Chapter Eleven
Pearl Aphrodite Magnaye’s Point of View
“Hibang ka na ba? Ano namang hangin ang pumasok sa isip mo at sinasabi mo iyan?” tanong ko sa kanya. Sino ba naman ang hindi mabibigla kung ang lalaking kakikilala mo lang ngayong araw ay magpopropose na magpanggap kaming mag-jowa. Oo, gusto kong magka-jowa pero hindi pa naman maluwag ang turnilyo ko para maghanap ng jojowain o magpanggap man lang. Besides, I only want Adam to be my boyfriend. Not anoyone.
“Come on! Pretend lang naman eh, hindi naman totoo. Tell the world that you are not hurt. Post mo sa social media mo na may boyfriend kang kasing guwapo ko,” he said at nag-pogi pose pa siya. Hindi naman ako kokontra sa sinabi niyang pogi. Kitang kita naman kasi at totoo ang sinasabi niya.
“That’s not nice you know? Pretending to be happy? Kalokohan iyan.”
“So, is it okay na alam nilang nasasaktan ka pero they wonder why? Bakit? Kaya ka nga nag-run away ‘di ba?”
Pinaningkitan ko siya ng mata.
“Psycho ka siguro ‘no? how did you know?”
“I just deduct things, my lady,” sagot niya.
“Ano ka, si Sherlock Holmes? James William Moriarty?”
Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at nag-lean sa akin. Napigil ko ang aking hininga dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Dahil dito napagmasdan ko ng malapitan ang kanyang mukha. Kahit kakakain lang naming ang bango ng hininga niya.
“I’m not Holmes or si Moriarty. I am Rodel, your sweet lover,” he said at bumalik na sa kanyang pagkakaupo.
“Waiter! Mag-bill out na kami!” sigaw niya sa dumaang waiter. Okay, what just happened?
After naming kumain ay muli kaming sumakay sa taxicle niya at binaybay ang highway.
“Saan naman tayo ngayon?” tanong ko.
“Batangas. Punta tayo sa Fantasy World,” sagot niya sa akin.
“Ha? Batangas? Malapit lang bai yon dito?” tanong ko. I never thought na makakarating ako ng Batangas na sakay ng isang taxicle.
Ilang sandal lang ay may nakita akong welcome arc ng Nasugbu, Batangas. Nakalagay doon ay Maligayang Pagdating, sa Lalawigan ng Magigiting. Kaso akala ko papasok kami sa arc na iyon, biglang lumiko itong driver ko.
Napansin kong medyo liblib na ang dinadaanan namin. Pero hindi naman gan’on na secluded ang daan. Ilang sandali lang ay nakita ko ang arc na Lemery, Batangas.
“Nakikita mo ba ang toreng iyon?” tanong ni Rodel habang itinuturo ang tore sa malayo.
“Oo, iyan ba ‘yung Fantasy World? Ano bang mayroon diyan?”
“Abandonadong amusement park iyan. Maging rival sana ng Disneyland kaso naubusan ng pondo. Park na lang iyan for picture taking.”
Nang makarating kami doon ay may sumalubong sa aming guard.
“Ma’am, sir, closed po ngayon ang Fantasy World,” sabi nito sa amin.
“Bakit naman?” tanong ni Rodel.
“May inaayos po kasi sa loob.”
“Ay ganoon? Puwede bang kahit sa gate lang kami. Magpapapicture lang.”
“Sige po, pero huwag na lang po kayong maingay. Sa likod na lang po kayo dumaan,” sabi ng guard at sumaludo naman itong kasama ko.
“Sayang, gusto pa naman ng girlfriend ko na makapasok sa loob.”
Ay grabe! Talagang pinangatawanan niya ah! My gulay!
Pinaandar na niya ang sasakyan at nagtungo sa back part ng park. Doon ay makikita ang mga abandonadong rides like ferris when at roller coaster. Hanggang sa gate lang kami, kaya doon lang kami.
“Akin na phone mo, picturan kita,” he said at ibinigay ko naman ito. Halatang sanay na kumuha ng picture. Ipinakita niya sa akin at gandang-ganda ako sa kuha niya.
“Wow! Galing ng kuha mo ah. Photographer ka ba?”
“Hmm… sort of hahaha!” Tumingin siya sa paligid at nakita ang isang guard na nandoon.
“Kuya!” tawag niya dito at lumingon naman ang guard.
“Hoy! Bakit mo tinatawag?” tanong ko at kumindat lang siya sa akin.
“Puwede bang picturan mo kami ng girlfriend ko?”
Hay nako, kapal muks naman itong kasama ko.
“Sige sir!”
Pumwesto na kami at ready na kumuha ng shot si kuya guard.
“One! Two!”
Nagulat ako ng biglang umakbay ang kasama ko kaya tumingin ako sa kanya.
“Hoy---”
“Three!”
Hindi na ako nakapagsalita ng picturan na kami ng guard. Bumitaw na sa akin si Rodel at nilapitan ang guard. Kinuha niya ang phone ko at tiningnan.
“Thanks kuya! Ganda ng shot! Candid haha!”
Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang picture. Napaawang ang bibig ko ng makita kung gaano kaganda ang picture.
“Match made in heaven!” sigaw nito sa akin at ngumuso naman ako.
“Ewan ko sayo. Nanananching ka lang kaya ka umakbay sa akin,” I said at kinuha na ang phone ko.
“Hey, I’m not maniac. I respect women. Parang binastos ko na ang ate ko at nanay ko kung ginawa ko iyon.”
Hindi na ako nakapagsalita pa at sumakay na sa kanyang taxicle. Pailing-iling pa siyang sumunod sa akin at pinaandar na din ang sasakyan.
“What’s next?” tanong ko.
“Catholic ka ba?” tanong niya sa akin. Tumango naman ako.
“Why?”
“Next stop, Caleruega church! Maganda doon promise!”
Binaybay na naming ang daan papuntang simbahan. Lumabas muli kami sa highway na dinaanan naming at pumasok na kami sa arc ng Nasugbu, Batangas. Dumaan naman kami sa medyo malubag na daan, feeling ko naaalog na ng husto ang utak ko.
Pagdating naming doon ay namangha ako sa ganda ng simbahan. May naabutan pa kaming ikinakasal doon.
“Ilang taon ka na ba?” tanong ni Rodel sa akin habang pinanunuod ang kasal.
“29,” sagot ko.
“Ako 31 na. Anong edad ka mag-aasawa?” tanong niya ulit at tumingin ako sa kanya.
“Anong edad mag-aasawa? Dapat ang tanong kung may mapapangasawa ba.”
“Huwag mong isipin na walang taong gustong makasama ka habang buhay. May tao na gusto kang makasama hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay. May taong gusto kang maging partner.”
Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Sana pero mukhang hindi na mangyayari iyon.
Bilang na ang mga oras ko, bilang na ang mga araw ko. I just want to cherish every second of my life. Muli akong napatingin kay Rodel. Nakangiti siya habang pinanunuod ang paglabas ng bagong kasal, ng bagong mag-asawa.
I will never forget this man, siya ang kasama ko sa kalungkutan ngayon.
“If ikakasal ako, gusto ko dito sa Caleruega,” he said at tumingin sa akin. “Baka ikaw na ang magiging misis ko!”
“Sira. Huwag ako, Rodel. Baka masaktan ka lang,” I said at napabuntong hininga.
“Bakit?”
“Basta. Inaabisuhan na kita, ‘wag ako. Huwag ako.”