Kanina pa siya cold. Hindi ko maiwasang mag-alala para sa aming dalawa. Sa tingin ko, nagtatampo pa rin siya at umiiwas kahit pa hindi ko gaanong pinansin kanina si Stephen sa hospital. Patuloy lang siya sa pagmamaneho, walang lingon-lingon sa akin basta diretso lang ang tingin niya sa daan. "Naiihi ako." Papansin ko. Hindi siya kumibo pero niliko niya ang sasakyan sa isang gasolinahan. Nakakainis, ganyan na naman ang pakikitungo niya sa akin. Mas mabuti pa yatang wala akong naaalala, hindi ako nasasaktan nang ganito. "Bilisan mo para hindi tayo gabihin." Nakabusangot akong lumabas ng kotse. Ang seryo-seryoso niya. Alas-sais na noong makauwi kami sa bahay. Ako ang unang bumaba, kunyari ay hindi ko pa ito nakikita sa buong buhay ko. "Nagandahan mo ba?" "Maganda." Humarap ako sa kany