Chapter 4

1037 Words
Cherry Pagdating ko sa aking opisina ay nasapo ko ang aking noo at dibdib. Ibinagsak ko ang aking bag sa sahig at kinagat ang aking hinlalaki habang lumalakad ng kanan at kaliwa. Nagulat pa ako ng tawagin ni Fred ang atensyon ko. “Fred! Geez…aatakihin ako sa iyo.” Sita ko sa kanya at tinaasan niya lang ako ng kilay. Humalukipkip siya sabay sandal sa pinto ng aking opisina. “Excuse me! Kanina pa kayo ako nakatayo rito. Kanina ko pa tinatawag iyong pangalan mo pero para kang nakakita ng multo.” Umayos siya ng tayo. “Kumusta ang interview mo kay Jethro? You look pale.” I sighed in defeat and sat on my chair. Hindi ako nagsalita kahit na kinulit ako ni Fred. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na halos mamatay ako ng kaba nang makita ang dati kong nobyo. I am like a clam that stays shut in my shell every time I see him. Ganoon ang epekto niya sa akin noon at mas lalo pang lumala ngayon. Kumuha ako ng tubig sa water dispenser na nasa aking opisina at uminom. “Madam?” napalingon ako kay Fred. “Fred, naramdaman mo na ba iyong para kang aatakihin sa puso dahil lang sa isang tao?” Napasinghap siya at napatakip sa kanyang bibig. “Oh, my gulay! Totoo nga madam! Yummy ba si Jethro? Ang swerte mo naman madam! Kung ako siguro ang nasa lugar mo ngayon madam, hindi lang atake sa puso ang mangyayari sa akin. Unending orgasm!” I look at him disgustingly. “Yuck! Kadiri ka Fred. Tse! Hindi ako katulad mo.” “Weh?! Aminin mo madam. Noong nakita mo siya naiimagine mo siyang nakahubad sa kama. Ayie! Mag-celebrate tayo madam kasi malapit mo nang isuko iyang bataan mo.” Asar niya sa akin. Pinitik ko ang tenga niya sabay palo. “Manahimik ka! Tatamaan ka sa akin.” Hinawakan niya ang tenga niya sabay irap sa akin. “Aray! Madam hindi mo ba alam na precious iyang tenga ko? Iyan ang dinidilaan ng mga gwapings para ma-arouse ako. Ang harsh mo ha?” “Lumabas ka nga rito! Puro kabaklaan at kalaswaan naririnig ko sa bunganga mo.” Hinabol ko siya ng payong. Tumatawa siyang tumakbo palabas ng aking opisina. Lumipas ang ilang araw at nailabas na ang magazine of the month namin kung saan tampok dito si Jethro. Mukha niya pa ang nakalagay sa cover page. May mga ilang samples ng magazine na nakalagay sa ibabaw ng aking mesa. Kumuha ako ng isa at pinagmasdan ang mukha niya. “Alam mo kasalanan mo kung bakit ako biglang atakihin sa puso e.” turo ko sa kanyang mukha. “Bakit ba kasi ang gwapo mo?” Napaangat ako ng tingin nang kumatok ang isang empleyado ko sa aking pinto. Binuksan niya ito at tanging ulo niya lang ang nakasilip dito. “Yes, Annie?” sabay ibinalik ko ang hawak kong magazine. “Ma’am may bisita ho kayo. Papasukin ko ho ba?” tanong niya. Tumango na lang ako sa pag-aakala na isa itong customer. Binawi ni Annie ang kanyang ulo sabay sara sa aking pinto at may kinausap ito. Mahina lang ang mga boses pero alam ko na lalaki ang kausap niya. Narinig ko ang papaalis na yabag ni Annie. Dahan-dahang pumihit ang busol ng aking pinto. Napalunok ako nang bumukas ito at tumambad sa aking pintuan ang bulto ni Jethro. Napasinghap ako at halos lumaki ang aking mga mata nang makita ko siya. “J-Jethro…” naestatwa ako sa aking upuan. “Hello, Cherry. Sorry if I came uninvited. I tried calling your phone, but you were not answering.” He smiled at me. Nanatili lang akong nakatulala sa kanya. “Cherry?” pukaw niya sa akin at napakurap-kurap ako. “Oh, yes.” I cleared my throat. “Upo ka muna.” Alok ko sa kanya. “Pasensya ka na kung hindi ko nasagot iyong mga tawag mo. Super busy dahil ilinabas namin ngayon iyong new issue ng magazine.” Umupo siya sa upuan na nasa harapan ng aking lamesa. “Ito ba iyon?” tanong niya sabay kuha ng isang sample ng magazine sa ibabaw ng aking mesa. Tumango ako. “Uhm, anong gingagawa mo rito?” lakas-loob na tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin sabay buklat ng magazine. “Kukuha sana ako ng sample ng magazine. Remember when you interviewed me? I told you I want a copy. Kaso hindi kita ma-contact kaya pinuntahan na lang kita rito. Hope you don’t mind.” “It’s okay. Pwede mo nang kunin iyang hawak mo. It’s for free dahil ikaw naman ang star diyan.” He continued to check every page of the magazine. Napakagat ako ng aking labi habang pinagmamasdan siya. Naalala ko tuloy iyong sinasabi ni Fred sa akin noong isang araw. Minsan ko lang nakita na nakahubad si Jethro. Iyon ay noong nag-night swimming kami sa Asin sa La Union at inalis niya lahat ng damit niya. Hanggang foreplay lang kami noon at never umabot sa pakikipagtalik. ‘Di ko maiwasan pagdikitin ang aking mga hita tuwing naaalala ko iyon. “You looked flushed. May dinaramdam ka ba?” tanong niya at may mapang-asar na ngiti sa kanyang mga labi. Pinaningkitan ko siya ng aking mga mata. He’s teasing me. Alam niya na nakatitig ako sa kanya. “I’m fine.” “Do you have some free time later?” tanong niya sabay sara ng magazine. “Ha? Free time? Lunch time lang,” sagot ko. “Good. Babalik ako mamaya para sunduin ka. Let’s have lunch outside. My treat.” Tumayo siya at akmang aalis ng aking opisina. Medyo hindi kaagad nag-process iyong utak ko. Napatayo ako at sinundan siya. “Teka!” tumigil siya at humarap sa akin. “Are you asking me on a date?” tanong ko. Asumera na kung asumera. Ngumisi siya at humakbang palapit sa akin. “Yes.” “Bakit?” tanong ko sa kanya. “Masama bang ayain ko sa date ang dati kong nobya?” napasimangot ako sabay tungo. Hindi naman niya kailangan ipamukha sa akin ang bagay na iyon. Alam ko naman na ako ang nakipaghiwalay sa kanya. Naramdaman ko na linagay niya sa ilalim ng aking baba ang kanyang daliri sabay angat sa aking mukha. Nagsalubong ang aming mga mata at halos mawala lahat ang hangin sa aking katawan nang makita ko kung gaano siya kalapit. He stares at my lips as I felt his breathe fanning on my face. Hahalikan ba niya ako? Linapit pa niya ang kanyang mukha at napapikit na lang ako. “See you later, baby,” rinig kong sabi niya. Pagmulat ko ng aking mga mata ay wala na siya sa aking harapan. Napakurap-kurap ako at hindi makapaniwalang ginawa niya iyon. I stomp my feet. Paasa! Bwisit ka!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD