Baliw
Okay lang naman yung first day of school namin ni Exe. Wala akong mga kakilala unlike him na sikat agad. Actually hindi lang naman siya iyong napapabalitang sikat dito, mas sikat ata iyong nagngangalang Dwight Delafuente. Kahit saan ko nalang naririnig ang pangalan niya.
Inabala ko ang sarili ko sa pagsulat ng magiging topic bukas. Napuno ata iyong board sa mga sulat. Pwede bang ipaprint ko nalang iyong copy? Nakakangalay na kasi sa kamay.
"Just take a picture of it." suhestyon ni Exe sa akin. Hindi siya nagsusulat. Nakakapagod daw.
"Ichecheck ito ng teacher." Napanguso ako.
"Ipakita mo yung picture."
Napangiwi ako sa suhestyon niya sa akin. Ba't ba tinatamad siya?
Ilang sandali lamang ay natuon ang lahat naming atensyon sa labas dahil sa isang katok na nagmumula doon sa may pinto. Nakita ko ang isang lalake, base sa hitsura nito at sa tindig ay parang mas matanda pa ito kay Exe ng isang taon o dalawa. Pero sa totoo lang, ang gwapo niya. Kung hindi lang talaga tumikhim itong si Exe ay hindi ko maiiwas ang tingin sa kanya.
"May nagngangalang Blaire ba dito?" tanong niya na ikinailing ng mga babae. Tumango siya at umalis rin. Kasabay naman ang mga tilian ng iba kong kaklase. Naririnig ko silang sinasambit ang pangalang "Dwight" so ibig sabihin iyon si Dwight Delafuente? Ang gwapo niya nga...
"Yung mata mo kulang nalang maghugis puso kakatitig sa lalake." supladong sabi ni Exe na ikinakagat ko ng pang-ibaba kong labi para pigilang mapangiti. He's jealous!
"Ba't ka nagagalit? Di nga ako nagagalit pag ang daming nakatingin sa iyong mga babae." Umirap ako.
"I am not looking at them. At least do the same thing." pagalit niyang sabi na ikinakurap ko na. Ang liit lang ng bagay ng pinagmumulan ng galit niya sa totoo lang. Dahil lang tinitigan ko iyong lalake. Seriously Montiel...
Natapos ang mga subjects namin na wala siyang kibo. Kahit lingunin ako ay hindi niya magawa. Para bang ang laki ng iniisip niya at nakalimutan niyang kasama niya ako.
"Kailan mo ba ako papansinin?" Napanguso ako. Dinudungaw ko ang ekspresyon ng mukha niyang hindi nakasentro ang tingin sa akin. Dahil sa paghawak ko bigla sa braso niya ay napahinto kaming dalawa dito. May mga estudyanteng napapalingon sa amin at halatang nagtataka sa inaasta niya.
Sa halip na sumagot ay kinuha niya lamang ang kamay ko at ipinagsalikop iyon sa kanya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa ngiting tumatakas na doon.
Tiningala ko siya. Wala akong mabasa sa mga mata niya. Ang depina niyang mga panga ang nagpapamukha sa aking kahit blangko lamang ang ekspresyon niya ay may kinukubli siyang galit doon o kung ano pa man dahil sa pag-igting nito.
Hinila niya ako sa isang bench kaya umupo kami doon. Hindi niya parin binibitiwan ang kamay ko. Nakakapagtaka tuloy kung ano iyang iniisip niya.
Humiga ako sa balikat niya. Hinalikan ko ang pisngi niya at hindi naman ako nabigo sa balak kong kunin ang atensyon niya dahil bumaba nga ang mga mata niya at sinalubong ang akin.
"Galit ka parin? Tinitigan ko lang naman. Wala iyong ibig sabihin." paliwanag ko.
"It's okay. May iba lang akong iniisip."
"Katulad ng ano? Ako parin ba iyan? Ni hindi kita madisturbo diyan sa pinag-iisip mo. Hindi mo ako pinapansin..." Sumimangot ako.
"Naalala mo pa ba iyong una kitang nakita?" he randomly asked na nagpakurap sa akin. Ibig sabihin ay ako ang iniisip niya?
Tumango ako. Paano ko iyon makakalimutan... kahit ilang buwan na ang lumipas ay malinaw parin iyon sa utak ko... kung gaano kasama ang ugali niya sa akin!
"Lumabas ka diyan! Hindi ka ba marunong magmaneho?! You almost killed us!" Sa sobrang galit ko ay hinubad ko ang heel ko at ipinukpok nang ilang ulit sa bintana ng sasakyan niyang tinted. Kanina ko pa ito pinapalo pero mukhang hindi niya naririnig kaya dadaanin ko nalang sa karahasan.
"Ma'am... tama na po iyan. Wala naman pong nangyari. Nakaiwas naman po agad." awat sa akin ng taxi driver na sinakyan ko. Umiling ako at mas lalong ipinukpok ang takong ko sa bintana niya.
"Lalabas ka ba o hindi?! Magtatawag ako ng pulis at irereport kitang animal ka!" sigaw ko sa sobrang galit. Dala narin siguro ng adrinaline rush ko ay hindi ko na maawat ang lumalabas sa bibig ko.
Akma na akong pupulot ng malaking bato nang unti unting bumaba ang pinto ng bintana nito. Nagtama ang mga mata namin. Kung gaano kagalit iyong akin ay mas triple ang naaaninag kong galit sa mga mata niya. Ngunit nang mapagtanto ko ang kabuuan nitong imahe ay dahan dahang huminahon ang pag-aalab sa mga mata. Ang pagbasa niya sa pang-ibaba niyang labi... ang pagkakasalubong ng dalawa niyang kilay... ang matalim niyang tingin... para akong nalulusaw.
"Is it my fault miss? How much do you want then?" mayabang nitong sabi na ikinabalik agad ng demonyong namahinga saglit sa loob ko. Aba! Siya pa ang may ganang magalit! Siya na nga itong muntik nang makabangga!
"Muntik mo na akong mapatay tapos tatanungin mo lang ako kung magkano?! Lumabas ka dito nang masuntok kita!" Sa sobrang inis ko ay sinipa ko ang gulong ng kotse niya kahit na nakaramdam ako ng sakit sa paa ko. Hindi ko nalang iyon ipinahalata.
"Exe calm down..." malambing na sabi ng babae na unti unting nagpahupa ng galit sa mga mata nito. Ngayon ko lang napansin ang babae doon sa front seat. Ngayon ko lang rin napansin kung gaano siya kaganda. Ang malaanghel nitong mukha... iyong buhok niyang may pagka light blond ata. Lalo na ang maliit na hugis niyang mukha. Kung hindi lang siguro ako galit ay nginitian ko na ito.
Nag-igting ang panga nito. Pinilit kumalma. Kinagat ang pang-ibabang labi at babasain niyang muli. Para itong nafufustrate sa isang bagay.
Bumaba ang babae sa front seat na ikinagulat nitong lalake. Lalo na nang nagtungo ito sa akin at hilain ang kamay ko papunta doon sa driver's seat.
"Dalhin mo nalang siya sa hospital para mas makasigurado ka Exe. Magpapahatid nalang ako pauwi sa taxi driver."
"We're still talking, Adiane." matigas niyang sabi. Halatang hindi sang-ayon sa gustong mangyari nitong babae na sa pagkakaalam ko ay kaedad ko lang ata.
Umiling iyong babae. Iginiya ako papasok sa driver's seat. Gusto ko sanang umayaw nalang pero nangangati rin akong pagbayarin ang walang modong lalakeng ito sa ginawa niya!
"We're done talking Exe. Respect my decision, please." Namungay ang mga mata ng babae bago tuluyang umalis sa harapan namin.
Parang si Satanas kung magsuplado itong lalake habang papunta kami sa hospital. Ako naman ay nakahalukipkip lang. Wala naman akong bali o kung ano. Nagulat lang talaga ako dahil sa bigla niyang pagliko. Kamuntik na kaming masubsob doon sa likod ng sasakyan niya! Mabuti nalang talaga at nakabreak agad iyong driver.
"You look fine. Ba't pa kailangang dalhin sa hospital? Tell me your address. Ihahatid nalang kita pauwi." suplado nitong sabi.
"Dalhin mo ako sa hospital! Baka lumabas na yung puso ko at wala na sa dibdib ko! You almost killed me!" sigaw ko na ikinaigting ng panga niya.
"Let me touch it then. Papakiramdaman ko kung tumitibok pa ba."
"Bastos! Gusto mo lang talaga akong hawakan sa dibdib! Kaya siguro hindi ka napagtiisan ng babae at ayaw ka nang kasama dahil diyan sa ugali----" Napatilan ng tili ang pagsasalita ko nang bigla niya nalang inihinto ang kotse niya. Pakiramdam ko nahiwalay ako sandali sa katinuan ko at aatakihin na sa puso.
"Are you stupid?!" sigaw ko nang makumpirma kong buhay pa pala ako. But when I saw his anger... the way he clenched his fist... natigilan ako.
"Get. Out." buong pagpipigil ang boses na iyon. Na sa oras na sumabog siya ay malalagot talaga ako.
Isang malakas na pagbuhos ng ulan ang nasilayan ko sa labas. Ganito ba kademonyo ang lalakeng ito?
"Umuula--"I don't f*****g care just go the f**k out!" sa sobrang gulantang ko sa boses niya ay awtomatiko ko nang binuksan ang pinto ng kotse niya para makalabas nang tuluyan doon.
Naramdaman agad ng katawan ko kung gaano kagalit ang langit. Sa bawat pagtulo ng ulan sa akin ay nababasa agad ako. Mabilis na pinaharurot ng lalake ang kotse niya at iniwan ako dito sa gitna ng ulan. Basang basa.
Naipadyak ko ang mga paa ko sa sobrang inis. Mamatay sana siya! Walanghiya siya! Siya na ang pinakamalditong lalakeng nakilala ko!
Niyakap ko ang sarili gawa narin ng lamig dahil sa ulang wala atang planong huminto. Nilakbay ko ang kahabaan ng kalsada. Puro mga kotse lamang ang namamataan ko. Sana kahit ngayon lang ay may dumaan na taxi. At sana, iyong lalakeng iyon ay mamalasin buong buhay niya dahil sa ginawang pang-iiwan sa akin dito!
Dala ng malakas na ulan ay ramdam na ramdam ko na ang panginginig ko. Bago pa ako makapagdesisyon na pumara ng kotse para maawa ito sa akin at pasakayin ako ay may kotse nang huminto sa tabi ko. Bumukas ang driver's seat at nakita kong muli ang pamilyar na loob na sinakyan ko kanina. Lalo na ang mukha ng lalakeng medyo kalmado na ngayon.
"Get in."
Umirap ako. Gustong gusto ko nang magtaray ngunit dala ng lamig ay pumasok na lamang ako. Baliw siya!