18

1504 Words

"Hahanapin mo si papa? Paano? Mahirap iyon!" gulat na sabi ni Kiara. Umiling si Heaven. "Hindi ako. Alam mo namang busy ako. May kakilala lang ako na puwedeng makatulong sa iyo para mahanap ang papa mo." Nangingilid ang luha ni Kiara na ngumiti. "Maraming salamat po, sir!" Bigla niyang niyakap ng mahigpit si Heaven. Nagulat naman ito ng bahagya ngunit hinayaan na lamang niya si Kiara na siya ay yakapin. Sa higpit ng yakap ng dalaga, nadadama na niya ang mabilis na pintig ng puso nito. "Marami pong salamat talaga, sir...." naluluha sa tuwang sabi ni Kiara. Tipid na ngumiti si Heaven. "Welcome." "Dito muna ako saglit, sir ah? Hindi naman po ako dito matutulog. Uuwi rin ako kaagad," magiliw niyang sabi. "Okay sige. Ikaw ang bahala," sambit ni Heaven bago nagtungo na sa kaniyang kuwarto

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD