Chapter Thirteen:
After ko maligo ay nakita kong may message sa akin si Rodel. Binuksan ko ito at nakita ko kung saan ang address ng restaurant.
“Tagaytay Hotel and Resort,” basa ko sa message. Wait, ito ang hotel na tinutuluyan ko ah. Nakalagay dito kung anong floor nakalagay.
Nagsuot lang ako ng simpleng sweat shirt at jogging pants. Nag-sandals na nga lang ako. Wala akong idea kung anong klaseng dinner ang gusto ni Rodel. Palabas na ako ng mag-ring ulit ang phone ko at si Adam na naman ang tumatawag, napaikot na lang ang mata ko. I decided to turn off my phone again.
Sumakay na ako ng elevator at pinindot ang 25th floor button. Hindi naman nagtagal ay bumukas na ang pinto at nagtaka ako dahil pagbukas ay hindi hallway or lobby ang bumungad sa akin. Kung hindi isang living room. Dahan-dahan akong lumabas ng elevator at pinagmasdan ang paligid. Nagsusumigaw sa karangyaan ang bawat kasangkapan na nandito. Siguro ilang taon kong kita ang isang jar na nasa gilid ng sofa.
“Rodel?” tawag ko pero walang sumagot. Niloloko ata ako ng lalaking iyon eh.
“Rodel?” tawag ko ulit pero wala pa ring sumasagot kaya napabuntong hininga na lang ako. Tatalikod na sana ako at tutunguhin ang elevator ng may biglang tumwag sa akin.
“Pearl!” Napalingon ako at nakita si Rodel na may hawak na isang bote ng wine? Nakasuot siya ngayon ng isang itim na t-shirt na v-neck at simpleng jogging pants. Nasa pintuan siya ng balcony at ngayon ay wala na siyang suot na bonet.
Lumapit siya sa akin at ibinalandra na naman ang perfect set of teeth niya sa akin.
“Kanina ka pa ba? I’m sorry hindi kita narinig kanina. I was busy preapring our dinner that’s why,” paliwanag niya sa akin.
“No, it’s okay. Hindi ko lang akalaing nandito ka talaga sa floor na ito. I mean penthouse,” I said.
“So, shall we?” tanong niya at tumango ako. Iginuide niya ako sa labas ng balcony at umikot kami sa kabilang side. Namangha ako sa nakita ko, I cannot explain kung gaano kaganda ang set up ng table.
Napatingin ako sa kanya at nagtataka. How come he set this up? Hindi ko naman siya minamaliit but he’s a taxicle driver hindi ba? I mean parang napaka-out of this world. Ah basta!
“Do you like it?” tanong niya. Ipinaghatak niya ako ng upuan at umupo naman ako. I saw the foods na nandito sa table. Actually, ngayon lang ako nakakita ng ganitong foods. Inilagay niya ang hawak ng bottle sa bucket na puno ng ice. “Hindi ko alam kung anong gusto mong wine so dalawa ang kinuha ko. What do you like? The white or the red one?” tanong niya.
“I like the white one,” sagot ko. Kinuha niya ang bottle ng white wine at binuksan ito at nagsalin sa dalawang wine glass na nasa table.
“Thank you,” I said at ngumiti naman siya.
“Welcome. So, let’s eat na. ay wait!” napataas ang kilay ko. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng table at hinawakan ng mahigpit.
“Let me have your right hand,” he said at binigay ko naman sa kanya. “Before we eat, let’s pray muna.” Tumango naman ako sa kanya.
“Dear Lord, thank you for your all the blessings. Thank you for giving me a chance to be with this kind lady. I pray that all her problems and burdens will be lift by you. Help her to conquer her problems and fear. Amen.”
Habang nagdadasal siya, hindi ko maiwasang maluha sa kanyang mga sinasabi. He is praying for me. This is the first time that someone prayed for me, for my well-being.
“Tara, let’s dig in. Ako nagluto nito,” he said. Siya na ang nag-serve sa akin ng food. Naglagay siya ng isang isda sa plate ko and and the salsa sa tabi nito.
“Well this is salmon with avocado salsa. Salmon is very good for the heart. Rich in omega 3! This one is butternut squash risotto.” Turo niya sa isang bowl na nasa tabi ng plate ko. It’s a rice dish na color orange. “It’s an Italian dish,” dugtong pa niya.
Ngumiti ako sa kanya at nagsimula na akong kumain. The moment I have a taste sa kanyang dish ay halos mapapikit ako sa sarap. I never thought that eating salmon will be this very tasty!
“Ang sarap nito! I never taste a salmon like this!” I said at muling sumubo.
“Glad you like it,” he said at nagsimula na din siyang kumain.
“Rodel,” tawag ko sa kanya at tumingin naman siya sa akin.
“Yes?”
“I don’t understand. Medyo shaky ang pagprocess ng utak ko sa mga nangyayari.”
Bahagya naman siyang natawa sa akin.
“Oh I see! Sorry! Oo ng apala, pakilala ko pala sa’yo ay isang driver. Well for clarification, I own this place,” he said at napatulala ako sa kanyang sinabi.
“What?”
“I own this place. ‘Yung driver thing? I do that when I’m bored and exhausted sa mga paper works. Sorry if hindi ko sinabi sa iyo.”
“N-no. it’s okay.” Hindi ko pa rin maprocess ang mga sinabi niya. He said he own this freaking hotel! Napabuntong hininga ako at sumimsim ng wine.
“Why are you doing this?” tanong ko.
“Wala lang. Nagkataon lang na gusto kong magluto and I want someone to eat with me,” sagot niya sa akin.
“Then why me? Why you set this up?” tanong ko ulit. Nagkibit balikat naman siya.
“I actually don’t know. I thought na tapos na ang araw natin but I have an urge to see you more. That I want to be with you. I know you’re sad dahil nga for your unrequited love but I can also see it in your eyes na hindi lang ang pag-ibig mo ang problema mo. I know there’s more.”
How come a stranger like him can see me through?! I didn’t even know a single bit of information about him but he knows about me!
“How come?” tanong ko at nagtaka naman siya sa akin.
“How come what?”
“How come you know me? You’re just a stranger!”
“Because I can see it in your eyes. Our eyes is the mirror of our soul and I can clearly see your dying soul. That’s I want to spend more time with you. Na samahan ka. I can be your friend.”
“But you’re just a stranger.”
“Then don’t make a stranger. I am here for you.” At hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ng marahan.