"Salamat sa pagpresinta, ha?" Ngiti ko kay Kyle na may buhat na mga pintura.
"No problem. Boring din naman sa bahay," nakangiti niyang sagot.
"Saan mo muna 'to ipapalagay?" Sabay naming nilingon si Raf. Sa totoo lang, hindi ko naman siya dito pinatutulong pero nandito siya ngayon. Sabi niya sinabihan daw siya ni Kyle pero ito namang si Kyle, nagtataka rin kung bakit nandito siya. Hindi niya naman daw sinabihan si Raf.
Ang gulo nilang dalawa. Pero ayos na rin dahil mabilis mayayari ang pagpipintura ko dito.
"Doon na lang," sagot ko sabay turo sa isang gilid.
"Gusto mo ba ng ganitong design? Uso 'to ngayon. Lalagyan lang natin ng tape tapos ang ganda na ng kalalabasan." Pagpapakita ni Kyle sa akin ng isang design galing sa tablet niya.
"Mukhang maganda kaso matrabaho." Tinignan ko siya na nakangiti lang sa akin.
"Okay lang 'yan. At least, maganda."
Napapakabog niya talaga 'tong dibdib ko. Ang lambing ng tingin niya sa akin ngayon na para bang ako ang sinabihan niya ng maganda.
Gusto kong sampalin ang sarili ko para magising sa katotohanan.
"Isa lang ba 'to?"
"Aray!" angal ko kay Raf noong tamaan niya ko sa kinuha niyang roller kay Kyle.
"Ahm, sorry?" May pagkasarkastiko 'yon kaya napairap ako. Ano bang problema niya?!
"Pakita nga? Namumula ba?" Nag-aalalang tingin ni Kyle kaya napangiti ako. Okay na pala, Raf. Bati na tayo kasi ang galing mo pa lang third wheel.
Kinikilig ako habang tinitignan niyang maigi ang pisngi ko. Ang lapit niya...
"Paano tayo matatapos kung simpleng ganyan lang iniinda mo?" sabat ni Raf kaya napakunot ulit ako ng nuo.
"Mukhang hindi naman magpapasa." Bumitiw na si Kyle sa pisngi ko. "Tara ng magkulay," nakangiti niyang aya.
Inabot niya sa akin ang mga dyaryo na ilalatag at siya naman ang kumuha sa tape.
"Dito mo ilagay," utos niya na mabilis kong sinunod. Hinawakan ko nang maigi ang dyaryo habang nakatitig sa kanya na seryosong pinapantay ang pagte-tape.
"Ako na diyan. Ikaw ang mag-asikaso sa gamit mo." Biglang agaw sa akin ni Raf sa dyaryo.
Tinignan ko siya nang masama pero mas masama ang binalik niyang tingin kaya umirap na lang ako.
Masama ang loob ko habang naglalagay ng gamit sa kahon. Hindi nila ko pinapansin at seryoso lang din doon.
"Raf, hindi ka ba hahanapin ni Pia?" tanong ko na para mawala na siya dito.
"Hindi, nagpaalam akong pupunta dito kay Kyle," abala niyang sagot.
"Lory, pwede mo bang hawakan dito?"
Mabilis pa sa kidlat akong pumunta kay Kyle. Napangiti ako nang hawakan niya ang kamay ko para ipakat sa hawak niyang tape kanina. Ang bango niya kahit na mukhang pawis na sa pagte-tape ng pader.
"Hayaan mo lang, ah," utos niya ulit habang lumalayo na at hinihila ang tape sa kabilang pwesto.
Tinitigan ko lang siya. Talaga kasing natutuwa na ko sa kanya. Simula noong malaman kong ayos lang sa kanya na kasal na ko dati. Nawala 'yung ibang pangamba ko. Na para bang nagkaroon ulit ako ng pagkakataon na magkagusto ulit. And this time, nararamdaman ko namang may pag-asa kami.
"Ako na dito. Ikuha mo ko ng tubig."
"Bakit hindi na lang ikaw ang kumuha?" mahinang sagot ko kay Raf.
"Bahay ko ba 'to?" angal niya.
"Bakit nagtatalo na naman kayo? Lory, ayos na. Pwede mo nang bitawan." Lapit sa amin ni Kyle.
"Ikuha mo na ko."
"Hay, bakit ba panay ang utos mo? Pwede namang ikaw na lang ang kumuha."
"Lory, pwedeng makahingi ng tubig?" "Oo naman! Sandali lang!" Mabilis kong ngiti kay Kyle.
Tumakbo agad ako sa kusina at kumuha ng dalawang tubig.
"Thank you."
"Oh." Abot ko rin kay Raf.
"Hindi na, okay na ko." Tumalikod siya na parang nagtampo pa. Parang bata.
"Gusto mo ng juice?" Baling ko ulit kay Kyle.
"Hindi na, pagkayari na lang natin dito."
"Okay." Kinuha ko na rin ang baso niya at nakangiting pinagmasdan siya mula sa kusina.
Pwede na, 'yung tindig niya, pananamit at ugali. Pasok talaga siya sa mga tipo ko.
Maaga kaming nayari kasi ang bilis kumilos ni Raf. Gusto ko pa sanang gabihin si Kyle dito para ayaing maghapunan kaso masyadong pabibo 'yung isang bata.
"Bakit ganyan kang makatingin? May dumi ba ko sa mukha?"
"Wala, salamat sa pagtulong," sagot ko kay Raf.
"Ahm, Lory, mauna na kong umalis. Tinawagan ako ng manager ko sa office. May biglaan pa kong kailangang tapusin," alangan na paalam ni Kyle kaya napabusangot ako.
"Agad-agad? Nagluto pa naman ako ng pagkain."
"Sorry talaga. Next time na lang."
"Ipagbabalot na lang kita."
"Hindi na, hindi ko rin naman makakain. Kailangan ko na talagang umalis." Nagmamadali na talaga siya. Nagsapatos na ulit siya at nakangiting nagpapaalam sa gawing pinto.
"Salamat ulit," huling sabi ko bago siya kumaway palabas.
Nakakadismaya na hindi ko man lang siya na-solo ngayong araw. Kaya ko pa naman naisipang magkulay ay para maka-bonding ko siya.
"Busy siyang tao kaya 'wag ka gaanong mag-expect," biglang salita ni Raf habang kumakain sa kusina na ikinatingin ko.
Nakabuntong hininga akong naupo sa katapat niyang bangko at nagpalumbaba.
"Hindi ka paba hinahanap ni Pia?" bored kong tanong.
"Sinabi ko na sa'yo, nagpaalam ako sa kanyang pupunta sa bahay ni Kyle."
"Mukha bang bahay 'to ni Kyle?" sarkastiko kong balik sabay taas ng kilay.
Huminto siya sa pagkain kasabay ng pagtingin sa akin nang matalim.
"Bakit ba kanina mo pa ko pinapaalis? Ako na nga 'tong tumutulong sa'yo. Tingnan mo, ang dami pang buhatin na gamit. Kaya mo bang mag-isa 'yan?" Umirap siya at muling kumain.
"Hay, bahala ka," inis kong usal.
Pagod akong sumandal at pinagmasdan siyang kumain sa harapan ko.
FLASHBACK
"Nasarapan mo ba?" kabado kong tanong habang nakahawak nang mahigpit sa sandok.
"Pwede na. Masarap naman," parang alangan niyang sagot.
"Sa susunod pag-aaralan ko pa 'yang iluto."
"Pwede naman tayong kumuha ng kasambahay. Hindi mo kailangang gawin ang lahat," cold niyang sagot.
"Ayoko, dalawa lang naman tayo. Gusto kong ako lang ang mag-aasikaso sa'yo."
"Bahala ka. Basta't 'wag kang magsusumbong kila tita na pinapagod kita, ah," pabiro niyang sabi habang tumatayo na.
"Mukhang hindi mo talaga nagustuhan," nakabusangot kong bulong nang nakatingin sa kanya.
Ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay kong may sandok. Inilapag niya 'yon sa lamesa kasabay ng paghalik sa akin.
"Safe ka ngayon, 'di ba?" mapang-akit niyang bulong sa tainga ko. Lagi lang ako tumatango sa kanya kasi mas kabisado niya ko kaysa sa sarili ko.
At kung may pag-asa mang magkamali siya, sana, sana ay may mabuo na sa loob ko.
Binuhat niya ko papanik sa kwarto. Lagi ko lang siyang sinusunod sa kung ano mang iuutos niya sa akin. Siya kasi ang una ko, siya naman ay si Pia. Bihasa na siya sa ganitong bagay kaya naman tigasunod lang ako.
Minsan kapag lasing siya. Pia ang pangalan na nababanggit niya na tinitiis kong 'wag pansinin. Kasi sa isip ko ay ayos lang dahil sa akin naman na siya. Asawa ko na siya at hindi na maaagaw ng kahit na sino.
END OF FLASHBACK
"Ayos na, maraming salamat," nakangiti kong sabi bago tingnan ang kabuuan ng condo ko. Ang ganda at talagang bumagay ang kulay pink na kulay.
"Hindi ba purple ang paborito mo?" nakaupo niyang tanong habang nakatingin sa akin.
"Hindi, pink ang paborito ko."
"Pero dati puro purple ang gamit mo."
"Kasi puro purple ang binibili mo sa akin," pabiro kong sagot at hindi na inungkat pa na si Pia ang may paborito sa kulay na 'yon.
Ngumiti na lang ako sa kabila ng pagkirot ulit ng puso ko.
"Uuwi na ko. I-lock mo na 'tong pinto."
"Sige, salamat ulit." Sumunod ako palabas ng pinto.
"Ayos naman 'tong condo mo kaso lang hindi gaanong secured. Kaya 'wag kang basta-basta nagtitiwala."
"Ha?"
"Ang ibig kong sabihin, 'wag kang magpapapasok ng kung sino-sino diyan," masungit niyang sagot.
Tumango na lang ako at hindi na sumagot pa. Nakangiti siyang kumaway palayo at naglakad nang nakapamulsa.
Ibang klase talaga siya.
Ilang araw ko rin siyang hindi nakita. Ang balita ko ay nagbakasyon silang dalawa ni Pia sa probinsya. At si Kyle naman, totoo ngang busy siyang tao. Bihira ko lang siyang makasalubong sa building. Kung hindi siya nagmamadali, minsan naman ay lutang. Mahirap siguro talaga ang trabaho niya.
Sayang lang dahil type ko pa naman siya.
Minsan naghihintay ako sa tapat ng pinto kunyari ay magpapapansin ako sa kanya. Para kong timang kaya ilang araw lang din ay sumuko na ko. Kasi kung gusto niya ko, gagawa naman siguro siya ng time para sa akin, right?
Bumalik na lang ako sa dating gawi ko. Gising, ligo, mag-ayos ng sarili, kain, pasok sa trabaho, kain sa night market, uwi sa condo at tulog. Ganyan lang, paikot-ikot lang ang naging buhay ko.
"Totoo nga pa lang dito kita makikita," ubos pasensyang sabi ni Stephen. Nakapamewang siya ngayon sa harapan ko kaya naman muntik ko ng maibuga ang iniinom ko ngayon dito sa night market.
"Stephen!" Nakangiti ko siyang nilapitan. "Gusto mo?" Alok ko sa iniinom kong shake.
"Mag-usap tayo." Seryoso ang mukha niya kaya napaatras ako nang konti.