6

1334 Words
"Grabe ang bilis 'no? Second semester na. Panibagong pakikipagdigmaan na naman sa mga nakakabobong lessons! Minsan napapaisip ako kung bakit ko ba kinuha ang course na ito. Kaso naisip ko na, bakit pa ako panghihinaan ng loob eh nandito na ako? Ang tanong nga lang, malalampasan ko kaya ang semester na ito kagaya ng first semester?" wika ni Jenica sabay kamot sa ulo. Napangiwi si Kiara. Aminado siya na mahina siya sa klase. Sadyang nag- aaral lang siya nang sobra. Nagre- review ng sobra para makapasa. Hindi siya katulad ng kaniyang ate na talagang matalino. At iyon ang ikinaiinggit niya. Pakiramdam nga ni Kiara, nasa kaniyang kapatid na ang lahat. Kaya marami ang nagkakagusto sa kapatid niya. Marami ang pumupuri dito. Kaya hindi na siya magtataka kung bakit mahal na mahal ito ng nanay Rebecca niya. "Malalampasan natin ito. Ako nga, 'di ba... alam mo naman na bobo ako, 'di ba? Pero ang lakas ng loob kong kunin ang course na ito. Ayoko ng math subject kahit noong elementary pa ako. Pero ito ako ngayong college, kinuha ang accounting course. Minsan, naiisip ko kung may rewind lang sa mundo, baka nagawa ko ng bumalik sa nakaraan. Lalo na iyong sitwasyong mapapahamak si ate nang dahil sa akin..." malungkot na sabi ni Kiara. Kasalukuyan silang nakaupo sa bench, sa ilalim ng malaking puno. Nasa field sila kung saan pinagmamasdan ni Kiara ang mga katulad niyang estudyante na masayang nagtatawanan at nagkukuwentuhan. Simula nang mamatay ang ate niya, hindi na siya nakatulog pa ng maayos. Tila nabawasan ang pagiging masayahin niyang tao. Nawalan din siya ng ganang makipagkaibigan sa ibang tao. Ang sarili na lang niya ang iniisip niya. Dahil sa isip niya, kailangan niyang matupad ang pangarap niya para mahalin siya ng kaniyang ina. "Ano na naman ba iyan, Kiara? Tumigil ka nga sa kagaganiyan mo! Walang maidudulot na maganda sa iyo ang pagiging negative mo. Oo alam ko naman talaga na almost perfect na ang ate mo. Pero sana naman, huwag kang panghinaan ng loob dahil lang sa hindi mo siya katulad. Naniniwala ako na may espesyal sa iyo na hindi mo lang napagtutuunan ng pansin dahil sa ate mo! Huwag mo na siyang isipin pa. Magugulo lang ang pag- aaral mo niyan eh!" bulyaw sa kaniya ni Jenica. Humugot ng malalim na paghinga si Kiara. Tila maiiyak na siya sa mga oras na iyon ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili niya dahil pakiramdam niya, mahina siya kapag umiiyak siya. Gusto niya na ipakita ma malakas siya. Na matibay siya kahit na sa loob- loob niya, durog na durog na siya. Hindi kasi niya maiwasan na malungkot sa tuwing naiisip niya ang kaniyang ate. Hindi naman niya itinatanggi sa kaniyang sarili na nakakaramdam siya ng inggit sa ate niya. Dahil simula bata pa lang sila, ramdam na niya na hindi pantay ang pagmamahal sa kanilang dalawa ng kanyang ina na si Rebecca. Madalas napapaburan ang kaniyang ate sa halos lahat ng bagay. Katulad na lamang kapag may mga project sila noon. Kapag humingi ang ate niya, kumpleto kaagad iyon ngunit kapag siya naman, madalas na hindi nakukumpleto o minsan nga hindi siya nakakagawa ng project dahil mas inuuna ni Rebecca ang panganay niyang anak. At iyon ang kinasasama ng loob Kiara. Gusto niyang mag- open at sa kaniyang ina ngunit hindi niya magawa. Hanggang sa nangyari na nga ang aksidente mas lalong nagpalayo ang loob ni Rebecca kay Kiara. Na para bang hindi na nga anak ang tingin nito sa kanya. Ngunit ayaw sumuko ni Kiara. Lalo pa't siya na lang ang nag- iisang anak ni Rebecca. Ang natitirang anak ni Rebecca . At dahil nag- iisa na lamang siya, iniisip na Kiara na makukuha na niya ang loob ni Rebecca kapag ginawa niya ang lahat ng gustong nito. Kahit na alam niyang mahirap dahil hindi naman iyon ang nais niyang kurso lalo na't mahina siya pagdating sa mathematics. "Hindi ko mapipigilan ang sarili ko na hindi maisip ang kapatid ko lalo na't ako ang dahilan kung bakit siya nawala. At isa pa, alam mo naman na si mama lang ang mayroon ako, 'di ba? Ayokong mawala siya sa akin. Ayokong alisin niya ako sa buhay niya. Kaya gagawin ko talaga ang lahat kahit na sobrang hirap nito para lang bumalik ang kaunting pagmamahal niya sa akin noon. Na baka sakaling madagdagan pa kapag sinundan ko ang yapak ng ate ko," wika ni Kiara sabay ngiti ng peke. Marahas na kumamot sa kaniyang ulo si Jenica. "Ewan ko sa iyong babae ka! Para kang tanga. Alam mo naman na dapat ang kursong kinuha mo ay HRM dahil magaling kang magluto pero tignan mo ginawa mo nag accounting ka kahit wala ka naman talagang alam dito." Bumuntong hininga na lamang si Kiara at hindi na nagsalita pa. Hinihintay nila ang oras para sa susunod na klase. At pagdating nila sa room kung saan sila magkaklase, hindi na siya nagulat na si Heaven pa rin ang professor nila. At major subject niya ang hawak nito. Hinanap ng mata ni Heaven si Kiara. At nang makita siya nito, nagkatitigan sila saglit bago tumingin sa ibang direksyon. Napalunok si Kiara. Ewan niya ba pero iba ang pakiramdam niya kapag nagtatama ang paningin nilang dalawa ni Heaven. At bigla siyang nag- init nang maalala niya ang gabi kung paano niya isubo ang dambuhalang k argada nito. "Sinasabi ko na nga ba't si sir Heaven pa rin ang magiging professor natin! Sana hanggang 4th year, siya pa rin ang hahawak ng mga major subjects natin. Ang balita ko kasi... pahirapan daw humanap ng professor para sa mga accounting subjects. At si sir Heaven ay talaga namang magaling magturo dahil matalino ito! Kaya lalong dumadami ang mga babaeng nagkakagusto sa kaniya. Estudyante man, professor, bata o matanda..." bulong ni Jenica. Lumabi si Kiara. "Huwag ka ng maingay diyan. Baka pagalitan pa tayo kapag nakita tayong nagdadaldalan." Ngumiwi si Jenica bago nakinig na sa klase. Nakatingin lamang si Kiara sa kaniyang professor. Paano ba naman kasi siya matuto kung hindi niya pinakikinggan ang mga tinuturo nito? Lalo pa't naglalaro sa isipan niya ang mukha ng binata habang nasasarapan ito sa kaniyang ginagawa. Naalala niya ang pagkagat labi ni Heaven habang umuungol ng mahina. Ay piste! Bakit ko ba naiisip ang bagay na iyon? Punyemas naman kasi! Ang sarap pakinggan ng ungol ni prof! Nakaka- wet! Parang ang sarap ulit isubo ng oten niya kahit na maduwal- duwal ako sa laki! MATAPOS ANG KLASE NI KIARA, nagpaalam na siya sa kaniyang kaibigan. Bumuga siya ng hangin bago naglakad na palabas mg eskuwelahan na iyon. Hindi pa man siya nakakalabas ng tuluyan, narinig niyang may tumawag sa kaniyang pangalan. Pagkapihit niya sa kaniyang kaliwa, nakita niya ang seryoso at guwapong mukha ni Heaven. Bumilis bigla ang t***k ng kaniyang puso. Tila tumigil ang ikot ng mundo. Tila naging mabagal ang lakad ni Heaven patungo sa kaniyang kinatatayuan. Hindi nga niya namalayan na nasa harapan na pala niya ang binata. "Kiara..." Napapitlag siya sabay kurap ng maraming beses. "B- Bakit p- po, sir?" Tumikhim si Heaven. "I decided na kunin ang lahat ng magiging major subjects mo hanggang makapagtapos ka para makamit mo ang gusto mo. And tutulungan din kita na makapasa sa board exam. Kapalit ng offer mo sa akin..." Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Kiara matapos niyang marinig iyon. Tila maiiyak siya sa tuwa habang seryosong nakatingin sa kaniya si Heaven. "T - Talaga po? Maraming salamat po, sir!" naluluha sa tuwa niyang sabi. "After class mo bukas, dumaan ka sa apartment ko. Doon ko sa iyo sasabihin ang gusto kong sabihin. May rules ako para sa offer mong ito. Para maging malinaw ang lahat. Bye." Mabilis na naglakad palayo sa kaniya si Heaven habang siya ay tulala pa rin. Nakaramdam siya ng kakaibang excitement. Oh s hit this is it! Bakit parang nae- excite ako na hindi ko maipaliwanag? Ako ba talaga ito? Bakit bigla yata akong naging maharot? Bakit bigla yata akong nasabik sa oten ni professor Heaven?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD