong ko at tinitigan siya ng maiigi. Magkasalubong ang kanyang mga kilay at mukha na siyang panda dahil sa eyebags niya. Okay, somehow, I feel guilty dahil sa hitsura niya.
“The heck Pearl? Ipinuputok ng butse ko? You’re asking me why am I angry with you?! Bakit hindi mom una tanungin ang sarili mo?” sigaw niya sa akin at napabuntong hininga ako.
“You suddenly left during the lunch! Then hindi ka naming macontact! I even went to your parents house but as usual wala silang pakels s aiyo! Even Adam was eager to find you! Tapos all of the sudden, magpopost ka na nasa Batangas ka with some guy? Hindi naman siguro mahirap magsabi kung saan pupunta ‘no?”
“Can’t I just have time for myself? To think? Palibhasa kasi wala kanga lam kung ano ang nararamdaman ko. Wala kayong alam!” sigaw ko at kita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya.
“Then sabihin mo sa amin! Papaano naming malalaman kung hindi mo sinasabi?” Umiling ako sa kanya. I know masakit ang mga binibitawan kong salita pero I’m so fed up with this!
“Kahit na sabihin ko, walang magbabago,” I said at muling tumayo at lumabas ng shop.
Kakauwi ko lang mula sa Tagaytay kahapon. I don’t know pero feeling ko may kulang sa akin ng umalis ako ng Tagaytay. Maybe because wala na si Rodel? Dahil hindi na kaming magkikita pang muli.
Huminga ako ng malalim at tumawid sa kabilang kalsada. Pumasok ako sa isang café doon at nag-order ng kape para kahit papaano ay kumalma ang puso ko. Yeah, I know, hindi naman pampakalma ang kape but for me it gives me the calmness I want during this kind of situation.
Umupo ako sa isang sulok at sumimsim ng kape. Nanuot ang init nito sa aking lalamunan patungo sa aking sikmura. Ang harsh ko kay Angel. I know nag-aalala lang naman siya sa akin. Hindi ko naman kasi puwedeng sabihin sa kanya na “In love ako kay Adam! Nasaktan ako knowing his girlfriend so I ran away. Happy?” hindi naman tama iyon besides I don’t have the guts to say that to her. May pagkamadaldal din si Angel that’s why medyo wala akong tiwala sa dila niya.
“Hey.”
Napatingin ako sa nagsalita at nakita si Angel na nakatayo na sa harapan ko. Huminga siya ng malalim at naupo sa tapat ko.
“I’m sorry.”
“I’m sorry.”
Napatigil kaming dalawa at napangiti sa isa’t isa.
“Ikaw muna,” I said at tumango siya.
“I’m sorry. Hindi ko naisip ang nararamdaman mo. I thought it’s one of your missing in action schemes, na baka nasobrahan ka sa partying moment mo pero hindi ko naisip na maybe there was a deep reason bakit umalis ka kaagad and hindi nagparamdam. Ilang days ba? Two days? Three? I’m not sure pero all I know is the agony of waiting. Sobra akong nag-alala especially when I saw you cry during the lunch.”
“Hindi ako umiyak, Angel.”
“Yes, you do! I saw the tears in your eyes! Noong nag-cr ka. Kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon, hihintayin kong ishare mo sa akin. Ishare mo sa akin kung handa ka na.”
Ngumiti ako sa kanya at tumango.
“I’m sorry for making you worried, for being harsh. I’m not just in mood and I have so many problems na hindi ko alam kung papaano ko haharapin. I’m sorry for not telling you this but please bear with me. Ikaw na lang ang mayroon ako,” I said at hindi ko napigilan ang pag-agos ng mga luha ko. It’s true, Angel is all I have now. Ayokong basagin ang puso niya knowing I only have months left.
“I understand. Hindi ako sanay na magdrama ng ganito,” she said at natawa kami.
“Anong gusto mo? My treat,” I said at ngumit naman siya ng napakalaki.
“Isang liter ng triple choco milk tea at isang box ng butterchoco nut donuts.”
“Coming right up!”
Dr. Rodney S. Filoteo’s Point of View:
“Did you contact her?” tanong ko sa nurse regarding sa patient naming na si Pearl Aphrodite. Ngumiti siya sa akin at umiling. Napabuntong hininga na lamang ako.
“Sorry doc, pero hindi pa rin po eh. I think nakapatay ang phone ng patient,” sagot niya sa akin.
“Okay, thank you. Ako na lang ang tatawag sa kanya,” I said at bumalik na sa opisina ko.
Pabagsak akong umupo sa swivel chair ko at isinaldal ang pagod kong katawan. Being a doctor is really stressful. Napapaisip tuloy ako ano nga ba ang dahilan kung bakit ko pinasok ang propesyong ito. Hindi ko na kasi maalala ang rason ko.
Napatingin ako sa monitor ng pc na nasa table ko. Pinagmasdan ko ang mri na nakadisplay sa screen.
“Cancer cells were already spreading and yet hindi pa din siya nagpapakita. Sched niya ng chemo ngayon eh,” sabi ko at napapikit na lang.
I know people diagnosed with cancer are all denial about their condition. Kaya ayaw niyang pumunta dito dahil nasa denial stage pa siya. I hope na maagapan pa ang sakit niya. I hope its not too late.