Chapter 5

1096 Words
Cherry Pagdating ng lunch time ay tinupad nga ni Jethro ang sinabi niya na susunduin niya ako para sabay kaming kumain ng lunch. Nakatanggap ako ng text galing sa kanya na nasa labas na siya at hinihintay ako. Iniwan ko na iyong bag ko at tanging wallet ko lang ang kinuha ko. Gusto kong mainis sa ginawa niya kanina pero hindi ko magawa. Was I expecting him to really kiss me? Hindi ko naman itatanggi na mahal ko pa rin siya. Kung hindi lang namatay ang aking ama baka hanggang ngayon ay kami pa. Pero sabi niya nakita na niya iyong hinihintay niya ng matagal. Ibig sabihin may nobya na siya. Paglabas ko sa gusali ay nakita ko siyang nakasandal sa kanyang kotse. Nakapamulsa siya at naka-park pa talaga siya sa mismong gitna ng daan. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga tao dahil agaw pansin ang kanyang balat na sobrang puti sabay ang gwapo pa niya. Oo gwapo siya sa paningin ko at hindi ko ikakaila iyon. Nang makita niya ako ay agad na sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at agad naman akong sumakay dito. Umikot siya at sumakay sa may driver’s side. I put on my seatbelt as he started to drive. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa isang sikat na restaurant. Ang Zaya Restaurant. “D-dito tayo kakain?” tanong ko nang makababa kami ng kanyang sasakyan. “Yup!” hinila niya ako at pumasok na kami sa resto. Pagpasok ay agad kaming sinalubong ng host. “Good afternoon, Sir Jethro.” Bati nito sabay yuko. “Good afternoon. I have a reservation for two people,” Sagot niya at napansin ko na hindi niya pa binibitawan ang aking kamay. “This way sir.” Iginiya kami ng host sa second floor at may gate pa ito. May nakalagay ditong VIP at nahihiya akong pumasok dahil pinagtitinginan kami ng mga tao. Pag-upo namin ay binigyan kami ng menu ng isang waiter at nanatiling nakatayo ito sa tabi ng aming lamesa. “I will take two grilled lamb chops, two pan seared scallops and two sticky pudding. Oh, and one bottle of Witching Hour Red Blend.” Order ni Jethro sabay bigay ng menu sa waiter. I look around the restaurant at namangha ako sa mga nakasabit na chandeliers. Mukhang mamahalin at ang gaganda pa. Pati utensils at mga kagamitan na nasa lamesa mukhang bawat isa mahal ang halaga. Nasubukan ko namang kumain sa isang restaurant pero hindi ganito kagara. This is for elites. “It’s been five years.” Simula ni Jethro at napatingin ako sa kanya. “Musta naman ang trabaho mo sa isang bachelor’s magazine?” “Ayos lang. Nakakapagod kasi palaging busy lalo na kapag may bagong issue na linalabas.” Tumango siya. “Ilang years ka nang nandito sa Baguio?” sunod na tanong niya. “Uhm, hindi naman ako umalis ng Baguio.” “I see. I never saw you after you broke up with me. Akala ko tuloy umalis ka ng Baguio.” Dire-diretsong sabi niya. Nahihiya akong tumingin sa kanya. How can I explain to him about what happened? Kaya niya ba ako yinayang mag-date para gantihan ako? “Cherry…” tawag niya sa pangalan ko at napaangat ang tingin ko sa gwapo niyang mukha. “Yes?” tanong ko. Ibubuka niya sana ang bibig niya nang dumating ang pagkain namin. I mouthed the word ‘Wow’ sa ganda ng mga pagkaing nakikita ko. Gusto ko tuloy picturan. We started to eat in silence. Hanggang sa matapos namin ang main meal namin ay walang nagsalita sa amin. Sumubo ako ng sticky pudding at umungol ako sa sarap ng pagkain. “Glad you are enjoying your food,” he said while smiling at me. Masaya kong kinain iyong pudding hanggang sa naubos ko ito. Napasimangot ako nang maubos ko ito. Nakita ko na hindi pa nagagalaw ni Jethro iyong sa kanya. Napansin niya yata na tinititigan ko iyong pudding kasi tinulak niya papunta sa akin ito. Napatingin ako sa kanya. “Go ahead. Hindi naman ako masyado sa matamis.” Alok niya. “I know you love sweets. Alam ko na kulang ang isang pudding sa iyo kaya sinadya ko talaga na umorder ng dalawa,” he said. Kinilig ako sa narinig ko. Naaalala niya pa pala na mahilig ako sa matamis. Maybe, it’s unfair for him not to know the reason why I broke up with him. Sa tingin ko dapat lang na ipaliwanag ko sa kanya ang lahat. Binaba ko ang kutsarang hawak ko at tumingin sa kanya ng diretso. “What’s wrong? Ayaw mo na ba?” tanong niya at huminga ako ng malalim. “Jethro, I’m sorry for breaking up with you.” Simula ko at nanatili siyang tahimik. He’s waiting for my explanation. “I don’t want to, but I don’t have any choice at that time.” “What do you mean?” kunot-noong tanong niya. “The day I broke up with you, it’s also the same day my father died.” I look at his reaction, and I saw a little bit of shock. “You mean si Sir Anton?” tumango ako. “I’m sorry. I didn’t know. Anong nangyari sa kanya?” “Pinatay si Papa.” Simula ko at iniiwasan kong huwag maiyak pero may tumulo pa ring luha sa aking mga mata. “Nakita siyang walang buhay sa apartment na tinitirhan niya at hindi malaman ng mga pulis kung ano ang dahilan ng pagpatay sa kanya. Hindi nila kilala kung sino ang gumawa.” Bumuhos ang luha ko nang maalala ko ang itsura ng aking ama noong nakita nila itong wala nang buhay. Tumabi si Jethro sa akin at pinahid ang luha ko. “I’m sorry. I didn’t know you were suffering for this long.” Umiling ako. “Okay lang. Hindi mo naman alam dahil hindi ko sinabi sa iyo. Noong mga panahong namatay si Papa sinisi ko ang sarili ko. Pakiramdam ko hindi ako naging mabuting anak. Pinahanap ko ang pumatay sa aking ama pero hanggang ngayon wala pa ring balita sa akin ang pulis. I hired a Private Investigator, but he also gave up. I promise into his grave that I will find his killer.” Jethro cups my face and looks directly into my eyes. “Cherry, let me help you.” “What? Pero—” “Ilang taon na rin ang lumipas pero isa na akong pulis ngayon. Hindi opisyal pero kahit papaano ay may ideya ako.” Nabuhayan ako ng pag-asa sa alok ni Jethro. Maaaring matulungan ako ni Jethro. “Okay.” “You are welcome. Kapag nahanap ko ang pumatay sa tatay mo dapat may reward ako.” Naghihinalang napatingin ako sa kanya. Bakit pakiramdam ko parang may binabalak siya? “Tulad naman ng ano?” Nagkibit-balikat siya. “I don’t know. I’ll think about it,” sagot niya at may nakakalokong ngiti. Ngumuso ako at tinawanan niya lang ako. Nag-bill out na siya at binayaran ang kinain namin. Hinatid niya ako sa opisina at sinabing sisimulan nang magtrabaho sa kaso ng aking ama. Tatawag na lamang daw siya oras na may malaman siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD