1

1427 Words
I missed you "Are you sure you're already fine, Denise Shayne?" Halata sa tono ng pananalita ni Mommy ang pag-aalala sa akin. Lalo na ang mapupungay niyang mga matang hindi kumbinsido sa sinasabi kong okay na ako. "Of course Mom! Malakas na nga ako e. Ilang araw kana ring nakaleave sa trabaho mo sa Paris. Nagiging pabigat na ako sayo." Sumimangot ako. Isa siyang sikat na designer doon. Pero dahil sa nangyari sa akin ay napauwi siya nang wala sa oras. "Hon, stop saying that! Mas priority kita higit pa sa kung ano." Binalingan niya si Exe na nakasandal sa may pader at nakahalukipkip, seryoso na naman ang pagmumukha. "Take care of my daughter, please." Tumango si Exe na ikinapula ng pisngi ko. "I will, Madame." Hindi ko na napigilang hindi mapangiti. Ilang months narin ba kami ni Exe pero ganito parin ako kabaliw sa kanya? Pakiramdam ko araw araw ay mas lalong lumalala ang nararamdaman ko para sa kanya. He's a very nice guy. Minsan nagsusungit pero okay lang. Ang swerte ko... Pagkatapos ng mahabang negosasyon kay Mommy ay inihatid rin namin it sa airport. Masaya ako at sa maikling oras ay nakasama ko siya. Gusto niya na akong dalhin sa Paris noon pa pero ako lang itong ayaw. I want to stay here. Masaya ako dito. Lalo na't may rason rin akong manatili. I'm with Exe. "You're late! Ba't ang tagal mo?" Napanguso ako nang lumabas ako ng bahay. I found him outside leaning at his car, looking good with his white v-neck tshirt. Ba't ang suplado na naman ata ng mukha niya? Pinasadahan niya ako ng tingin kaya napatingin narin ako sa sarili ko. Mukha kasing may kung ano sa suot ko ang nagpapairita sa kanya. "Nilalamig ka sa taas tapos naiinitan ka sa baba? Manananggal ka ba?" Iritado niyang puna sa suot ko. Napasinghap ako. "This is fine, baby! Kasi diba sabi mo magsuot ako ng mga desenteng damit... kaya heto, nagloongsleeve ako at nagshort. Fashion ang tawag dito." giit ko. Kaya pala nagsusuplado. "Fashion my butt." Napangiwi ako dahil sa kasupladuhan niya. "I just want to look good..." Paliwanag ko para makumbinsi siya kaso hindi man lang nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. Pakiramdam ko mas lalong tumatalim ang tingin niya sa akin kaya napabuntong nalang ako ng hininga at bigong pumasok ulit sa loob ng bahay para magbihis. Magkapantalon nalang siguro ako. Pumunta rin naman kaming school pagkatapos. Kinuha lang namin ang students profile namin. He's suggesting a new school. Kaya sa halip na magpaenroll sa old school na pinapasukan naming dalawa ay sa ibang school kami magpapaenroll. A new environment for the both of us. I'm excited! Pumila kami ibang estudyanteng magpapaenroll rin. Nasa gilid niya lamang ako habang siya itong seryoso parin ang pagmumukha at nasa harapan lang ang tingin. Napansin ko ang ibang estudyanteng lumilingon sa kanya at naghahagikhikan kaya pasimple kong ikinawit ang kamay ko sa braso niya. Umirap naman iyong mga babae at tinantanan na siyang tingnan. Sanay na ako sa ganyan. Kahit doon sa old school na pinapasukan namin ay may mga nagkakacrush sa kanya. Who wouldn't? He's a good catch. May biglang sumagi sa isip ko. "Umamin ka nga. Kaya ba gusto mong lumipat tayo ng school dahil doon sa lalakeng pinagseselosan mo? Yung panay tingin sa akin? You almost hit him..." I laughed. He lazily glimpse at me. "Sige ipaalala mo pa." Natutop ko ang mga labi ko kahit na sumisilay parin doon ang nanunuya kong ngiti. He's jealous, alright! Iba rin naman kasi makatingin sa akin iyong lalake. Parang minamanyak na ako sa isipan niya. Ayun, nagsumbong ako sa kanya. "Where do you want to go after this?" tanong niya sakin pagkatapos naming magpaenroll. Magkaklase parin kaming dalawa. "Doon parin sa paborito kong kinakainan nating dalawa!" Excited akong napahawak sa braso niya na ikinaigtad nito. Nagtataka kong itinuon ang atensyon ko doon at sinuri kung may sugat ba siya doon kaso wala naman. "Naenjure ako kakabasketball. Kaya medyo masakit." Paliwanag niya na ikinabusangot ng mukha ko. Sobrang hilig niya kasi ang pagbabasketball. "Mag-ingat ka kasi!" "Di na ako uulit. Hindi na ako magbabasketball." Napakurap ako doon. Hindi ko alam kung nagbibiro ba ito o ano. Eh hilig niya iyon! "Seryoso ka?" Tumango siya na ikinakunot ng noo ko. Purket naenjure lang! Ang arte nitong lalakeng ito! "Guess where I'm taking you... Pag nahulaan mo may prize ka sakin." sabi niya nang makapasok kami sa kotse niya at nagsimula siyang magmaneho. Awtomatikong lumiwanag Ang mukha ko. Imbes na abalahin ang sarili sa pagse-seatbelt ay napaharap ako sa kanya ng buo. "Prize? Kiss ba yan?!" Manghang mangha kong sabi. Napangiwi siya. "Hindi. Nagtitipid ako. Ibang prize ang tinutukoy ko." Napasimangot ako. Kailan pa siya natutong tipirin ako! "Gusto ko kiss, kuripot!" Parang bata akong nagdabog dito sa front seat niya. Iyon lang rin naman kasi ang palagi kong hinihingi sa kanya. Umismid siya sa akin. "Ang likot mo babae. Nanggaling ka ba talaga sa disgrasya?" Nagmakefaces lang ako katulad ng ginagawa ko sa kanya sa tuwing naaasar ako sa pagsusungit niya. My word "nyenye" made him groaned. "Parang bata talaga. Hulaan mo na." Naiinip niyang sabi. "Uhm, McDo?" Paborito ko rin naman kasi doon kaya nagbabakasakali nalang ako na baka doon nga. "Sige pa..." "Jollibee? A fine restaurant? Uhm, eat all you can? Kalenderya?" Hindi ko alam kung para saan itong pagpapahula niya. Hindi kaya ay may sorpresa siya sa akin? Doon ko lang nahulaan kung saan niya ako dadalhin nang huminto kami sa paborito kong kainan. "Alam mo naman na hilig ko dito may pa hula hula ka pa talaga." Natawa ako nang pinagbuksan niya ako ng front seat. "Sinosorpresa lang kita. Yung prize mo naghihintay sa loob. Fries." Mas lalo akong natawa. I love fries! "Aww, baby. Ang cute mo mangsurprise! Nasurprise ako!" Halakhak ko saka siya hinalikan ng mabilis sa pisngi. "Thank you!" Iginiya niya ako sa loob. Sanay na akong pinagtitinginan siya ng mga babae. He's a good looking man for Pete's sake! Parang minana niya ang angking kagwapuhan ni Adonis at ganito na lamang kaperpekto ang hitsura niya. Bukod kay Exe, wala na akong kaibigan pa. Hindi naman sa hindi ako nakikipagsocialize sa iba pero iniiwasan ko lang ang mga bagay na maaaring makasakit sa akin. Simula noong namatay si Daddy ay natakot na akong may makaclose. Kahit noon ay inayawan ko itong si Exe. But he's persistent. Pursigido siyang ligawan ako, suyuin. He promised not to hurt me at napatunayan niya naman ang bagay na iyon. He's the kind of guy you'll be proud of for having him in your life. Wala na akong mahihiling pa. Gusto ko lang ay maging healthy ako para mas makasama siya ng matagal. Iyon ang pagsisikapan namin ng puso ko. "Sige na please, dito kana matulog sa bahay." Niyakap ko ang braso niya habang panay galaw galaw. Ang hirap niyang kumbinsihin! "Ang likot mo Shayne." Bahagya niyang itinulak ang noo ko kaso hindi ako nagpaawat. Gusto ko siyang makasama ngayong summer! Tumingala ako sa kanya at ngumuso. "Ba't ba kasi ayaw mo? Pwede namang doon ka sa sofa ka ng kwarto ko. Malaki iyon! Gusto ko lang magmovie-marathon tayo magdamag." "Magcine nalang tayo. May oras pa naman." Tiningnan niya ang suot niyang wristwatch na nagpabusangot ng mukha ko. "Nasa tapat na tayo ng bahay oh! Di mo ba ako namiss? Dalawang buwan akong comatose! Namiss kita." Niyakap ko siya ng mahigpit habang hindi parin inaalis ang tingin ko sa kanya. "Nirerespeto lang kita. Di pa tayo kasal..." He said trailing. "Alam ko naman. Kaso namimiss lang talaga kita!" "Alam mo ba kung anong mangyayari kung nasa iisang kwarto tayo?" Tumaas ang isa niyang kilay. Tumango ako. "Magmomovie-marathon nga tayo diba?" Nailing siya at nahipo ang noo niya. Para siyang nafufustrate sa hindi ko malamang kadahilanan. "You know what I mean..." he said trailing. May iba pa ba siyang ibig sabihin bukod sa gusto kong movie marathon? Napatitig ako sa kanya ng mabuti. Mabilis akong lumapit sa mukha niya para tingnan ito nang malapitan kaso bigla niya nalang hinawakan ang noo ko at itinulak ako. "What the f**k, you're creepy." "Creepy ako?" Sumimangot ako na agad niyang ikinangiwi. "Wag kang nagpapacute. Di ka cute." sabi niya na mas lalo kong ikinabusangot. Napakamapang-asar niya talaga sa akin! "Come on! Namiss kita. Dalawang buwan akong natulog. Hindi mo ba ako namiss? Kasi ako, sobra..." Sumeryoso ang mukha ko na ikinaigting ng panga niya. Hindi ko alam kung anong rason kung ba't ganyan ang reaksyon niya. "I... I missed you too. I missed you, so much." Napakurap ako nang bigla niya nalang akong hinila at niyakap ng mahigpit. Sa sobrang higpit nito ay rinig na rinig ko na ang malakas na pintig ng kanyang puso. "Hayaan mo muna akong yakapin ka nang ganito..." Bulong niya sakin. May kung ano sa tono ng pananalita niya na hindi ko matukoy. Siguro ay namiss niya ako ng sobra. Biruin mo, dalawang buwan akong natulog! Parang nakaligtaan ko narin ang animnapu't dalawang araw sa buhay ko. Dapat nga ay pinuno ko iyon ng alaala namin ni Exe kaso ako itong tulog. Hindi ko talaga maimagine ang sarili niyang naghihintay na sana ay magising na ako. Pinag-alala ko siya nang todo...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD