Panay ang tingin ni Kiara sa kaniyang relo dahil hinihintay niya ang oras na lumipas. Nasasabik na kasi siyang magtungo sa apartment ng kaniyang professor Heaven pagkatapos ng kaniyang klase.
"Panay yata ang tingin mo sa oras? Bakit? Gusto mo na ba kaagad umuwi? Parang 'di ka na nakikinig sa tinuturo ng professor natin," natatawang bulong ni Jenica kay Kiara.
Ngumisi naman ang dalaga. "Loko hindi. Naiinip lang ako. Hindi kasi siya katulad ni sir Heaven magturo 'no. Parang ang boring. Alam mo 'yon? Iyong hindi alive? Iyong tatamarin ka talagang makinig sa kaniya?" palusot ni Kiara ngunit talagang naiinip lang siya sa oras dahil gusto na nga niyang puntahan apartment ni Heaven.
"Grabe ka naman. Ganoon talaga. Iba- iba ang mga professors natin. May alive at may nakakaantok. Magaling magturo ang isang professor natin sa isang minor subject natin. Naiintindihan ko talaga. As in magaling din. Iyon talagang makikinig ka eh kaya nga lang medyo mahigpit na talagang may pagkamasungit siya," bulong ni Jenica.
Pasimpleng tumingin muli sa ka iyang relo si Kiara bago tinuon ang kaniyang paningin sa harapan.
"Iyon nga ang maganda eh. Para talagang makikinig ka. Pero dito talagang naiinip ako pakinggan siya. Kaya lang wala tayong choice dahil kapag hindi tayo nanginig, wala tayong masasagot."
Pinilit na lang ni Kiara na makinig kahit sa totoo lang naiinip na talaga siya. Naisip niya na siguro ganoon talaga kapag hindi gusto ng isang estudyante ang kinuha niyang kurso. Ngunit para matuwa ang kaniyang ina, wala siyang choice kun'di tapusin ang kursong kinuha niya.
PAGSAPIT NG KANILANG VACANT, nagtungo ang dalawa sa field. Doon sila kumain. Habang kumakain sila, panay ang tingin na naman ni Kiara sa kaniyang relo na tila ba bawat minutong lumilipas, binabantayan niya.
Tingin ka na naman nang tingin sa oras, Kiara!"
Ngumisi lamang si Kiara bago pinagpatuloy ang kaniyang pagkain. Habang si Jenica naman ay tumigil sa pagnguya ng kaniyang pagkain.
"Kung naiinip ka na talaga, umuwi ka na lang. Huwag mo ng pasukan iyong iba mong subject!"
Natawa naman si Kiara. "Baliw! Alam mo naman na hindi tayo puwedeng um- absentt eh. Marami kaagad lesson na makakaligtaan."
Umirap si Jenica. "Iyon naman pala eh! Bakit parang init na inip ka? Natatawa na lang ako sa iyo na naiinis kasi napapatingin din ako sa iyo eh. Halos itutok mo na atensyon mo sa oras! At ngayon ka lang naging ganiyan, ha."
Tumawa na lamang si Kiara. Ngayon lang naman siya naging ganoon dahil talagang ganado siya mag- aral. Naisip niya si Heaven. Sa araw na iyon, hindi niya makikita ang kaniyang professor Heaven dahil bukas pa ang klase niya dito. Bigla tuloy niyang na- miss ang binata at kinilig siya sa isipin may gagawin silang milagro mamaya sa apartment nito.
"Ano na? Bakit nakangiti ka naman ngayon diyan? Para kang baliw! May iniisip kang kalokohan 'no?" nakataas ang kilay na sabi ni Jenica.
"W- Wala! M- May movie lang ako na naalala tapos parang sira ulo ang babae do'n kaya natawa ako bigla!" ani Kiara bago ngumiti ng malawak.
Nalukot naman ang mukha ni Jenica. "Ay sus talaga ba? Ewan ko sa iyo!"
Pumasok na ang dalawang magkaibigan sa kanilang next subject. Tatlong subjects na lang ang papasukan nila, tapos na ang klase nila sa araw na iyon. May last subject pa si Kiara nang makauwi na si Heaven. Pinalibot niya ang paningin niya sa apartment na iyon upang tiningnan kung may kalat pa ba sa paligid. Bumuntong hininga siya bago uminom ng tubig.
"F uck..." mahinang sabi ni Heaven.
Iniisip niya kasi na baka masira ang mga plano niya kung sakaling malaman magiging ugnayan nilang dalawa ni Kiara. Ngunit sa nalaman niya tungkol sa buhay ng dalaga, hindi naman niya maiwasang maawa dito. Alam niyang hindi isang malanding babae si Kiara. Lalo pa't sa nakalapa niyang impormasyon tungkol sa dalaga, wala pa itong nagiging nobyo. Lahat ng lalaking nanliligaw sa kaniya, tinatanggihan niya para lang makapag- focus ng husto sa kaniyang pag - aaral.
Ngunit handang ibigay sa kaniya ni Kiara ang sarili para lang pumasa ito.
Napahilamos ng mukha si Heaven nang maupo siya sa sofa. Sino ang mag- aakalang ang isang bilyonaryong tulad niya ay titira sa isang simpleng apartment. Nasasanay na si Heaven sa bago niyang buhay nilang professor na mayroon lamang simpleng pamumuhay.
Tumingin sa orasan si Heaven bago napagpasyahang magtungo sa banyo upang maligo. Sinabunan niya nang maigi ang kaniyang katawan. Tumigal nga siya ng halos isang oras sa banyo bago tuluyang nagbihis. At makalipas lamang ang isang oras, dumating na ang dalagang si Kiara sa kaniyang apartment.
"Nasiguro mo ba na walang nakakita sa iyong ibang estudyante o professor nang pumunta ka dito?" tanong sa kaniya ni Heaven.
Agad siyang tumango sabay hubad ng suot niyang hood. "Yes po, sir. Patingin - tingin ako sa paligid habang naglalakad patungo dito."
"Maupo ka."
Kagat labing naupo si Kiara. Napatitig siya sa matipunong dibdib ni Heaven na bumakat sa suot nitong puting sando. Pinaglaruan niya ang kaniyang daliri. Bumilis bigla ang t***k ng kaniyang puso. Naupo sa kaniyang harapan si Heaven.
"Gusto ko lang malaman mo na kagaya nga ng sinabi ko, kukunin ko ang lahat ng major subjects mo hanggang sa pumasa ka. At para naman hindi halatang basta na lang kita ipapasa, tuturuan din kita. Parang ang mangyayari, alam mo na kaagad ang ituturo ko bago ko pa ito ituro sa klase. And lastly, tutulungan din kitang makapasa board exam para tuluyan kang maging CPA..."
Nanlaki ang mga mata ni Kiara. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya. Iniisip niya pa lang na nangyayari ang lahat ng iyon, na magiging CPA na siya, naluluha na siya. Na sa wakas masusundan na niya ang yapak ng kaniyang ate.
"Maraming salamat po, sir... Hindi niyo alam kung gaano kalaki ang tulong niyo sa akin. Pangako po, sir... gagawin ko po ng maayos ang magiging kapalit nito..." masayang- masayang sabi ni Kiara.
Tumikhim si Heaven. "Okay fine. Simple lang naman ang gusto ko, hindi puwedeng may aaligid- aligid sa iyo na ibang lalaki hangga't hindi pa natatapos ang agreement nating ito. Hangga't hindi ka pa nagiging CPA. Nakakadiri naman sa part ko kung may nangyayari sa atin tapos nagpapagalaw ka sa iba, 'di ba? Huwag kang mag- alala dahil wala rin akong ibang gagalawin na babae para fair sa iyo."
Mabilis na tumango si Kiara. "Opo, sir. Copy po."
"At ang pinakaimportante sa lahat, bawal kang magkaroon ng feelings sa akin. No heart feelings. Just pure s ex. At kapag naging CPA ka na, tapos na rin ang ugnayan nating dalawa. Kakalimutan mo na ako, at kakalimutan na rin kita. Naiintindihan mo ba iyon?" may diing sabi ni Heaven.
Tipid na ngumiti si Kiara. "Opo, sir. Pangako po. Hindi po kita magugustuhan."
"Okay, good. So ngayong alam mo na ang gusto kong mangyari, maaari na ba nating simulan ang napag- usapan natin? Tutal, nauna na kitang bigyan ng mataas na marka."
Napalunok ng kaniyang laway si Kiara. Bigla siyang pinagpawisan ng malamig.
Oh my! Ito na ba? Titirahin na ako ni sir Heaven? Pero paano iyon? Ang laki ng oten ni sir! Siguradong wakas ang monay ko nito!
"Kiara...."
"Y- Yes, sir?"
"Halika na sa kuwarto..." sambit ni Heaven bago pumasok na sa kaniyang kuwarto.