I'm with you
Naglapag ako ng pizza sa mini table saka siya tinabihan dito sa sofa. Napapayag ko nga siyang magmovie marathon kami kaso ayaw niya talagang matulog dito. Hindi ko nalang pinilit dahil alam ko na pag ayaw niya ang isang bagay ay ayaw niya talaga. Di mo yan mapipilit.
Nanood kami ng horror movie. Ayokong nanonood ng love story pag kasama ko siya. Gusto ko horror para yakapin niya ako.
Nagsisimula palang ito ay napapatili na ako.
"You're so loud. Di naman nakakatakot." saway niya sa akin.
"Nagugulat kasi ako sa sound, baby!" Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya habang sinisilip ng kaonte ang palabas. Kaso nagulat na lamang ako nang hindi na ito tumutunog.
"Ba't walang tunog?" tanong ko.
"Minute ko." sagot niya na ikinalaglag ng panga ko.
"Bat mo minute?!" Inagaw ko sa kanya yung remote kaso itinaas niya lang ang kamay niya kaya halos hindi ko na iyon maabot. Eh mas matangkad ito kaysa sa akin!
"Exe!" Hinampas ko ang dibdib niya kahit na wala naman iyong epekto sa kanya.
"Baka magulat kana naman. That's better."
"Better? Eh wala nga akong marinig!" I scowled.
"You want me to translate it?"
Naitaas ko ang isa kong kilay. Seriously baby...
"Nagpapalusot ka lang talaga para hindi ulit ako magulat!" sabi ko.
"Exactly. Just go with the flow."
"You're unbelievable Exe Chester Montiel." Nailing ako at walang nagawa kundi sundin nalang yang gusto niya. Minsan talaga hindi ko mapredict ang ugali ng lalakeng ito.
Humarap ako sa kanya ng buo. Inilapat ko pa ang dalawa kong hita sa paa ko na agad niyang inalis.
"Don't trigger me. Nagtitimpi ako."
Napanguso ako. Ang arte ha! Hindi ko naman siya inaano. Mga lalake ang sensitive!
Nilingon ko ang palabas kung saan dahan dahan nang bumubukas ang pinto ng kwarto ng bata kahit wala namang tao. Ang boring pala ng horror pag walang sound effect.
"Anong eksplinasyon mo diyan. Ipaliwanag mo sakin." sabi ko.
"May hangin." Tipid niyang sabi na agad kong ikinangiwi.
"Seriously baby. Ang lakas naman ata ng hangin at bumukas pa talaga ang pinto." I rolled my eyes.
"Bagyo ang pumasok kaya bumukas ang pinto." paliwanag niyang muli na ikinahagalpak ko na talaga ng tawa. Ang seryoso pa ng mukha habang nagpapaliwanag. Akala mo naman ang tino ng mga pinagsasabi niya sa akin!
Pinanood kong muli ang nagaganap na eksena sa palabas. Ngayon ay lumabas na ang bata sa kwarto dahil sa kyuryusidad nito. Nang bababa na sana ito ay may nakita siyang nakaputing babae na nakatayo sa may hagdan. Napatakbo ang bata dahil sa gulat. Nang nilingon niya itong muli ay wala na doon.
"Ba't nawala yung babaeng nakatayo sa may hagdan? Multo talaga yun!"
"Katangahan ang tawag doon. Nadulas siya sa kinatatayuan niya kaya nagpagulong gulong siya pababa."
Sa bawat eksenang tinatanong ko sa kanya ay nagagawan niya talaga ng palusot.
"Baby ba't wala siyang mukha?!" Itinuro ko na itong babaeng multo na nagpakitang muli sa bata.
"Nahihiya siguro Kaya itinago niya muna."
"Eh ba't gumagapang siya?!"
"Tinatamad daw siyang maglakad."
"Hala! Lumutang siya sa ere! Baby!" Pinagyuyugyog ko na siya. Nahhehysterical na ako habang siya naman itong kalmado lamang.
"Nakadroga yan. Lutang eh."
"Biglang namatay ang ilaw!"
"Naputulan sila ng kuryente."
Natapos ang palabas na tanging mga paliwanag niya lamang ang pinapakinggan ko. Hindi ko tuloy matukoy kung nag-enjoy ba ako sa panonood ng o ano.
"Mas maganda talaga kung alam ko yung tunay na nangyari." Napabuntong ako ng hininga.
"May mga bagay kasing mahirap paniwalaan kahit na alam mo na ang katotohanan. Kahit ipinaliwanag na sayo ay hindi mo parin matanggap dahil iginigiit mo sa sarili mo na hindi iyon totoo." paliwanag niya na ikinamangha ko. Napatitig ako sa misteryosong mga mata niya. May kung ano doong hindi ko matagpuan. Sa sobrang lalim ng sinabi niya ay hindi ko talaga mapunto kung saan niya iyon kinukuha.
Nakatulog ako nang hindi ko namamalayan. Nagising na lamang ako dahil sa malamig na hanging pumasok sa kwarto ko. Dahan dahan kong naimulat ang mga mata ko at nakita ang naiwang bukas na bintana. Agad akong napabalikwas sa kama para lang isara iyon dahil sa lamig. Minsan kasi ay binubuksan ko iyon para makalanghap ng sariwang hangin.
Tiningnan ko ang orasan sa bedside table ko at nakita ang 11:11 doon.
May narinig akong kaluskos na nagmumula sa kusina kaya lumabas ako ng kwarto. Di ba siya makatulog?
Nasa cellphone ko ang tingin ko habang pababa ako. Binuksan ko ang mensahe doon. Nang mabasa ko kung kanino iyon galing at ang laman nito ay napatigil na ako sa paglalakad. Sa isang iglap ay tinakasan ako ng katinuan.
Exebaby
You fell asleep, see you tomorrow. Kakauwi ko lang sa bahay.
Nahimasmasan ako sa kaantukan at mabilis na napabalik sa daan ko. Sa sobrang pagmamadali ko ay nadulas pa ako. Bigla ko tuloy naalala yung pinanood namin kanina! Baka yung multo 'yon!
Para nang lalabas sa dibdib ko ang puso ko dahil sa paghuhuramintado nito. Dali dali kong inilock ang pinto at mabilis na tinawagan si Exe. Isang ring lang nito sa kabilang linya ay agad na ako nitong sinagot. Laking pasasalamat ko dahil gising pa ito sa ganitong oras.
"Exe! Pumunta ka dito please! N-Natatakot ako!" Nauutal kong sabi dahil sa panginginig ko.
Naramdaman ko agad ang pagkataranta niya sa kabilang linya.
"May tao sa kusina! F-Feeling ko talaga may multo! Pumunta kana agad dito, please! Natatakot ako!" Naiyak na ako habang nagpapaliwanag sa kanya. Nilalamon narin kasi ako ng buo ng pinag-iisip ko. Ang dami nang pumapasok sa utak ko.
["I'm on my way. Just relax, try to calm down."]
Tumango tango ako habang pinupunasan ang pisngi ko kahit na hindi niya naman iyon makikita. "Please hurry."
["Alright. I will."]
Naputol ang tawag. Hindi ako mapakali sa loob ng kwarto ko. Nakatitig lamang ako sa kahit saan. Kahit na wala namang multo sa bahay na ito ay natatakot parin ako. Kasalanan talaga ito ng pinanood naming dalawa!
Ilang sandali lamang ay may kumatok. Nagdadalawang isip pa akong buksan ito pero nang tinawag niya ako at narinig ko ang boses niya ay dali dali na akong tumakbo para pagbuksan siya ng pinto.
Nang tuluyan ko itong nabuksan at nakita ko ang imahe niyang nakatayo sa harapan ko ay mabilis ko na siyang niyakap. Agad kong ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya. Unti unti nang naiibsan ang takot na nararamdaman ko dahil nandito na siya sa tabi ko.
"M-May tao sa kusina, baby! Narinig ko talaga!" Humahagulhol ko siyang tiningala. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang reaksyong nakikita ko sa mukha niya. Para siyang nagpipigil ng tawa na ewan. Umiiyak na nga ako dahil sa takot!
Kinagat ko ang balikat niya na nagpangiwi sa kanya. "Seryoso kasi ako!"
"Psh, may pa horror horror movie ka pa tapos kaonting kaluskos lang ay binibigyan mo na agad ng kahulugan. You're scaring yourself." Pinunasan niya ang magkabila kong pisngi habang nakayakap parin ako sa kanya at tinitingala siya. Kinurot niya pa ang ilong ko. "Such a cute little girl. Are you scared?"
Tumango ako habang sumisinghot. "Nasa kusina siya baby. Narinig ko talaga." Parang bata kong sumbong sa kanya.
"Sige na. Pupuntahan ko nang mawala yang takot mo." Agad akong napailing. Mas humigpit ang yakap ko sa kanya. "Wag mo akong iwan dito!"
Bumuntong siya ng hininga at kinalas ang yakap ko sa kanya. Hinawakan niya ang pulso ng kamay ko at iginiya ako pababa. Gusto ko mang magprotesta ay hinayaan ko na lamang siya. Nakatago lamang ako sa likod niya habang pababa kami. Nang marinig kong muli ang kaluskos doon sa kusina ay napayakap agad ako ng mahigpit sa likuran niya.
"Narinig mo 'yon?! Meron talaga!" Takot na takot kong sabi.
Sumunod ang isang tunog ng daga na bahagyang nagpakalma sa akin. Dahan dahan kong sinilip ang kusina at nakitang walang tao roon maliban sa dagang kumaripas na ng takbo. Napakurap ako at dahang dahang nag-angat ng tingin sa mukha ni Exe na ngayon ay matalim na ang tingin sa akin.
"Minumulto ka nga. Minumulto ka ng dagang patay gutom." sabi niya na ikinanguso ko. Hindi ko na naisip na daga iyon dahil sa takot ko!
"Huling beses mo na 'tong manonood ng horror movie. If you've just seen your face..." He smirks.
Napanguso ako. Ako na nga itong natatakot ako pa ang inaasar niya!
"Ang sama mo sakin! Ba't ka kasi umuwi! Ayan tuloy." Sumimangot ako.
Hinila niya akong muli pabalik sa kwarto. Inalalayan niya akong humiga ulit habang nasa gilid ko naman siya, nakasandal sa headboard habang hinahaplos ang ulo ko.
"Go back to sleep now. Babantayan kita." sabi niya at isinabit ang ilang hibla ng buhok na tumakip ng mukha ko.
"Thank you." daing ko. Tumango lamang siya at yumuko para mahalikan ako sa noo ko. Marahan niyang sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya na nagtutulak sa mga talukap ng mga mata kong bumigat.
Isiniksik ko lalo ang sarili ko sa gilid niya. Niyakap ko ang beywang niya.
"Wag mo akong iwan ha. Dito ka lang. Di ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka sa tabi ko. Hindi ko ata kaya..." mahina kong daing habang nakapikit ang aking mga mata at nahuhulog na sa pagtulog.
"Dito lang ako. Stop worrying, I'm with you." huling narinig ko sa kanya bago ako nakatulog ng mahimbing.