Prologue
Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Nababalot ng puti ang kwarto habang nakahiga ako sa isang malambot na kama. Iginala ko ang mga mata ko hanggang natagpuan ko ang mga imahe ng nag-aalalang mukha nila.
"Sweetie.." Hinaplos ni Mommy ang buhok ko. Nanunubig ang kanyang mga mata at binabalot ng pag-aalala ang kanyang mukha.
Gusto kong magsalita pero hindi ko iyon nagawa. Namamaos ako na kahit isang letra ay wala akong maibigkas.
Isang lalake narin ang lumapit sa akin. Namungay ang mga mata niya nang makumpirmang gising na ako.
"How are you? May masakit pa ba? Tell me..." sabi ni Mommy habang gumagala sa kanya ang tingin ko.
Inilipat ko ang tingin ko sa lalakeng nakatingin parin sa akin. Wala naman itong natamong sugat. Plus, he seemed fine. Halata naman iyon sa mukha niya though I'm pretty sure he's worried.
Napabuntong ng hininga si Mommy. Nilingon niya sandali si Exe na tahimik parin saka ulit siya bumaling sa akin.
"Just rest okay? Ang mahalaga ay nagising kana. Dalawang buwan kanang naka comatose Shayne... Mommy is so worried." My Mom said with a teary eyes.
Nagulat ako roon. Dalawang buwan na akong nakacomatose?
Pinilit kong alalahanin ang nangyari. It was blurry. Ang tanging malinaw lang sa akin ay nakasakay ako sa front seat ng kotse ni Exe while we're heading on our way home after our date. Maulan iyon kaya madulas ang daan. Unfortunately, nabangga kami. And then that's it. Pagkatapos kong marinig ang nakakabinging tunog ng sirena ng rumaragasang sasakyan ay nawalan nalang ako ng malay dahil sa kung anong matigas na bagay na nakasalpok sa sinasakyan namin. Pagkatapos noon ay wala na akong matandaan.
"You okay?" Natauhan ako sa boses ni Exe. His eyes were a bit sleepy. Halata ang pagod doon.
Tumango ako at ngumiti. I can't say a word. Masyado pa akng nanghihina. Tumango narin siya.
"Good then. Just rest. You need that." sabi nito at hinalikan ang noo ko na nagpagaan ng loob ko. Atleast we're both fine. Thank God!