Chapter Nineteen:
Pearl Aphrodite Magnaye’s Point of View
“Saan ka na naman pupunta, Pearl?” tanong ni Angel na nasa kabilang linya. Inipit ko ang cellphone sa pagitan ng tainga ko at balikat habang isinasara ko ang aking bag pack. Pagkatapos ay hinawakan ko na ng maigi ang cellphone at napabuntong hininga.
“Two days lang akong mawawala okay? Pupunta lang ulit ako ng Tagaytay at may kakausapin doon okay?” sagot ko at dinig ko ang pagbuntong hininga niya.
“Okay, dala ka pasalubong ah.”
“Okay sige. Bye na!” Hindi ko na siya hinintay pa at mabilis kong pinatay na ang tawag. Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin. Maayos na nakapusod ang buhok ko at nakasuot lamang ako ng simpleng t-shirt at jeans.
Paglabas ko ng unit ko ay agad akong sumakay sa kotsec ko at binaybay ang daan patungong ospital. Tama kayo ng basa, sa ospital ang tungo ko hindi sa Tagaytay.Ngayong araw kasi ang schedule ko for my chemotherapy. Medyo kinakabahan ako pero pinagpapasa-Diyos ko na lang ang kapalaran ko.
Hindi naman nagtagal nakarating ako sa ospital. Kaagad akong duneretso sa opisina ni Dr. Rodney at naabutan ko naman siyang busy sa pagbabasa ng mga files na nasa table niya.
“Hi doc!” bati ko at kaagad naman siyang tumingin sa akin. Ngumiti siya at napansin kong may dimple pala siya sa right cheek niya. Ngayon ko lang napansin na ang cute pal ani Doc Rodney.
“Ikaw pala Pearl. Ready for your chemo?” tanong niya at tumango naman ako.
“Yes doc. Medyo kinakabahan lang pero kakayanin,” sagot ko.
“Good.”
Maraming sinabi sa akin si Doc Rodney about sa magiging process ng chemotherapy ko. About sa mga drugs na isasaksak sa akin, the side effects. He even make sure na hindi ako buntis kaya pinatake niya ako ng pregnancy test and over all ay naging okay naman.
Sinamahan ako ng isang nurse sa isang ward. Doon ay pinabihis ako sa hospital gown. Pagpasok ko sa loob ay may isang babae doon na naka-occupied sa katabing bed ko. Sa tingin ko ay nasa edad eighteen lamang siya.
“Hello!” bati niya sa akin. Ngumiti ako ng alanganin sa kanya.
“Hi!” sagot ko sa kanya. Umupo na ako sa bed na ibinigay sa akin. Siya naman ay kaagad na bumaba sa kama niya at naupo sa tabi ko. Okay medyo feeling close siya.
“May cancer ka din?” tanong niya sa akin at tumango naman ako.
“Oo, stomach cancer. Ikaw?” tanong ko din sa kanya.
“Brain cancer naman sa akin. May tumor na nakita sa utak ko,” sagot niya sa akin.
“Buti nga nakita nila kaagad eh. Pang-apat ko ng session ng chemo ngayon. Ikaw? Una palang? Ngayon palang kasi kita nakita eh.”
“Oo. Unang beses ko pa lang magpapachemo.”
“Tibayan mo lang ang loob mo,” sabi niya at hinawakan ang kamay ko. “Hindi pa katapusan ng lahat. Unang pagsubok mo palang ito. maniwala ka kay Lord na gagaling ka!” she said at ngumiti. Pakiramdam ko, isa siyang araw na sumisilip sa madilim kong kalangitan pagkatapos ng delubyo.
“Ako nga pala si Mika, ikaw?” tanong niya sa akin.
“Pearl.”
“May asawa ka na? feeling ko matanda ka sa akin? Nasa thirty na?” sunod-sunod niyang tanong. Aray ko naman, ganoon na baa ko katanda tingnan?
“Twenty-nine palang ako at wala pa akong asawa. Hindi ko pa nakikita si Mr. Right at baka hindi ko na talaga makita pa,” sagot ko at ngumuso naman siya sa akin.
“Ano ka ba? Huwag kang mawalan ng pag-asa! Hangga’t may hininga ka may pag-asa. Malay mo nandito lang pala sa ospital ang Mr. Right mo!”
Ang mga bata talaga masyadong malawak ang imahinasyon.
Ilang sandali lang may mga pumasok na nurse at tinurukan na kami para magsimula na sa aming chemotherapy session. Wala sa hinagap ko na mararanasan ko ito.
“Ate Pearl,” tawag sa akin ni Mika. Lumingon naman ako sa kanya.
“Alam mo ba kapag gumaling na ako ay gusto kong pumunta ng Tagaytay,” sabi niya at napataas naman ang kilay ko.
“Tagaytay? Bakit? Hindi ka pa ba nakapunta doon?” tanong ko at umiling naman siya.
“Hindi pa eh. Sabi nila maganda daw doon. Malapit pa daw sa Batangas. Gusto ko ding makita ang bulking taal!” sabi niya na ikinatawa ko. Kinuha ko ang phone ko at pinakita ang larawan ko na nasa Skyranch. Kita dito ang magandang bulkan ng Taal.
“Wow! Nakapunta ka na ng Tagaytay! Sana ako din!” sabi niya habang manghang-mangha siya sa larawan ko.
“Kaya magpagaling ka para makapunta ka na ng Tagaytay. Magdala ka ng jacket, malamig doon lalo na kapag madaling araw,” I said at kita ko ang pagningning ng kanyang mga mata.
“Magpagaling ka din ah! Dalawa tayong pupunta ng Tagaytay! Ikaw tour guide ko!” Ngumiti naman ako sa kanya at napabuntong hininga.
“Oo naman. Magpapagaling tayo!”
Siguro nga tama siya, huwag mawalan ng pag-asa. Palagi na lang akong nagseself-pity dahil may taning na ang buhay ko. Hindi tulad nitong kasama ko na masyadong positive ang outlook. Talagang inaasahan niyang gagaling siya at makakapunta sa Tagaytay.
“Punta din tayo ng Batangas, magbi-beach tayo doon!” I said at halos pumalakpak na siya dahil sa saya!
“Yes! May kasama na akong pumunta doon. Alam mo dati nagpaalam pa ko kay Doc Rodney na kung puwede akong bumiyahe kaso hindi niya ako pinayagan. Pero hindi bale ilang sessions na lang ay matatapos na ako dito! At pagkatapos ng sessions ko at tiyak na magaling na ako!”