Awtomatikong ngumiti nang malawak si Kiara nang makita niya ang kaniyang marka. Mataas ito kahit na bagsak siya sa exam at long quiz.
"Wow! Ang taas ng grade mo kay sir Heaven! Nag- iinarte ka pa diyan na hindi mo masagot ang tanong sa long quiz at exam pero ang taas ng grades mo! Patingin nga ako ng long quiz mo?" sabi ni Jenica.
"Ay wala! Badtrip nabasa ko kahapon. Nakalagay kasi sa uniform ko eh nalabhan ko kaya ayon.... nabasa," pagsisinungaling niya.
"Ang bobo mo naman! Bakit hinayaan mong mabasa? Wala ka man lang picture? Titingnan ko lang kung ano iyong mga mali kong sagot!" nakangusong sabi ni Jenica.
"Wala na nga. Napunit na kaya tinapon ko na. Eh hindi naman na mahalaga iyon dahil may final grade na tayo. At saka huwag ka ng malungkot diyan dahil mataas naman ang grade mo, ah? Hindi ka ba masaya sa grades mo?"
Kumamot sa kaniyang ulo si Jenica. "Masaya naman. Ayos naman sa akin ito. Gusto ko lang talagang malaman kung ano iyong mga mali ko. At ikaw naman, huwag ka ngang madrama diyan na kunwari 'di mo alam ang mga sagot tapos ang taas pala ng mga grades mo! Kotongan kita diyan eh!"
Tumawa na lang si Kiara. Tiningnan niya si Heaven na abala sa pakikipag- usap sa kaniyang mga lalaki. Nang mapansin ni Heaven na nakatingin siya, nilingon siya nito. Matamis na nginitian ni Kiara ang kaniyang professor. Nag- iwas naman ng tingin si Heaven.
May ngiti sa labi si Kiara habang siya ay naglalakad pauwi. Sa isip- isip niya, matutuwa ang kaniyang ina dahil mayroon siyang mataas na marka sa major subject niya.
Sana... maging proud na sa akin si mama. Mabilis lang naman ang panahon. Hindi ko mamamalayan na makakapagtapos na ako. Gagawin ko na lang ang lahat para matupad ang gusto ko.
Pagkapasok ni Kiara sa kanilang bahay, naabutan niyang nakikipagtawanan ang kaniyang ina sa kaibigan nito. Nawala ang ngiti nito sa kaniyang labi nang makita siya.
"Ahmm... mama... nakuha ko na po iyong grades ko. Matataas po lahat," aniya bago inabot sa kaniyang ina ang kaniyang report card.
Walang emosyon itong kinuha ni Rebecca bago saglit na tiningnan.. Pagkatapos ay binalik niya rin kaagad ito kay Kiara. Nakagat ni Kiara ang pang ibaba niyang labi dahil naramdaman niyang hindi interesado ang kaniyang ina na makita ang mataas niyang marka.
"Mabuti naman mataas ang nakuha mo. Mainam iyan. Gayahin mo ang ate mo. Pero wala ka pa rin doon dahil talagang matataas ang grades niya. Lahat flat one," wika ni Rebecca nang hindi man lang tumitingin sa kaniya.
Napatingin sa kaniya ang kaibigan ng mama niya. Tila naawa ito sa kaniya. Nagpipigil naman ng kaniyang luha si Kiara. Masakit sa kaniya na palagi na lang siyang ipinagkukumpara sa yumao niyang ate.
"S- Sige po, mama... m- mas gagalingan ko pa po sa k- klase," mabilis siyang naglakad patungo sa kaniyang kuwarto.
Sinarado niya ang pinto at saka sumandal sa pinto. Narinig niya ang usapan ng dalawa mula sa sala.
"Bakit ka naman ganiyan sa anak mo? Lahat naman ginagawa niya para makabawi sa iyo, mars. Bakit hindi mo siya pagbigyan? Hindi mo ba talaga siya kayang patawarin?" rinig niyang sabi ni Susan.
"Hindi ko alam. Sa totoo nga lang, kumukulo ang dugo ko kapag nakikita ko siya. Kung hindi ko nga lang siya anak, baka napatay ko na ang babaeng iyan. Alam mo naman siguro kung gaano kagaling anak kong panganay, 'di ba? Halos sa lahat, magaling siya. Tapos sa isang iglap, nawala siya sa akin. At iyon ay dahil sa katigasan ng ulo ng Kiara na iyan. Wala na nga siyang ibang inambag sa buhay ko kun'di pasakit at kahihiyan. Kung nakinig sana siya sa ate niya, hindi sana ito namatay. Nakakainis talaga ang Kiara na iyan! Talagang hindi ko mapigilan ang sarili ko na mainis sa kaniya. Wala na nga akong pagmamahal sa babaeng iyan. Napipilitan na lang ako kasi anak ko eh," iritableng - iritableng saad ni Rebecca.
Umagos ang masaganang luha ni Kiara sa kaniyang mga mata. Tila mga patalim ang mga katagang iyon na tumusok sa kaniyang puso. Masakit sa kaniya na marinig mismo sa bibig ng kaniyang ina ang mga katagang iyon. Ngunit iniisip niya na kasalanan naman talaga niya kung bakit ganoon na lang ang trato sa kaniya ni Rebecca.
"Anak mo pa rin siya. Si Kiara na lang ang mayroon ka," dagdag pa ni Susan.
"Kahit mawala pa siya wala akong pakialam. Subukan niya lang talagang hindi makapagtapos at hindi maging CPA, talagang palalayasin ko sa bahaya na ito. Wala akong anak na bobo," mariing sabi ni Rebecca.
Lumuluhang nahiga si Kiara sa kaniyang kama. Lalo siyang natakot na bumagsak at hindi maging CPA. Dahil kapag nangyari iyon, alam niyang hindi na siya magagawa pang mahalin ng kaniyang ina.
SAMANTALA, KASALUKUYANG UMIINOM NG ALAK si Heaven kasama ang kaniyang kaibigan. Naikuwento niya ang tungkol kay Kiara.
"Kawawa naman pala ang estudyante mong iyon. Pagbigyan mo na lang. Kaysa naman palayasin siya ng nanay niya. At least, 'di ba? Hindi ka na matitigang pa," nakangising sabi ni Elton.
Tumikhim si Heaven. "Ayoko nga sana. Kaso... iba iyong dating niya. Masyadong mapang- akit. Lalaki lang din naman ako. Pero hangga't maaari, nagpipigil ako. Para hindi talaga ako makagawa ng kapahangasan sa kaniya."
Tumawa si Elton. "At sa tingin mo hanggang saan mo kakayaning magpigil? Ikaw na rin ang nagsabi na iba ang dating niya. Kaya malabong mapigilan mo ang sarili mo. Ang gawin mo na lang, tutal kakaunti lang naman ang mga professors diyan sa school na iyan, kunin mo lahat ng major subjects niya. Hanggang sa maka- graduate siya. Ikaw ang magiging kaagapay niya para maging CPA siya. Give and take naman ang magaganap sa inyong dalawa eh. Basta, sabihan mo siya na bawal siyang magkagusto sa iyo. Tamang s ex lang. Ganoon."
Bumuntong hininga si Heaven. "Oo sige. Iyon na lang ang gagawin ko. Para kapag nakapagtapos na siya, tapos na rin ang kung anong mayroon sa amin. Mas mainam nga ito. Bukas, kakausapin ko siya tungkol dito. Ayoko rin na mahulog sa kaniya. She's just twenty three years old. At ako naman ay thirty five years old. Napakalayo ng agwat ng edad namin. Kaya talagang hindi puwede."
Natatawang tumango si Elton. "Siya nga pala, kumusta naman ang pagtuturo mo? May napansin ka bang kakaiba sa school na iyon. Iyong may ari ng school, nakita at nakausap mo na ba?"
"Nakita ko lang. Itsura pa lang, halatang maraming sekreto. Iyong mga ebidensya pinapahanap ko sa iyo, lahat ba ng ito siya ang tinuturo?"
Tumango si Elton. "Oo.. at mukhang maraming koneksyon ang lalaking iyon. Once na makakuha lang tayo ng matibay na ebidensya laban sa kaniya, sa kulungan talaga ang bagsak no'n."
Nagtiim bagang si Heaven. Mas lalo siyang nanggigigil ngayong malapit na niyang malaman kung ano ang tunay na dahilan kung bakit pinatay ang kaniyang ama. Kaya pala noon pa lang, hindi na palagay ang loob niya kay Randy - ang may ari ng eskwelahan na iyon. Iba ang dating nito nang ipakilala ito ng kaniyang ama sa kaniya bilang kasosyo sa kaniyang negosyo.
Huwag kang mag- alala, daddy... malapit ko ng makuha ang hustiya. Magbabayad ang dapat magbayad....