4

1428 Words
Seloso It was a boring afternoon. Kanina ko pa hinihintay si Exe. Nagpaalam siya sakin na may gagawin lang daw siya. Huling text niya sakin kaninang umaga pa. Ano kayang pinagkakaabalahan ng lalakeng iyon at mukhang sobrang busy? Ni pagreply sa mga text ko ay di niya man lang magawa. Malapit nang maggabi. Tumunganga ako sa loob ng kwarto ko. Pabalik balik ang lakad ko. Panay ang pagtitig ko sa cellphone ko ngunit hindi man lang siya nagrereply. Gustong gusto ko na siyang puntahan sa bahay nila kaso baka wala siya doon. O baka may inaasikaso lang talaga. Alam kong siya ang naatasang maghandle ng business nila. Pero sana naman maalala niyang may girlfriend siya. Sa sobrang kakahintay sa kanya ay nakatulog na ako. Hindi ko namalayan ang oras. Nagising nalang ako dahil sa isang haplos. Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at nakita ang pamilyar na katawan niyang nasa tabi ko na. Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya. Siya nga... "Anong oras na?" Nilingon ko ang bedside table. "11:11 na baby oh. Di ka nagrereply sa mga text ko..." Napanguso ako nang ibalik kong muli ang tingin ko sa kanya. Yumuko siya at hinalikan ang labi ko. Nang dahil lamang doon ay hindi ko na mapigilang mapangiti. Gusto kong itago iyon at magalit sa kanya kaso nabura na iyon dahil lamang sa isang halik niya. Ganoon na ba talaga ako kababaw? "I'm sorry. May inasikaso lang. How's my girl anyway?" Hinaplos niya ang pisngi ko. Ngayon ko lang napansin na suot niya pala ang paborito kong damit niya. Isa itong puting longsleeve na vneck. Niyakap ko agad ang beywang niya at ibinaon ang mukha ko sa tiyan niya. Naaamoy ko ang nakasanayan kong pabango niya. "Namiss kita. Akala ko talaga nakalimutan mo nang may girlfriend kang maganda." sabi ko. "Tingin ka nga sakin." Awtomatiko naman akong tumingala. Sa mukha palang nito halatang aasarin ko. "Girlfriend lang, walang ganda." Mabilis na nasira ang ekspresyon ng mukha ko. Agad kong kinagat ang braso niya na ikinangiwi niya. "Ang sama mo talaga sakin! Ayoko na sayo! Inaaway mo na naman ako!" Gumapang ako palayo sa kanya ngunit agad rin namang pumulupot ang kamay niya sa beywang ko at hinila akong muli. Tumatawa pa talaga. "I'm just saying the truth baby..." sabi nito na ikinairap ko na talaga. "Tse! Edi hindi! Ang pangit mo rin! Akala mo ba gwapo ka?" Hinawakan ko ang mukha niya at ginalaw ito pakanan pakaliwa. Kahit namamangha ako sa mukha niyang napakaperpekto ay hindi ako nagpahalata. "Wala. Ang pangit." Umirap ako sa kanya at humalukipkip. Nakaupo na ako ngayon sa kama habang nakatalikod sa kanya. Doon ako sumandal sa dibdib niya. Iyong braso niya naman ay nasa beywang ko parin. "Hey..." tawag nito na hindi ko nilingon. Nakasimangot ako at nakahalukipkip parin. "Look at me." "Ayoko."   "Shayne." Napanguso ako at hindi nakatiis na hindi ito lingunin. Tumingala ako sa gilid ko para tingnan siya. "Girlfriend lang talaga. Walang magan--"Ewan ko talaga sayo! Alis nga!" Pinaghahampas ko ang braso niyang mahigpit na nakapulupot sa beywang ko. Gusto ko nang kumawala. "Bitiwan mo ako!" Asar na asar kong sabi sa kanya. "Nah..." "Hindi ako maganda diba? Sige na. Maghanap kana ng mas maganda sakin." "Why would I even do that? Gusto ko lang ipamukha sayo na kahit hindi ikaw ang pinakamagandang babae sa mundong ito, kontento ako..." Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ng braso niya sa beywang ko. "Mamahalin kita hanggang sa kahuli-hulihang hininga ko."   Namumungay ang mga mata niya nang magtamang muli ang mga mata naming dalawa. Kahit gasgas na ang linyang iyan at narinig ko na ito ng pang-ilang ulit ay may kung anong mga kiti kiti parin akong nararamdaman sa tiyan ko. Kinikilig parin ako. Para akong nahuhulog sa isang bangin na walang dulo. Nahuhulog ako nang nahuhulog. "Ikiss mo nga ako." sabi ko. Tuluyan na akong humiga sa dibdib niya habang nasa balikat niya ang ulo ko. Nakasandal naman siya sa headboard ng kama ko habang nasa gitna niya ako. Yumuko siya at hinalikan ako. Doon palang ay napangiti na ako. "Wag na wag kang mambabae ha. Ako lang dapat ang babae mo." sabi ko. "Babae si Mommy." Ngumuso ako. "Aside sa Mommy mo." "May lola ako. Babae rin." "Of course baby." Naigulong ko na ang mga mata ko. Nandiyan na naman siya. "May Tita pa ako. Babae rin." "Oo alam ko. Pero maliban sa mga kadugo mo. Dapat ako lang. Wala nang iba." Paninigurado ko. Tumahimik siya at tumango nalang. Nanatili ako sa ganoong posisyon hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.   Lunes. First day of school naming dalawa. Nakakapit nang mahigpit ang kamay ko sa braso niya habang hinahanap sa mga listahan na nakapaskil sa labas ng classroom ang pangalan naming dalawa. Sigurado akong magkaklase kami dahil sabay kaming nagpaenroll. Lumiwanag ang mukha ko nang makita ang pangalan ko sa mga babae at ang pangalan niya naman sa listahan ng mga lalake. "Baby dito tayo oh!" Masigla ko iyong itinuro habang nililingon siya. Pagod ang mga mata nito at blangko ang mukha. Sa tuwing hindi ito ngumingiti ang suplado pa naman. Tumango siya at hinawakan ako sa beywang para igiya na ako papasok sa loob. Marami agad ang napatingin sa amin. Lalo na ang mga babae. Yung mga mata nila ay nakapako na kay Exe. Para bang tumatagos na sa kaluluwa ng boyfriend ko ang mga titig nila. Napanguso ako at nilingon ito na mukhang wala namang pakialam sa paligid niya. Hinawakan niya iyong isang upuan at doon ako pinaupo. Katabi ko ang bintana. Umupo rin siya sa tabi ko. "Sigurado akong magiging campus heartthrob kana naman." Panimula ako. Ipinatong ko ang magkabila kong siko sa desk niya habang hawak hawak ang pisngi ko. Tinitingnan ko nang mabuti ang mukha nito. "Di yan maiiwasan." sagot niya na ikinangiwi ko. "Kiss ko." Bigla kong sabi na ipinagsalubong ng kilay nito. Ngumuso ako para ipakita sa kanyang seryoso ako. "Sige na. Mabilis lang naman." Nailing siya. Mabilis ang galaw niya at namalayan ko nalang na dumikit ang labi niya sa labi ko. "Wag kanang makulit at umupo kana ng maayos diyan." Napangisi ako ng malapad. Sa halip na sundin ang sinabi nito ay ipinatong ko ang ulo ko sa desk niya at ginawang unan ang palad niya. Napailing siya at hinayaan nalang ako. Gumala naman ang mga mata ko sa paligid. May nahuhuli akong mga babaeng nakangiwi at magkasalubong ang mga kilay. "Pinapamukha ba ng babaeng iyan na girlfriend siya?" Narinig kong sabi nito. "Ang clingy." sabi pa ng katabi niya. Hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin at nag-iwas nalang ng tingin. Nakasalubong ng mga pares ng mata ko ang mga matang mariing nakatingin sa akin. Kanina ko pa siya napapansin simula nang pumasok kami. Gwapo ito. Ang buhok niyang medyo messy ang kumukuha ng atensyon ko. Kaso yung titig niya sakin palalim nang palalim. Napaiwas rin ako ng tingin sa lalake nang biglang inangat ni Exe ang kamay niya kaya pati ang ulo ko ay umangat narin. Inilipat niya ang kamay niya sa desk ko at natatangay narin ako. "Mas lakwatchera pa yang mga mata mo kaysa sa paa mo. Kahit saan nalang gumagala." Iritado siyang napalingon doon sa lalakeng nakatingin sa akin kanina. Nag-iwas ito ng tingin sa amin. "Tss." sambit niya nang mahuli niyang nakatingin ito sa akin. "Kanina pa siya nakatitig sakin. Bakit kaya? May dumi ba ako sa mukha?" Kumurap kurap ako. Ang mukha naman ni Exe pasuplado nang pasuplado. Para bang inis na inis ito. "Umiwas ka sa ganyang mga lalake. m******s yan." sabi niya at nagawa pang lingunin iyong lalake na ngayon ay nilalaro na ang hawak nitong ballpen. Mukhang napapansin ko na may mga babae ring tumititig sa kanya. Siguro sikat iyan dito. Ewan ko. Para kasing nasa hitsura niya. Yung tipong madaming babaeng palihim na nagkakacrush sa kanya dahil nga suplado.   "Hindi naman siguro." sabi ko. "Sus." sagot niya. Pumapantay na yung kilay niya sa isa't isa. Teka, nagseselos ba siya? Sinilip ko ang mukha niya at napangisi. "Selos." Sa halip na sagutin ako ay nag-iwas lang siya ng tingin sa akin. Para bang gusto niyang itago ang guilty niyang pagmumukha. "Patingin ako ng mukha mong nagseselos." Natatawa kong sabi. Hindi ko ata napansin na naging malakas ang boses ko kaya nagsilingunan na sila sa akin. Pati iyong gwapong lalake na nakatingin sa akin kanina ay napalingon narin. Tumalim ang tingin ni Exe sa akin kaya mabilis kong natikom ang bibig ko at napanguso. Inangat niyang muli ang kamay niyang inuunan ko saka ito iginiya palapit sa kanya. Marahan niyang isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Para niya akong itinatago. "Ang seloso mo." sabi ko sa kanya. Namumula ang pisngi ko lalo na't maraming tao dito. Pda masyado. Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Nakasentro lang sa harap ang tingin niya. Sa kabila ng pagiging tahimik niya, rinig na rinig ko naman ang t***k ng puso niyang nag-iingay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD