CHAPTER 8 - BEER

1722 Words
"Edi payag na lahat sa kasal niyo?" tanong ni Kyle. Kanina pa ko napapaisip kung bakit ba dito pa sila nag-inuman? Hello! Ako kaya ang dating asawa niyan! Tapos ipamumukha pa nila sa akin 'yang pag-aayos ng kasal nila. "Tama na, nakakatatlo ka na." Biglang agaw ni Stephen sa iniinom ko kaya tinignan ko siya nang masama. "Okay, last na 'to." Tagumpay akong ngumiti at nakipag-cheers sa kanya. "Hindi ko nga alam na sobrang dami pa lang inaayos kapag kinakasal. Minsan nakaka-stress din," masayang kwento ni Pia. Seryoso ko siyang pinanuod habang umiinom ng beer. Maarteng nakataas ang pinky finger niya tuwing hahawak siya sa can. Ang kinis din ng mukha niya, sobrang lambot ng buhok at mukhang lahat ng damit bagay sa kanya. Tama lang pa lang pinagpalit ako ni Raf para sa kanya noong bumalik siya. Hindi na ko ngayon nagtataka kung bakit hindi ko siya nagawang palitan sa puso ni Raf. Kasi walang-wala ako kumpara sa kanya. "Oh? Lory? Bakit umiiyak ka?" Nanlaki ang mata ko nang matauhan. Tinignan ko agad si Kyle at umiling-iling habang nagpupunas ng luha. "Napuwing ka ba?" Tinignan ako ni Stephen at kunyaring hinipan ang mata kahit alam kong, alam niya kung bakit ako umiiyak ngayon. "Tumigil ka na kasi sa pag-inom. Lasing ka na." Lahat kami ay napalundag sa pagkakaupo dahil sa malakas na paglapag ni Raf ng beer sa lamesa. "Sisirain mo ba 'yung lamesa ko?" angal ko. "Sorry, may yelo kasi sa ilalim," seryoso niyang sagot. "Pwede ko naman 'tong palitan kung masira ko man." "Hindi lahat ng nasisira, napapalitan, Raf," inis kong sagot na akala mo ay napakagaling ko. Siniko ako ni Stephen at minostra ang mukha ni Pia. "Bigay 'yan sa akin ni Stephen. Kaya hindi mo pwedeng sirain ang mesa ko," mabilis kong bawi. "Pero f–" "Kyle, hindi ako makapaniwalang kakilala mo rin sila," maagap na sabat ni Stephen sa kanya. Kasama kasi 'tong lamesa sa freebies ng condo kaya alam ni Kyle na nagsisinungaling ako. Lumagok na lang ulit ako ng beer at pasimpleng sumulyap kina Pia at Raf. Hindi naman sila nakakatuwang kainuman. Bukod sa may sariling mundo si Raf, itong si Pia naman ay puro kayabangan lang sa buhay ang kwento. Oo na, kahit isaksak niya nang isaksak sa akin kung gaano siya kaganda, kayaman at ka-successful ay hindi na tatalab. Kasi tanggap ko na, manhid na nga ako at isang pitik niya na lang ay tutumba na. Sino nga ba ko? Isang babae na mas inuna ang kalandian kesa sa pangarap. Nagpakasal sa isang lalaki na kahit kailan hindi siya natutunang mahalin. Iniwan ang ex niyang mahal siya at nagparamdam sana sa kanya kung paano maging totoong maligaya. Nakapagtrabaho rin sana kung hindi lang siya malandi, malandi, malandi! "Hindi pa ba kayo uuwi? Lasing na lasing na si Lory." Yumakap lang ako nang mahigpit kay Stephen dahil sa sobrang ginaw. "Paano ba 'to?" Parang nalilitong tingin naman ni Kyle. "Lasing na rin si Raf. Hindi ko siya kayang buhatin mag-isa." "Tutulungan kita. Saan ba kayo naka-park?" Baling ni Stephen kay Pia habang tumatayo. Isinandal niya ko sa upuan at pinanuod ko naman sila. "Malayo, e. Tatawag na lang muna ko ng taxi." "Madaling araw na. Bakit hindi na lang kayo makitulog kay Kyle?" "Oo nga, Pia. Okay lang naman sa akin," maagap na aya ni Kyle. Peke siyang ngumiti na parang ayaw niyang makitulog. "May maaga kasi akong meeting mamaya. Hindi ako pwedeng mag-stay dito," alangan niyang sagot. "Eh, iwan mo na lang 'to sa akin. Doon na siya matulog." Turo ni Kyle kay Raf. Hindi pa rin siya gumagalaw. Nakaunan lang siya sa mesa na para bang wala ng buhay. "Raf, honey," malambing niyang tawag kay Raf. Umupo siya ulit sa sofa at marahan na tinapik ang asawa ko—este ang ex ko. Tama, ex ko na lang siya. Siya na ngayon ang future ko. Nakangiti kong baling kay Stephen. Hilong-hilo na ko kaya naman hinayaan ko na lang sila. Pinikit ko na ang mga mata ko para makapagpahinga. "Stephen." Malakas kong pinalo ang kamay niya nang maramdaman kong hawakan niya ko sa balikat habang hinahalikan sa leeg. "Nahihilo ko. Susukahan kita diyan," banta ko sa hindi niya paghinto. Marahas niya pa kong hinalikan sa labi kaya naman naalimpungatan na ko. Dinilat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang kesame ng kwarto ko. Madilim at parang gumagalaw ang paligid. Bumaling siya ng masarap na paghalik sa leeg ko kaya naman ininda ko 'yon. Napayakap ako sa ulo niya habang sabusabunot ang kanyang buhok. "Stephen," angal ko sa sarap na binibigay niya. Tumigil siyang bigla kaya nabitin ako at napabusangot. Kagat labi kong ginalaw ang kamay ko pababa sa katawan niya. Hubad na siya kaya naman nararamdaman ko ngayon ang init ng katawan niya. Ang sarap hawakan na para bang nakakapaso. Kusa akong naghubad. Ewan ko, hindi ko na talaga ma-control ang sarili ko at mukhang nasasapian na naman ako ng kalandian. At natigilan nang bigla siyang dumagan at yumakap lang. Dismayado ako. Mukhang nakatulog na siya ngayon kung kailan nakahubad na ko. Napabuntong hininga na lang ako at nilaro ang buhok niya habang nakasiksik siya sa leeg ko. "Stephen," mahina kong tawag sa kanya pero hindi na talaga siya sumasagot. Bumalik na lang ako ng titig sa kesame. Napapaisip ako ngayon sa mga bagay-bagay. "Kung hindi sana kita iniwan dati, kasal na rin kaya tayo? May anak at masaya?" Heto na naman ang pagkirot ng puso ko. Kusang tumutulo ang luha ko sa sobrang sakit. Na hanggang ngayon ay iniinda ko pa rin. Naramdaman kong kumislot siya nang umiyak ako nang malakas. Kahit hindi ko kita ang mukha niya. Alam kong nakatitig siya ngayon sa mukha ko kaya mabilis akong nagpunas ng luha. "Sorry, nakasanayan ko na kasing umiyak," inis kong bulong habang pilit na tumitigil. "Kung totoo ngang handa mo kong mahalin pa rin nang buo. . .pumapayag na kong maging tayo ulit..." Bigla niya kong hinalikan ulit nang madiin. Lumaban ako sa paghalik niya at hinayaan siyang gawin ngayon ang gusto niya. Pumikit lang ako habang siya naman ay hawak nang mahigpit ang dalawang kamay ko sa gilid. "Ahhh..." Mas hinigpitan ko pa ang kapit sa kamay niya nang magsimula na siyang pumasok. Bumalik siya ng halik sa labi ko at mabilis na naglabas pasok na ininda ko. Hindi ko na kinaya kaya naman bumitaw na ko sa kapit niya at mahigpit na siyang niyakap. "Stephen, t-teka lang," paos kong angal nang may maramdaman akong kakaiba. Huminto siya sa paggalaw at mahigpit ding yumakap sa akin. May naramdaman akong mainit na pumasok sa akin. Hinalikan niya kong muli sa labi at saka natulog sa balikat ko. Nanaginip ako, may hawak akong bata at masaya kaming tumatakbo sa tabing dagat. Tinawag niya kong mommy kaya huminto raw ako sa pagtakbo at nakangiting bumaling sa kanya. Masaya ko sa panaginip ko at malungkot naman akong gumising sa realidad. Pagmulat ko ng mga mata, wala na siya sa tabi ko at mabilis akong bumangon dahil sa masarap na amoy na nanggagaling sa kusina. Biglang kumulo ang tiyan ko. Pinulot ko ang isang puting t-shirt sa lapag at 'yon ang ginamit ko muna papuntang kusina. Masaya ko siyang niyakap mula sa likuran at kinulit agad dahil sa niluluto niyang umagahan. "Wow, mukhang masarap," hangang-hanga kong sabi. "Hindi lang 'yan mukhang masarap. Masarap talaga 'yan," seryoso niyang sagot na nagpatigil sa akin. Para kong iniwan ng kaluluwa ko. Nakayakap pa rin ako sa kanya habang dahan-dahang bumabaling ng tingin sa mukha niya. "Raf," bigkas ko. "Oh? Kilala mo pala ko?" sarkastiko niyang sagot. "Akala ko Stephen na ang bago kong pangalan." Ngumisi siya at muling bumaling sa niluluto. Nanikip bigla ang dibdib ko. Hindi ako makahinga habang papaatras na umaalis sa pagkakayap sa kanya. "Bakit wala kang suot?" mabagal kong tanong sa pagkagulat. "Naka-boxer ako." Humarap siya sa akin na may nginunguya. "I mean," sagot ko sabay mostra sa itaas niya. Mahina niya kong tinawanan na may pagkasarkastiko. "Kanino ba 'yang suot mo?" Tinignan ko agad 'yung malaking t-shirt kong suot. Tinuro ko 'yon at gulat na gulat pa ring bumaling sa kanya. "Ano?" masungit niyang tanong habang naghahain na. Napalunok ako nang malalim at nanigas sa kinatatayuan ko. "I-ikaw... Ikaw 'yung kagabi?!" napagtanto kong sigaw habang nakaturo sa kanya. Tumingin siya sa paligid kaya nadamay ako. Kabado rin akong lumingon para hanapin si Stephen. "May ibang tao pa ba dito?" sarkastiko na naman niyang sagot. "Si Stephen? Nasan siya?" inis kong tanong. "Pwede ba lubayan mo na 'yung kakatawag sa pangalan na 'yan? Nakakarinde." Wala siyang pakialam at naupo lang sa harapan ng lamesa. "Bakit ba nandito ka?!" "Bago ka sumigaw. Pakainin mo muna ko. Kanina pa ko nagugutom." "Bahay ko 'to." Inis kong lapit sa kanya. "Hmmm, sige lang." Hindi niya ko pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. "Bakit ikaw lang ang nandito? Nasan sila?" "Malay ko. Bakit ba tanong ka ng tanong?" Inis niyang baling sa akin. Magsasalita pa sana ko pero bigla niya na lang akong hinalikan at isinalin sa bibig ko ang kinakain niya. Natahimik ako at naupo ulit siya para kumain. "Imposible namang iniwan nila tayo dito." Nanghihina na kong naupo sa tabi niya. "112203." "Ano?" "112203. Password mo kaya ako nakapasok." Seryoso niyang harap sa akin. "Paano mo nalaman?" "Birthday mo, birthday ko at anniversary natin." "Bakit ka pumasok? Trespassing 'yon." "Saan ba ko pumasok?" Ngumisi siya kaya pikon na kong tumayo sabay sampal nang malakas sa mukha niya. "Sorry, nabigla lang ako." Gulat kong hawak sa mukha niya. "Nananakit ka na ngayon?" "Hindi mo kasi dapat ginawa 'yon!" naiiyak kong sigaw. "Ginusto mo rin naman, 'di ba?" Tumayo na siya kaya napaatras ako. Siya pa ngayon ang may ganang magalit. Para niya ko nitong ginagawang laruan. "Alam mo ba? Nag-iba na ang tingin ko sa'yo. Iba ka na..." Umiiyak ko siyang tinalikuran at huminto paglayo para harapin siya ulit. "Please lang, Raf. 'Wag ka na ulit magpapakita sa akin. Nakuha mo na ang gusto mo. Limang taon kitang tiniis." "Minahal mo ko. Hindi pagtitiis ang tawag do'n." "Oo, minahal kita at mahal pa rin kita pero mali na 'to!" inis kong sigaw. "Ibinigay ko lahat ng gusto mo. Nakipag-divorce ako para sumaya ka! Para maging masaya na kayo ni Pia tapos gagawin mo sa akin 'to ngayon?! Ano bang isip meron ka?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD