Chapter 2

1104 Words
Jethro "Dude, itigil mo na nga iyang kababasa mo.” Sita ni Earl sa akin at ibinaba ko ang binabasa kong libro. Nandito kami ngayon sa isang bar kasama ang aking mga kaibigan. “It’s our boy’s night out. Kahit ngayon lang uminom ka naman." Alok ni Earl sa akin pero umiling ako. Kababalik niya lang galing Italy last night, and as usual saka lang naman madalas nabubuo ang barkada kapag nandyan siya. Isa siyang makulit na nilalang na magaling magpalibre tuwing nandito siya. "Busy, busy ah dude. Tama na iyan. Come join us. Total nandito si Earl manlilibre raw siya ngayon." Mapang-asar na tawa naman ni Justine sabay tungga ng shot niya ng brandy. "Anong ako? Hindi kaya! Si Jethro kaya ang manlilibre." Nguso ni Earl sa akin. Napailing na lang ako at natutuwa na kompleto silang lahat. Binalik ko ang aking mga mata sa pagbabasa, pero iyong utak ko hindi makapag-concentrate. Pinagmamasdan niya ang mga kaibigan na nagtatawanan at naglolokohan samantalang siya nasa isang sulok at nagbabasa ng libro. Kahit iyong mga may asawa ay nandito rin. Buti nga pinayagan sila ng kani-kanilang asawa. Sa aming magka-kaibigan ako ang pinaka-seryoso at tahimik. Dati noong hindi ko pa nakikilala ang mga kaibigan ko ay isa akong loner. Palagi akong pinagdidiskitahan noon ng aking mga kaklase dahil sa angking katalinuhan ko. I always get a perfect score in my exams, and I correct my teachers sometimes. Lalo na kung mali ang tinuturo nila. Noong makilala ko ang mga tukmol kong kaibigan, akala ko magiging ganoon din ang turing nila sa akin. I was wrong. They always ask for my help, and they encourage me to make my own business. They gave me a nickname. Security genius daw. Kaya nagtayo ako ng isang kompanya na magagamit ko ang talino ko. "Hoy, Aeros! Bigyan niyo nga ng girlfriend itong si Jethro para naman tumino." Turo sa akin ni Keith. "Baka sakaling matuto rin siyang maglasing kapag may girlfriend na siya." Nagtawanan ang mga kaibigan niya. I drink but not to the point that I will get drunk. Baliw din itong mga kaibigan niya e. I am busy watching them make jokes about me when Jordan sits beside me. "So, kumusta ka na?” he bumps fist with me as I close the book that I’m reading. “Still the same. You? How’s the life of being a father?” napangisi siya.  “Awesome." Sabay abot sa kanya ng bote ng beer na tinanggap niya at ininom. “Princess is great. Never akong nagsisi na siya ang pinakasalan ko.” I can see pure happiness in his eyes. “What the hell?” napailing ako. “Never in my life that I would hear that from you. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ang isang playboy na tulad mo ay lalagay sa tahimik.” "Well, you know what they say, ‘Love moves in mysterious ways’." Napapailing akong napatingin sa kanya. "Yow!" pumagitna si Justine sa amin sabay akbay sa aming dalawa ni Jordan. "Muzada, what’s up? Ikaw kailan ka lalagay sa tahimik?" tanong ni Jordan sa kanya. He scoffs. “Masyado pang maaga para mamatay ako.” Napakunot ang noo ko sa sagot niya. “Kasal ang tinutukoy niya Muzada. Hindi burol mo.” “Tsk! Huwag buhay ko ang pag-usapan natin.” Kinuha niya ang bote ng beer na iniinom ko at uminom siya dito. “Kailan ka ikakasal? Akala ko ba magkakatuluyan kayo ng dating nobya mo?” Natahimik ako sa tanong ni Justine. They know about my ex-girlfriend before. Siya ang unang pag-ibig ko at akala ko ay siya rin ang huli. One day, she broke up with me without explaining why. Pagkatapos niyang makipag hiwalay sa akin ay wala na akong balita sa kanya. Bigla na lang siyang nawala sa buhay ko. "Sino? Si Cherry? Come on dude, it’s been years. Are you still thinking about what happened that day? Iyon ba ang rason kung bakit ayaw mong buksan iyang puso mo sa iba?" Jordan said. Hindi ako umimik at nanatiling tahimik lang. "It’s been five years Jethro. Move on. Alam mo sa sarili mo na wala kang kasalanan. She was the one who broke up with you," Justine said. Kumuha ako ulit ng isang bote ng beer. "Madaling sabihin dude. I mean it’s been five years, but I felt like it just happened. Hindi ko na siya nakita pagkatapos naming maghiwalay." I drink as they look at me with pity. "Acting police ka ‘di ba? Bakit hindi mo siya hanapin? Madali na lang iyon sa iyo." Gulo ni Jusitne sa buhok ko. "Sana nga ganoon lang kadali Justine. We didn’t have any communication at all for the past five years. What makes you think na gusto niya akong makita?” mapakla kong sagot sa kanila. "I may sound gay, but destiny will find its way for you two. I experienced it and look at me now. Happily married with my two princesses." Masayang turo ni Jordan sa sarili niya. Tumayo na ang mga kaibigan at iniwan siya. He chuckled in dismay at inubos ang beer na hawak niya. Tumayo siya at lumakad palabas ng bar. "Ui Jethro! Where the hell are you going?" Rinig niya pang tanong sa kanya ni Jordan. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Sumakay na siya sa sasakyan niyang ferrari at nag-drive pauwi. Pagdating ko sa bahay ay nakita ko ang aking ama na tahimik na kumakain sa hapag-kainan. Owen Nam, he’s pure Korean at nakapag-asawa ng Pilipina. My father, who was an inspector, had an accident and became crippled. Sinabi ng doctor na nadurog ang buto nito sa binti niya kaya hindi na ito makalalakad pa. Pwede naman itong gumamit daw ng prosthetics, pero inayawan niya. Naging malumbay ang ama ng ilang taon at nagkulong sa kanyang kwarto. Kamakailan lang noong magsalita ulit ito at nakauusap na niya ito ng maayos. “Hey, Dad. I’m home,” Bati ko sa kanya at napalingon siya sa akin. “Welcome home, son.” He smiled at me at kapansin-pansin na ang pagiging masayahin niya. “Hatinggabi na. Bakit ngayon lang kayo kumakain?” Lumapit ako rito at ilinigpit ang mga pinagkainan niya. He just finished eating. “Tapos na akong kumain pero nagutom lang ako ulit. How’s work?” uminom ito ng tubig. “Fine.” Lumapit ako sa kanya at pumunta sa kanyang likuran at itinulak ang kanyang wheelchair. “You should rest. Ihahatid na kita sa kwarto niyo.” Pagkatapos kong pahigain ang aking ama sa kanyang kwarto ay pinatay ko ang lamp shade na nasa tabi ng kama niya at sinara ang pinto. I went upstairs and went inside my room. Pagod akong napahiga sa kama ko. Pagtingin ko sa cellphone ko ay may text galing kay Jordan. ‘Hinahanap ka ni Earl. Iyong libre mo raw sa kanya.’ Tinapon ko ito at tumalbog itong nahulog mula sa aking kama. Tinakpan ko ang aking mata gamit ang aking braso. I slowly succumb into my sleepiness.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD