7

1662 Words
Memorable Simula nang araw na nakilala ko si Exe Chester Montiel, o Exe bilang tawag ko sa kanya ay marami akong nadiskubrihan sa pagkatao niya. Suplado lamang itong tingnan ngunit mabait naman pala. I must admit, gwapong gwapo ako sa kanya kahit saang anggulo. Kaya nga nakakapagtaka kung anong wala sa kanya at hindi parin siya magawang magustuhan ni Adiane, ang babaeng pilit nang kinakalimutan ni Exe. "You're too early." sabi ko nang makalabas ako ng bahay. Pang-ilang beses na ba ito? Noong una, akala ko ay gusto niya lang bumawi sa akin. Dahil sa nagawa niya. Pero araw araw na ata. Parang lagpas na. Sobrang nakabawi na siya. Tapos sinusundo pa ako... lumalabas pa.   "Kaysa naman late." mungkahi niya at binuksan ang pinto sa front seat. Napanguso ako at pumasok doon. Nahuli ko pa siyang ngumisi. Inabala ko ang pagsuot ng seatbelt habang paliko siya at pumasok rin sa driver's seat. He's so manly right now. Medyo nagiging pamilyar narin sa akin ang pabango niya. Naksanayan ko na iyon. "Hindi ka ba nalilate sa school mo? Dinadaanan mo pa ako." sabi ko sa kanya nang sinimulan niyang paandarin ang kanyang kotse. "Nah... mas gusto kong malate sa klase kaysa malate sayo." pagbibiro nito na ikinahalakhak ko. He likes joking around. Nakakatawa naman kahit minsan ay corny na. "Dalawa na kami ni Adiane na pinagtitiisan ang pagiging corny mo." mungkahi ko. Doon ko lang napansin ang sinabi ko nang matigilan siya. Kahit ako ay natigilan. "I-Im sorry." agad kong bawi. Umiling siya. "It's okay. She's happy now. Iyon rin ang gusto niya para sa akin kaya magiging masaya narin ako."   Hindi ko alam kung nakamove-on na ba siya kay Adiane. Hindi rin kasi namin iyon napag-uusapan. Ngayon lang ulit dahil sa pagkaslide ng dila ko. Ayoko namang magtanong. What for? Hindi purket nagiging close na kami ay manghihimasok na ako sa buhay niya. Besides, mukhang wala na silang komunikasyaon ni Adiane dahil nandoon na ito sa ibang bansa. Iyon lang ang alam ko. Kahit nga sa buhay niya ay wala akong masyadong alam. Basta pati ang parents niya ay wala dito. Hindi rin naman kasi siya makwento. "Masaya ka?" tanong ko sa kanya. Nilingon niya ako saglit. Medyo tumagal ang titig niya sa akin kaya nakaramdam na ako ng kakaibang hiya. Nag-iwas nalang ako ng tingin para hindi niya makitang pinapamulahan ako ng pisngi. Nasa tamang edad na ba ako para sa pag-ibig? Kasi nitong mga nagdaang araw, may mga nararamdaman akong hindi ko maipaliwanag sa tuwing tinititigan ako ni Exe. Hindi nabubuo ang araw ko pag hindi ko siya nakikita o nakakausap man lang. Basta, mga ganong bagay. Sabi kasi sa akin ni Mommy, pag nagmahal ka daw... mahirap daw iyong ipaliwanag. Hindi mo alam kung bakit. Basta ang alam mo lang ay mahal mo siya at gusto mo siyang makasama araw araw. 16 palang naman ako. Hindi pa ako nasa 20's kaya malabong pagmamahal itong nararamdamam ko para sa kanya.   "Mahirap maging masaya sa totoo lang Shayne. After what happened to me. Pero kung gusto mo, magiging masaya ka." paliwanag niya. Hindi ko alam kung nasagot niya ba ang tanong ko. Hindi ko rin kasi alam kung masaya ba siya. "Magiging masaya ka lang kung nakamove-on kana." sagot ko naman   Hindi siya sumagot. Nanatili lamang ang tingin niya sa daan. Medyo nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Mahal niya parin kaya si Adiane? Siya parin ba? Sa tuwing naiisip ko iyon hindi ko alam kung ba't nasasaktan ako. This can't be. I-Ilang araw palang Shayne... Binuksan niya ang drivers seat para makalabas ako nang makarating kami dito sa tapat ng school namin. Ngumiti ako sa kanya ng tipid. Hindi ko magawang ngumiti ng malapad. Basta, hindi ko kayang maging masaya ng malaki sa oras na ito kahit na ang kasiyahan ko lang naman ay ang mga ganitong bagay. Iyong hinahatid niya ako tapos susunduin naman mamaya. "Susunduin kita mamaya." Tumango ako bilang sagot. "See you then." Ngumiti ako at tumalikod na. Naninikip ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. Buong araw akong binagabag ng mga pinag-iisip ko. Ang raming tanong sa utak ko. Hinahatid at sinusundo niya ako. Minsan ay nagyayaya pa siyang kumain kami sa labas. O kaya iniimbitahan niya ako doon sa condo niya para ipagluto ako. Nanonood rin kami ng sine. Nagtatawagan. Pero lahat ng ito... ano ba ang ibig sabihin? Dahil ba kamuntik niya nang mailagay sa alanganin ang buhay ko at uniwan niya ako sa gitna ng ulan kaya bumabawi lamang siya? But this is too much! Pangkaibigan parin ba ito? Nagiging mabait lang ba siya saakin? Pero hindi naman siya halatang mabait. Ang suplado niya nga minsan. Para akong mababaliw sa pinag-iisip ko. Minsan ay nagpapantasya na akong paano kung nililigawan niya pala ako pero idinadaan niya lang sa ganito. Hindi niya lang sinasabi dahil gusto niyang maramdaman ko. P-Pero posible namang wala lang ito para sa kanya. Dahil bored lang talaga siya. O dahil gusto niya lang makalimutan si Adiane kaya ako itong pinagtutuunan niya ng pansin. Nakita kong muli ang imahe niya sa labas ng eskwelahan namin. Nakahalukipkip ito habang nakasandal sa kanyang itim na kotse. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi lalo na nang may mapansin akong mga babaeng kinikilig habang tinitingnan siya. Agad akong lumapit. Tumayo naman siya ng tuwid at pinagbuksan ako ng pinto. Pumasok ako doon. May mga tanong paring hindi mabura sa isip ko. Para itong sasabog pag hindi ko iyon ilalabas. Pero tama bang magtanong ako? Ayoko namang maging assuming o kung ano pa diyan. "Here..." Binigyan niya ako ng isang paperbag. Nang sinilip ko ito ay nagulat ako dahil sa maraming chocolates na nakita doon. Alam niyang paborito ko ang mga chocolates. "Thank you. Pero para saan ang mga ito?" Hindi ko na napigilang itanong pa. "Para sa tiyan mo." sagot niya na ikinangiwi ko.   "No I mean, itong chocolate... itong mga ginagawa mo. P-Para saan ang mga ito? Bawing bawi kana sa kasalanan mo sa akin Exe. Sobra pa nga." Ngumiti ako ng pilit kahit na namimilipit ang tiyan ko sa maaari niyang isagot sa akin. "You're my friend--"Yeah, friend." agaran kong dugtong sa kanya at idinaan iyon sa tawa. Oo nga naman, leche na pagkakaibigan iyan. Ganito na pala ang mga lalake ngayon makipagkaibigan sa mga babae? Extra sweet?   "But label this one as dating. Bakit, nagmamadali ka ba?" he smirks at me leaving my mouth in shock. W-What? Hindi ako makahanap ng salitang idudugtong doon. Sa sobrang gulantang ko ay wala akong masabi. Lumapit siya sa akin at hinila ang seatbelt sa gilid ko para ikabit sa kabila. Sa ganitong kalapit niya sa akin, ngayon ko lang narinig ang puso kong nagwawala sa loob. Para iyong tambol na walang ulit na hinahampas kaya ganoon nalang kaingay. "Where do you want to eat now? Sa condo nalang ba?" he maneuvered his car. Habang ako naman ay tanging tango lang ang nagawa. Tahimik lang ako buong byahe. Hindi mawala sa utak ko ang sinabi niya kanina. Pasimple akong napangiti at itinuon ang tingin sa labas ng bintana. I've never been into relationships to be honest. Oo may mga crush ako pero hanggang doon lang. Maybe for some reason... pero mukhang kaya ko namang indahin kung sakali. At gusto kong sumugal. Pagdating sa condo niya ay nilapag ko ang purse ko sa sofa niya. Kahit kabisado ko na ang paligid ay iginala ko parin ang tingin ko. Nilapitan ko iyong malaking aquarium niya at pinakain ang mga isdang naroon. "Nandito pala si Nemo..." Nilingon ko si Exe na busy na sa paglalapag ng makakain doon sa mini table. "Ikaw ba yung dentista?" Kumunot ang noo niya at mukhang hindi nagets ang joke ko. Wala ata sa imahe niya ang panonood ng mga ganoong movie. Ang cute kaya! "Come here." tawag niya sa akin kaya nilubayan ko rin iyong mga isda at lumapit doon. Maayos ang pagkakaarrange niya sa mga pagkain. Mula sa platings ay maganda ring tingnan. He's a good cook. Siguro ay balak niyang magchef. Umupo ako sa sofa. Tumabi naman siya sa akin. Siya mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Tapos ako itong nadidistract sa amoy niya, sa imahe niya, sa pagdidikit ng balat namin, sa kabuuan niya. May epekto iyon sa akin. "Try this. This is my specialty." Ngumiti ako sa kanya at kinuha iyong kutsara para tikman ang inihain niya sa akin. Para itong sushi dahil narin sa pagkakaroll niya ng kanin pero iba ang nasa loob. May nalalasahan akong ibang putahe na nagpapaliwanag ng mukha ko. "Ang sarap! Sobra!" Napapalakpak ako na ikinangisi niya. "Hmm... thank you." Ginanahan akong sumubo. Siya naman ay pinapanood ako. Isinabit niya pa ang ilang hibla ng buhok ko sa gilid ng aking tainga. Ayokong madistract doon sa ginawa niya kaya pinahalata ko nalang na masyado akong nag-eenjoy sa pagkain. Nahihilo ako sa titig ni Exe sa akin kaya para madistract siya at makahinga narin ako ng maluwag ay inilapit ko sa kanya ang kutsarang may lamang pagkain para sana subuan ito. "Hindi ka pa kumakain." Ngumuso ako. Dumako ang tingin niya sa labi ko. Nakakahilo ang tingin na iyon lalo na nang hawakan niya ang pisngi ko at inilapit ang sarili niya sa akin. Hindi ko magawang isara ang mga mata ko nang lumapat sa labi ko ang malambot niyang labi. Nanatiling nakaawang iyon at hindi alam kung anong gagawin. Sumasabog sa loob ko ang iba't ibang klase ng sensasyon na nakakabingi pakinggan. Ang unang halik ko... Nang lumayo siya ay naiwan parin ako sa ganoong posisyon. Hawak ko parin iyong kutsara at nakaangat parin sa ere. Para na akong istatwa na kailangan pa atang hulugan ng barya para gumalaw. "May ketchup." sabi niya lang. Sa halip na sumagot ay usinubo ko iyong pagkain na para sana sa kanya. Ibinalik ko ang tingin sa pagkain. Doon ko lang napansin na wala palang ketchup kaya agad na bumalik ang tingin ko sa na ngayon ay nakangisi na. "Sobrang pula kasi ng labi ko. Napagkamalan ko tuloy..." Namula ang pisngi ko. Sinadya niya talaga iyon! Hindi ko alam na ganito pala kasarap mahalikan ng isang lalake. Ganito pala kasarap ang isang halik. Na kahit hindi ka pa sigurado sa estado niyong dalawa ay makokontento ka dahil lamang doon. My memorable first kiss...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD