Tama at mali
Nagising ako dahil sa paghaplos niya sa buhok ko. Ang pamilyar niyang pabango ang agad na umagaw sa atensyon ko.
Nag-angat ako ng tingin kay Exe at nahuli ang mga mata niyang kumikislap. Ngumiti siya sa akin at yumuko para halikan ang noo ko.
"Go back to sleep, baby." sabi niya.
Ngumuso ako at hinila ang braso niya. "Humiga ka nga. Dito ka nalang kasi matulog... Please." Pangungumbinsi ko.
Bumuntong siya ng hininga at dumaosdos sa kama. Agad akong napangisi nang pumantay na siya sa akin dito. Ngayon ay nakahiga na siya habang nakaharap sa akin ng buo.
Kinumutan ko rin siya. Dumako naman ang kamay niya sa braso ko habang ang isa naman ay inuunan niya. Hinaplos haplos niya iyon habang malalim ang tingin sa akin.
"I love you." daing niya na nagpangisi sa akin.4
Hinalikan ko ang labi niya ng mabilis. "I love you. Kahit ang suplado mo sa akin!"
Natawa siya. Hinila niya ako para mas lalo akong madikit sa kanya. Sa sobrang lapit naming dalawa sa isa't isa ay naririnig ko na ang sarili niyang paghinga. Ang titig niyang nakakapaso.
"Di mo ako hinalikan pabalik." Sumimangot ako.
Walang hesitasyon niya namang hinalikan ang tungki ng ilong ko hanggang bumaba rin ito sa labi ko.
"Happy?" tanong niya pagkatapos.
Tumango tango ako. Ipinatong ko ang paa ko sa hita niya na nagpasalubong ng dalawa niyang kilay. Bahala siya diyan kung susupladuhan niya ako.
Hindi niya iyon inalis. Nagkatitigan kaming dalawa. Iyong tipong nag-uusap na lamang kami sa pamamagitan ng tinginan.
Dumako ang kamay niya sa braso ko habang ang isa niyang kamay ay ginagawa niyang unan. Hinaplos haplos niya iyon, pataas pababa hanggang sa umakyat ito sa pisngi ko.
"Dalawang buwan akong natulog. Pumangit ba ako?" Sumimangot ako.
"You're still the girl I fell inlove with..." sagot niya na ikinangisi ko.
"Sa dalawang buwan na iyon, anong ginawa mo? Siguro... siguro may nakilala kang iba 'no? Baka malaman ko nalang dalawa na pala kami diyan sa puso mo. O baka isa lang pero hindi na ako. Baka naaawa ka lang sa akin..."
May kung ano sa kislap ng kanyang mga mata ang hindi ko mapunto. Para siyang nalulungkot na masaya na ewan. Hindi ko lubusang maipaliwanag ang ipinupukol niyang tingin sa akin.
Hinawakan niya ang baba ko at hinalikan akong muli. Sa pagkakataon na ito ay gumanti ako. Hindi ko alam kung ba't ang sikip ng dibdib ko sa halikang iyon. Pakiramdam ko ay may kung anong humuhukay sa tiyan ko na hindi ko mapunto.
Tumigil siya at niyakap ako ng mahigpit. Naibaon ko ang mukha ko sa dibdib niya. Napangiti ako at niyakap rin siya pabalik.
"Nandito lang ako palagi sa tabi mo kaya huwag kang mag-alala. Alam mo kung gaano kita kamahal Shayne. Kaya kong isugal ang lahat ng meron ako para sayo. Lahat..."
May maunit na likidong umagos sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ba't ako naiiyak diyan sa pinagsasabi niya. Natotouch lang talaga ako.
Suminghot ako at tiningala siya. "Pinaiyak mo ako... Isusumbong kita kay Mommy."
He chuckled and planted a small kiss on my forehead. I'm deeply inlove with this man and it's affirmative. Mababaliw siguro ako kung wala siya sa buhay ko.
Nagising ako kinaumagahan na may ngiti sa labi. Wala na ito sa kama ko. Inayos ko muna ang higaan ko bago bumaba. Ang likod niya agad ang sumalubong sa akin. Bihis na bihis na ito at medyo basa pa ang buhok.
Agad kong dinamba ng yakap ang likod niya na nagpatigil sa kanya sa pagluluto. Nilingon niya ako dito.
"Good morning chef Exe. I would like to order a sweet breakfast with my boyfriend." Ngumiti ako ng matamis sa kanya. Tinulak niya ang noo ko kaya marahan akong napaatras ngunit hindi ko parin inaalis ang pagkakayakap sa beywang niya.
"Take a bath now. I'll prepare your breakfast." sabi niya na ikinanguso ko.
"Asan na yung kiss ko?"
Tumitig muna siya ng matagal sa akin. Para niyang tinatansya kung nagbibiro lang ba ako o hindi.
Niyugyog ko siya. "Kiss me like what you did last night! Sige na..." Mas niyugyog ko pa siya. Yung cute niyang suot na apron ay gumagalaw rin dahil sa ginagawa ko.
Hinuli ko ang mga mata niyang kumikislap. Ano bang pinag-iisip nito? Ba't ba ang hilig niyang manitig sa akin?
"Baby yung kiss ko." Ulit ko na ikinakurap niya.
He tsked that made my face frowned. Ano ba iyan!
"Ba't ayaw mo?! Hoy lalake!" Hinampas ko ang likod niya. "Nakakainis ka---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa biglaan niyang pagharap sa akin at paghawak ng baba ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay naiwan ko na lamang ang mga mata kong dilat habang nararamdaman ko ang labi niyang nasa labi ko na.
Nablangko ako ng ilang sigundo. Inihiwalay niya sandali ang labi niya sa akin at tinitigan ang mga mata ko. Kumalabog nang husto ang pintig ng puso ko. Nagwawala iyon dahil sa ipinupukol niyang tingin sa akin.
Pumulupot ang kamay niya sa beywang ko ng mahigpit hanggang madikit ako lalo sa kanya. Itinaas niyang muli ang aking baba at iginiya sa labi niya para mahalikan ulit ako. Napapikit na lamang ako at napahawak sa magkabila niyang balikat. Sa sobrang tamis ng halik niya ay sumasabog nang husto ang bawat pagpintig ng puso ko. Para akong tinatapon sa isang bangin at nahuhulog sa pinakamalalim.
Namumungay ang mga mata niya nang humiwalay siyang muli sa akin. Tumitig ako ng matagal. May hinahanap ako doon pero hindi ko naman alam kung ano. Nadadala ako sa nakakaakit niyang mga mata.
"Umagang umaga nang-aakit kana. Pagkain ba talaga ang sadya mo dito o ako?" Tumaas ang kilay niya. Nagpipigil ako ng ngiti ngunit tumakas rin iyon sa labi ko.
"Ikaw kaya ang pagkain ko!" Ngumuso ako.
Tumitig siya sa labi ko at napangisi. "Para kang goldfish."
Laglag panga ko siyang tiningnan. Goldfish?!
"Ang sama mo sakin!" Sumimangot ako at hinampas ang braso niya. Ngumisi siya at hinalikan akong muli sa labi.
"Sige na goldfish... take a bath now. Mamimili pa tayo ng mga gamit para sa pasukan."
"Hindi nga ako goldfish!" Napanguso ako
"Stop pouting then."
Mas lalo akong sumimangot. Purket ngumunguso lang mukha nang goldfish!3
Naligo nga ako at nag-ayos. Pumunta rin naman kami sa Mall pagkatapos naming magbreakfast. Tulak tulak niya ang isang cart habang nasa likod niya ako, nakapulupot ang kamay ko sa beywang niya at nagpapatangay sa paglalakad niya.
"Ba't di ka lumebel sa akin? Matitisod ka diyan sa pinaggagawa mo." Umismid siya sakin.
Ngumuso ako at inalis ang kamay kong nakapulupot sa beywang niya. Sa halip na sundin siya ay hinawakan ko na lamang ang dulo ng suot niyang tshirt habang bumubuntot sa kanya. Para niya akong buntot dito.
Nilingon niya ako sa likuran niya at napailing. "Ang kulit talaga." sabi niya saka niya kinuha ang kamay kong nakahawak sa likod ng suot niya at hinila ako sa tabi niya. Tiningnan ko kung paano niya ipinagsalikop ang mga kamay namin sa isa't isa. Kahit medyo matagal na kami ay hindi parin ako nasasanay. Kumakalabog parin ang dibdib ko sa kanya at nagwawala parin ang aking sistema. Ganoon palagi ang epekto niya sakin. Mas grumabe pa nga ata ngayon.
Umaapaw ang sayang nararamdaman ko sa magkahawak naming mga kamay. Iyong tipong kumikinang ang paligid dahil sa sayang nararamdaman ko. Ngunit hindi iyon nagtagal dahil sa pagtunog ng cellphone niya. Ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko ay mabilis na kumalas para lamang kunin ang cellphone niya. Kainis naman!
Nakabusangot ang mukha kong sinusundan ng tingin ang cellphone niya. Tiningnan niya ang screen nito at may kung anong nireply doon. Pagkatapos ay ibinulsa niya iyong muli.
Hinihintay kong kukunin niya ulit ang kamay ko pero mukhang nakalimutan niya na ata.
"Naghihintay yung kamay ko." sabi ko sa kanya na kumuha ng atensyon niya. Para siyang nawala sa sarili niya. Sino yung nagtext?
"Bilisan natin ang pamimili nang maihatid na kita sa bahay niyo." sabi niya habang nauuna nang umabante. Teka... ba't bigla nalang siyang naging cold?
Araw araw, napapansin ko na may nagtetext sa cellphone niya. Hindi naman sa pakialamera ako at nirerespeto ko ang privacy niya pero hindi ko lang maiwasang macurious. Kung noon ay malaya kong nahahawakan ang cellphone niya, pakiramdam ko ngayon ay parang bawal ko na itong pakialaman.
Tulog siya sa sofa nang maiwan niya ang cellphone niya sa mini table. Tumunog ito at may tumatawag. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Gusto ko itong damputin at tingnan ngunit nagtatalo ang isip ko na huwag na lamang itong pansinin.
Nagising si Exe at agad na napatingin sa cellphone niyang nasa minitable. Kinuha niya iyon at tiningnan. Mas nauna niya pang tingnan ang cellphone niya kaysa sa akin na nandito lamang sa paanan niya, nakaupo at tahimik na sinusulyapan siya.
Nang mapansin niya ako dito ay napakurap siya. Inilapag niyang muli ang cellphone niya at inilahad sa akin ang kamay niya.
"Come here." utos niya.
Lumapit ako sa kanya. Hinila niya ako at pinahiga sa tabi niya. Mabuti nalang at malaki itong sofa. Total nakatagilid rin naman kaming dalawa kaya siguro kasya kami.
Isinabit niya ang ilang hibla ng buhok sa aking tenga hanggang bumaba ang kamay niya sa braso ko at hinaplos haplos iyon.
"Mind sharing what's in your mind?" tanong niya sa isang malalim ngunit namamaos na boses.
Bumuntong ako ng hininga at napayuko. Gusto kong magtanong kung sino ang panay text sa cellphone niya pero ayoko namang maging nosy. 'Tsaka may tiwala naman ako sa kanya. Alam kong hindi niya ako lolokohin.
"Hey..." Itinaas niya ang baba ko para salubunging muli ang aking mga mata. Tumitig akong muli doon. May kakaiba sa mga mata niya na hindi ko mapigilang titigan siya ng matagal.
"Mahal mo parin naman ako diba?" Biglaan kong tanong na nagpagulat sa kanya.
"Ako parin, d-diba?" Nanlabo na ang mga mata ko. Sinisikap ko namang maging malakas. Pero pagdating sa kanya nanghihina agad ako. Natatakot ako na baka dumating ang araw na magsawa siya sakin. Natatakot ako na baka dumating ang araw na magising nalang ako at hindi na pala ako ang babaeng nagpapasaya sa kanya. Natatakot ako sa mga posibilidad na baka parehas kaming nagmamahal ngunit ako nalang itong mahal siya tapos siya naman ay sa iba na pala.
Pinahiran niya ang luha ko. Sa halip na sagutin ako ay hinalikan niya na lamang ako. Naging magaan ang loob ko at napawi sa isang iglap ang mga katanungang bumabara sa utak ko. Hinalikan niya ako ng buong puso na para bang sa ganitong paraan niya sasabihin ang sagot niya. Pumikit ako at dinama ang malumanay niyang halik. Hindi rin iyon nagtagal at niyakap niya ako ng mahigpit. Ba't ba kasi ako nag-iisip ng mga ganoong bagay?
Ang sinabi niya sa akin ang kumuha ng atensyon ko. Hindi ko alam kung ano ang pinupunto niya pero kumalabog nang husto ang dibdib ko.
"Pwedeng itama ang pagkakamali, pero pwede ring pagmukhaing tama ang alam mong mali."