CHAPTER 7 - I WANT YOU BACK

1519 Words
"Ano ba 'yon?" Niyakap ko ang sarili ko habang nakaupo kami sa harapan ng malaking fountain sa park. Kanina pa siya tahimik na para bang malalim ang iniisip. "Ayaw mo na ba talaga sa akin?" Biglang harap niya na ikinalayo ko nang konti. "Ano bang nagawa kong mali para iwasan mo ko?" "Stephen." "Hindi, Lory. Seryosohin mo naman ako ngayon," galit niyang saad. "Bakit ba kasi pinagpipilitan mo pa 'yung sarili mo sa akin? Sinaktan na kita dati. Hindi ka pa ba nadala?" "Sinabi ko na sa 'yong wala akong pakialam do'n. Kahit ilang beses mo kong saktan. Tatanggapin ko basta't balikan mo lang ako." Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Nagmamakaawa na siya ngayon at biglang hinang-hinang lumuhod pa sa harapan ko. Nagulat ako kaya naman napatingin ako sa paligid. "Tumayo ka diyan," mahina kong angal. Ngunit hindi niya ko pinansin. Hinawakan niya nang mahigpit ang dalawang kamay ko at tumitig sa akin nang seryoso. "Mahal na mahal talaga kita. Para na kong tanga, Lory. Ayoko na ng ganitong pakiramdam. Ayoko na ng ganito." Umiyak na siya kaya natulala ako. Bigla kong naalala ang sarili ko sa kanya. Kung paano ko dati magmakaawa para mahalin ako ni Raf, para maging maayos ang pagsasama namin. "Please, Lory." Niyakap ko na siya at sinabayan sa pag-iyak. Ramdam na ramdam ko ngayon ang sakit pero natatakot akong masaktan ko siya ulit tulad ng dati. Natatakot akong balikan ko siya dahil lang parehas kami ng nararamdaman sa mga oras na 'to. Nagmamakaawa siya dahil mahal niya ko, samantalang ako naman ay umiiyak dahil ganyan din ako kay Raf. "Magsimula ulit tayo." Hinalikan niya ang kamay ko habang lumuluha pa ring nakatingin sa akin. "Stephen..." "Alam kong mahal mo pa rin si Raf. Tanggap ko 'yon dahil nagsama kayo ng limang taon pero, kung bibigyan mo ko ng chance. Ipapakita ko sa'yo na mas kamahal-mahal ako, Lory." Talo na ko. Marahan akong pumikit at kinalma ang sarili bago siya sagutin. "Hindi kita pipilitin na sumagot ngayon." Nagulat ako noong tumayo siya at pinilit na ngumiti sa harapan ko. "Liligawan ulit kita tulad ng ginawa ko dati. Babawiin ko kung ano ang dapat ay sa akin." Tinuro niya ang puso ko saka ko hinalikan nang malambing sa nuo. Nadudurog ang puso ko sa ngiti niya. Nakakakonsensya na parang gusto ko nang mawala sa mga oras na 'to. Hinayaan ko siyang ihatid ako sa bahay. Tulala akong napatigil nang makitang naghihintay sa tapat ng pinto ko si Kyle. Taka rin siyang tumingin sa akin at taas kilay na binalingan ng tingin si Stephen. "Engineer Salvez," gulat niyang bati. Nakangiting lumapit din si Stephen at nakipag-apir sa kanya. "Magkakilala kayo?" tanong ko. Sabay silang lumingon sa akin habang tumatango. Inakbayan siya ni Stephen sabay sabing, "kabarkada ko siya noong highschool." "Noon lang?" Kunyaring pagtatampo ni Kyle. "Hanggang ngayon ba?" biro naman ng isa. "Ikaw talaga, wala kang pinagbago." Nakatawang tapik sa kanya ni Kyle. "Bakit magkasama kayo?" Baling niyang bigla sa akin. Napatingin agad ako kay Stephen, hindi ko alam kung anong isasagot. Kaibigan ba? Ex? Manliligaw? "Bawal bang ihatid ko siya dito dahil gabi na?" Si Stephen ang sumagot. "Hindi mo naman siya nililigawan, 'no? Kasi hindi ako papayag," pabiro niyang sabi sabay halukipkip. "At bakit?" "Kasi ako ang nauna." Mabilis na nilingon ako ni Stephen. Umiwas agad ako ng tingin at mas lumakas pa ang t***k ng puso. "Wow, nililigawan mo siya?" sarkastikong tanong ni Stephen at tumango naman si Kyle nang nakangiti. "Bawal na, sa akin na siya." Bigla niyang hila sa akin. Takang tumingin sa amin si Kyle kaya nagsalita na ko. "Ex-boyfriend ko siya." "Ah." Tumango-tango siya. "Ex pero soon to be husband." Pakikipagtalo ni Stephen habang nakangiting asong bumabaling sa akin. Nilapit niya pa ang nguso niya kaya mabilis ko siyang hinawakan sa mukha at pinaling sa kabilang side. "Nagbibiro lang siya," nahihiya kong sabi kay Kyle. "Hindi kaya." "Hindi, ayos lang. Nagbibiro lang din naman ako kanina," ilang niya tuloy na sagot. "Alin ang biro?" tanong pa ni Stephen. "Na nililigawan ko siya." Turo niya sa akin. Hindi niya ko type? "Buti naman." "Stephen!" Sinuntok ko na siya sa braso na ikinaangal niya. "Kay Raf pa lang mukhang wala na kong laban. Tapos dumagdag ka pa," pabiro niyang kwento na sabay naming ikinatingin ni Stephen. Nawala agad ang ngiti sa labi niya at nagseryoso pagkarinig sa pangalan ni Raf. "Mauna na ko sa inyo. Aayain sana kitang kumain sa baba kaso mukhang tapos na kayo," paalam niya. Bakit niya ba 'yon sinabi? Siya itong hindi namamansin nang ilang araw tapos ganyan ang sasabihin niya... Samantalang kung nilandi niya naman ako sasagutin ko siya agad. "Bakit kilala niya si Raf?" "Magkaibigan sila. Si Raf nga mismo ang nagreto sa kanya sa akin tapos gano'n ang sasabihin niya. Hay, kagulo niyong mga lalaki," asar kong sagot habang pumapasok. "Bakit ba ganyan 'yang reaction mo? Type mo ba 'yon?" "Dati, ngayon hindi na," mataray kong sagot. "Mukhang kailangan ko na ring lumipat dito." Sumaldak siya ng higa sa couch ko sabay ngisi. "Wala ng bakante." "Dito. Sasamahan kita para walang makaagaw sa'yo." "Stephen, umuwi ka na." "Nagbago na ang isip ko." Napatingin ako sa kanya dahil sa seryoso niyang pagtayo. Lumapit siya sa akin at bigla na lang akong hinila palapit sa kanya. Parang pinapalo na nang malakas ngayon itong dibdib ko. Kabog nang kabog na lalong nagpapakaba sa akin. "A-ano bang ginagawa mo? Umuwi ka na nga, Stephen." Maagap ko siyang hinawakan sa dibdib para mailayo sa akin pero mas malakas siya. "Nagbago na ang isip ko..." ulit niya habang nakatitig sa mga mata ko. Hinalikan niya ko nang malambing saka ngumiti nang maganda. "Aangkinin na kita ngayon," bulong niya kasabay ng paghalik sa leeg ko. Tinulak ko siya pero nanghihina ako. Napaatras ako sa temptasyon at pilit na kumawala sa yakap niya. "Stephen," paos kong tawag sa pangalan niya. Hindi pa rin siya kumikibo. Isinandal niya ko sa pader at muling kinulong sa pagitan ng mga bisig niya. "Umuwi ka na, Stephen," huling salita ko bago niya angkinin ulit ang mga labi ko. Kabang-kaba na ko ngayon at hinang-hina. Sinapo niya ko sa bewang at biglang binuhat papasok ng kwarto ko. Hindi niya inaalis ang mga tingin niya sa mga mata ko na para bang may majika siyang ipinapasok sa isipan ko. Ngayon, ayoko na siyang tumigil. Niyakap ko rin siya nang mahigpit habang hinahalikan niya ko nang madiin. Hindi ko na alam kung gaano kami katagal na naghahalikan dito. Parehas na kaming hingal na magkatitigan ngayon. "Na-miss kita nang sobra," hingal niyang sabi habang pinagdidikit ang mga nuo namin. "Pwede mo bang sabihin na na-miss mo rin ako kahit kasinungalingan lang?" Nagmamakaawa ang mga mata niya kaya napapikit ako. Hindi ako sumagot at bumalik ng halik sa labi niya. Sa sobrang sarap ng paghalik niya ay hindi ko na napansin ang pagtanggal niya sa blouse ko. Pinigilan ko agad ang kamay niya nang hawakan niya ko sa dibdib. "Sorry..." Dismayado ang tono niya pero nirespeto niya ko. Bumalik siya sa paghalik sa labi ko at—"Sino 'yon?" Baling niya sa likurang pinto. Siya ang tumayo para buksan ang pinto na sinundan ko naman habang nagbobotones ng blouse. "Kyle." Hingal pa rin ang tono ni Stephen kaya nahihiya akong lumapit. Gulo-gulo pa ang buhok niya dahil sa paglaro ko doon kanina. Bigla akong nahiya para sa sarili ko. "Inaya ko silang mag-inuman dito. Nasan na si Lory?" Rinig kong masayang sabi ni Kyle. Sila? Napaatras ako at mabilis na inayos ang damit nang maunang pumasok si Raf, seryoso ang mukha na sinusundan naman nina Pia at Kyle. "Hi," bati ni Pia. "Ha-Hi," ilang kong bati pabalik habang nakataas ang kamay. Minostrahan ko si Stephen na iayos ang buhok na mukhang napansin ni Kyle. "Nakaabala ba kami?" pabiro niyang tanong. "H-hindi, ah. Pauwi na nga sana siya." Turo ko kay Stephen. "Ganyan na pala ngayon ang tamang pagbobotones ng damit," sarkastiko namang sabat ni Raf habang abala sa paglalabas ng beer sa plastic kaya napatingin ako sa damit ko. Hindi 'yon pantay kaya mabilis akong napapikit at kunyaring tumawa na lang. "Fashion 'to ngayon," sagot ko sabay pose. "Okay lang ba na dito na lang tayo uminom? Pwede namang sa condo ko sa kabila." "Kyle, dito na lang para hindi ka na maglinis bukas. Busy ka pa naman lagi," sagot sa kanya ni Raf na akala mo bahay niya 'to. Hindi ko na lang pinansin at naupo ako sa tabi ni Stephen. "Nakabalik na pala kayo, 'no?" Baling ko kay Pia. "Mukha bang hindi pa?" sarkastiko na namang sabat ni Raf kaya napakagat na ko ng labi sa pagkapikon. "'Wag niyo na lang siyang pansinin. Kanina pa kasi siya badtrip," paliwanag ni Pia. "Kailan ba siyang hindi na badtrip?" "Stephen." Sabay kami ni Pia kaya napatingin ako sa kanya. "Uminom na lang tayo." Si Kyle na ang abala ngayon sa pagbubukas ng mga alak. "May mga niluto ako kanina diyan. Pwede natin idagdag dito." Tumayo ako at kunyaring ngumiti kahit na noong tumingin si Raf. Nakakapikon din pala siya. Kung nag-away sila ni Pia, 'wag niya kong idamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD