19

1029 Words

"Mama... kumain na po tayo. May masarap po tayong ulam," magiliw na sabi ni Kiara matapos niyang bumili ng masasarap na ulam. Ilang putahe ang binili niya at may panghimagas pa. Kumunot ang noo ni Rebecca nang makita ang masasarap na ulam sa lamesa. Napalunok naman ng laway si Kiara. "Saan galing ang perang pinambili mo iyan?" mataray nitong sabi sa kaniya. Pinilit ngumiti ng kaswal ni Kiara. "S- Sa part time job ko po. Um- extra po ako para may pera po. Kain na po tayo." Umarko ang kilay ni Rebecca. "Mabuti naman naisipan mong magtrabaho. Hindi iyong panay hingi ka lang sa akin ng baon mo. Marunong ka naman pa lang magbanat ng buto." Nagsimula ng magsandok ng pagkain si Rebecca. Habang si Kiara naman ay nakatikom lang ang bibig at naghihintay na matapos sa pagsasandok ng pagkain ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD