6

1502 Words
Brokenhearted   Gusto ko siyang singhalan pagkapasok ko sa kotse niya. Gusto ko siyang sugurin at paghihilain iyang buhok niya. Gustong gusto kong ipamukha sa kanya kung gaano ako kagalit, pero nang maglahad ito ng tuwalya sakin ay umatras lahat ng balak kong sabihin at pinaplano ko. "Tuyuin mo muna ang sarili mo. And then tell me your address. I'll drive you home." kalmado niyang sabi sa akin. Napabuga na ako ng hininga sa ere. "The last time you said that bigla mo akong pinalabas sa kotse mo at iniwan ako sa gitna ng ulan. Pag nagkasakit ako! Ikaw talaga ang malalagot!" Marahas kong pinunasan ang buhok ko. Lalo na ang mukha ko. Dapat talaga nagdesisyon nalang akong sumama kay Mommy sa Paris. Kakahatid ko lang sa kanya sa airport tapos pauwi na sana ako kung hindi lang talaga ito biglang sumulpot! Dapat sa kanya tinatanggalan ng lisensya!   Nagsimula siyang magmaneho. Medyo hininaan niya pa iyong aircon niya. Abala naman ako sa pagpupunas ng sarili ko. Wala akong pakialam kung mabasa ko itong upuan niya! Kung hindi niya lang talaga ako pinalabas edi sana hindi ako mababasa nang ganito! "I'm sorry." he sighed. Napakurap ako doon. Binalingan ko siya at nakita sa ekspresyon ng mukha niya ang sinseredad. "I'm brokenhearted. Hindi mo ako masisisi kung ba't ganoon nalang kainit ang ulo ko." He licked his lower lip and smirked. "Good thing I remember you're a girl." Napaawang ang bibig ko. Hindi ba ako mukhang babae sa kanya?   "Are you kidding me?! Sa hitsura kong ito?! Sa dibdib kong ito?!" Kulang nalang ay ipagmayabang ko sa kanya ang hinaharap ko. Siya naman itong nagkasalubong ang kilay at naiirita na sa pinaggagawa ko. "Hindi sa ganoon, miss. Sinabi ko na sayo, wala ako sa sarili ko. The girl I love the most dumped me. Paano ako hihinahon?" "Eh kasi masama ang ugali mo! Sinong lalake ang nang-iiwan ng babae sa gitna ng ulan?!"   "Ako." "Oo ikaw lang!" Nanggigigil kong sabi. Tumitig siya sa mukha ko at natawa. Hindi ko alam kung bakit. Pero nang makita ko ang mukha niyang maliwanag na hindi gaya kanina ay kumalma ako. Ngayon ko lang naappreciate ang kagwapuhan niya. Hindi ko ito napansin kanina, I mean napansin ko naman na gwapo siya pero ngayong ngumiti na siya at tumatawa pa ay nakakatulala pala. "You're adorable. May suklay ka ba diyan? Para kang basang sisiw kanina tapos ngayon ay para kanang pusang nagwawala." he laughed again. Mabilis kong ibinaba ang salamin dito sa front seat niya. Tiningnan ko ang sarili ko. Para na nga akong ewan. Huminahon ako at napabuntong ng hininga. Binuksan ko ang slingbag ko at naghanap doon ng suklay. Napapansin ko naman iyong lalake na nililingon ako minsan. "Are you hungry? We can eat first..." "Huwag na. Iuwi mo nalang ako." sabi ko. "O gusto mong kumain nalang sa condo ko."   Mabilis ko siyang nilingon. Nagkasalubong pa ang kilay ko. "Don't get me wrong miss, I just want to say sorry. Ang bastos ko kanina sayo." namungay ang mga mata niya. Halatang sising sisi siya. Kahit hindi ko naman ito masyadong kilala, hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at pumayag ako sa gusto niya. Natagpuan ko nalang ang sarili kong iginagala ang tingin sa kabuuan ng condo unit niya. He's alone I guess. Base narin kasi sa sinabi niya kanina nang makapasok kami. Hindi na ako nag-usisa pa ng mga bagay bagay. Ipinerme ko lang ang sarili ko dito sa itim niyang sofa habang panay ang paglalakwasya ng mga mata ko sa loob. Si Exe naman ay nandoon sa kusina. May kung anong pinagkakaabalahan.   Malaki ang loob. Maganda rin ang paligid. Halatang mahilig ito sa kulay na itim at puti. Kung may kulay man na nahahalo iyon ay ang kulay grey niyang mahabang kurtina. May halaman siya sa gilid. Malinis rin ito. "Here you go, medyo mainit pa ang sabaw kaya dahan dahan lang." sabi niya nang ilapag niya ang tray dito sa lamesa niyang babasagin. Pinagmasdan ko nang mabuti ang luto niya. Ang amoy palang ng soup ay natatakam na ako. Lalo na iyong platings niya sa iba niya pang niluto. Binigyan niya ako ng kutsara at tinidor. Tinanggap ko iyon at sumambit ng pasalamat. Una kong tinikman ang sabaw niya. Napakurap pa ako nang mapagtanto kung gaano ito kasarap. Ngumiti ako sa kanya na kanina pa nakatitig sa akin para tingnan ang magiging reaksyon ko. "Masarap." mungkahi ko na ikinangiti niya. "I'm flattered. Thank you." sabi niya at umupo sa isang sofa na hindi naman nalalayo sa akin pero nakakonekta parin dito sa isang kinauupuan ko. Medyo pakurba kasi ang ayos ng sofa niya. Dalawa ito na pinagdugtong habang nasa harap naman ang isang glass table. Nagsimula narin siyang kumain. Nawiwili ako sa sabaw kaya iyon talaga ang pinagtuunan ko ng pansin. Natuyo narin kasi ako. "You can change your clothes if you want. May mga damit naman si Adiane na pwede mong hiramin." wala sa sarili niyang sabi. Pero kalaunan ay nagbago rin ang ekspresyon ng mukha niya. Siguro ay napagtanto niyang binanggit niya ang babaeng nanakit sa kanya. "Sige okay lang. Tuyo naman eh." sabi ko. Halatang pilit nalang ang ngiti niya. Nakakapagtaka tuloy. Dito rin ba nakatira iyong babae? Pero binasted siya? O baka naman... "Uhm, hindi sa nagiging nosy ako. Pero yung babae..." nahinto ako saglit. Wala akong mahanap na salitang pwedeng idugtong sa sinabi niya. Napatingin siya sa akin saglit. Naging seryoso na naman ang mukha niya kaya nagmumukha siyang suplado.   "That's Adiane. She loves someone else unfortunately. Gusto ko siya. Matagal na. Kaso mukhang hindi parin sapat. She's just too loyal with her feelings that she can't afford loving me back." Ngumisi siya ng hilaw. "P-Pero ba't may damit siya dito kung hindi naman pala kayo?" "We're close. Too close that I'm treating her as my girlfriend. Pero para sa kanya... kaibigan lang ata." Nailing siya at sumubong muli. Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya. Biruin mo? Mahal na mahal niya yung babae kaso hindi siya magawang mahalin nito dahil may mahal rin itong iba. Iyong araw pala na kamuntik niya na kaming mabangga, dahil nagpapaalam na iyong babae. Aalis daw ito. Susundan iyong lalake. Kaso ayaw niya sana. Nakatira kasi iyong babae sa condo niya. Kaso mukhang pursigido na talagang umalis iyong babae. "Ang hirap naman ng ganyan. Buti ako subjects ko lang ang pinoproblema ko. Mga grades ko. Walang lalake." umiling ako at sumubong muli. "Kahit sino atang lalake mapapaatras pag nagtataray ka. You almost broke the window of my car." Napakuyo ako sa sobrang kahihiyan. Lalo na nang ngumisi pa siya. Eh kasi naman, dalang dala ako sa galit ko! Paano kung hindi nakapreno si Manong?! Edi basag itong pagmumukha ko! Masususubsob ako doon sa harap! Natigil lang kami nang may biglang pumasok. Nang makita niya kaming dalawa dito ay napahinto siya. Nagkasalubong ang kanyang kilay at napakurap. Pero agad namang huminahon ang mukha niya sa pagkagulat. "Hey... ikaw yung babae kanina diba?" Ngumiti siya sa akin. Tumango ako. "You look fine. Mabuti naman at wala kang natamong damage. I'm so sorry for what happened. Kasalanan ko ata iyon." "O-Okay lang." Nahihiya kong sagot sa kanya. She's so feminine. Mula sa suot niyang dress... sa pagiging simple niya ngunit may dating. Sa tindig niya. Basta, ang ganda ganda niya. Nakakatulala siya at nakakaakit ang ngiti sa kanyang labi. Hindi na ako magtataka kung ba't may lalakeng baliw na baliw sa kanya. Tumayo si Exe. Sinulyapan ako sandali na tinanguan ko lamang para iparating na okay lang ako saka niya ito nilapitan. "I'm here to get my things, Chest." diing sabi ng babae na ikinabagsak ng mga balikat ni Exe. Hindi ko alam kung ba't Chest ang tawag nito sa kanya. Siguro second name niya o nickname niya. "Don't do this, Adiane. We can talk about this you see... Sige na..." "Stop being stubborn Chester. Know your place. At hanggang doon lang iyon, hanggang doon ka lang sa buhay ko." Ako ang nasasaktan dahil sa binibitiwang salita ng babae. Lalo na nang nanigas si Exe sa kinatatayuan niya at humakbang na ang babae papunta sa isang kwarto. Hindi ko alam kung tama bang nandito ako at nasasaksikan ang mga pangyayaring ito. Gusto kong tumayo at magpaalam na uuwi nalang ako kaso ayoko namang maging bastos. At sigurado akong umuulan pa ng malakas sa labas! Pinanood ko kung paano hilain ng babae ang isang maleta. Kung paano siya hinila ni Exe at niyakap ng mahigpit ngunit hindi parin nagpapigil ang babae. Para akong maluluha sa nasasaksihan ko. Halatang halata sa mukha ni Exe kung gaano siya kadurog. Na kahit lumuhod ata siya sa harapan ng babae ay wala na siyang magagawa. Huli na dahil tuluyan na itong umalis para iwan siya. "Just tell me if you want to go home. Ipagdadrive kita huwag kang mag-alala." sabi niya saka umalis sa harap ko at nagkulong sa kwarto niya. Kahit wala siyang sabihin, alam kong naiiyak siya. Ngayon lang ako nakakita ng lalakeng brokenhearted. Iba sila, kahit gusto nilang kimkimin ay halata naman sa mukha nila kung gaano sila kadurog. Nakapag-isip isip tuloy ako. Mas gusto ko atang ako ang masaktan kaysa ako ang makasakit. Dahil kahit ako, nasasaktan sa nakikita ko. Kahit hindi kami malapit sa isa't isa ay gusto kong iparating sa kanya na pwede ko siyang damayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD