Chapter Twenty:
Medyo pagod pa ako ng makapasok ako sa shop. Naabutan ko na si Angel na nagpapack ng mga orders naming. Kita ko pa ang umuusok niyang kape na nasa office table niya.
“Good morning,” bati ko at pabagsak na naupo sa swivel chair ko. Tumingin naman siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.
“Pagod na pagod ‘te? May ka-s*x ka ba?” tanong nito sa akin. Sa inis ko ay binato ko siya ng isang box ng tissue paper ko. Mabilis naman siyang nakailag.
“Sira. Kapag pagod nakipagsex kaagad?” tanong ko. Two days ago ng makauwi ako from chemotheraphy and damn ganoon lang ang ginawa pero parang ang dami ng ginawa ko. Manghihina ang katawan mo. Ngayon alam ko na kung ano ang mga pinagdadaanan ng isang cancer patient.
“Anyway Pearl, kahapon nandito si Adam. Hinahanap ka.” Agad akong napatingin sa kanya ng marinig ko ang pangalan ni Adam.
Bakit ako hahanapin ni Adam? Bakit hindi na lang niya ako tawagan o i-chat. Bakit mag-aaksaya pa siya ng panahon na pumunta dito sa shop?
“Bakit daw? Hindi naman siya nagchachat eh,” I said at tiningnan pa ang phone ko kung may mga messgaes siya kaso wala.
“Iyon na nga ang dahilan. Pinagbawalan daw siya ni Arianna na makipagchat sa atin. What the f*ck hindi ba?”
Naningkit ang mga mata ko dahil dito. How dare she! Wala na sa hulog ang pagseselos ng babaeng iyon!
“Nagpaliwanag siya kung bakit hindi siya sumasagot sa gc nating tatlo. Iyon nga pinagbawalan siya. Alam mo, nagsisimula na akong maasar diyan kay Adam!” Gigil na hinatak niya ang masking tape at idinikit sa kahon.
Hindi puwedeng laging ganito na ang mangyayari sa amin dahil kay Arianna. We are friends for fifteen years! Tapos baka siya pa ang maging dahilan ng pagkakasira ng friendship namin!
Freindship na nga lang ang inaasahan ko kay Adam tapos masisira pa! Mawawala pa! Ng dahil sa Arianna Granada na iyon?! Hindi puwedeng magpatuloy ang ginagawa ng babaeng iyon!
Padabog akong tumayo at kinuha ang shoulder bag ko. Nagulat pa si Angel sa akin at taking-taka siya ngayon.
“Oy saan ka? Kararating mo lang aalis ka na naman.”
“Gegerahin ko ang granadang iyon! Hindi pwedeng sasakalin niya si Adam!” Nakita kong sumang ayon si Angel at sabay na kaming lumabas ng shop.
Agad kaming sumakay ng kotse at nagtungo sa office nila Adam. Hindi naman malayo ang office nil amula sa shop. Mga 20 minutes na byahe lang naman.
Pagdating namin doon ay dumeretso agad kami sa floor ni Adam. Kilala ko naman ang ilang officemates niya dito.
“Pearl! Kumusta?” tanong ni Christopher, isa sa mga co-workers ni Adam. Ngumiti ako sa kanya at lumapit.
“Hello Topher. Nasaan pala si Adam?” tanong ko.
“Nasa board meeting siya with Ma’am Arianna and other board members. Why?”
“We will surprise Arianna kasi,” sagot ko at ngumiti sa kanya.
Itinuro niya sa amin kung saang room ang meeting. Dinala niya kami sa 4th floor kung saan nagaganap ang meeting. Walang kaabog-abog ay binuksan ko ang pintuan at nakita kong nasa harapan si Arianna presenting something.
Bigla siyang natigilan ng makita kami.
“Excuse me, what are you doing here?” tanong niya at lumapit ako sa kanya. Tiningnan ko ang paligid at nakita ko si Adam na gulat na gulat. Muli akong tumingin kay Arianna.
“May gusto lang akong sabihin sa’yo,” I said at tinaasan naman niya ako ng kilay. From my peripheral vision, nakita kong lumapit na sa amin si Adam.
Nakita ko ang isang wine glass na puno ng tubig at kinuha ko ito at walang kaabog-abog na isinaboy sa mukha ni Arianna. Ramdam ko ang gulat ng lahat ng mga nandito.
“Go to hell control freak b*tch! Jealous freak! Wala kang karapatang kontrolin ang buhay ni Adam!” Sigaw ko.
“What the hell?! How dare you?!” sigaw niya sa akin at muli kong kinuha ang isa pang wine glass at muling itinapon sa malansa niyang mukha.
“Ayan, hindi ka pa kasi naligo. Umaalingasaw kasi ang pagiging freak mo!”
“Pearl!” sigaw ni Adam at hinawakan na ako sa braso.
“What the hell are you doing?!” madiin na tanong niya. Naramdaman ko na lang na kinaladkad niya ako palabas ng meeting room nila.
“Pearl!” sigaw ni Angel at hinabol niya kaming dalawa ni Adam.
Habang kinakaladkad niya ako ay ramdam ko kung gaano kahigpit ang pagkakahawak niya sa braso. Kinaladkad niya ako hanggang sa fire exit at doon na niya ako binitawan.
“What’s wrong with you Pearl?!” sigaw niya sa akin. Tinitigan ko siya ng masama at ibinalik sa kanya ang tanong niya.
“What’s wrong with you Adam? Hindi mo ba napapansin ang sarili mo? You’re being controlled by that woman!” sigaw ko sa kanya.
“Hindi niya ako kinokontrol!” sagot niya pabalik sa akin.
“Oh yeah? Then bakit ka niya pinagbabawalang makausap kami? Sige nga, kung hindi ka niya sinasabihan o pinagbabawalan does it mean it’s your own choice? Na ikaw mismo ang ayaw kumausap sa amin.”
“Hindi sa ayaw ko na kayong makausap, ayoko lang na pagselosan niya kayo.”
“See?! Ano bang tawag mo diyan? Hindi ka pa ba kinokontrol? That woman is a jealous freak! Selosa!”
“Mahal ko si Arianna!” sigaw niya at dito na ako natigilan. Dahil sa sinabi niya ay natahimik na ako.
Nawala sa isip ko ang bagay na ito.
“Ganoon na lang ba? Dahil sa kanya masisira ang pagkakaibigan natin for 15 years? Dahil sa umeksena na siya dito na lang ba matatapos? Wala namang problema sa amin kung may girlfriend ka, ang gusto lang naming maging balance ang buhay mo. Sa friends at girlfriend mo. Hindi na kasi tama ang ginagawa niya. Alam ko nagselos siya kay Angel noong hinahanap niyo ako. Nagselos siya ng dinala moa ko sa hospital. Hindi kasi tama iyon, Adam. Iyon ang gusto kong ipaintindi sa iyo!”
“Mahal ko si Arianna. At gagawin ko ang lahat huwag lang siyang mawala sa akin.”
“Kahit pa tatapusin na natin ang pagkakaibigan nating tatlo?”
“Kahit pa matapos ang pagkakaibigan natin.”
Tinitigan ko siya ng masama. Ganoon na lang bai yon? Dahil lang sa babaeng iyan?
Huminga ako ng malalim.
“Fine. Our friendship is over! Huwag kang gagapang sa amin pabalik na luhaan dahil lang din sa babaeng iyan,” I said.
“Fine. Hinding-hindi mangyayari iyon, tandan niyo ‘yan.”
Tumalikod na siya at nakita ang mga nanlilisik na mat ani Angel. Walang pasabai na sinampal niya si Adam. Sa lutong ng sampal ay bumaling sa kabila ang mukha niya. Namula agad ang mukha niya at bumakat pa ang kamay ni Angel.
“F*ck you Adam. Go to hell! Magsama kayong dalawa!” sigaw ni Angel. Hindi na nagsalita pa si Adam at tuluyan ng tumalikod sa amin. Tuluyan ng nagtapos ang pagkakaibigang pinagsaluhan naming sa mahabang panahon.
“Mahal ko si Arianna!”
Pinipigilan ko ang mga nagbabadyang luha ko. Wala naman akong panama doon eh. Siya ang mahal. Ang pagkakaibigang pinaglalaban ko nawala na din. Natapos na.
“Pearl, tara na umalis na tayo dito,” sabi ni Angel at tumango ako.
Mabibigat ang mga hakbang ko habang papalabas ng building. Alam ko ito na ang huling beses na makikita ko si Adam.
Bubuksan ko na sana ang driver’s side ng bigla akong makaramdam ng hilo kaya tumigil muna ako. Pinalilipas ko ang hilo.
“Pearl okay ka lang?” tanong ni Angel at tumingin ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa akin.
“Pearl! Dumudugo ang ilong mo!” sigaw niya sa akin kaya napahawak naman ako ng ilong ko. At oo nga, may dugo.
“Okay lang ako,” I said at medyo tumingala.
“Ako na muna ang magmamaneho. Diyan ka na sa paseenger seat,” she said at hindi na ako umangal pa.
“Bakit ganoon Pearl, ganoon na lang tayo itapon ni Adam?” tanong niya habang nakatingin sa daanan. Kasalukuyan kaming naka-stop dahil red light pa.
“Maybe hindi tayo ganoon kahalaga sa kanya. Madali lang sa kanya na bitawan tayo. I swear, tatawanan ko siya kapag bigla siyang lalapit sa atin at iiyak dahil sa babaeng iyon.”
And I swear, iiyak na naman ako buong magdamag ngayon.