bc

Mapangahas Na Gabi Ni Professor

book_age18+
9.8K
FOLLOW
66.0K
READ
HE
age gap
dominant
drama
bxg
campus
cheating
professor
like
intro-logo
Blurb

WARNING: MATURE CONTENT/ RATED SPG BAWAL SA BATA!

"Ngayong nandito na ako, walang sino man ang maaaring manakit sa iyo. Mamahalin kita ng buong puso at paliligayahin araw-araw gamit ang alaga kong dambuhala sa laki...." Heaven Thompson.

Lahat gagawin ni Kiara Miranda para lang mahalin siya ng kaniyang ina. Gusto niyang ibalik ang pagmamahal ng kaniyang ina sa kaniya noon na nawala dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Kahit mahina sa klase, pinilit maging achiever ni Kiara. Ngunit pagdating sa kolehiyo, hirap na hirap siyang makakuha ng maayos na marka. Hanggang sa magiging professor niya ang hot and wild na si Heaven Thompson. Ang lalaking paliligayahin niya kapalit ng mataas na marka. Ang lalaking gagambala sa puso niyang kulang sa pagmamahal...

chap-preview
Free preview
1
"Mama... kumain na po ba kayo? May dala po akong ulam," wika ni Kiara nang makauwi siya galing sa eskwelahan. Walang emosyon tumingin sa kaniya si Rebecca. "Tapos na. Kainin mo na lang iyan mag- isa," aniya bago pinagpatuloy ang pagtutupi ng damit. Nakagat ni Kiara ang pang- ibaba niyang labi. Malungkot siyang nagtungo sa kusina. Simula nang mawala ang ate niya, nawala na rin ang pagmamahal ni Rebecca sa kaniya. Si Kiara kasi ang dahilan kung bakit namatay ang kaniyang ate. At paboritong anak ni Rebecca ang una niyang anak kaysa kay Kiara. Single mom siya sa dalawa niyang anak na babae. At halos gumuho ang mundo niya nang mawala ang kaniyang panganay. Isang taon na rin ang lumipas ngunit tila ba kahapon lang ito nangyari. "Ngayong college student ka na, baka naman biglang bumagsak ang grades mo iyan? Wala akong bobong anak. Alam mo kung gaano katalino ang ate mo. Walang bagsak iyon sa kahit saang subject niya. Kung buhay nga lang siya ngayon, baka siya pa ang summa c*m laude sa school nila. Kaya ayusin mo iyang pag- aaral mo. Iyan na nga lang ang ambag mo sa bahay na ito," biglang sabi ni Rebecca sa kaniyang anak. Nakagat ni Kiara ang pang ibaba niyang labi. Hindi niya maitatangging nahirapan siyang igapang ang grades niya noong first year siya. Ngayong second year college student na siya, alam niyang mas lalo pang magiging mahirap ang mga aaralin niya. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin kung sakaling bumagsak siya. Ayaw niyang magalit sa kaniya ang kaniyang ina. Gusto niya na tama ang lahat ng gagawin niya lalo pa't siya ang dahilan kung bakit biglang bumagsak ang katawan nito at naging matamlay. "O- Opo... p- pagbubutihin ko po ang pag- aaral ko..." ani Kiara. "Siguraduhin mo lang dahil kapag may bagsak ka sa kahit anong subject. Major man iyan o hindi, lumayas ka na dito. Hindi ko kailangan ng anak na pabigat. Ikaw na nga ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang ate mo, magiging dagdag pasanin ka pa sa akin? Buhayin mo ang sarili mo kung hindi mo aayusin ang pag - aaral mo," mariing sabi ni Rebecca bago pumasok sa kaniyang kuwarto. Rumagasa ang luha ni Kiara sa kaniyang mga mata. Simula nang mamatay ang ate niya, naging iritable na sa kaniya ang nanay Rebecca niya. Palagi itong inis o galit sa kaniya. Hindi na rin naging maayos ang pagtulog ni Kiara dahil palagi niyang napapanaginipan kung paano nawala ang kaniyang ate. Kung paano ito nabangga ng truck. Kung paano nadurog ang katawan nito. Hinugasan niya ang kaniyang pinagkainan bago nagwalis na rin sa buong sala at kusina. Ayaw na ayaw ng mama Rebecca niya na may kalat sa sahig. Kaya sinisigurado niya palaging malinis ito para hindi siya mapagalitan. Sinusunod niya ang lahat ng utos ng kaniyang ina. Dahil iniisip niya na baka sa paraang iyon, muling manumbalik ang pagmamahal sa kaniya ni Rebecca. Pakiramdam kasi ni Kiara na hindi na siya itinuturing na anak ni Rebecca. At labis na nadudurog ang kaniyang puso sa isiping iyon. KINABUKASAN, MAAAGANG NAGISING SI KIARA. Palagi naman siyang ganoon dahil hindi siya nagpapahuli sa klase. Ayaw na ayaw niyang nahuhuli. Nagluto siya ng kaniyang almusal bago nagtungo na sa banyo upang maligo. Unang araw niya sa klase bilang second year college student. Napadasal siya na sana, malampasan niyang muli ito ng walang subject na bumabagsak. "Sana all na lang talaga maganda! Parang araw- araw kang maganda. Kailan ka ba papangit?" biro sa kaniya ni Jenica na isa sa kaniyang bestfriend. "Sira ka talaga. Maganda ka rin naman, ha. Bakit parang hindi ka nagagandahan sa sarili mo?" sabi naman ni Kiara. "Ewan ko ba. Iyong ganda ko kasi nakakasawa eh. Sa unang tingin lang ako maganda. Kapag tumagal, hindi na. Hindi katulad mo na hindi ka nakakasawang tingnan. Na habang tinitingnan ka, mas gumaganda ka." Nakangiting umirap si Kiara bago niyakap ang kaniyang kaibigan. "Para ka namang timang diyan! Basta! Para sa akin! Ikaw ang pinakamaganda kong kaibigan! Wala ng mas gaganda pa sa iyo!" Tumulis ang nguso ni Jenica. Sabay silang naglakad patungo sa malaking gusali. Sa third floor ang room nila para sa unang subject nila. Pagkapasok nila doon, kakaunti pa lang ang mga estudyante. Parehas ang kinuhang course nilang magkaibigan. Bachelor of Science in Accountancy. Nahihirapan man si Kiara ngunit gagawin niya ang lahat para maging certified public accountant siya in the future. "Wow... mukhang mga guwapo ang classmate natin. Magkakaroon ako ng inspirasyong pumasok," nakangising sabi ni Jenica habang pinagmamasdan ang mga lalaki nilang kaklase. Natawa naman si Kiara. "Ewan ko sa iyo. Puro ka kaharutan. Mabuti na lang hindi ka nabubuntis sa dami mong naging jowa." "Syempre, magaling kasi ako. Tamang inom lang ng contraceptives para hindi mabuntis. At isa pa, tumatagal naman ng ilang taon ang mga nagiging boyfriend ko 'no." Natatawang umiling si Kiara. Wala pa kasi siyang nagiging nobyo. Hindi niya pa ninanais na magkaroon ng nobyo dahil ayaw niyang magkaroon ng distraction habang nag- aaral siya. Kailangan niyang makapagtapos. Iyon ang nasa isip niya. "Ikaw naman kasi bakit ayaw mo pang magkaroon ng boyfriend? Kahit na hindi ka naman magpatira, puwede iyon. Kapag pinilit kang tirahin, iwan mo agad!" "Letse! Tumahimik ka na nga diyan! Bahala ka diyan!" natatawang sabi ni Kiara bago kumuha ng notebook sa kaniyang bag. Ilang sandali pa ang lumipas, dumami na ang mga estudyante sa room na iyon. At paglipas ng alas otso, pumasok sa loob ng room nila ang isang makalaglag - panga na lalaki. Nanlaki ang mga mata nila nang makita ang kanilang professor. Seryoso ang mukha nitong pinalibot ang tingin sa kanilang mga estudyante. "Good morning class. I'm Heaven Thompson. Thirty five years old. I will be your professor for this major subject. So dahil first day ngayon, siguro ayos lang naman na magpakilala kayo sa akin, isa - isa?" seryosong sabi nito. Nakatitig lamang si Kiara sa kaniyang professor. Tila isang modelo kasi ang kaguwapuhang taglay nito. Nagbulungan din ang mga kaklase niyang babae na pare- parehas na may ngiti sa labi. "S hit! Kahit huwag na pala ang guwapong classmate dahil ang guwapo ng professor natin!" kinikilig na sabi ni Jenica sa kaniyang tabi. Natawa ng mahina si Kiara. At nang ituon niya ang kaniyang paningin sa unahan, nagtama ang paningin nila ng kaniyang professor Heaven dahilan para bumilis ang t***k ng kaniyang puso.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook