Chapter 3

1230 Words
Cherry Kinakabahan akong pumasok sa aking opisina. Inaayos ko ang aking gamit at sinisigurado na dala ko lahat ang gagamitin ko sa interview ko kay Jethro. Pagkatapos ng limang taon ay ngayon ko lang ulit makikita ang lalaki. Napaangat ako ng tingin ng may kumatok ng dalawang beses sa nakabukas kong pintuan. Nakita ko ang matalik kong kaibigan na si Fred. "Good morning madam!" Pumasok ito at umupo sa sofa na nakalagay sa opisina nito. "Why are you sweating like pigs early in the morning? Hindi ka ba excited na makikita mo si yummy Jethro Nam?" He fans his right hand on his face. "Paanong hindi ako kakabahan? I will be interviewing Jethro Nam.” Sinara ko ang aking bag at isinukbit ito sa aking balikat. "Kung sabagay, sino ba ang hindi kakabahan sa isang gwapo na tulad niya?” tumayo siya at ipinatong ang dalawa niyang kamay sa balikat ko. “Kaya mo iyan madam.” “O sige na. Mauna na ako at pupuntahan ko pa iyong lalaking iyon." Iniwan ko na si Fred at lumabas ng aking opisina. Inayos kong isinukbit sa aking balikat ang aking shoulder bag na naglalaman ng mga kakailanganin ko sa aking pag-i-interview. Ready na akong harapin ulit ang taong inibig ko ng ilang taong. Sumakay ako sa aking kotse at nagmaneho papunta sa address ni Jethro. Pagdating ko sa tapat ng bahay ni Jethro ay halos mamangha at hindi ako makapaniwalang ganito ito kaluwang. Halos mapanganga ako sa lawak ng pag-aari niya. Napapalibutan ito ng bakal na bar. Bawat poste nito ay may CCTV at may kung anong security pass ang nasa mismong gate niya. Pinindot ko ito at lumabas ang isang keypad. Nakalagay sa display screen niya, ‘Please input your password.’ “You got to be kidding me.” I bite my nails. Wala namang nagsabi sa akin na super advance pala at secured ang pumasok sa bahay ni Jethro. Paano ako papasok dito kung hindi ko alam ang password? Sa inis ko ay magba-back-out na sana ako nang biglang magbukas ang gate ng kanyang bahay. “O—kay,” nagtataka kong sabi sa sarili habang pinapanuod kong bumubukas ang gate ng bahay niya. The whole gate is now open at nag-drive ako papasok. Halos mapapanganga ako sa nakikita ko. Isang diretsong daan ang tinatahak ko at napapalibutan ang buong lugar ng mga puno ng pine trees. Dahan-dahang umusad ang sasakyan ko habang ipinapalibot ko ang aking tingin sa maluwang na ari-arian ni Jethro. Dumako ang aking tingin sa harap at isang bukal ang nakita ko. Sa likuran ng bukal ay isang glass door house ang tumambad sa akin. Ipinarada ko ang kotse ko sa parking lot ng bahay niya at lumabas sa aking sasakyan. "Whoah!" Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng panandaliang pagmamaliit sa aking sarili. Hindi ko alam na ang dating nobyo ay magiging ganito kaasensado. I know that the guy is so damn rich, but I never knew it would be like this. Napahawak ako ng mahigpit sa aking bag at huminga ng malalim. Isang makapal na pinto ang sumalubong sa akin. Nag-alangan akong mag doorbell pero nagpasya akong ituloy ito. Akmang kakatok ako sa pinto nang biglang bumukas ang malaking pinto. Pumasok ako at napanganga ulit sa nakikita. "This house is not acceptable." Malapalasyo ang bahay at may malaking gold chandelier sa gitna ng salas. Ang kulay ng mga kagamitan tulad ng sofa at lamesa ay puti. Puro mamahaling gamit tulad ng vase at paintings. May mga CCTV at hi-tech na kagamitan ang makikita sa mismong salas pa lang. Kung sakaling ganito ang bahay ko ay baka isang buwan bago ko mamemorya ang pasikot-sikot dito. She was busy studying every inch of his house when he heard a very familiar voice. "Welcome to my house, Cherry." Napalingon ako at parang slow motion ang nangyari. Ang payat na lalaki na kilala niya noon ay macho na ngayon. Pointed nose, red kissable lips, hair na tulad ng mga sa korean pop star, ang singkit nitong mga mata at ang malagatas nitong balat. He’s wearing a simple t-shirt at bakat dito ang six pack abs nito. Basa pa ang buhok nito na katatapos lang maligo. He’s wearing maong pants. Para akong nawalan ng hininga sa nakikita ko. This is really happening. "I saw you a while ago.” Natauhan siya ng marinig niya ang boses ng binata. “Akala ko kung sino na iyong bumibisita sa akin." He smiles at me and offers me to take a seat. "T-Thanks," Nauutal na sagot ko. “What do you want to drink? Juice? How about Witching Hour? Iyon pa rin ba ang paborito mo?” alok nito sa akin. May anong naramdaman ako sa aking dibdib nang banggitin nito ang paborito kong wine. Kung ganoon ay naaalala niya pa pala ito? Noong sila pa lang ay palagi siya nitong rineregaluhan ng Witching Hour Red Blend na wine. Pinaghalo kasi ang cherry at vanilla flavor nito. I watch him as he pours some wine in a champagne glass. He slowly strides towards me, and handed me the glass. Umupo siya sa tapat kong sofa at namuo ang katahimikan sa aming dalawa. Magkaharap sila at hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkailang sa paraan ng pagtitig nito sa akin. Iniwas ko ang aking tingin at pinagmasdan ang hawak kong baso. "How are you Cherry?" Umangat ang aking tingin at mataman niya akong pinagmamasdan habang hinihintay ang aking sagot. I cleared my throat. "Ayos lang ako. I-Ikaw?” “I’m doing great. To be honest, I’m shock that I’m seeing you right now,” Seryoso nitong tugon. Halos mapalunok ako sa kabang nararamdaman ko ngayon. My hands are sweating, and my throat is dry. Napahawak ako ng mahigpit sa basong hawak ko at napainom ng wala sa oras. Halos maubos ko ang laman ng baso. “Uhm…” simula ko. “Nandito ako dahil kailangan kitang kapanayamin. This is for the bachelor’s magazine. Lahat ng sagot mo ay lalabas sa bago naming issue na magazine this month." "Right.” Napatungo siya at umupo ng maayos. “Okay," Simpleng sagot nito at linabas ko ang recorder ko para makapagsimula na kami. Naging maganda naman ang pakikipanayam ko kay Jethro. Noong una ay talagang kinakabahan ako pero nang lumaon ay nawala ito. Hindi lang ako mapakali dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Hindi niya inalis ang tingin niya sa akin sa buong pakikipanayam ko sa kanya. “Huling tanong, what is your biggest joy in your life?” Tinitigan niya ako saglit bago ito sinagot. “I just met someone whom I’ve been waiting for years.” “Do you mind if I ask who that person is?” He looks at his watch. “I guess that’s it. Sorry, but I need to go to work.” Tumayo na siya at napakurap-kurap ako. May girlfriend na ba siya? Tinigil ko ang pagre-record at linagay sa aking bag ang recorder. Bigo akong malaman kung sino ang tinutukoy niya. Tumayo ako at sinukbit ang aking bag. “Cherry, it’s nice seeing you again. May I get a calling card from your company? Gusto ko lang makita ang magiging magazine niyo for this month.” "Oh, here." Bigay ko sa kanya ng aking calling card. “Thanks for answering all the questions.” “Walang anuman.” He opened the door. Bago ako lumabas ay napangiti ako sa kanya. “See you soon.” He winks at me. Pagsakay ko sa aking kotse ay doon ko lang pinakawalan ang lahat ng mga pinipigilan kong emosyon. Napahawak ako ng mahigpit sa manibela ng aking sasakyan at pinatong ang aking ulo. Magkakaroon ako ng sakit sa puso nito. I started my car and went back to my office. What a thrilling experience?! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD