Chapter 1
Cherry
Nasa puntod ako ngayon ng aking mga magulang at nakaupo sa damuhan habang kinakausap sila. Death anniversary ng aking ama ngayon. Nauna nang pumanaw ang aking ina dahil sa sakit na cancer habang ang aking ama ay nakitang patay sa tinitirhan nitong apartment. Limang taon na ang nakalilipas simula nang mawala ang aking ama, pero pakiramdam ko parang kahapon lang nangyari ang lahat.
"Kumusta ka na po ‘Tay? It’s been five years since you left me." I started to cry as I caress his gravestone. "Hanggang ngayon hindi pa rin kita nabibigyan ng hustisya sa pagkamatay mo at nalulungkot ako. Pangako ‘Tay sa susunod na pagbalik ko dito naipaghiganti na kita sa taong umapi at pumatay sa iyo."
Tumayo ako sabay pinahid ang aking luha sa aking mga mata sabay talikod at lumakad pabalik sa aking sasakyan. My name is Cherry Borja, and I am a manager and a writer for a bachelor’s magazine.
Minaneho ko ang aking sasakyan papunta sa aking trabaho. Pagdating ko sa opisina ay agad akong sinalubong ni Fred, ang aking baklang assistant, at isa sa mga malalapit niyang kaibigan. Pagkakita niya sa akin ay napatalon siya at mukhang excited ito.
"Ma'am Cherry!” sigaw niya sa matinis na boses.
Pinalo ko siya para manahimik siya kakasigaw. “Tsk! Ang aga-aga sinisira mo ang eardrum ko.”
“Ma’am Cherry, I’m so excited, and I just can’t hide it! Pak!” kanta niya sabay sayaw at may pakumpas-kumpas pa ng kanyang mga kamay. “May bago ka raw pong project ngayon sabi ni Mother. Hulaan mo kung ano? Dali!" Nagtatatalon pa ito na parang nanalo sa isang contest. Mother ang tawag namin sa pinaka-boss namin na siyang nagbibigay ng projects namin.
Pinaikot ko ang aking mga mata. "Fred alam mo naman na hindi ako magaling sa panghuhula. Hindi ako anak ni Madame Auring,"
I went inside my office as he followed me inside.
"Ay! Ang aga-aga nagsusungit ka nanaman.” He closes the door and sat at the client’s chair. “Ano iyan may pinagdadaanan ka ba? Hulaan ko may AIDS ka na noh kasi hanggang ngayon virgin ka pa."
Binato ko siya ng papel na nakita ko sa aking lamesa.
"Tse! Manahimik ka nga! Kailan pa nagkaroon ng sakit na AIDS ang pagiging virgin aber?!"
"Bakit sa pakikipagtalik lang ba nakukuha? Malay ko ba kung gabi-gabi kang nakikipag chuk-chuk itey sa mga gwapings." Sabay flip ng imaginary long hair niya.
"Ewan ko sa iyo ang gulo mong kausap. Ano na iyong project ko dali! Linilihis mo pa eh. Ang dami mong satsat." Inayos ko ang mga gamit ko sabay bukas ng aking laptop.
"Ito na nga." Binuksan niya ang tablet na hawak niya at ipinakita sa akin. "Ayan, sabi ni Mother ikaw daw ang mag-interview sa isang mayaman na bachelor. Ano na ulit iyong pangalan? Ay! Jethro Nam daw."
Napatigil ako sa ginagawa at halos magpanting ang tenga ko sa narinig. Patuloy lang na nagsasalita ang kaibigan habang ako ay napalunok lang ng aking laway.
"Sabi ni Mother alamin mo raw lahat ng tungkol sa kanya. Napaka-mysterious daw kasi ng lalaking iyon kaya interesado si Mother sa kanya.” Sabay patong ng kanyang kamay sa kanyang pisngi.
“Pero bakit ako ang gagawa? May mga iba naman na pwedeng kapanayamin siya,” Naiinis kong tanong kay Fred. Kung sakaling malaman ni Fred na dati kong nobyo si Jethro, sigurado ako hindi niya ako titigilan sa katatanong.
“Hindi ko alam. Iyon ang utos ni Mother e. Sundin mo na lang. Isa pa, you will have the privilege to know him more. Ay! Naiihi ako sa kilig. Alam mo sinearch ko siya. Grabe ang yummy niya! Kahit papakin ng paulit-ulit hindi nakasasawa." Natawa naman ako sa tinuran niya.
I rolled my eyes at him. "Gaga! Hindi pumapatol iyon sa bakla."
Napasinghap ang kaibigan at umakto na parang nasaktan. "FYI isa akong dilag na hinugot sa tadyang ng isang baklang anghel kaya ganito ako kaganda. Nagkataon lang na napunta ako sa katawan ng lalaki pero lilipat ako akala mo. I will transform! Hmp!" Sabay tayo.
Bago lumabas ito ay dumila sa akin at nagdadabog na lumabas ng aking opisina. Tinawanan na lamang niya ang kaibigan. Nagtipa ako sa aking laptop at hinanap ang pangalan ng binata sa Google. Maraming lumabas na article tungkol sa kanya. I double click one of his pictures and smile as I look at his face. It’s been five years since I last saw him. Hindi naging maayos ang paghihiwalay namin. I told him I wanted to break-up dahil pakiramdam ko ay masyadong mabilis ang naging relasyon namin. Noong mga panahong namatay ang aking ama ay wala ako sa tabi nito dahil palagi akong nasa piling ni Jethro. I blamed myself for that. The guilt for the death of my father ate me. I broke up with him without explaining him the real reason why.
I caress the picture that is in front of me. Kumusta na kaya siya? May girlfriend na kaya siya? He still looks the same, but a little bit mature. Those squinty eyes that shine every time he stares at me, that glossy hair that I always run my fingers to, that small refined nose that I always pinch before, and those lips that makes my legs jell-o. It makes me bite my lower lip unconsciously that’s why I closed my laptop.
Hindi ko alam pero nae-excite ako bigla dahil makikita ko siya ulit. Maaaring blessing in disguise ito para sa akin. Inihiga ko ang aking ulo sa aking upuan at huminga ng malalim.
"Jethro Nam," bulong ko sa pangalan niya.
Tinawagan ko si Princess. Si Princess ang asawa ni Jordan Muzada. I met her at a fast-food chain before at naging instant kaming magkaibigan. I immediately told her about everything, even though we just met. Maybe, I know that I can trust her. Siya lang ang nakakaalam na may gusto pa rin ako kay Jethro at ex ko ito.
"Hello!" masayang bati nito. "Hello, Cherry. ‘Musta ka na? Ngayon ka lang ulit napatawag ah?"
"Ayos lang ako. Hey, guess what?" I played with the ballpen on my table as I talk with Princess.
"What?"
"I will be interviewing him."
“Interviewing who?” tanong nito as I bit my nails on my thumb.
“Jethro.” I pouted.
"Oh, eh bakit para ka namang binagsakan ng langit at lupa? Ayaw mo ba siyang makita?"
I blew a loud breath. “Hindi naman sa ganoon. It’s just that, what am I going to say to him?”
“Cherry, interview ang gagawin mo. Hindi ka pupunta doon para maki-tsismis. Gets mo?” sarkastikong sabi niya.
"But—"
"Cherry kung ayaw mo naman siyang makita, eh di huwag kang pumunta. You are the boss, remember?"
I grunted at napasandal sa aking upuan.
"Anyway, bahala ka na girl. Kung ako sa iyo, pumunta ka na lang para manahimik na iyang kaluluwa mo. I saw him the other day, and he looks hot. Mukha naman siyang magaling sa performance. I think he can satisfy you." She giggled.
Hindi ako makapaniwalang napatingin sa phone ko. “Naging asawa ka lang ni Jordan pati utak mo naging manyak na.” She laughed.
"I love my husband. Magiging ganyan ka rin akala mo. Sige na girl. I need to go. Umiiyak ulit si Emerallde e," paalam nito at narinig ko na umiiyak ang anak nito.
"Okay. Give my kisses to her."
“Sure, pero mas maganda kung ibigay mo iyan kay Jethro.”
“Princess!” sita ko sa kanya at tumawa lang siya sabay patay sa tawag.
I blew a loud breath. Naalala niya nanaman ang dating kasintahan. Wala na siyang nagawa at tinapon na lang ang cellphone niya sa kanyang drawer. I can do this! Sigaw niya sa kanyang sarili sabay bumalik sa pagtra-trabaho.