CHAPTER 5 - BLIND DATE

1603 Words
"At ano pa bang gusto mong sabihin ko? Nag-usap na tayo noong nakaraan," ilang kong sagot habang umiiwas ng tingin. "Hindi naman sa nangingialam ako sa'yo." Ano pa ba sa tingin niya ang ginagawa niya lagi? "Pero kung gusto mo." Huminto siya at nakangiting tumitig sa akin. "Kung gusto mo lang naman, hindi kita pipilitin." "Ano ba 'yon?" kunot nuo kong tanong. "May kaibigan akong pwedeng ipakilala sa'yo. Mabait siya at kilala ko na nang matagal kaya alam kong mapagkakatiwalaan. Ipapakilala kita." Parang wala lang talaga sa kanya. Ang sakit. May gumuhit na naman na matalim sa puso ko. "Ang gusto ko lang naman ay maging masaya ka na rin kasi masaya na ko," malambing niyang sagot sa pagtingin ko sa kanya nang seryoso. Niyakap niya ko nang mahigpit na nagpatulo sa luha ko. Kinagat ko agad ang labi ko para hindi ako makagawa ng ingay. Mabilis kong pinunasan ang luha at tinalikuran siya pagkaalis niya ng yakap. "Sige," sagot ko na lang para matapos na. Sinigurado kong wala ng luha bago ako humarap nang nakangiti. "Sa sabado kamo. I-text mo na lang ako kapag pumayag siya," lakas loob kong sabi. Kumapit ako nang mahigpit sa hawakan ng MRT habang nakatitig sa daan. Iniisip kung bakit ko ba 'yon sinangayunan. Nababaliw na nga yata ako. Ang sakit-sakit na wala talaga siyang pakialam sa nararamdaman ko. Alam niyang mahal ko siya pero pinamimigay niya ko sa ibang lalaki. Ayoko ng umiyak. Sawang-sawa na ko. Sawang-sawa na kong magmukhang tanga sa harapan ng maraming tao tulad ngayon. Panay na ang tinginan nila sa akin dahil hindi ko na napigilan ang bugso ng damdamin ko. Malakas na ang pag-iyak ko at awang-awa na sila sa akin. "Panyo." Abot ng isang lalaki. Kinuha ko agad 'yon nang hindi man lang tumitingin sa kanya. Naramdaman ko ang pagharang niya sa akin para hindi na ko pagtinginan pa ng iba. Kaya naman hindi ko maiwasang tingnan siya. Halos mabuwal ako dahil sa itsura niya. Matangkad, gwapo at mistiso. Napakamalas ko naman! Pakiramdam ko ngayon ay gusto ko nang bumaon sa lupa. Sumulyap siya sa akin kaya mabilis akong umiwas ng tingin. "Salamat." Nahihiya kong tinaas ang kamay ko na may hawak na panyo. "Hindi na, sa'yo na 'yan," nakangiti niyang sagot. Siya ang unang bumaba sa MRT na saktong doon din ang babaan ko. Hindi ko maiwasang sundan siya ng tingin habang naglalakad pababa. "Sinusundan mo ba ko?" Humarap siya at huminto naman ako sa paglakad. Mabilis akong umiling na tinawanan niya. "Hindi? Pero papasok na ko sa condo ko." Turo niya sa isang building. "Ahm, diyan din kasi ko nakatira." Alangan kong turo. Pero totoo nga! Doon din ako nakatira kaya nga nagulat akong doon din siya papunta. "Ah, talaga ba? Sorry, akala ko talagang gusto mo pang ibalik 'yang panyo." Ngumiti na lang ako at nagpaalam. Titingin-tingin siya sa aking sumabay na parang gustong matawa. "Okay kana ba?" tanong niya pagkapasok namin sa elevator. "Salamat," matipid kong sagot habang nakangiti. "Dito ka rin?" Parehas na kaming namangha. "Saan ka dito?" lumalakad niyang tanong. Huminto ako sa tapat ng condo ko sabay turo sa pinto. "Dito." "Talaga ba? Dito naman ako." Turo niya sa katapat kong pinto. "Kyle nga pala ang pangalan ko, neighbor," pabiro niyang sabi sabay kindat. Natawa na lang din ako at nakipagkamay sa kanya. "Lory," pakilala ko. "Ibig sabihin pala, pwede ko pa sa'yo itong maisoli. Lalaban ko lang tapos kakatukin kita." "No need." "Hindi na, malas daw na tumatanggap ng panyo." Nakangiti akong pumasok at hindi na hinintay ang susunod niyang sasabihin. Pagkapasok, hindi ko maiwasang mangiti sa nangyari. Destiny ba ang tawag doon? Siya na ba? Kinabukasan ay maaga kong gumising para tingnan kung tuyo na ang panyo niya. Syempre gusto kong lagyan 'yon ng pabango tapos pla-plansyahin ko nang hagod na hagod. "Perfect. Dito ka lang, ha? Maliligo lang ako." Kausap ko sa panyo at tuwang-tuwa na tumakbo papasok ng banyo. Gumayak ako ng simple lang. 'Yung tipong pang-girlfriend material kasi malay mo siya na nga, 'di ba? Nagsuot ako ng floral dress at tinernohan ko ng malaking ribbon na clip sa likuran ng buhok ko. Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin. Kakaiba ang nararamdaman ko na feeling ko ay ito na nga. Ito na talaga ang panimula ng bagong buhay ko. Hindi naman siguro masamang mag-try. Nasaktan naman na ko nang ilang beses kaya bakit hindi ko pa subukan, 'di ba? "Hi," pasimple kong bati. Kunyari ay mahinhin ako syempre. "Talagang ibinalik mo pa." Nakatawa siya habang nakatingin sa panyo. "Salamat ulit." "Pasok ka." "Okay lang ba? Hindi ka busy?" "Hindi naman." Simple lang ang design niya sa loob. Plain black and gray ang kulay ng paligid at may isang maliit na halaman sa gilid ng sofa. "Dito ka. Ipaghahanda kita ng meryenda." "H-hindi na! Nakakahiya!" maagap kong angal. "Ang cute mo pala kapag hindi ka umiiyak." Tumibok bigla 'tong puso ko. Napalunok ako nang malalim habang kinikilig na nauupo sa sofa niya. Relax ka lang, Lory. Magpakipot ka naman. Hinainan niya ko ng orange juice at biscuit kaya bigla ko na namang naalala si Raf. Nakakainis na 'yung gumuguhit na matalim sa puso ko. Lagi na lang. "Nakakatuwa na may kakilala na ko dito." Umupo rin siya sa katapat kong pwesto. "Matagal kana ba dito?" Sulyap ko bago kumuha ng biscuit. "Medyo," matipid niyang sagot. "Ikaw? Ngayon lang kita nakita." "Ah, kasi kalilipat ko lang. Nito lang." "Hmmm, kaya pala." Tumango-tango siya. Hindi na rin ako nagtagal sa loob dahil may tumawag sa kanya. Dati niya raw na kaibigan. Mukhang noon nga lang sila nag-usap dahil panay ang tawa niya. Kaya nahiya na ko at nagpaalam na umalis. Ang boring kapag mag-isa ka lang sa bahay. Dati, sobrang busy ko. Linis, luto, laba at ang dami ko talagang ginagawa para matuwa si Raf. Para matutunan niya kong magustuhan kahit hindi muna mahalin. Sabi niya no'n, okay naman daw ako. Hindi ako nagger na asawa at talagang maaasahan. Sa mga gano'ng salitaan niya mas lalo pa kong ginaganahan na gumising at galingan sa pagiging housewife. "Raf, pauwiin mo na lang kaya siya. Parang lalagnatin ako ngayong araw," kunyaring paos kong sagot sa tawag. "Huh? Bakit pupunta ka dito? Parang lang kako! Hindi ako nilalagnat! Hay, oo na, nagkukunyari lang ako. Ha. Ha. Nahuli mo ko. Oo na, pupunta na nga. Eto na, oh. Gagayak na ko," tuloy-tuloy kong sagot sa kanya. Wala akong nagawa kundi magpapadyak na lang sa kama sa sobrang kunsumi. Ayokong pumunta doon lalo na't may nakakuha na sa atensyon ko. Loyal kaya ako. Loyal. Kabado kong pumasok sa pintuan ng isang fastfood chain. Hindi ako nag-ayos para sure na hindi niya ko magugustuhan. Suot ko lang ngayon ay lumang jacket at sweat pants. 'Yung tipong unang kita niya pa lang sa akin ay umay na siya agad. "Dito!" nakangiting sigaw ni Raf habang kumakaway. "Nag-CR lang siya sandali. Maupo kana." Talagang tuwang-tuwa pa siyang ipamigay ang asawa niya. Ah, oo nga pala, ex-wife na lang. "Alam niya bang dati kitang asawa?" "Oo naman, kilala ka niya." "Nakita ko naba siya dati?" gulat kong tanong sabay sandal. "Hindi pa. I mean, naiikwento kita dati sa kanya." "Talaga?" "Hmmm," sagot niya habang nakahigop sa iniinom niyang coke. "Ito nga pala 'yung sa'yo. Nag-order na kami kanina. Kabisado ko naman kung anong gusto mo, e." "Pero totoo nga? Naiikwento mo ko dati sa mga kaibigan mo?" Hindi pa rin ako makapaniwala. "Oo nga, syempre asawa kita," natatawa niyang sagot. "Kung alam niya, bakit payag siyang makipag-date sa akin?" "Dati kasi nabanggit niya sa akin na gusto niya ring makahanap ng katulad mo. Kaya nga siya agad 'yung pumasok sa isip ko para ireto sa'yo." Puso, huminahon ka. Masanay ka na sa minahal mo ha? Wala talaga siyang pakialam sa kung anong mararamdaman mo kaya please lang. Huwag mo kong paiiyakin ngayon sa harapan niya. "Lory," gulat niyang saad. "Kyle!" Napatayo rin ako sa gulat. "Magkakilala na kayo?" tanong naman ni Raf. "Yup, kapitbahay ko siya ngayon. Siya 'yung sinasabi ko sa 'yong cute na babae sa kabilang space." Hindi ko alam kung malas ba ko o swerte. Nakangiti siyang umupo sa tapat ko habang si Raf naman ay parang gulat pa rin hanggang ngayon. Titingin-tingin siya sa aming dalawa na parang hindi makapaniwala. "So, she's your ex-wife, huh?" Baling niya kay Raf. "Hmmm." Ngumiti lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Bahala sila. Hindi na ko makakibo kasi napaka-awkward. Shit! Napatapik ako sa nuo ko na ikinatingin nilang dalawa. Kunyari akong ngumiti at umiling-iling para bumalik na sila sa pagkain. Nakakainis! Ang pangit ng suot ko! "Mukhang wala kang planong makipag-blind date ngayong araw," nakangiting kibo ni Kyle sa akin. Ngumiti lang ako sa kahihiyan at sumubo nang sumubo ng fries. "Kahapon kasi ang ganda ng suot mo ngayon parang kagigising mo lang." Tinawanan niya ko kaya lalo akong nalubog sa kinauupuan ko. "Kahapon?" sabat ni Raf. "Yeah, pumunta siya sa condo kahapon. Hindi ba naikwento ko siya sa'yo?" "Ah, siya ba 'yon?" "Bakit ganyan kang makatingin?" "Wala naman, inaalala ko lang kung sino siya doon sa mga binanggit mo sa akin," biglang prangka niyang sagot kaya napatingin ako sa kanya. "Hey, man. 'Wag mo kong siraan agad sa kanya," maagap na angal ni Kyle habang nakatawa at nakaakbay sa kanya. Sabi niya, mabait 'yon at matino tapos ngayon kung ano-ano naman ang sinasabi niya. "Hindi totoo 'yon, Lory. Nagbibiro lang 'to." "Mukha nga." Kunyari na lang akong tumawa. Sa seryosong mukha na 'yon ni Raf. Hindi talaga siya nagbibiro. Biglang ang sama na naman ng timplada niya. Napaka-moody. Dapat talaga lumayo na ko sa ganyang klaseng tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD