Chapter Fifteen

967 Words
Chapter Fifteen: Pearl Aphrodite Magnaye’s Point of View “Hey!” Napaangat ang ulo dahil sa nagsalita. There I saw Adam, leaning on my desk while holding a cup of coffee. Nakangiti siya sa akin at inilapag ang kape sa table ko. Ngumiti ako sa kanya at kinuha ang kape at sumimsim. “Ikaw pala. Anong ginagawa mo dito? Oras ng work mo tapos pagala-gala ka,” I said at muling bumalik sa ginagawa kong mag-eencode ng mga orders. Natambak ang orders ko simula noong umalis ako. Hindi naasikaso ni Angel dahil alam niyo na, worry wart ang isang iyon. “Breaktime ko saka hindi naman ganoon kalayo ang opisina dito. Kumusta ang little escapade mo?” tanong niya at ngumiti ako ng tipid sa kanya. Kung alam lang niya na siya ang dahilan ng paglalayas ko. Pinagmasdan ko siya, angat na angat pa rin sa paningin ko ang kaguwapuhan niya. Ang mga mata niya sa likod ng kanyang eyeglass ay patuloy na kumikinang pero alam ko ang dahilan ng pagkinang na iyon. May isang babae na nagbibigay kinang sa mga matang iyon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Noong nasa Tagaytay ako ay nagalit ako sa kanya, sinumpa ko pang kakalimutan ko na siya at ang pagmamahal ko sa kanya pero ito ako ngayon, ninanamnam ang bawat segundo na nasa harapan ko siya, na malapit lang siya sa akin. Alam ko namang isang araw ay tuluyan ko na siyang hindi makikita. Ang sabi ko pa noon ay kakalimutan ko na ang pagmamahal ko sa kanya na tumagal ng fifteen years pero ito ako ngayon, hindi mapigilan ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Kung sana lang… Kung sana lang ay mahalin niya ako ng higit pa sa kaibigan ay mamamatay akong masaya… Pero… Alam naman nating napaimposibleng mangyari iyon. “Sorry Adam, if I made you worry noong umalis ako ng walang paalam. Alam niyo naman ako, napakaimpulsive kung magdesisyon,” I said. “Wala iyon. Nag-alala lang ako kasi parang ang laki ng problema mo that time even si Ariana ay nag-alala. Kaya talagang kinulit din niya ako to check you but it turns out na nagkaroon ka ng escapade with some other guy.” Pinilit kong ngumiti sa kabila ng mga sinabi niya. that woman’s name sending thousands of daggers to my heart. How I wish na minsan banggitin din niya ang pangalan ko sa paraan kung papaano niya banggitin ang pangalan ng babaeng iyon. Nakakaasar. I’m so hopeless. “Salamat kamo sa pag-aalala,” I said at muling humigop ng kapeng dala niya. Napatigil ako. Napahawak ako sa tiyan ko at napayuko. Bigla na lamang sumakit ang tiyan ko. Humihilab at kumikirot. “Pearl? Ayos ka lang?” tanong ni Adam. Pinilit kong tumingin sa kanya at tumango pero alam kong napakawalang sense ng pagtango ko dahil mukhang halatang hindi talaga ako okay. “May masakit ba sa iyo?” tanong niya. Hindi na ako nakasagot pa. Ramdam ko ang panlalamig ng katawan ko pero at the same time ay pinagpapawisan ako ng husto. “A-ayos lang ako,” I said at muling yumuko. Iniipit ko ang tiyan ko ng braso ko para kahit papaano ay maibsan ang sakit pero hindi ito effective. “Pearl!” sigaw niya at naramdaman ko ang pag-ikot niya sa puwesto ko. Naramdaman kong hinawakan niya ang magkabilang braso ko at isinaldal sa kanyang dibdib. “Pearl anong nangyayari sa’yo?” tanong niya pero hindi na ako nakasagot pa. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata habang tinitiis ang sakit ng tiyan ko. “I will get you to the hospital okay?” sabi niya. Naramdaman ko na lang na binuhat niya ako at lumabas kami ng shop. All I know is all through out the trip, hawak niya ang kamay ko. Pagdating sa ospital ay agad akong inasikaso ng mga nurse. May ginagawa sila sa akin pero hindi ko na maintindihan. “Excuse me sir, kayo po ba kasama ni Ms. Magnaye?” tanong ng isa. Pinilit kong dumilat at nakita si Doctor Rodney na kausap si Adam. “Ah yes, nagulat na lang ako bigla siyang namilipit sa sakit.” Pinilit kong tumayo at hinawakan ang sleeves ng gown ni Dr. Rodney. Napatingin siya sa akin at agad akong nilapitan. “Please, don’t tell him,” bulong ko. “Pero---” "Please doc. Huwag,” ulit ko at nakita ko siyang napabuntong hininga. “Okay.” Inayos niya ang kanyang sarili at tinawag ang isang nurse. “Nurse, pakiayos ang lab. We will do an MRI,” utos niya. “Miss Magnaye.” Napatingin ako kay doc at seryoso siyang nakatingin sa akin. Nandito ako ngayon sa opisina niya at katatapos lang ng MRI kanina. Humupa na din ang p*******t ng aking tiyan. Seryoso siyang nakatingin sa akin at alam kong malala na ang kalagayan ko. “You need to tell your family about your condition. Kumakalat na sa ibang part ng katawan mo ang cancer cells. You need to undergo chemo therapy,” he said at napatango ako sa kanya. “I don’t have family Doc, ako lang ang mag-isa sa buhay ko. I only have friends na ayokong mag-alala sa akin. Marami pa akong hindi nagagawa doc that’s why magpapa-chemo na ako but please don’t tell my condition especially from him,” I said. “Gagawin ko lang lahat ng kailangan pero please lang, don’t tell any soul about me.” Mukhang wala naman siyang magagawa pa at tumango na lang. Sabay kaming lumabas ng opisina niya. inaalalayan niya ako at nakita kong kaagad lumapit sa akin si Adam. “Doc, ano po problema sa kaibigan ko?” Yeah right, kaibigan lang. Tumingin sa akin si Doc Rodney saka siya ngumiti kay Adam. “Nothing serious. Just constipated.” “Ha?” Napairap na lang ako sa sinabi niya. sa lahat ng puwedeng sabihin ay constipated pa talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD